webnovel

Curse Of Arcana

On that fateful day, when the unfortunate and lonesome high-schooler Anise Mendiola became the heiress of Arcana's great powers after she made her wish by breaching in an ancient contract that has been sealed for long in an old painting, all just suddenly fall worst like a curse. Kasabay ng pagkakatanggal ng seal ay ang instant namang pagdating ng four of the most drop-dead gorgeous, if not completely notorious, boys mula sa school niya--and the envy of girls everywhere pa--bilang kanyang mga 'Sentries', who oath na proprotekta sa kanya mula kay Arcanus at sa sumpang patuloy na dumadaloy sa kanilang angkan at 'yon ay ang fated death. Ngunit, kayanin pa kaya niyang masakatuparan ang nakatakdang misyon ng bawat Arcana Princess kung mismong PUSO na ang maging matindi niyang kalaban?

Amedrianne · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
16 Chs

Curse Thirteen: Fated Death

CURSE THIRTEEN:

FATED DEATH

Bigla akong napaupo sa kinahihigaan ko habang sabay nina Meena at Zen na tinawag ang pangalan ko.

Tagaktak ang buong katawan ko sa pawis na para bang galing akong sauna. De javu, alam ko nagising na ako sa ganitong estado pero wala si Meena at Zen.

This is the reality now. Ito na nga talaga. Agad akong pinainom ni Meena sabay sabing, "Binabati kita sa pagbabalik mo, Arcana princess."

Ngunit napansin kong wala ata sa silid sina Carlisle, Axel, Saichi at Sky. "Nasaan 'yong apat?" ang di ko napigilang maitanong. Halos hindi naman makatingin sa'kin sina Meena at Zen hanggang sa muli kong inulit ang tanong.

This time ay nagsalita na rin si Zen, "Kasi Anise napatagal awakening mo at nang nagising sila'y—" ngunit hindi pa natatapos si Zen sa sinasabi niya ay parang kung anong tila sumabog o bumagsak sa may labas ang kumuha ng atensyon naming lahat. Nanghihina man dahil sa kagigising ko lang ay agad ko itong tinakbo.

Nanlaki ang mga mata ko pagkakita kay Saichi na hirap na hirap na inaatake gamit ang latigong may kakaibang gilas, ang sandamakmak na insektong paulit-ulit na sumusugod sa bahay nila Meena.

"Saan galing ang mga insektong ito?" tanong ko.

Bigla namang sumagot si Zen, "Ito 'yong gusto kong sabihin, habang kasagsagan ng mission mo na gisingin ang mga sentries mo ay kinuha na ni Arcanus ang pagkakataon para magpasiklap ng delubyo dito sa real world." Sabi nito.

"Ibig sabihin, matagal nang nakikipaglaban 'yong apat?" ang gulat kong tanong pagkakita sa hirap na hirap na si Saichi. "Teka, nasaan 'yong tatlo?" biglang dugtong ko ng di ko maaninagan sa paligid sina Carlisle, Sky at Axel.

"Kinailangan nilang bumalik sa siyudad para bawiin 'yong painting na ninakaw ni Arcanus." Ang nakakalungkot naman na balita ni Meena.

"Ninakaw ni Arcanus 'yong painting?" Mahina't halos nanlulumo kong tanong.

"Nagpaiwan si Axel at Saichi dito para maprotektahan ka habang di ka pa nagigising. Pinagtatakahan ko nga kung sa'n napunta si Axel?!" ang sabat naman ni Zen habang nagtataka itong kumakamot sa ulo niya.

Habang alalang-ala kami sa paghahanap kay Axel ay may isang malaking sawa na gumagapang mabilis patungo sa direksyon ko at dahil sa hinang-hina pa ako'y wala akong lakas para takbuhan ito. Hindi ako magawang mailigtas ni Zen at Meena dahil bigla din silang inatake ng mga insektong nagliliparan.

Napasigaw nalang ako ng pagkalakas-lakas na halos mapaos nang akmang sasakmalin na ako noong sawa ngunit napigilan ito ng nag-aalab na panang tumama sa kanya. Matapos ay bigla-bigla nalang may tumalon mula sa itaas ng bahay na isang lalaki at pagkababa nito'y natuwa akong makitang si Axel pala ang sumagip sa akin.

"Ayos ka lang prinsesa?" tanong niya habang pinapatayo ako. Kung hindi pa nagrehistro kaagad sa utak kong ako ang Arcana princess ay baka inisip kong isang knight-in-shining-armour ko si Axel, ngunit sa ngayo'y dapat kong isaisip na walang room ang pagpapantasya ko.

Pansamantalang nawala ang mga umaatakeng nakakatakot na mga ahas at insekto. "You're finally awake my princess. Thank goodness." Ang agad namang sinabi ng pagod na pagod na si Saichi pagkalapit sa amin, sinuklian ko sila ng ngiti kahit na alam kong wala itong magagawa kumpara sa mga effort nila.

Nagpasya akong sundan sila Carlisle at Sky kahit pa alam kong delikado dahil possibleng mahuli ako ni Arcanus pero hindi ko naman pwedeng isawalang bahala ang sacripisyong ginagawa nila. Kailangan magawan ko ng paraan na mabawi ang painting. Nakakulong doon sa painting si Arcana. Kung makukuha iyon ni Arcanus, mas lalong wala na kaming pag-asang matalo pa siya.

Hinanap namin ang mga possibleng lugar na pwedeng puntahan nila Carlisle. Maski sa bahay nila Carlisle at hideout ng fraternity group ni Sky nadaanan na namin ngunit wala sila dito. Tinignan namin ang mga lugar na minsang lumabas sa fake world na napuntahan ng bawat sentries kaso wala sila doon. Hanggang sa tumawag sa'min si Saichi na sinasabing nakita niya silang patungo sa school.

Of all places, bakit nga ba hindi namin naisip ang mismong school? Kaya naman dali-dali kaming nagpunta sa school, kaso parang may kakaibang pakiramdam akong nadama ng pagkatapak palang ng isang paa ko sa loob ng gate ng school.

Hindi ko alam kung bakit parang biglang nanlambot ang tuhod ko pero hindi ko ito pinahalata at nagpatuloy kami sa loob kaso sa unang palapag palang ng school ay hindi na naging madali ang salubong sa amin.

Ang mga insektong umatake sa amin kanina'y biglang nagsilabasan ngayon—at mas trumiple pa ang dami nila kaysa kanina.

"Sige na! Diretso na kayo! I'll handle this by myself!" ang sabing bigla ni Saichi pagkalabas ng nagliliwanag niyang latigo.

Hinila na ako nila Meena papuntang second floor ngunit napalingon akong muli kay Saichi at nang mapansin niya ako ay nagsalita ito, "Don't worry my princess, I'll be fine. I have to, so that I can serve you more sweets when this ruckus ends." And then sinugod na ni Saichi ang libo-libong insektong paatake sa kanya.

Muling nanlambot ang tuhod ko at napansin ito ni Axel, "Anise." Ang sabi nito. "Kaya pa ba?" Dugtong niyang tanong na agad akong inalalayan sa pag-akyat.

"Yeah. Hindi dapat tayo huminto" sinagot ko naman na bumitaw sa hawak niya't naglakas-lakasang umakyat mag-isa kahit na halos manlambot ang tuhod ko.

Muli kong binaliwala ang panghihinang naramdaman ko at dali-dali kaming natungo sa ikalawang palapag ng building. Kung saan-saang silid na kami naghahanap ngunit ni isang classroom walang sign ni Carlisle at Sky maski si Arcanus na tinangay ang painting.

Hindi pwedeng makuha ni Arcanus si Arcana, oras na mabawi ni Arcanus ang kapangyarihan ni Arcana'y hindi lang pagkatalo result ng labang ito, maski pagkasira ng mundong ito't pagkamatay ng mga inosenteng tao.

Sa may hallway, patungo sa hagdanan paakyat sa third floor ay biglang may lumabas na napakalaking sawa, kung iisipin ay parang sa pelikula ko lang nakikita ang ganitong kalaking sawa, tipong mas malaki pa sa Anaconda o Python pero ito ang naiiba, may mahahabang pangil ito kaya naman kahindik-hindik ang itsura niya at sobrang nakakapanginig ng tuhod.

Biglang inistretch ni Axel ang palaso niya at buo nitong ibinigay ang lakas para itira sa dambuhalang ahas ang pana nito. Ngayon ko lang nakita ang galing sa Archery si Axel. Mabilis na natumba sa sahig ang malaking ahas matapos tumama eksakto sa ulo nito ang pana ni Axel.

"Mauna na kayo sa itaas, I'll catch up." Sabi nito sa amin.

"Pero—" bago pa man di ako makapagsalita ay agad na niya akong pinutol para magsalita, "Kung meron sa'tin na kailangan makakuha noong painting ikaw 'yon princess, you need to get it bago tuluyang bumigay ang katawan mo." Ang sinabi ni Axel na nagpalaki sa mga mata ko.

"Bumigay ang katawan ko?" ang di ko napigilang ulitin. Napansin kaagad ni Axel ang matinding panghihina ko. Ngunit bago pa siya sumagot ay ariyan nanaman ang panibagong batch ng mga ahas na aatake kaya naman dali-dali itong tinira pa ni Axel ng pana.

"Sorry Miss Anise, hindi namin nagawang sabihin sayo ito dahil baka maging rason ito para hindi mo tanggapin ang pagiging Arcana princess." Ang halos hiyang-hiyang hindi masabi ni Meena sa akin.

"Ano po ba iyon?" tanong ko.

At ngayon nama'y si Zen ang sumagot, "May kakaiba ka bang naramdaman sa katawan mo simula ng paggising mo?"

Buong pag-amin kong sinabi ang panghihina ng katawan ko at nang ipaliwanag sa'kin ni Zen ay talaga namang ikinagulat ko ang sinabi niya, "Anise, ang enerhiya ng iyong katawan ay ang siyang pinaghuhugutan ng lakas nilang apat. Life force kumbaga. Nakakagalaw lamang sila dahil sa enerhiyang taglay mo bilang Arcana princess pero gaya ng sabi ni Axel, kung hindi mo mababawi ang painting ni Arcana, na makakapagbalik ng lakas mo ay hindi lang sa hindi mo matatalo si Arcanus. Anise, unti-unti ka ding lalamunin ng kahinaan na 'yan hanggang sa mawala ka ng malay. In other words, it will slowly drain and devour you Anise."

Bigla nalang nabulabog ang pagkatulala ko ng sumigaw si Axel, "SIGE NA! IAKYAT NIYO NA SIYA, SUSUNOD NA AKO!" at makita-kita kong mas dumadami pa ang umaakyat na Ahas sa second floor, habang si Axel naman panay ang pana sa kanila. Mukha pa namang limitado na ang bilang ng pana ni Axel kaya naman nag-aalala talaga ako sa kanya.

Kaya lang, agad na akong hinila nila Meena at Zen sa third floor kung saan ay hirap na inalis ni Axel ang mga nakaharang na sawa.

"Sandali Axel, papano ka?! Di ka namin pwedeng iwan!" sabi ko nang napatigil si Axel sa pagsunod sa amin.

Nakatalikod na sumagot sa'kin si Axel, "Magpapaiwan muna ako sa ngayon mahal na prinsesa. Uubusin ko muna silang lahat at 'pag natapos ito, pay me by cheering me on my championship game." At nagawa pa niyang magbiro bago sugudin ang mga sawang pasugod din sa kanya.

Habang paakyat kami sa ikatlong palapag ng school ay muling nanghina ang katawan ko na parang magkakatrangkaso ata ako sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ang tuhod ko halos hindi na makatagal na dalhin ang bigat ng naradama ko. Nang mapansin ito nila Zen at Meena'y inakay na nila ako paakyat sa ikatlong palapag at talaga namang ikinabigla ko ang nagaganap dito.

Si Carlisle at Sky....

Bakit sila...

...Naglalaban?

Mabilis na sinugod ni Sky si Carlisle gamit ang dalawang matatalim nitong balaraw na agad namang naharangan ng espada ni Carlisle.

"Traydor ka Carlisle! Akala mo siguro hindi ko madidiskobre na planado mo ang mga nangyayari?!" ang biglang sabi ni Sky na nanggagalaiti sa pagkakasabi nito.

Ngunit kalmadong sumagot si Carlisle ng, "Wala akong alam sa pinagsasabi mo."

"Anong wala?! Ikaw ang nagsuggest na tayong dalawa ang sumugod dito para kapag napatay ako ni Arcanus isusunod mo sina Axel at Saichi! Para ano? Sayo mapunta si Anise?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Totoo nga ba ang sinasabi ni Sky?

"Nahihibang ka na Sky. Now I know, ganyan pala kalawak mag-isip ang isang tulad mo." Sagot ni Carlisle na saglitang tumingin sa'kin at sinabing, "Anise, higit sa lahat, alam mo that I can't and will never, ever betray you." saad niya sabay tulak kay Sky papalayo.

Patuloy silang nagsalitan ng maaanghang na salita at naglaban at sa bawat paggamit nila nito, dagdag mo pa ang nakikipaglabang sina Axel at Saichi ay unti-unti nitong ginagamit ang enerhiya ng katawan ko.

Tolerable pa...tolerable pa....ang pilit kong iniisip kahit gusto nang bumigay ng katawan ko.

Maya-maya'y bigla nalang dumating sina Saichi at Axel na agad namang simugod upang umawat ngunit hindi ko inaasahang iba pala sa iniisip ko ang mangyayari. Sabay-sabay nilang ginamit sa isat-isa ang balaraw, pana, latigo at espada. Kitang-kita ng mata ko ang pagtatalo nilang apat. Ang pagtatalo nilang nagpapahina pa mas lalo sa akin.

Ano ba itong nararamdaman ko?

It's like draining me...

Para bang unti-unti hinihigop ang lakas ng katawan ko at wala akong magawa kundi hayaan lang ito.

My soul, it's as if I'm being devoured by these outrageously beautiful creatures.

Is this the consequences of being Arcana's heiress?

Had I only known at an earlier time, maybe, just maybe, I could've not gone into that part.

"STOOOOOOOOOP!" ang pinaghirapan ko pang isigaw kahit na hinang-hina na ako. Hirap man akong nakalapit sa kanila'y pinilit kong maiangat ang kamay ko para pagsasampalin silang apat, "Na sa isang laban tayong dapat magkakampi tayong lahat, pero heto kayo nagtatalo sa walang kakwenta-kwentang bagay?!" sabi ko pagkatapos. Wala ni isa sa kanila ang nakasagot sa akin. Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang akong natumba sa kamay ni Carlisle na nasa likuran ko.

Bigla namang napatawag si Meena sa pangalan ko, "Anise, ayon 'yong painting." Turo niya sa may painting na nasa desk ng teacher sa isang room. Inakay ako ni Carlisle para makalapit sa painting at nang maipanumbalik gamit ng kapangyarihan ni Arcana ang nawalang enerhiya sa katawan ko. Subalit ng subukan kong i-recite ang nakasaad sa painting at humiling ay laking pagtataka kong wala man lang nangyari.

Ang akala kong lalakas na'kong muli'y wala naman pala sapagkat huli na kami.

Bigla nalang nagpakita si Arcanus. "Salamat sa dalawang hanggal na 'yan na nagpalinlang sa sarili nilang damdamin, nabigyan pa ako ng pagkakataon mabawi ang kapangyarihan ko. Wala nang makakapigil sa'kin ngayon." ang asar niya sa amin.

"Diyan ka nagkakamali!" ang sabi naman ni Sky na agad sumugod kay Arcanus ngunit tumilamsik din ito bago pa tuluyang makalapit. Sinundan ito nila Saichi at Axel ngunit natulad lang sila kay Sky. Susugod sana muli si Sky ngunit pinatigil siya ni Zen. "Hindi na kakayanin pang muli ng katawan ni Anise kung sasagarin mo ang pagsugod kay Arcanus. Sa ngayon, nakuha na ni Arcanus ang kapangyarihan ni Arcana, buo nang muli ang kapangyarihang nanalaytay sa kanya." Paliwanag nito.

Papano na namin siya ngayon tatalunin?

Bukod sa nanghihina na ako at hindi siya mapigilan ng mga sentries, napakalakas ni Arcanus para matalo. Hanggang dito na lamang ba ako—kami?

Napapikit ako at bigla nalang kumabog ng malakas ang puso ko. Tipong klase ng kabog na nararamdaman ko kapag nabulunan ako at kinakailangan uminom ng tubig, sobrang sakit at kumikirot ang klase ng kabog na 'yon.

Anong problema ng puso ko?

Wag naman sanang ipahiwatig nitong ngayon pa ako magkakaroon ng cardiac arrest?!

"Ilang daang taon, Arcana, ilang daang taon akong sinubukang pigilan ng mga babaeng nanggaling sayo at ngayon ang nakatakdang araw para putulin ko ang sinimulan mong angkan!" ang sabi ni Arcanus kasabay nito ang pagdala niya ng madidilim na ulap sa kalangitan na di nagtagal ay nagsimulang gumawa ng nakakatakot na ingay ng kulog at kidlat.

"Wala ka bang awa sa mga inosenteng tao na pwedeng madamay sa paghihiganti mo?! Wala ka bang puso Arcanus?" ang pilit kong sinigaw sa kanya.

"Di katulad niyong mga tao, isa akong Diyos na walang pisikal na puso, hindi ko kailangan makaramdam ng kahit anong klase ng emosyon na nadarama ninyong mga pankaraniwang nilalang kaya naman aaanhin ko ang awa—teka, ano nga ba ang salitawang awa? Wala ata ito sa bukabularyo ko." Sagot ni Arcanus habang humahalakhak ng napakalakas.

Muling nagpanumbalik sa akin ang mga nasaksihan kong eksena na naganap sa nakaraan at sa huli, isang idea ang pumasok sa isip ko. Ang choker na suot-suot ko ngayon ay parehong-pareho sa suot ni Arcanus noon na bato nang siya ay mapaslang ni Demetria.

Alam kong trial and error ang planong tumatakbo sa utak ko pero sa ngayon, it's all or nothing na ang laban at may magawa man ang plano ko o wala ay kailangan ko pading subukan.

Habang kasagsagan ng paghahasik ni Arcanus ng lagim gamit ang matinding kulog, kidlat at malakas na hangin ay kinuha ko ang pagkakataon para mautusan sina Carlisle, Saichi, Sky at Axel para maisakatuparan ang plano ko.

"Kakayanin mo pa ba?" Tanong ni Axel pagkarining ng plano ko.

"Walang kasiguraduhan ang plano ko pero gusto ko paring subukan. Nandito na ito bakit ngayon pa tayo aatras?" sagot ko naman.

Inihanda ni Sky ang sarili niya sa gagawin habang si Carlisle naman ang umaalalay sa kanya, "Ingatan mong wag masugatan sa may bandang pulso niya kung hindi mas dadaloy ang madaming dugo." Ang sabi ni Carlisle.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang hapdi ng talim ng balaraw na tumusok at mabilis na humiwa sa collar ng choker kasama ang balat ko at dahil dito'y natanggal ang choker na napakatagal ng nakasuot sa leeg ko. Kung tutuusin parang galos lang ang ginawa ni Sky pero ang hapdi nito ay parang hiniwa gaya ng sa operasyon.

Agad kong ibinigay kay Axel ang choker at gaya ng nasa plano'y sabay-sabay na aatake sina Carlisle, Saichi at Sky para idistract si Arcanus habang ang choker ay ibinuhol ko sa pana ni Axel upang itira diretso sa dibdib ni Arcanus.

Kung tutugma ang mga hinala ko nasa katawang tao padin si Arcanus—kung sino man itong binatang ito na nagmistulang human vessel niya. Ang choker naman na may malakas akong kutob na puso ni Arcanus, dahil sa pagkakasaksak nito ni Demetria sa dibdib niya noon at naging mitsa ng una niyang kamatayan, ang huling pag-asa naming lahat.

Ipinikit ko ang mga mata ko pagkarelease ni Axel ng pana mula sa palaso sabay bulong ko sa sariling, "Arcana gabayan mo ang decision ko gaya ng ginawa mo kay Demetria. At Mama...watch me carefully, I swore I wont be beaten..." ang buong tapang kong sinabi sa sarili despite sa enerhiyang nawawala sa'kin dahil sa paggamit nilang apat ng sabay-sabay ng mga armas nila. Ngunit pinagpatuloy ko ang pagbulong ko sa sarili upang imotivate ang sarili ko na hindi sumuko, "I swore it...I swore that nobody will die... dahil kung sino man ang may fated death, paniguradong si Arcanus uli 'yon." At sa muling pagmulat ko ay kitang-kita ng mga mata ko ang saktong pagkakatusok ng pana sa dibdib ni Arcanus.

Isang nakakasilaw at nakakasindak na pagsaliwanag at pagsabog ang naganap pagkatusok ng pana kay Arcanus. Naglikha ito nang matindinng liwanag na akala koy maghahasik pa ng pagkasira ng mundo, para kasi itong nuclear explosion sa tindi ng liwanag at usok. Makaraang mawala ng matindong usok ay nasaksihan namin ang pagkalusaw ni Arcanus sa sarili nitong puso, ang pangyayaring ito ang naging mitsa ng muli niyang kamatayan.

Nagtagumpay kami, natalo namin siya. Nanalo ako, hindi ako namatay, naputol ko ang sumpa. Naligtas ko ang lahat—naligtas namin ang lahat, ang real world.

Mama, nakita mo ba? Nanalo ako laban kay Arcanus. Arcana, wala ka ng dapat ipangamba, natapos ko na siya, wala ng sumpang dapat na ipangamba at ikatakot, nawala na si Arcanus, wala na.

Bumubulong ako sa kanila, dahil sa sobrang kasiyahang nadarama ko.

Nang akala kong tapos na ang lahat ay isang liwanag nanaman ang sumilaw sa akin. Paglaho ng liwanag ay napansin kong tila mag-isa nalang at nawala ang mga kasama ko. Hahanapin ko sana sila nang may napansin akong isang babae ang parating at may kargang isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali'y siya si Arcana, habang hawak ang walang malay na human vessel ni Arcanus.

Nang makalapit si Arcana sa akin ay inihiga niya sa harap ko ang walang malay na binata at tiyaka siya lumapit sa akin, bigla nalang niyang hinaplos ang pisngi ko, isang haplos na muling nagpanumbalik ng lakas ng katawan ko sa normal nitong estado.

"Anise, binabati kita sa matagumpay mong misyon at gaya ng nakasaad sa alamat, handa akong ibigay ang kahit anong kahilingan mo." Ang biglang sabi ni Arcana sa akin.

"Hindi po ba noong unang beses kong nabasa ang nakasulat sa painting eh nakahiling na po ako?" tanong ko.

"At hindi pa 'yon natutupad sapagkat hindi mo pa nagagawang isakatuparan ang misyon mo."

At napaisip ako sa kung anong hiling ang hihingin ko. "Arcana, pwede niyo po bang ibalik sa dati ang lahat? Yung walang gulo, walang away, yung puro kasiyahan lang lahat at tiyaka..." bigla akong lumapit sa walang malay na binatang lalaki para kunin sa dibdib niya ang choker na hindi nalusaw sa mala-explotion na nangyari, "...kung kaya mong i-seal ang kapangyarihan ni Arcanus at itong sa akin, alisin mo nalang. Ayaw ko nang maranasan pa ng mga susunod na Arcana princesses at Sentries ang ganitong klase ng pagsubok, 'wag mo na sana kaming ikulong sa contract ng isang sumpang generation ng nagpapahirap sa angkan namin—natin."

Napangiti lang si Arcana na tinanggap ang choker habang nagcrecreate siya muli ng isang liwanag na sumisilaw nanaman sa akin. Gaya ng nauna, wala nanaman akong maanigan ni isa, hindi ko tuloy malaman kung ano na ang nangyayari.

*****

CURSE OF ARCANA

PROPERTY OF AMEDRIANNE

FINAL THREE ENTRY FOR WATTPAD WRITING BATTLE OF THE YEAR 2014

♡ CURSE OF ARCANA is now published under Lifebooks publishing. Please continue supporting it by buying your own copy from bookstores near you. Thank you. ♡

●If you like this story, you can also check my new fantasy story ROSE EVE. Here's the direct link: http://my.w.tt/UiNb/WlcGqcwrWu ●