webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
303 Chs

Chapter 42: Sudden date

Alas nuwebe na ng pumasok kami ng mall. Maraming tao dahil linggo. Naunang naglakad si Lance samin habang magkasabay naman kami ni Bamby.

"Ano nga ulit yung sinabi ni Lance kanina?.." tanong ko habang kami ay nakatayo sa escalator. Nakaharap sya sa taas habang ako naman ay di maiwasang panoorin ang buong mukha nya. Di ko mapigilan e. Nakasandal ako sa gilid. Staring intently at her.

"Stop staring..ugh!.." pumadyak pa ito ng mahina matapos akong paluin sa dibdib. Susmaryosep!. Lihim akong humalakhak. Kinlig ka naman boy!.

Nginisihan ko sya. Binabalewala ang mga taong nasa paligid.

"Pigilan mo munang maging maganda..." hinabol ko sya ng nauna ng maglakad sakin. Patalikod akong maglakad. Nakapamulsa at dinudungaw ang iniiwas nyang mukha. Kinagat nya na naman ang ibabang labi. Wala rin akong ibang magawa kundi kagatin din ang sariling labi. Pinanggigilan ko ito. "Bakit mo ako iniiwasan?.." sutil ko ng paakyat muli kami papuntang game zone. Si Lance di ko na matanaw kung saan nagpunta. Nakatuon lang kay Bamby ang buo kong atensyon.

"Nakakailang ka na kasi..." umiwas sya sa kinatatayuan ko. Umiling ako at hinagod ang buhok. Naiilang sya sakin. Sus baby ko!.

"Tsk. tigilan mo nga yan.." hinawi muli ang buong mukha ko ng nakasimangot. Sumabay ako sa kanyang lakad pero di pa rin matanggal ang mata sa maganda nyang mukha.

"Di ko mapigilan e.." sutil ko pa rin. Huminto sya sa paglalakad saka ako hinarap ng tuluyan. Pinalaki nya ng todo ang singkitan nitong mata. Tumayo ako ng tuwid sa mata nyang para na akong tinitiris sa inis. She's already annoyed men. Heck!.

Huminga muna sya ng napakalalim. Namaywang bago ako kinausap. "Ex ko si Dilan.." lumalim ang kanyang hininga. Sabe na eh. Tumango lang ako sa kanya. Naghihintay ng kasunod nyang sasabihin. "At gusto nyang magkabalikan kami.." tumango na naman ako. Nag-iwas sya ng tingin. "But, I.. don't want to.."

Ayaw na nya sa ex nya?. Bakit?. Sana ako nalang ang dahilan nya. How I wish.

"Ayoko na.. dahil manloloko sya.." malungkot nitong himig. Parang sandaling huminto ang mundo ko. Hindi nagustuhan ang sinabi nya. Niloko sya ng gagong iyon?. Kingina!. Yung babaeng pinapangarap ko, niloloko lang ng iba. Pinaiyak lang nya?. Wala syang hiya!. Makita ko lang mukha nya. Baka masapak ko pa. Damn that boy!.

"Anong gusto mong gawin ko?.." sa dami ng gusto kong itanong. Ito lang ang kaya kong sabihin. Wala e. Baka umiyak sya kapag tinanong ko pa kung bakit sya niloko.

Kumikibot kibot ang pino nyang bibig. Pinipigilang magsalita. Kalaunan. Umiling nalang. Pareho kaming natahimik.

"Boy!!.." natunaw lang ang nagyelong katahimikan samin ng sumigaw si Kian. Kamot ang ulong nilingon ko sya. Nasa entrada na sila ng game zone. Kasama ni Lance na direktang nakatingin sakin. Seryoso pare. Mabilis bumalot sakin ang takot dahil sa biglaang pagsibol ng kaba.

"Ang tagal nyo!. Kanina pa kami dito.." reklamo pa nya.

"Pasensya na. May pinag-usapan lang kami.." nilingon ko si Bamby na nilapitan agad ang kapatid.

"Tungkol saan naman?. Gusto nyo bang magsolo?. madali kaming kausap.." Ang daldal nitong si Dave. Walang takot magsalita kahit marinig pa ni Lance.

"Date na kayo.." kantyaw ng iba pa.

"Tsk.. Ewan sa inyo.." sinuntok ko sa ere ang mukha nila. Umilag naman ang mga ito na para bang natamaan dun sa suntok kahit hindi naman totoo. Mga abnoy!.

"Let's ask Bamby?. What do you think?.." nagulat ako kay Lance ng sabihin ito. Laglag ang mga panga ng buong tropa sa kanya. Maging ang kapatid nya ay umawang ang bibig sa sinabi nya. What on earth is he saying?. Seryoso ba sya?.

"Go now. Magdate na kayo.."

"Kuya?!.." mahinang bulong ni Bamby. Ako, walang masabi. Natutuwa sa narinig. Susmiyo!. Date na daw kami?. Naman boy!. Lucky you!.

"Ano?. ayaw mo?.." usisa ni Lance sa kapatid. Namumutla na ito. Nahihiya. Ewan.

Umiling sya. Nalito naman ako sa ginawa nya.

"Ayaw mo?.." ulit pa nito sa nagpapawis nang kapatid. Hot seat ba?. Loko ka Lance.

"Gu-gu-gusto..." nauutal nitong sambit. Sa malayo pa tumingin. Sinugod ako ng buong tropa. Ginulo ang buhok saka kinatyawan.

"Boy Jaden!. Boy Jaden!.." kinamot ko lang ang sariling ulo sa saya.

Pinayagan kami ni Lance na magdate?. Ibig sabihin ba nito, okay na sya sakin para sa kapatid nya?.

Hindi yan papayag kung hinde ka pa rin nya gusto para sa kanya boy. Kaya gumalaw ka na. Huminto kasi ikot ng mundo ko. Kaya di alam kung ano nang nangyayari sa paligid.

Nilapitan ako ni Lance. Hinarap. Tinapik ang aking balikat bago kinausap. "Go. And enjoy.." Anya lang bago tinawag ang buong tropa papasok ng game zone. Iniwan kaming parehong lutang pa rin sa ginawa nya.

Hay!..