webnovel

Chapter Twenty: The Half Truth

Unti unti kong iminulat ko ang mga mata ko. Bahagya akong napapapikit ng kaunti dahil nasisilaw ako sa liwanag. Babangon sana ako nang nararamdaman kong may sugat sa kanang kamay ko. Napabuga ako ng malalim bago inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Nasa hospital pala ako pero walang dextrose. Si manang kaya ang nagdala sa akin. Tahimik kong hinahaplos ang kanang kamay kong may band aid. Medyo nawala wala na rin iyong hapdi.

Napatingin ako sa pintuan ng biglang magbukas iyon. Unang pumasok ang isang doktor kasunod si Gabriel na sa tingin ko ay kagagaling sa trabaho. Napalingon sila sa akin nang makitang gising na ako.

"How are you, Ms? "tanong sa akin ng doktor.

"I'm good. "Napatingin naman sa akin si Gabriel pero umiwas ako ng tingin. Pilit niyang hinuhuli ang tingin ko pero hindi ko siya pinagbigyan kahit isang sulyap.

Narinig ko ang malalim na pag buntong hininga niya. Hindi pa ako handang malaman ang katotohanan. Hindi ko na ata kakayanin. I'm good, but I'm not okay.

Hindi ako kailanman naging okay. Na divert lang ang atensyon ko pero hindi na gamot ang sugat sa puso ko.

May sinasabi pa ang doctor kay Gabriel pero hindi ko napagtuunan ng atensyon dahil nakakatitig sa akin. May bigla itong sinulat bago naglakad palabas ng pintuan.

"Freya. "tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon.

"Freya Zyrene. "ulit pa nito.

"Freya Zyrene Vargaz. "Kahit tawagin mo pa ako sa buong pangalan hindi kita papansinin.

"Mam. "nag-aalanganin tawag niya.

Kaya naman nilingon ko siya, "Ano? "nakita ko ang pangiti niya.

"Ikaw ha—"hindi na niya natapos nang bumukas ang pinto. Kaya naputol ang pag titigan namin ng marinig ko ang boses na hindi ko akalaing maririnig pa.

"Miss! "nakangiting lumapit sa akin si Howard bago hinalikan ako sa labi.

Nakita ko ang pagkuyom ni Gabriel kaya hindi ko alam kung anong sumapi sa akin ay sinampal ko ang kaharap ko. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

Anong akala niya sa akin? Hindi marunong mag move on.

"Zyrene? "nasasaktan na wika nito

"Umalis ka na. "

"Don't repeat my question. Leave. "nakatingin lang siya sa akin

"Leave, Howard... leave... leave out of my sight! Leave out of my life! Leave!!!!! "nakita ko ang sakit na bumabalot sa mga mata niya.

Ngayon, alam ko na. "Umalis ka na sa buhay ko, Howard! "

Narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto at pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Naramdaman ko na lang na humahagulgol ako sa mga bisig ni Gabriel.

"Ang... ang sakit... sakit.... Gab-Gabriel. Parang... unti unti akong pinapatay... "nahihirapang sumbong sa kaniya.

"Sa buong buhay... palaging... may.... may.... kulang... mahal na mahal... na mahal ko si mama pero iniwan niya ako huhuhu... Su-sumama siya... "hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naninikip ang dibdib ko.

"Shhhh... tahan na. "mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.

Takot na takot... baka bukas ikaw naman.

"Nandito na ako, ma'am. "alo niya sa akin kaya mas napaiyak ako.

"Please... tahan na... Nasasaktan akong umiiyak ka pero mas masakit lalo na sa mga bisig. "Habang pinupunasan niya gamit ang mga kamay niya na walang humpay sa pagtulo ng luha ko.

Parang nawala iyong Gabriel na masayahin, palabiro at maloko. Napatigil siya sa ginagawa ng makita niyang nakatitig ako sa kanya.

Hinulo ko ang mga kamay niya at mahigpit na hinawakan. Malalim ko siyang tinitigan.

Gabriel, sa totoo lang marami akong kinatatakutan noon. Pero mas nadagdagan iyon nang dumating ka sa buhay.

Marami akong mga bagong bagay na naransan dahil sayo. Sa mga simpleng ginagawa mo pa lang. Ang lakas ng impact sa akin noon.

Hindi ko alam kung gusto na rin ba kita. Pero mayroon ka nang puwang sa puso ko. May espasyo ka na dito.

Natatakot ako unti unting malaman kung sino ka ba talaga. Dahil alam kong magkaibang magkaiba ang estado natin sa buhay. Hindi na ako kasing linis tulad noon.

Unti unti nang nababahiran ng mga mantsa ang pagkatao ako.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita, "Gabriel... may hinihintay ka ba? "

Kasi kung oo, lalayo ako. Pagod na kasi ako. Pagod na pagod na ako.

Naramdaman ko siyang natigilan, "Kung meron man, layuan mo na ako. "mababang sabi ko ang higpit sa pag kapit sa mga kamay ko.

Mabilis niya akong niyakap bago naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. Napapikit ako. "Hindi mo kailangan magmadali... makakapaghintay pa ako. Kaya kong maghintay hanggang sa ako na. "Iyon lang ang sinabi niya bago binitawan ako at nagpaalam na lalabas muna saglit.

Habang na sasakyan kami ay nagtataka ako sa kinikilos ni Gabriel. Parang ingat na ingat. Habang pauwi na kami sa mansion nila ay hindi ko na napigilan pang tanungin siya.

"Gabriel. " Nilingon niya pero bumalik din sa unahan ang tingin.

"Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin? "naweweirduhan na talaga ako sa mga ikinikilos niya.

"Okay ka lang? "tumango lang ito.

Naisipan kong buhayin ang stereo ng sasakyan niya. At tahimik na ibinaling ko ang tingin ko sa bintana.

Gabriel POV

I look at her and have to smile

As we go driving for a while

Her hair blowing in the open my car

As we go the traffic lights

Watch them glimmer in her eyes

In the darkness of the evening

Palihim ko siyang sinusulyapan. Alam kong malalim ang sugat sa kanyang puso. At nag-iwan ng malaking marka sa kanyang pagkatao. Pero mas lalo ko siyang minamahal. Noon pa man.

And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me

Kahit anong sabihin sa akin ng kapatid niya. Hindi ko pinapakinggan ito. Alam kong pareho lang silang nasaktan sa magkaibang paraan. Walang kasalanan si Freya, hindi niya kasalanan kung pareho silang naulila sa ina nila. Naiintindihan ko siya pero hindi ko na kaya pang patuloy niyang sisihin si Freya sa kasalanang hindi niya ginawa.

We stop to get something to drink

My mind pounds and I can't think

Scared to death to say I love her

Then a moon peeks from the clouds

Hear my heart beats so loud

Try to tell her simply

Noong una ako, akala ko naawa ako sa kanya. Pero habang tumatagal nahuhulog na ang loob ko sa kaniya habang pinagmamasdan ko siya sa malayo. Higit pa sa awa ang nararamdaman ko.

And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me

Akala ko palagi ko na lang siyang tatanawin sa malayo. Nandoon ako, kung paano sila unang nagkakilala ni Howard. Natuwa ako nang hindi niya paniwalain ang kaibigan ko tungkol sa nararamdaman nito sa kaniya.

And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me

Pero nandoon rin ako nakatanaw sa malayo habang pinagmamasdan kung paano nag propose kanya si Howard. Sa katunayan, ako pa ang isa mga tumulong upang paghandaan iyon.

Oh and... I know

Girl this love grow

Nandoon ako sa bawat masayang selebrasyon na pagdiriwang nilang dalawa. Dahil sa akin palaging tumatakbo si Howard kung paano niya sosorpresahin siya. Sa kung paano niya napasagot hanggang sa mapa-oo.

Nasasaktan ako pero okay lang. Makita ko lang siyang masaya kahit hindi ako. Masaya na ang puso ko. Kahit hindi ako ang naging unang pag-ibig niya. Umaasa akong kahit huli, pagbigyan na ako naman.

And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me

Isang beses lang ako nagsisi iyon ay hindi ang naduwag ako. Kundi, iyon ay muntik na siyang halayin ng mga lalaking binayaran ng kapatid niya. Alam kong si Veronica ang nag-utos dahil nalaman niyang nag propose si Howard sa kaniya. Gustong gusto kong ipakulong ang kapatid niya pero hindi ko magawa dahil nasa kanya napunta ang anak namin. Hindi ko hahayaang marumihan ang mga kamay niya.

Ibibigay ko ang mga isang bagay na hindi mo makuha kuha. Kahit maging kapalit nito ang buhay ko. Makita ko lang muli ang Freya na minsan nagligtas ng buhay ko.

•••

Passenger Seat by Stephen Speaks (actually, it's one of my favorite song: highschool song)

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

theashandfirecreators' thoughts