webnovel

Chapter 12

Faris'POV

"Bilisan mo na ngang kumain diyan, maaga tayong magsisimula" saad ni Sky kaya binalingan ko ito ng tingin.

He was staring at me while eating. Napalunok naman ako ng ilang beses at kaagad na umiwas ng tingin.

"O-okay" kinakabahang saad ko at kaagad ring inubos ang mga pagkain na nasa pinggan ko.

Nauna na siyang matapos sa akin kaya mas lalo ko namang binilisan ang pagkain ko. Kasalukuyan kaming kumakain dito sa mansion ng agahan, hindi ko rin alam kung bakit dito pa nagagahan ang lalaking ito. May bahay naman ito

"Slow down, baka mabulunan ka. Bakahal ka, baka mamamatay ka ng maaga" pagkasabi niya niyon kaagad rin namang naubos 'yong pagkain ko kaya napahalakhak ito sa tuwa. "Ang bilis ah"

"Sabi mo eh" sagot ko rito at sabay irapan sa kanya. Naglakad naman ako papunta sa sala, nakita ko ang aking ama na nanunuod ng palabas.

Inistorbo ko naman ito. "Dad, alis na po kami" nakangiting saad ko at hinalikan ito sa pisngi.

"Sige, hija. Mag-ingat kayo. Make sure walang mangyari sa 'yo" aniya kaya tumango naman ako.

"We'll be leaving, tito"

"Sige, hijo. Keep an eye on her" nakita ko namang tumango si Sky kaya lumingon ako kay Daddy.

"Why?" Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Daddy.

"Wala" anito at hinila naman ako ni Sky palabas.

"Sky, what wrong with you?" Litong tanong ko rito at tinaasan siya ng kilay.

Nagkibit balikat lang ito at binuksan 'yong pintuan para papasokin ako, bumunot naman ako ng hininga at kaagad na sumakay rito.

"Ris, let's make a deal" may bahid na ngiti nitong saad sa akin habang nagmamaneho.

"Ris? Sino siya? I'm not Ris. Ako si Faris and not Ris" ani ko rito at tiningnan siya.

Humalakhak ito kaya nangunot ang noo ko.

Totoo naman talagang hindi Ris 'yong pangalan ko eh.

Baka kabit niya si Ris? Pwede rin naman...

"You, you're Faris, Faristair... Ris" natatawang saad nito.

"Oh, making some nickname, huh?" Tanong ko while smirking.

"Tch! Let's make a deal" pag-uulit nito I gasped and looked at him directly to his eyes.

Siya lang talag 'yong taong tinatamad na tawagin ako sa buong pangalan ko. Nakasanayan ko na noon pa man na tawagin akong 'SB', kaya hindi ako sanay na tawagin sa ibang pamamaraan.

Nakarinig ako ng tikhim kaya umiling ako. "What deal?"

"If you can defeat me in our sparring today, we'll do half day for today. Punta tayo sa mall at ililibre kita ng kahit ano at kahit magkano, but if you can't. I'm sorry, but we'll do whole day" nakasmirk na saad nito kaya napataas naman 'yong isang kilay ko. Seryoso? "Deal?"

Napaisip naman ako sa sinasabi nito. Hmm, parang gusto ko rin pumunta sa mall. Ilang araw na rin akong hindi nakapunta ng mall, na miss ko mag malling.

Ano nga ba ang pipiliin ko?

Deal or No deal?

"Deal?" Pag-uulit nito.

"Okay, deal. I guess I'll try, I guess I'll try to defeat you" sagot ko habang nakatungo. "If I can defeat you, walang tanggihan 'yan ha, kahit ano?"

"Yes, anything" nakangiting saad nito. "But that's only if you can defeat me" pag-mamayabang nito habang nakatingin sa daan.

Ang yabang ah? Mabangga ka sana... I mean huwag na lang pala, baka madamay pa ako. Mahirap na, life is precious...

"We'll see" sagot ko. "Basta kahit na million pa 'yong halaga ng gagastosin mo ha?"

"No, I'll only spend up to thousands" napasimangot naman ako habang nakatingin sa kawalan, nakita kong sumulyap ito sa akin at may ngiting gumuhit sa labi niya.

"Million"

"Thousand"

"Million"

"Thousand"

"Million"

"Thousand"

"Akala ko ba kahit magkano at kahit ano?" Inis na usal ko rito.

"Yes, but it's my money" sagot naman nito at napahawak sa sintido niya.

"Tss, No deal" pag-papalit ko.

Wala rin namang silbi kung hanggang thousands lang. Tss, pag-bibili kasi ako aabot talaga sa milyon.

"Fine, million. I'm sure hindi mo rin naman ako matatalo, why do I have to worry?" Saad nito kaya inis ko naman siyang tiningnan. Kalma lang ito na parang wala lang sa kanya 'yong deal namin.

Tss, so arrogant...

"Game" sagot ko rito at kinagat 'yong aking mga daliri ko.

Nagsimula na akong kabahan habang iniisip 'yong sparring namin. Paano ko naman ba ito matatalo, kung mahirap naman ito talonin.

Hindi rin nagtagal dumating na rin kami sa training hall.

After minutes of exercise, mag-sismula na rin 'yong sparring namin kaya naman naghanda na ako habang kaharap siya.

"Game?"

"Game" nakangiting sagot ko at dahan-dahan lumapit sa kanya. Kinakabahan ako at habang dahan-dahan na lumapit ako rito ay mas lalo ring lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Pinatid niya ako ng malakas kaya malakas rin ang aking pagkabagsak sa mat.

Ang sakit ng tiyan ko! Sky naman eh...

Tumayo ako at sinapak siya sa mukha pero nakailag ito at tinamaan niya ng kamao 'yong tiyan ko. Napasalampak naman ako sa sahig at hindi na maiipinta 'yong mukha ko sa sakit.

Gusto ko nang umiyak! Mommy, help me!...

Tinamaan niya ulit ng kamao 'yong tiyan ko at mabilis akong binagsak sa sahig.

"Aray! Ang sakit naman, dahan-dahan lang!" Inis na sigaw ko sa kanya. Habang pinapahiran 'yong aking pawis.

"You're weak, be tough" ani nito at sinapak ako sa ulo. Mabuti na lang ay may suot kaming head gear for protection.

Mabilis kong pinatiran 'yong paa niyo, pero ako 'yong natumaba dahil sa tigas ng pagkakatayo nito.

Ah! Tangina! Ang sakit! Ang tigas...

Naganap na ang tatalong rounds at sa tatlong rounds na iyon ako pa rin ang talo. Sabi ko na nga sa sarili ko, hindi na ako ng mas hihigat pa. Alam ko nang wala na akong laban rito. Feeling ko rin na bugbug sarado na 'yong buong katawan ko.

Magkakapasa ata ako nito bukas. Sana naman hindi...

"Three down, two left" nakangiting saad nito kaya kaagad ko namang siniko 'yong tiyan nito when he bear hugged me.

Napapilipit naman ito sa sakit ng pagkasiko ko sa tiyan niya kaya humalakhak ako ng malakas at binelatan siya.

Kaagad kong pinatid 'yong ilalim nito, kaya napahiga naman ito sa sahig. Huh! Pwede palang gamitin pang self defense 'yong pagpatid sa ilalim? That's cool.

"One down" nakangiting ani ko. Tumayo naman ito at kaagad akong sinugod ng patid. Mabilis akong nakailag rito and I elbow attacked him and I used the back kick.

Napangiti naman ako ng sumalampak siya sa sahig.

Yes! That's great!...

"Yes, so ano? You are defeated. Talo ka palang mayabang ka ah? Hahaha!" Masayang sigaw ko at sumayaw-sayaw sa harapan nito na parang baliw. Binelatan ko naman ito ulit at sabay irap.

Umupo ito ng maayos at ngumiti sa akin.

"You did well" ani nito habang nakahawak sa ilalim niya.

"Masakit ba?" Tanong ko rito. I really felt sorry for him. Masyadong malakas ata 'yong pagpatid ko sa ilaim niya.

"No, slightly. It'll be fine" sagot nito at kaagad na tumayo habang paika-ika na naglakad.

Sinundan ko siya ng tingin ng makatayo na ito, he was walking like he was injured. I really felt sorry for him.

I won! I won! I defeated him! I won!...

"I'm sorry" saad ko rito.

"For?"

"I'm sorry, I kicked it hard. Masakit pa ba? Gusto mo hilutin ko?" Napakurap naman siya ng ilang beses habang nanlaki ang mga mata na nakatingin sa akin. Para itong nakakita ng multo dahil sa panlalaki ng mga mata nito.

Bakit? Pwede naman 'yon hilutin diba?

Lumunok ito. "H-ha?" Nauutal nitong tanong habang nagsisimula nang magpatakan ang pawis nito.

"Sige na, hilutin natin 'yan para mawala 'yong sakit. Diba ganon naman talaga 'yon?"

"Para mawala 'yong sakit, dapat natin itong hilutin. Diba ganon ang ginagawa ng ibang mga tao? So, let me do it. Tutal kasalanan ko rin naman, bakit kasi hindi ka nagsuot ng protection diyan sa pagkalalaki mo? Tss, 'yan tuloy napahamak 'yan... Akin na" pag-papaliwanag ko rito pero lumunok ito ng ilang beses at umiling-iling pa. Hay, baliw nga naman talaga. "Sige na, lumapit ka rito" utos ko sa kanya.

Well, I don't really know kung paano humilot, but I guess susubukan ko na lang. Ako rin naman 'yong may kasalanan. As a way of saying sorry, ako 'yong maghihilot doon.

"Lalapit ka o ako 'yong lalapit sa 'yo?" Hindi pa rin ito kumibo at nakatitig lang ito sa akin habang kumurap-kurap.

Binge ba siya? Bakit hindi niya man lang ako naririnig?...

"Fine, kung ayaw mong lumapit ako na lang ang lalapit sa 'yo. Ma pride ka rin ano? Ikaw na nga 'yong ino-offeran eh. Tatanggi ka pa ba?" inis kong sagot at kaagad na lumapit sa rito.

Hahawakan ko na sana 'yong nasa ilalim nito nang bigla niya akong pigilan. Umatras-atras pa ito papalayo sa akin kaya ako nama'y lapit ng lapit.

"Wait"

"What?" Walang emosyong tanong ko at tinaasan ko pa ito ng isang kilay.

"N-no, wag na.... Okay lang ako, I'm f-fine." kinakabahan saad nito. Nakita kong puno na ng pawis ang buong mukha nito kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Bakit? Masama bang hilutin 'yan?" Nagtatakang tanong ko habang nakatingin rito.

"No... I mean yes... Yes, masamang hilutin ito"

what?...

"Bakit naman? Diba gumagaling 'yan pag hihilutin natin? Sige na, akin na 'yan. Nahihiya ka pa" Nginitian ko lang ito at tuluyan nang lumapit rito.

"No! It won't... Iba kasi to, y-you will have a disease" huminto ako mismo sa harapan nito and I gasped.

Pfft! Disease?...

"What disease?"

"Uhmm... A Laguna Disease" sagot nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Laguna disease? Meron bang gano'n?...

"What kind of disease is that? Laguna is just a place, okay?"

"Ahh... Hmm... It's like a... Hmm, when you touch this...t-the disease will attack... Hmm.. will attack directly to your cells and.. and you'll die just for a second" sagot nito habang nagpapatuloy sa pagpatak ang kanyang pawis. Tumango naman ako kaagad rito.

Kaya pala...

"Okay, ikaw na lang bahala humilut diyan, tutal alam mo naman kung paano, baka magkakaroon pa ako ng disease na 'yan. Life is precious, ayaw ko pang mamatay" sagot ko rito and I slightly smiled at him.

"Pft.. you know how to cuss, but you're so naive" natatawang saad nito at biglaang hinalikan ang noo ko.

Hindi naman ako kaagad nakakibo, dahil nabigla rin ako sa paghalik nito sa aking noo.

Parang tumigil ang oras, ang panahon, at ang buong paligid at tanging ang halik lang nito ang aking nararamdaman na mukhang nakadikit lang sa aking noo.

Nag-angat ako ng tingin para tingnan ito, pero ngumiti lang ito sa akin na parang wala lang sa kanya ang ginagawa nito kanina.

What just happened?

"Alis muna ako" pag-papaalam nito at mabilis naman akong bumalik sa aking pagkatunganga.

"Where a-are you going?" Tanong ko ng magsimula na itong maglakad.

"I'm going to the CR, just wait me outside" sambit nito kaya tumango lang ako ng lumalayo na ito sa akin.

Kaagad akong pumasok sa sasakyan at hinintay itong bumalik.

What's that kiss for?

Skyler's POV

Pagkapasok ko ng CR, humarap ako sa salamin at napahilamos na lamang sa aking mukha.

"Ano ba 'yong ginawa ko?" I whispered to myself and I looked to myself from the mirror. Bumuntong-hininga ako at sumandal sa lababo.

Why did I kissed her forehead? Hindi naman siguro 'yon big deal diba? Yeah, it's not a big deal.

Pero ang cute niya kasi tignana eh. She's naive hindi niya alam kung ano 'yong mga sinasabi niya. Like... Like she's new to the world.

Like... Like.. gusto niyang hilutin 'yong pagkalalaki ko.

Damn her! She's turning me on.

Napayuko na lamang ako ng maisip ko ang sinasabi ni Faris, she's spoiled, she's rude, she's a brat, and she's also naive. Gosh, it doesn't make any sense.

Bakit ba ang lakas ng tama niya sa akin? Damn! Fvck her! She's making me even crazier.

Faris'POV

Kanina pa ako naghihintay kay Sky pero hindi pa rin ito dumadating. Hay, nasaan ba kasi 'yong lalaking 'yon? Kung pwede ko lang sana siyang iiwan ginawa ko na talaga 'yon. Hays, where is he?

Nakita ko naman na may naglalakad na bulto ng isang tao papalapit sa sinasakyan ko at kung hindi man ako nagkakamali it's him.

Speaking of the may bukol. Nandito na talaga siya, ayaw magpalait eh...

Binusinahan ko ito ng paulit-ulit hanggang sa nakangisi itong nananakbo papalapit sa sasakyan niya.

"What took you so long?" Tanong ko ng makapasok siya sa loob.

"Nothing... Dederetso na tayo sa mall and we'll have our lunch there" tumango naman ako sa sinabi niya at hindi na lamang kumibo sa kinauupuan ko.

I'm so excited!...

- - - -

Bumaba kami ng sasakyan ng makarating kami sa mall. Yeah, I don't have to spend my money, siya naman talaga 'yong manlilibre sa akin. That's one of the things that's making me more excited.

I'am anxious on what boutique will he choose.

"Tara" naglakad kami papasok rito at dumiretso na lamang sa resto dito.

Sana wala 'yong mga plastic kong kaibigan. Kikitilan ko talaga sila ng buhay...

Nagmasid-masid muna ako sa buing paligid kung nandito ba 'yong mga kaibigan ko.

Salamat naman at wala sila.

Umorder na kami ng pagkain at hindi rin nagtagal dumating 'yong order namin kaya kaagad naman kaming kumain rito.

Hmm, ang sarap naman talaga kung libre.

I can remember, isa sa mga kaibigan ko noon ay nagrereklamo sa tuwing gagastos ito ng malaki. She said that a treat is better than spending her own money, which is true.

Mas maganda naman talaga kung may manglilibre kaysa naman 'yong sarili mong pera ang igagastos mo.

Makakaramdam ka kasi na malapit nang maubus 'yong pera mo, hindi ka makakain ng maayos.

Tss, funny right?...

Tinapus ko na 'yong pagkain at kaagad naman kaming naglakad palabas.

Yeii excited na talaga ako...

"Tara, boutique!" Sigaw ko sa kanya at lumapit sa isang butika.

"Pili ka na" saad nito kaya tiningnan ko muna siya.

"Ihanda mo na 'yang wallet mo" nakangiting saad ko and I winked at him.

"Yeah, I know" aniya kaya kaagad naman akong pumili ng mga damit sapatos at heels.

"Tara bayaran na natin 'to" yaya ko rito at pinakita sa kanya ang mga pinili ko.

Yeii, ang saya ko!...

Binayaran naman namin ito at kaagad at agad ring lumabas.

"Ang dami nito. Thank you!" Sigaw ko sa kanya at nginitian ito ng malawak. Sinuklian niya ako ng pilya na ngiti at hinawakan ang braso ko.

"Wann go somewhere else?" Tanong nito.

"Wag na"

Habang naglakad-lakad kami papaikot sa buong mall. May nakasalubong naman kaming pamilyar na imahe.

Nakangiti itong naglalakad papalapit sa gawi namin.

"Tito?" Sambit ni Sky rito.

"Hijo, nandito rin pala kayo? Kasama mo pa 'yong anak ng mga Pérez?" Sambit nito at nakangiting binalingan ako ng tingin. "Have you still remember me, hija?"

"Y-yes, Michael, right?" Tanong ko rito at nginitian ito.

"Yes, it's Michael" mahina naman itong natawa at lumingon kay Sky.

"Tito, why are you here? I mean.. ano pala 'yong ginagawa mo rito?" Tanong ni Sky rito.

"Wala lang naman, hijo. May binabantayan lang ako" napakunot naman ang noo ko rito.

Binabantayan? Ang weird naman...

"Who?" Walang pagaalinlangan kong tanong.

"Someone"

Sinong someone nga 'yan?"

"Nga pala, hija, how's your family business? I've heard mas lalo daw umaangat ang kompanya ninyo, mas lalo raw itong lumalago and I've also heard may new business daw kayo. That's really good to hear, hija" palihim namang napakunot ang noo ko.

Nalilito lang ako kung bakit ang negosyo pa namin ang kinukumusta niya at hindi 'yong kaibigan nito na siya ring ama ko?

Pilit ko itong nginitian. "I-I don't know. I don't know something about our business. Hindi po kasi sa negosyo nakatuon ang pansin ko. I'm never into business" pagkasagot ko niyon tumango-tango naman ito habang napalingon-lingon sa buong paligid.

Sumulyap-sulyap rin ako sa aking palibot at palihim na sinusundan ang mga tingin nito. Huminto ito sa kung saan at mabilis na lumingon sa amin.

"O siya sige. Mauna na ako sa inyo, hija, hijo. Nice to see you again nga pala, hija. Tell your father kumusta na ito" anito sabay tapik ng balikat ni Sky. Tinunguan ko lang ito at tumitig sa mga mata nito.

Parang iba eh...

Nararamdaman ko na may kakaiba sa tito ni Sky.

Sinundan ko lang ito ng tingin habang nakakunot ang noo. Unti-unti naman itong naglaho sa paningin ko kaya nagkatinginan kami ni Sky.

Ang weird ng tito ni Sky...

"May napapansin ka ba sa tito mo, Sky?" Tanong ko rito.

"What?"

"Nevermind" sagot ko rito.

Lumabas naman kami ng mall at sumakay ng sasakyan nito.

Natatawa na lamang ako sa aking iniisip.Ang dami ng nabili ko, halos pupunoin na nga 'yong compartment ng sasakyan, it's almost a million. He's lucky may awa pa ako sa wallet niya. Hindi ko naman inabot ng milyon. But half I think.

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa daan. Bakit ang saya ko ngayon kumpara sa ibang mga araw na nakaraan?

Habang nagmamaneho ito nakatingin lang ako sa cellphone ko, I posted on Instagram 'yong lahat ng mga pinamili ko.

Hmm, with a caption, Thank you. The caption might be cheap, but the photos is rare.

Yes, 'yan lang 'yong caption na nilagay ko. That's not a problem anymore.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa daan.

Malapit na pala kami dumating sa mansion. Nang makarating kami sa mansion kaagad naman akong bumaba at nauna nang lumabas ng sasakyan.

Pagpasok ko ng mansion, nakita ko naman si Dad na nakatingin sa gawi namin habang hawak-hawak ang isang libro. Kaagad akong lumapit rito at hinalikan ang pisngi niya.

Nararamdaman ko na nakasunod lang sa akin si Sky kaya lumingon ako sa gawi nito. Nakahawak ito sa batok niya at hinilot-hilot ito habang nakasunod sa akin.

"Ang aga niyo ata umuwi? Where have you been? Ang dami niyong dala ah?" Sabay-sabay na tanong ni Daddy kaya ngumiti naman ako.

"Libre niya po, dad" ani ko sabay turo kay Sky.

"Oh, okay. Magpahinga ka na" tumango naman ako rito.

"Nga pala, dad. Kinukumusta po kayo ng tito ni Sky"

"Si Michael?" Tumango ako at nagpaalam rito. Dinaouan ko muna ng tingin si Sky. Sumenyas lang ako sa rito at kaagad na naglakad papasok ng kwarto ko.

I've never been this happy before. Hay!