webnovel

Chapter 44

Walang sinayang na panahon ang grupo nila Carlo. Pagkatapos nilang mag-usap-usap na lima ay nagplano na ang mga tao ni Carlo kung paano dadalhin sila Jake at Lexi sa safehouse ng hindi makakatunog ang grupo nila Brix. Mahirap gawin ito dahil alam nilang nakamonitor na ang grupo nila Brix sa bawat galaw ng mga tao sa paligid ni Lexi. Sa telepono na lamang nagpaalam sila Jake at Lexi sa kanilang mga magulang at halos hindi mapigilan ni Lexi ang kanyang pag-iyak ng madinig ang pag-aalala ng mga magulang.

Matapos makabuo ng plano nila Carlo ay kinausap niya sila Jake at Lexi. Sa gabi nila gagawin ang pagpunta sa safehouse. Tatakbo pa din ng normal ang buhay nila sa natitirang oras bago dumilim. Pagdating ng gabi ay dederetso ang dalawa sa bahay ni Jake at magpapalipas ng oras. Iintayin ang signal ni Carlo para umalis na sa bahay. Dahil walang dalang kahit ano si Lexi ay halos puro damit at gamit ni Rhian ang dala niya.

"Dre, kayo ng bahala ni Rhian sa ospital. Dadating naman sila Daddy at Mommy next week. Dre, ingatan mong kapatid ko." Bilin ni Jake habang nakaupo sila sa sala. "Dre, kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko ang lahat maging ligtas lang si Rhian." Sagot ni Anthony.

"Mag-iingat kayo dito ha? 'Wag kang lalabas ng hindi mo kasama si Anthony." Bilin ni Lexi. "Oo naman. Baka dito na din kami mag-stay sa bahay ni Kuya pati sila Mommy at Daddy. Mas okay na 'yung sama-sama kami sa isang lugar." Sabi ni Rhian. "Bawal kaming gumamit ng cellphone doon. Ikaw na bahala sa mga magulang ko ha?" Patuloy ni Lexi na nagsimula na naman maiyak. "Bakit ba kasi sa dinami-dami ng taong pwede nating makilala eh ang walang kaluluwa pa na 'yon ang nakabunggo natin." Inis na sabi ni Rhian na naiyak na din. "Matatapos din ang lahat ng 'to. Hindi naman ibibigay sa atin ng nasa TAAS ang problemang ito kung hindi natin kayang lagpasan." Sabi ni Lexi na pinahid ang luha. "Oo, kaya natin 'to basta sama-sama tayong magdasal." Sabi ni Rhian at nagyakap silang dalawa.

"Magang-maga na ang mga mata n'yo kaiiyak. Mukha na kayong mga zombies sa itsura n'yo." Sabi ni Jake na nilapitan si Lexi, kasunod niya si Anthony na nilapitan naman si Rhian. "Kayo ng bahala dito. Mag-iingat kayo sa mga taong kinakausap n'yo. Matapos lang 'tong problema na 'to, magbabakasyon tayo." Patuloy ni Jake. Gusto mang bawasan ni Jake ang tensyon sa paligid ay hindi niya magawa. "Huwag kang mag-alala dito, Dre. Ang importante ngayon ay ang kaligtasan n'yo ni Lexi." Sabi ni Anthony.

"Ready na kayo?" Biglang nagsalita si Carlo mula sa labas ng pinto. Tumango sila Jake at Lexi at bago sila umalis ay nagyakap mula silang apat ng mahigpit.

Sinuot na nila Jake at Lexi ang hospital gown at mask na nakahanda na kanina pa. Magpapanggap silang pasyente ng ospital na ililipat sa ibang ospital. Sasakay sa ambulance na kasama ang mga nurses at doktor na tauhan ni Carlo. Sila Shane, Richie at Bella lang ang nakakaalam ng buong istorya. Kailangan nila ng mga staff na makikisama sa kanilang munting palabas para hindi maghinala ang mga tao sa ospital na maaring isa sa mga tauhan ni Brix na nagmamanman sa kanila. Humiga na ang dalawa sa hospital bed. Lumapit na sila Richie, Shane, at Bella sa kanila. Isang mahigpit na hawak sa kamay ang binigay ni Richie sa kaibigan. "Love you, beks. Ingat ka." Sabi ni Richie. "Love you too, Beks. Mag-iingat din kayo dito." Sabi ni Lexi. Tumikhim si Jake dahil sa nadinig sa dalawa. "Love you, OIC." Sabi ni Richie sabay kindat sa binata. Natawa lang si Jake, pagkatapos ay nagsimula ng gumulong ang hospital bed.

Pagpasok ng dalawa sa ambulance ay nagulat sila ng nasa loob din si Carlo na nakasuot ng gown. "Bagay sa'yo." Sabi ni Lexi na kinasimangot ni Jake. Natawa si Carlo sa itsura ni Jake. Napansin ni Lexi ang isang babae na kasama din nila sa loob. "Nga pala, si Bianca, girlfriend ko, Pre." Natatawang sabi ni Carlo ng makitang nagliwanag ang mukha ni Jake. "Hi! Nice meeting you." Sabi ni Bianca na nakipagkamay sa dalawa. "So, pareho kayong sundalo?" Tanong ni Jake at tumango ang dalawa. "Sensya ka na, Pre." Patuloy ni Jake. "Okay lang, Pre. 'Di kita masisis kasi maganda ang girlfriend mo pero siyempre mas maganda girlfriend ko." Sabi ni Carlo at nagkamayan ang dalawa habang nagtatawanan. Nagkatinginan sila Lexi at Bianca dahil hindi nila maintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa kaya pareho na lang silang nakibit balikat.

Tumunog na ang sirena ng ambulance ng sabihin ni Carlo sa driver, na tauhan din n'ya, na umalis na sila. "Kami ni Bianca ang makakasama n'yo sa safehouse." Sabi ni Carlo. "Sandali, saan ba yung safehouse na 'yan?" Tanong ni Jake. "Isang executive subdivision sa Nueva Ecija. Bago lang kasi ang safehouse na 'yun at safe dahil mahigpit ang seguridad dahil mga tauhan ng gobyerno ang nakatira." Sabi ni Carlo. "May isang rule lang ako para sa inyong dalawa. Pwede n'yong gawin ang lahat sa loob ng bahay pero, 'wag na 'wag kayong lalabas ng bahay. Hindi ako pwedeng maglagay ng tauhan ko sa labas dahil pwedeng maghinala ang iba at maaring makapagbigay ng tip para kila Brix." Bilin ni Carlo. "Para din pala kaming nakakulong." Malungkot na sabi ni Lexi. "Don't worry, girl, gawin nating enjoyable ang pag-stay natin sa safehouse. Besides, kasama natin ang mga boyfriends natin so, we can do everything with them." Sabi ni Bianca na kinapula ng mukha ni Lexi. "Oh, no! You mean?" Nakangising sabi ni Bianca. "Madaming uumbag sa akin kapag, alam n'yo na." Sabi ni Jake na kinatawa ni Carlo at Bianca. "Huwag kang mag-alala, Pre, matutulungan ka namin ni Bianca sa problema mo. Mga dalawang bote lang 'yan." Sabi ni Carlo na kinatawa ni Jake pero lalong kinapula ni Lexi. "Carlo! Susumbong kita kay Lolo!" Namumulang sabi ni Lexi pero tinawanan lang siya ng tatlo.

Matapos ang apat na oras na biyahe ay narating na nila ang Nueva Ecija pero hindi sila sa safehouse dumiretso kundi sa isang maliit na ospital. Pagpasok ay dumiretso sila sa pinakaloob ng ospital. Napagalaman ng dalawa na isang sundalo din ang may-ari ng ospital na kinausap nila Carlo at Bianca para sa munti nilang palabas. Pagkatapos ng isang oras ay umalis na ang ambulance na naghatid sa kanila. Pagkatapos ulit ng isang oras ay saka sila lumabas sa may bandang likod ng ospital at sumakay sa isang itim na kotse na nakabihis na ng normal na damit at umalis na ng ospital papuntang safe house.