webnovel

1 The Lion's Pride

Sa isa sa pinakamalayong planeta, ang Fujan Planet, sa Doriana System, sa Fellian Galaxy, sa 3rd Universe, naninirahan ang mga tao. Tahimik at masaya sila sa planetang ito. Walang gulo at walang problema. Dito rin nakatira ang ating bida, si Cero. Pangarap niyang maging isang Scavengers.

Ang mga scavengers ay mga nilalang na naglalayag sa kalawakan, naghahanap ng mga kayamanan at gusto magkamit ng kapangyarihan. Pero higit sa lahat na gustong mahanap ng mga Scavengers ay ang pinakamalaking kayamanan sa lahat, ang Cube. Sinasabing ito ang pinakamalaking kayamanan sa boung multiverse. Ito ay itinago ng dating Omni King, at kung sino man ang makahanap nito ay magiging kasunod na Omni King.

Kilala ang Fujan Planet dahil sa mga inumin nito. May isang bayan sa Fujan Planet na nagsusupply ng mga alak sa ibang mga planeta. Dito nagtatrabaho ang mga tao na nakatira sa planetang ito.

Isang araw ay may napadpad na Spaceship ng mga Scavengers sa Fujan Planet. Ang kapitan ng mga scavengers na ito ay si Leo at ang kaniyang pangkat na The Lion's Pride Scavengers. Ang kanilang spaceship na tinatawag na Lion's Den.

Engineer: Kapitan, may planeta sa baba natin, mag landing muna tayo para maayos namin ang nasirang bahagi ng Lion's Den.

Vice Captain: Parang wala naman akong nakikitang kakaiba sa planetang ito kapitan, ligtas tayo dito, walang mga space patrol sa paligid.

Leo: Sige, ibaba niyo na sa planeta para makalanghap narin tayo ng sariwang hangin haha.

Crew 1: Sana may pagkain sa planetang to, ubos na ang baon ko at gutom na ako.

Crew 2: Wala ka na talagang pinagbago, lagi ka nalang gutom.

Nagtawanan ang lahat. Habang pababa ang Lion's Den sa planeta ay kitang excited ang lahat. Nang makalanding na ang kanilang sasakyan sa planeta ay nag uunahang lumabas ang mga crew para makalanghap ng sariwang hangin.

Crew 3: Oh talo kayong lahat, ako ang naunang nakatapak sa lupa! Akin na ang mga pusta niyo!

Scout 1: Tumingin ka nga sa likuran mo kung sino unang nakababa at nakatapak sa lupa. Kanina pa ako nandito, nalibot ko na ang buong planeta at wala naman akong nakitang kakaiba.

Nagtawanan na naman ang lahat sa nangyari. Pinagtawanan nila si Barbary, ang Crew 3. Siya lang naman ang Navigator ng Lion's Pride.

Habang nagtatawanan ang lahat ay bumaba narin si Leo. Naglakad siya palayo sa kanilang spaceship. Nakita niya ang isang bayan at naka amoy siya ng masarap na alak.

Leo: Bilisan niyo ang pag ayos sa Lion's Den. Mag-iinuman tayo pagkatapos niyan.

Crew: Hoooooray !!!

Sa bayan naman ay balisa na ang mga tao. Sapagkat nakita ng mga nakabantay sa watchtower na may naglanding na space scavengers. Nagkakagulo na sila at nag uunahan sa pagtago sa kani kanilang mga bahay.

Sumigaw ang watchman na nasa watchtower at bigla niyang pinatunog ang kampana. Umugong ito sa buong bayan, senyales na may paparating na mga space scavengers.

Watchman: Mga scavengers!!! magsitago kayong lahat!!! huwag kayong lumabas sa inyong bahay!!!

Mayor: Ihanda ninyo ang mga sandata. Tipunin ang lahat ng mga sundalo para labanan ang mga scavengers. Ipagtatanggol natin ang bayang ito laban sa mga gustong sumakop sa atin.

Mga 20 na mga sundalo ang lumabas kasama ni Mayor para lumaban sa mga scavengers. Nakita ito ni Leo at ng kaniyang crew.

Crew 1: Anong gagawin natin captain? pwede ko ba silang kainin? gutom na ako!!!

Leo: Dito lang kayo, ako na ang bahala sa kanila.

Biglang tumalon si Leo para salubungin ang mga sundalo. At bumagsak siya mula sa kaniyang pagkakatalon sa harapan mismo ng mga ito.

Leo: Ako nga pala si Leo, Captain ng Lion's Pride. Hindi ako naparito para sakupin ang planetang ito. Nasira ang aming spaceship kaya napilitan kaming maglanding.

Mayor: Bakit kami maniniwala sa isang scavenger? Mga gahaman kayo sa kapangyarihan. Nabalitaan ko na sa Multiverse ay nagkalat ang mga scavengers. Wala silang ibang ginawa kundi ang sakupin ang mga planeta at gawing kanilang mga teritoryo at alipin ang mga naninirahan doon.

Leo: Wala naman tayo sa Multiverse. Nandito lang tayo sa isang malayong bahagi ng Universe 3. Walang mag iinteres sa planetang ito kahit na sa mga napalibot na planeta. Gusto lang namin magpahinga at uminom.

Mayor: Sige. Hahayaan namin kayong mamalagi sa planetang ito hanggang sa maayos ninyo ang inyong spaceship. Pero hindi kayo pweding pumasok sa bayan. Dadalhan namin kayo ng pagkain at mga inumin.

Bumalik na sa bayan si Mayor kasama ang mga sundalo. Inutusan niya ang mga ito na ipaghanda ng makakain at inumin ang mga bisitang scavengers. Habang si Leo ay naghihintay sa labas ng bayan ay siya namang pagdating ng kaniyang crew.

Leo: Ang bagal niyo naman!!! hahaha!!!

Barbary: Captain naman, bakit mo kami itutulad sa lakas at bilis mo, eh para kang leon kung kumilos.

Crew 2: Si Krugeri lang yata ang kayang makipagsabayan sa bilis mo captain.

Scout 1 ( Krugeri ): Hindi ko kayang sabayan ang niya. Kahit gamitin ko pa ang Authority ng kapangyarihan ko.

Nagtawanan nalang ang lahat. Hindi nagtagal ay dumating na ang kanilang pagkain. Ang mga barrel ng inumin. Nanlaki ang mga mata ni Kantaga sa nakita niyang mga pagkain.

Crew 1( Kantaga) : Sa wakas maibabalik ko na rin ang nawalang lakas hehe excited na ako.

Crew 2: Dahan-dahan lang!!! ang laway mo baka humalo sa inumin at sa mga pagkain.

Gormi: Ano ba pakialam mo?? hindi naman ikaw ang nawalan ng lakas ng tumakas tayo sa mula sa mga Space Patrol ah.

Crew 2: Oo na. Sige, ubusin mo yan lahat. Basta akin lang itong isang barrel ng alak.

Tumayo si Persica ( Crew 2 ) at binuhat ang isang barrel. Naglakad at naupo sa tapat ni Nubica ( Vice- Captain ). Ibinaba niya ang barrel at binuksan. Laking gulat niya ng lumabas mula sa barrel ang isang bata.

Cero: Sa wakas nakalabas narin ako hahaha ang init sa loob, hindi ako makahinga!!!

Tulala ang lahat ng makita nila si Cero. Si Cero naman ay natigilan ng makita niya ang mga scavengers. Nanlaki ang kaniyang mga mata hindi dahil sa takot kundi sa saya.

Cero: Totoong mga scavengers!!!

Nubica: Hoy bata!!! Alam ba ng mga magulang mo na nandito ka??? baka nag aalala na sila sa iyo ngayon dahil akala nila nawawala ka.

Persica: Umuwi kana bata, baka kami pa ang pagbintangan na kumidnap sayo pag nawala ka.

Leo: Hayaan niyo na ang bata, minsan lang naman ito. Hoy bata, anong pangalan mo?

Cero: Ako si Cero, at pangarap kong maging isang Omni King!!!

Natahimik ang lahat ng marinig nila ito. Lumipas ang isang minuto at nagsitawanan silang lahat. Napakalakas na tawa sa pag aakalang nagbibiro lamang si Cero.

Kantaga: Malakas ang loob mo bata. Gusto mo bang kumain? Bibigyan kita ng pagkain ko.

Leo: Hindi na masama. Balang araw malalaman mo rin kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi mo ngayon. Para maging hari ng mga scavengers ay dapat mong talunin ang pinakamalalakas na scavengers sa Multiverse.

Nubica: Iyon ay kung makaabot ka sa lugar na iyon ng buhay!! hahahaha

Nagtawanan na naman ang lahat. Pataloy lamang sila sa pagsasaya. Parang isang fiesta ang nangyari ng gabing iyon. Si Cero naman ay padabog na umalis sapagkat pinagtawanan lang siya ng mga scavengers.

Kinabukasan ay bumalik si Cero. Nakita niya ang lahat na nakatulog dahil sa kalasingan ng alak. Nakita niya si Kantaga, na nakatihaya na busog na busog.

Cero: Inubos niya talaga ang lahat ng pagkain. Uy may isa pa siyang itinira. Siguro nahulog ito mula sa kaniyang bulsa. Pagkain din ba ito?

Tinignan ni Cero ang napulot niya. Parang isa itong tinapay. Hindi alam ni Cero kung ano ito sapagkat wala namang ganito sa mga inihanda na pagkain kagabi. Inamoy siya ito, napakabango at parang ang sarap kainin. Kaya kinain niya ito. Nanlaki ang mga mata ni Leo sa nakita niya.

Leo: Bakit mo kinain iyon? Hoy Kantaga!!! Bakit mo binigay sa bata ang Manna?!!!

Iluwa mo yan!!!!

Sigaw ng sigaw si Leo, habang sinisipa si Kantaga na tulog na tulog parin. Sinisigawan niya rin si Cero na iluwa ang kinain niyang tinapay.

Leo: Alam mo ba ang kinaing mong tinapay ay isang Manna. Nagbibigay ito ng kapangyarihan sa nilalang na makakain nito. Subalit may isa itong kapalit. Mamatay ka kapag nasikatan ka ng araw.

Crew: haaaaaaaah kinain mo ang Manna???

Cero: Anong gagawin ko?? ayaw ko pang mamatay, gusto ko pang maging omni king!!!!

Natahimik ang lahat. Hindi nila alam kung ano ang gagawin. Sa Lion's Pride ay isa lang ang nakakain ng Manna, si Krugeri. Nakakain siya ng Manna nagbigay sa kaniya ng kapangyarihang mag teleport, ang Authority of Teleportation.

Krugeri: Hindi naging problema sa akin kahit isa akong Authority User. Nagagawa kong magteleport sa mga lilim para hindi ako masikatan ng araw. At nakita mo naman ang suot ko, balot na balot ang katawan ko hahaha para akong ninja sa ayos ko.

Tiningnan lamang ni Leo si Cero. Iniisip niya na kasalanan niya kung bakit hindi na malayang makakalabas si Cero dahil sa sikat ng araw. Hindi din niya alam kung anong Authority ang lalabas sa kinain nitong Manna.

Leo: Sayo na itong jacket ko na may hood. Suotin mo yan lagi para hindi ka masikatan ng araw. Kung gusto mo paring maging isang Omni King, pumunta ka sa Multiverse at hanapin mo ako at isauli mo sa akin kapag natupad mo na ang pangarap mong maging hari ng mga scavangers.

Isinuot ni Leo kay Cero ang kaniyang jacket. At umalis na sila dahil naayos na ang kanilang spaceship.

Kantaga: Cero, huwag kang mamatay. Hanggang sa muling pagkikita. Sa Multiverse!!!

At lumipad na ang Lion's Den. Tinignan lamang ito ni Cero hanggang sa ito ay tuluyang naglaho sa paningin niya.

Itutuloy...