webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
303 Chs

Chapter 36: Red days

Pagkatapos ng intrams. Back to normal na ang lahat sa school. At back to normal na rin ang puso kong ligaw. Nagdiwang kasi ito ng husto nung araw na nanalo ako. Lalo na't tumambay pa muna sa bahay ang taong yun bago umuwi. Sana wala syang sabihin sakin matapos kong umakyat nang di pa sila umaalis. Paano ba naman kasi, walang humpay na tukso ang ginawa sakin ng dalawa. Si kuya Lance at Winly. Binigyan nila ng clue si Jaden, kahit puro ngiti at tango lang ang sagot nito sa kanila. Mga timang lang.

Kinaumagahan.

May kumatok.

Nakahiga pa rin ako. Masakit ang puson ko. Bwiset!. Lunes pa naman.

"Nak, nasa baba na si Lance. Bilisan mo raw.." si Mama pala.

Namimilipit ako sa sakit. Pinapawisan kahit nakatutok ang electric fan. Di ko kayang sumagot dahil kagat ko ang aking labi. Pinipigilang umiyak. Hawak ang tyan. Nakabaluktot paside. Damn this. I really do hate this thing every month.. Nakakairita. Pero, wala akong magawa. Kundi indahin ang sakit.

"Bamby, malalate na raw kayo. Baba ka na.." si kuya Mark naman ang kumatok. Bumaliktad lang ako saking kama. Hindi kayang tumayo.

Badtrip!. Kung bakit nataon pa ng lunes e. It's a double hate monday for me.

"Hey Bamby!. Wala ka bang balak pumasok?. Late na tayo.." galit na ang boses ni kuya Lance. Alam ko. Mahirap maghintay sa wala. Yung tipong pinaghintay ka pero di pumunta o mas masakit, di pala dumating. Kaya ayan, para na naman syang leon, nangangapa nang tao.

"Bamby!.." pinihit na ang doorknob. Kinuha ko lang ang kumot saka tinalukbong ang paa ko hanggang baywang. May tagos na kasi. Nakakahiyang ipakita.

"What the hell Bamby!.." hawak na ang kanyang noo. He's frustated now. Masama pa ang tingin sakin. "Kanina pa ako naghihintay sayo tapos ikaw, ayan ka lang?.." sigaw nito sakin. Imbes sagutin sya, mas pinili kong pumikit nalang at indahin ang mga walang humpay nyang mura at matalim na titig. Wala akong lakas ng loob na asarin sya ngayon. Nakakairita ang maingay nyang boses.

"My goodness Bamby Eugenio. You---.." di nito itinuloy ang akmang sasabihin. Nagwalk out ata o ano. Di ko makita ang reaskyon ng kanyang mukha dahil lihim ng lumuluha ang aking mata.

Natahimik na ang kapaligiran. Pumasok na siguro. Di man lang nahalata ang itsura ko. O ang di ko pagsagot sa mga birit nya. Hays kuya!.

Nagulat ako ng may biglang kamay na dumapo sa aking noo. Medyo malamig pa ito. Kaya napadilat ako.

"Hey!. You okay?.."

Luha ko ang sumagot sa kanya. Sobrang sakit e. Para syang nalalaglag na ewan. Pati pang-upo ko nadadamay.

"Ma!. Kuya!.. si Bamby!.." hiyaw nya. Natataranta.. Nakauniporme na ito. Umaalingasaw pa ang pabangong nakadungaw sa labas. Sinisilip ang mga tinawag.

"Anong nangyari?. Nasaan sya?.." hinihingal pa si Mama. Patakbo syang dumalo sakin.

"Anak, bakit?. Anong masakit sayo ha?. Sabihin mo sakin.." lalong bumuhos ang luhang galing saking mata.

"Bamby?!..." pati ang dalawa kong kapatid, dumungaw na rin sakin.

"I'm okay. Ma-sakit lang ang tyan ko.." I sputtered.

"No you're not okay.." What is it tell us Bamby.." inis na ang boses ni kuya Mark. Nag-aalala talaga sya. Si Mama, nakatingin lang sakin. Binabasa ang bawat galaw ko. Si kuya Lance, hawak na ang telepono. Pumipindot.

Mas lalo akong bumaluktot. Nasa paanan ko si Mama. Habang kaharap ko sina kuya.

"Don't worry.. Idadala ka namin sa ospital.."

Umiling ako. Kay Mama nakatingin. Mukhang nakuha nito ang tinging ipinukol ko sa kanya.

"Boys, labas na kayo. Ako nang bahala sa kanya.."

"Pero Ma?. Mas maganda kung sa ospital nalang tayo pumunta. " si kuya Mark.. Hinawakan pa ang noo ko. Nagkatinginan sila ni Mama ng bahagya. Medyo nakaramdaman naman sya. Mabuti nalamg.

"Tara na Lance. Di ka ba papasok?.." inakbayan nya na ang isa. Sabay akay sa labas. Nagtataka ang mukha nya nang huling tumingin samin bago tuluyang isara ni Mama ang pintuan.

"Bat di mo agad sinabi?.." agad nya akong inasikaso. Tinulungang tumayo, maligo at maglinis ng higaan. Pagkatapos, pinagluto pa akong mainit na sopas. Medyo kumalma na rin ng uminom na ako ng gamot.

Damn!. Ang PMS parang love yan, masasaktan ka kung hahayaan mong saktan ka nya.. Relate ba?. Kaya pag di na kaya, hingi ka na ng tulong sa iba. Wag mahiya. Kailangan mo yan. Nating lahat. Coz no man is an island.

Hey!. Happy New Year y'all!. Be safe!.

Chixemocreators' thoughts