webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
303 Chs

Chapter 66: Worried

Iyak sya ng iyak. Di ko rin mapigilang mapaluha sa bawat patak ng luha nya sa damit ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat isang luha.

"Tama na. Andito lang ako.." kasabay ng hikbi nya ang pagpunas ko ng luha saking pisngi. Damn!.. How to unstop tears from falling?.. Should I cry out loud?. Can I unmute my eyes from creating tears?.. Anu ba Bamby?.. Magtigil ka nga!..

"Gurl, flag ceremony na. Dito nalang kayo. Isarado ko pintuan." dungaw samin ni Winly.

Di nagtagal kumalas rin sya ng yakap. Hawak ang mukha saka nakatungong bumalik sakanyang upuan.

Kanina ko pa gustong magsalita pero bigla akong nahiya. Hindi ko alam kung bakit. Siguro sa matagal ng panahon na hindi ko sya nakausap. Naiilang na ako ng ganito Ampusa!..

Makalipas ang ilang minuto ng katahimikan. Nakahanap rin ako ng magandang hangin para ibuga ang nasa isip ko. "Joyce... I'm so sorry.." bumuha ng kaba ang aking sistema. Dammmnnn!.

Umiling lang sya kahit takip ang kanyang mukha. Kumunot agad ang noo ko sa naging iling nya.

"Hindi ko alam na may problema ka na pala.. patawarin mo ako. Hinusgahan kita.."

Umiling muli sya. What's up with her?.. Ayaw nya ba akong kausapin?.. Tell me Joyce?. Verbalize it.

"Nagalit ako sayo kasi hinusgahan mo ako ng hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko yun matanggap kasi mismong bestfriend ko, siniraan ako.."

"I'm sorry.." garalgal ang kanyang boses habang sinasambit ito. Shit!. Yung luha ko, nag-unahan na talaga sila. Di ko na sila napigilan pa.

Ang luha, parang ulan, kapag nabigatan na ang utak mo na parang ulap, kusa na ring babagsak ang mga tubig dito. Aapaw hanggang sa bumaha na.

"Hay, antagal ng announcement. Kating kati na akong umupo. Mga pusa talaga.." Ani Winly na kakabukas ng pintuan ng room. Sunod sunod na ring pumasok ang lahat ng kaklase namin. Pati ang aming adviser.

"Good morning.." bati ng aming guro.

"Good morning Ma'am.." bati rin ng lahat.

Lumipat na ako ng upuan ngunit hindi pa rin maalis kay Joyce ang aking mata. Muli, bumalik sa dati ang pwesto nya. Isang braso sa armrest tapos patong ang kanyang ulo.

"Good morning Joyce.." bati ni Ma'am sa kanya. Dun lang sya umayos ng upo.

"Hala.."

"Anong nangyari sa kanya?.."

"Joyce.." pagtataka ng mga kaklase namin.

Ganyan din ako kanina.

Si Ma'am, "Joyce, anong nangyari sa'yo?.." nilapitan nya ito.

"I'm fine po.." sagot nya lang. Sobrang hina pa.

"You're not hija. Look at you. Mugto yang mata mo. Nangingitim pa. Tsaka yang pisngi mo, namumula.."

Tumulo na naman ang kanyang luha. Damn Denise!!!.. Anong ginawa mo sa kanya?..

"I'm okay po.." Parang nakikita ko Ang dati kong sarili sa kanya. The old Bamby.

"No. Stand up. And go to the clinic.." utos nya rito ngunit hindi rin sya agad kumilos.

"Ma'am, can I accompany her?.." itinaas ko agad ang aking kamay para aalalayan sya.

"You may go.." inayos ko ang gamit bago tumayo. Pero itong si Winly, abnoy.

"Ma'am, can I--?.." Hindi sya pinatapos ni Ma'am.

"No Winly. One is enough. Bawal ang maraming tao sa clinic.."

"Pero Ma'am?.." nasa pintuan palang kami dahil maging ang paglakad nya, paika ika rin pala. Hell shit!... Sarap manabunot ng buhok!!..

"Ma'am please..." dagdag ni Winly. Ang kulit lang.

"Winly.. bakit ba ang kulit mo?. Manahimik ka na dyan.." galit na sya. Lagot kang bakla.

"Ma'am kasi, paano ako tatahimik kung yung tyan ko hindi matahimik?.." may iilan nang tumawa. Bwiset!..

"What?!!!.."

"Can I go outside?.. My fart is coming.." tumakbo na ito palabas ng room nang di hinihintay ang sagot ni ma'am. Tuloy napuno ng tawanan ang loob ng room. Walanghiya!.. Pusa ka talagang bakla!..