webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
303 Chs

Chapter 44: Sutil

Isang linggo na simula nung payagan kami ni Lance na magdate. At kahapon lang din. Pinayagan na ako ng mga magulang nya na ligawan sya. Ang bilis dumaan ng panahon. Parang kailan lang noong mga panahon na hindi ko sya matignan. Pinapanood ko lang sya sa malayo. Hindi makausap dahil sa hiya. Lalo na ang mahawakan dahil sa katorpehan. Apat na taon muna ang lumipas bago ko narealize na sobra nga akong naging torpe pagdating sa totoong nararamdaman ko. Duon din sa apat na taong iyon. Sinabi ko sa aking sarili na kapag umuwi sya dito. Gagawin ko lahat. Makausap lang sya. Mahawakan at matignan ng malapitan. Wala ng hiya hiya. Dahil kapag pinalampas ko pa ang apat pang taon. Baka maging matandang binata na ako. Hindi nakapangasawa dahil sa kawalan ng loob na manligaw. Torpe nga in short. Pero ngayon. Hindi na ako ganun. Pilit kong pinapalakas ang aking loob kahit na kinakain pa ako ng kaba. I should endure this to make her mine.

"Baby.." bulong ko malapit sa kanyang tainga. Pareho kaming nakupo sa kanilang sofa. Baluktot ang kanyang mga paa habang kandong ang isang unan. Sa flat screen na tv diretso ang mata. Seryosong nanonod doon.

Dinunggol ko ang kanan nyang balikat para lingunin nya ako. "Baby.." sutil ko pa rin. Hindi kasi nya ako pinapansin eh.

"Wag ka nga!.. marinig ka e.." nilinga nya muna ang paligid. Chineck kung may iba pa bang tao bukod samin o wala na. Luminga din ako. Clear. Walang tao.

"E ano kung marinig nila?.."

"Jaden?.." sinaman pa ako ng tingin. Kumindat lang ako. Binabalewala ang sama ng kanyang tingin.

"Hehehe.. Joke lang. Ang seryoso mo talaga.." Piningot ko ang ilong nya pero mabilis syang umilag sakin.

"Tsk. kapag narinig ka ni kuya Lance. Baka pauwiin ka.." banta nya.

"Di ako takot sa kanya.."

"Really?.. kuya!!.." mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig. Susmaryosep!. Papatayin ba ako ng taong ito sa kilig o sa bugbog?. Wag naman. Di pa nagiging tayo e.

"Joke lang. Namiss kasi kita." tumigil ito ng ilang segundo saking mata. Tumitig. Tinanggal nya ang kamay ko sa bibig nya. Hinayaang nakaakbay ito sa kanya.

"Miss mo akong asarin ganun?.." anya.

Nginitian ko sya at tinanguan. "Sobra..baby.."

"Tsk.. Ang kukit Jaden. Daig mo pa si Niko. Pauwiin ka lang, tignan mo yan?.." banta nya sakin.

"Hmm. you mean?. Ayaw mo akong umuwi huh?.." ngisi ko. Di mapigilang kagatin ang ibabang labi sa tuwa. Damn!.

"Ano sa tingin mo?. Ilang araw akong nakakulong dito. Tapos..di pa kita nakikita.." umiwas sya ng tingin sakin. Ibinalik sa tv. "Sinong di makakamiss?.." nguso nya.

Susmaryosep!.

Damn!.

Yahoo!!!..

"Nagkakausap naman tayo sa phone ah.."

"Iba pa rin yung sa personal.." giit nya.

"So you really miss me?.."

"Damn boy!. paulit-ulit na tayo dito?.."

"Fine baby. chill okay?. hahaha.." inirapan ako ng mata nyang parang mga tala. Kumikinang sa saya.

Natahimik kami at parehong nanonood nalang sa tv. Nakakaawa din kasi yung lalaki. Namatay yung girlfriend nya. Di ko alam kung bakit. Sa iba kasi ako nakatingin.

"Baby..." kulit ko.

"Jaden--.."

Di nya naituloy ang gustong sabihin ng sapawan ko sya.

"Bamby, I should say. Rhyme kasi ng pangalan mo eh. hehehe.." mabilis kong bawi. Baka pauwiin ako ng tuluyan eh. Ilang araw kona nga syang di nakita. Gaya ng sinabi nya. Mangungulit ka pa boy!. Behave.

"Bamby.." Ang kulit ko talaga kapag uminom ng kape. Ang hype.

"Hmmm.." iyon maayos sagot nya. Di galit. At hindi rin naiinis.

"Labas tayo bukas.."

"Saan naman?.."

"Kahit saan. Basta kasama lang kita.."

"Magkasama naman na tayo diba?.."

"I want to date you officially.. baby.." napapikit talaga ako ng pukpukin nito ang aking ulo. Mahina lang naman pero para sakin malaki ang naging epekto. Nagising katawang lupa ko. Naglakbay hanggang sa kabilang mundo.