webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
303 Chs

Chapter 7: Bestfriends

After naming kumain. Kinausap pa ako ni papa kung pupunta raw akong school. Kailangan, kasama ko raw si Kuya Lance. As if di naman ako marunong magmaneho. Ang sabi pa nya. Kahit pa raw marunong na akong magneho dapat kasama ko pa rin si kuya. Gosh!.. Ibig nyang sabihin buntot sakin si kuya?. Suskupo!. Para naman akong bata neto. Nasa legal age na ako. Naman po!.

"Nak, daan ka nga sa grocery mamaya. Bilhin mo to.." sabay abot sakin ni mama ng listahan ng ipapamili nya. Wala akong choice kundi isama si kuya sa school. Nagreklamo pa nga dahil may pupuntahan daw sana sya kaso nautusan eh. Kaya walang magawa kundi sumunod sa utos ni kamahalan. Dahil kung hinde. Locked down kotse nya.

"Mabilis lang tayo ha.. may pupuntahan pa ako.." pinaharurot na nya ang sasakyan.

Para tuloy akong sumakay sa pampublikong sasakyan. Nagbuhulan buhok ko sa bilis nyang maneho tapos mamaya pepreno bigla. Muntik pang nasubsob mukha ko. Suskupo Bamby!.

"Kuya, bibisitahin ko pa sina Karen sa room..."

"Basta mabilis lang.."

"Oo. Saan ka ba kasi pupunta?.."

"Makipagkita nga.."

"Kanino?.."

Umiwas sya ng tingin sakin. Sino kayang pupuntahan nya?. Hmm..

"Basta.. bilisan mo ha.." Tsk.. malala.. Pinipilit kahit sa tingin ko mahirap.

"Kuya naman?. Apat na taon kaming di nagkita tapos lilimitahan mo oras ko?.. Suskupo!.."

reklamo ko dito. Umiling lamang ito.

"Tsk.. one hour is enough Bamby.."

"Kuya?.."

"Diba may iniutos pa sa'yo si mama?.." pag-iiba nito sa usapan. Damn him!.

Bumuntong hininga ako at humalukipkip. Psh. Kung alam ko lang na ganito sya kahustle kasama sa ngayon. Di nalang sana ako tumuloy. Badtrip!.

"Pwede ko naman yun gawin after.." ngumuso ako. Nagpapaliwanag. I heard him sigh.

"Fine.. ganito nalang.." nilingon nya ako. Inihinto sa gitna ng kalsada ang sasakyan dahil sa red light. Nasa manibela ang kaliwang kamay habang ang kanan naman ay nasa baba. "What if, idodrop nalang kita sa school. Then, sunduin nalang kita after?.." nagliwanag ang nagdilim kong mundo. Mabuti nalang maganda suhestyon nya. Nababanas na ako.

"Bright idea kuya.. tapos tawagan nalang kita kung magpapasundo na ako.."

"Hmmm... your phone then. Put in a loud tone.." mabilis akong tumango sa kanya. Nang matanaw ang dating eskwelahan. Lahat ng alaala sakin. Nagbalik. Yung masasayang araw kasama ng mga kaibigan ko. Si Karen. Nakakamis yung malakas nyang tawa. Si Winly, yung mga joke nyang minsan di ko magets. Tsaka si Joyce na wala akong balita sa kanya simula noong umalis ako. Ang alam ko pa nga noon. Sya ang gagawa ng paraan para magkaroon kami ng komyunikasyon e. Kaso, hanggang akala ko lang pala yon. Dahil kahit minsan. Hindi sya nangamusta o nagparamdam man lang.

Kinausap namin yung guard. Ang sabi. Eksaktong may program sila. Bawal kasing pumasok kapag normal days e. Buti nalang may activity ngayon kaya pinayagan akong pumasok. Di na pumasok pa si kuya. Basta siniguro nya lang na nasa loob na ako.

Habang naglalakad. Marami akong naririnig. Iba iba.

"Pre, may maganda.."

"Uy, artista ba sya?.."

"May naligaw?.. Kausapin natin.." Hindi ko sila pinansin. Basta taas noo na akong naglakad para hanapin ang mga taong kailangan kong makita. Kaso, suskupo Bamby!.. Sa dami ng estudyante. Di ko sila makita. Para kasing mas lumaki ang school. Nadagdagan ng buildings. Kaya nalilito ako kung saan pupunta.

"Excuse us Miss.. how may I help you?.." nakaharap ako sa entrada ng canteen. The usual canteen is at it is. Yung pintura lamang ang nagbago dito. Naging pink na ang dating dilaw. Magkahawak ang aking mga kamay. Kinakabahan. Kinalabit ako ng taong nagsalita. Ngunit hindi pa man ako nakakaharap sa kanila. May yumakap na sakin patalikod.

"Gurl ano ka ba?.. Baka mapahiya ka..." suway sa kanya ng isang pamilyar na boses. Gosh!!. Di ko na maitagao pa ang aking ngiti. Karen is back hugging me. And Winly is so close to her. I felt it.

"Karen!.."

"Shhhh.. kilala ko sya.."

"Kilala mo?. E paanong di ko kilala?.."

"Hahaha.. Ewan ko sa'yo.. Tignan mo kaya?.." bumulong sakin si Karen. "I miss you girl." Kagat ang labing ngumiti ako. "I miss you too.." humarap ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

Nasa tabing likod nito si Winly kaya para itong nakakita ng multo noong malaman kung sino ako.

"O my God!!!." histeryang himig ng bakla. Tinakpan ang sariling bibig. Lumaki ang mata maging ng butas ng kanyang ilong. Oa na naman to!. I'm 100 percent sure of that.

"Bamby girl?!.." tinuro pa ako. Hindi naniniwala. Sabi na nga ba e. Oa. Haist. Isa yan sa mga namiss ko sa kanya. Yung kaoa-yan nya.

Kumalas ako kay Karen saka sya nilapitan. "Yes Winly Castillo?.." ngisi ko.

"O my gosh!..." naiiyak nitong himig habang umiiling. Tumayo ako sa harapan nya at namaywang. "Hindi mo ba ako namiss?.." Pinunasan nito ang pisngi. Kingina!.. I'm so damn loved!.

Di na sya nagsalita. Basta nalang nya akong niyakap at dun sa balikat ko humagulgol.

How I missed this. The warmth feeling of being loved by someone. Ugh!. My day is so complete now.