webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
303 Chs

Chapter 35: So good

"Jaden, ano ba!?. kailangan ko ng umalis. Baka hanapin ako ni Knoa." sumubok akong tumayo subalit lalo nya lang akong kinulong sa matikas nyang mga braso. Pinagpahinga ang baba saking balikat. Doon naamoy ko ang hininga nyang napakalamig. Pakiramdam ko, nasa tabing dagat ako. Hinihintay ang pagsilip ng araw.

"Hmm.. baka pwedeng anak natin ang sabihin mo.." teka?. Is he joking?. Tinignan ko sya sa gilid ng aking mata. Nakapikit sya't, mukhang gustong gusto ang pwesto nya. O ako sa kanyang kandungan. Nag-init ang pisngi ko sa naglalaro saking isipan. Seriously Bamby!?. Dito ba talaga? Damn you!

"Anong sinabi mo?.." paglilihis ko sa tunay na laman ng isipan ko.

"I said, stop lying baby.. pagod na akong magalit sa'yo.." so he knew all this time na Knoa is his son?. Oh man!. Pagod ka na bang maging cold sakin?. Hmm. ako rin naman. Ligawan mo ulit kaya ako!. Talaga Bamby!?

"Pwede bang sabihin mo nalang sakin kung bakit Bautista ang pinagamit mo kay Knoa?.." tumigil sya kalaunan. Niyakap sa aking tyan ang kanyang kamay. Pinisil ng dahan dahan. Nagtayuan tuloy buhok ko sa batok.

"Hindi pa ba obvious?.." sarkastiko kong tanong. Matunog syang ngumiti.

"Tsk!. Matagal na panahon akong nagalit sa'yo. pilit tinatanong kung sino ang tatay ng anak mo?. Nainis pa nga ako sa mismong sarili ko dahil naisip kong nagmahal ka ng iba, bukod sakin.. ang tanga ko lang dahil hindi ako nagbilang.." huling linggo kasi noon bago kami umalis ay may nangyari ulit samin. Hindi lang isang beses kundi lagpas isang kamay. Ang hot!. Gosh!. Namula na naman panigurado ang aking mukha.

"Naisip mo yun?." tanong ko. Tumango sya kahit nasa balikat ko pa rin ang kanyang buong mukha. Pikit matang nakikipag-usap ng seryosong bagay.

"Of course.. you can't blame me baby.. nandito ka.. andun ako.. milya milyang dagat ang pagitan nating dalawa.. di ko kayang di mag-isip ng masama.." tinitigan ko sya ng malapitan. The way his lips twisted when he's trying to say something. Ugh! Nakakapraning titigan. Gusto kong halikan. "Naisip kong hinanap mo sa iba ang pagkukulang ko sa'yo dahil magkalayo tayo.. nainis ako ng sobra.. bukod kasi sa magkaiba rin ang oras nating dalawa. pareho pa tayong abala sa trabaho.. manlalaki ka talaga.."

"Ang judgemental mo naman. Ganun mo ba ako nakilala?. Kung ganun nga, di nga kita masisi.." biro ko lang sana iyon pero sineryoso nya. Dumilat sya't pinagkunutan ako ng noo.

"Pinagkait mo pa sakin ang mga panahong kailangan mo talaga ako?.. " my eyebrow shut. Di ko nagets yung linya nya.

"What?. I don't get you Jaden?.."

"Hmm.. you don't get it cause you don't know nothing.." mababaliw na yata ako sa pinagsasabi ng taong to. Paano ko naman malalaman kung di nya sabihin ng diretsahan. Hay naku!

"Paano ko naman malalaman kung di mo sasabihin?.. Jaden, time is running.. Seryoso akong baka umaatungal na si Knoa.."

"Andun naman sina Lance diba. Si tito?.."

"Kahit na. Tsk!.." pinilit kong tumayo pero mas malakas talaga sya sakin. Hinila muli ako paupo sa kanya at doon, inipit sa pagitan ng kanyang mga hinti. May naramdaman pa nga ako doon. Gosh!. I'm blushing!

"Kaya na nila iyon.. paano na tong blueprint ng papa mo kung aalis ka na ngayon?. Kailangan ko ba syang papuntahin pa rito to fix it ,or---?.." I shook my my head to cut him off. "Let's start fixing it then?.."

"Oo na.. patayuin mo muna kaya ako para mas mabilis.."

"Answer my questions first. " Suskupo!. Matatapos ko pa kaya yung pinapagawa nya neto?.

"Fine. What?.." irap ko sa kanya. Nag-iinarte! Kaya ko lang mag-inarte ng ganito dahil nakatalikod akong nakaupo sa kanya ngayon. Pero kung nakaharap ako, hihimatayin talaga ako.

"Bakit mo ako tinaguan?.."

Okay!. Eto na nga!.

Nagbaba ako ng tingin. "Stop!.." sasagot na sana ako ng maramdaman ang kanyang kamay na nasa aking hita. Huminto nga sya't pinsil na lamang ang balat na nakalantad.

"Hmm.. I'm waiting..."

"Wag ka kasing malikot..Ano ba!?.." kingina!!. Di ko matatapos ang pinapaulit nya. Swear to him!. Di talaga! I bet one bucks!.

"Jaden!?.." gumalaw ako upang humarap sa kanya patagilid. Nakangisi syang tumingin sakin. Damn!. Pumapasok na kasi kamay nya sa damit ko eh. Nakakainis!

"Hanggat di ka nagpapaliwanag, di mo ako mapipigilan.." tumaas na naman sulok ng labi nya. Damn lips!.

"What the hell!!" I cursed him so bad.

Agad dumampi ang labi nya sa labi ko. Natameme ako sa bilis ng kanyang kilos. "Don't curse my name baby.. it didn't suits your damn good lips.."

"Fuc--!.." di ko mapigilan ang murahin sya..Paano naman ako magpapaliwanag kung di pa ako nagsasalita ay naglalakbay na ang mga kamay. Di naman sa gusto ko ang halik nya.. Sadyang, okay!. Gusto ko nga!. Suskupo Bamby!!!

"Bakit hah?.. Alam mo bang kailangan ko pang uminom ng sleeping pills noon para lang makatulog at makalimutan ka?. Kailangan ko iyon upang kahit saglit, mawala sa isip ko na iniwan mo ako sa ere ng walang dahilan.."

"Di ko iyon ginusto.. tinawagan kita para.. sabihin sana sayong nakapasa ako noon.. at the same time buntis.. pero.. may kasama ka yata noon.. sa kama.. abala sa kung anong ginagawa.." Ang sakit balikan ng mga oras na masakit tanggapin. Ngayon, natatawa na lamang ako na nalampasan ko ang pagsubok na ganun.

Lumaki ang kanyang mata. Di makapaniwala sa narinig. "Seryoso ka ba?.."

"Mukha ba akong nagbibiro?.." umiling sya. Di makapagsalita. "If you ask kung sinong nakausap ko sa phone mo?. Try to remember someone who's trying to destroy us.." nag-isip nga sya. He murmured some random names. And I'm just like. Ganun karami ang babae nya?. What the fuck Jaden!! Sumama ang timpla ng mukha ko. At sa patuloy nyang pagsasalita, lumilitaw ang nakatago nyang ngiti. May iniisip syang nakakatawa!

"Too many girls huh?.." mahina ko iyong sinabi subalit di ko na alam kung paano nya pa narinig.

"I'm just testing if you got jealous baby..."

."What the hell!!.." isang halik na naman ang ninakaw nya. "Fine, Jaden.. I'm so jealous and I'm so mad at you.." matagal na at naipon pa.

"You do?.." ngisi nya. Tumango ako.

Now it's my turn.

"Kailan mo naman ipapaliwanag sakin yung araw na kasama mo ang pinsan ko huh?. Did you two did some--." this time. He cut me off. Nilagay ang daliri nya saking labi.

"Birthday noon ni Niko at imbitado sya dahil kasintahan sya ni Aron..is it okay?." magsasalita sana ako kung paanong nangyari iyon. At kung bakit ginawa nya pa ang bagay na yun?. She's really a bitch!

"May kutob na ako noon na may ginawa sya sa'yo. Di ako naniniwala.. Huli nalang noong nalaman kong, pinagbubuntis mo na ang anak ko..at di mo na sinagot maging ang mga tawag at text ko.." hinawi nya ang buhok na tumakas saking pisngi. "Huli pa nang malaman ko kay Lance na nawawala ka sa inyo.."

Sinabi ni kuya?.

"Sinong nagbalita sayong buntis ako?.." may hula na ako kung sino pero kailangan kong marinig mula sa kanya kung sino talaga.

"Nagmakaawa ako kay Lance ng paulit-ulit. Di ko alam.. naawa yata sya sakin noong huli at sinabi rin sakin ang lahat... noong una. di tanggap ng inyong pamilya ang pagbubuntis mo.. naiintindihan ko sapagkat masyadong mabilis ang lahat. sa araw pang iyon. tumawag ka sakin pero iba ang sumagot.. Yun ang dahilan kung bakit ka naglayas sa inyo at inakalang may namamagitan samin ng pinsan mo.." di ko maipaliwanag kung paano nya nalaman ang lahat ng iyon. Andun ba sya noong mga panahong iyon?.

"Nakita ko ang lahat ng paghihirap mo.. namin ng kuya Lance mo.." bigla ay dagdag nya. Walang syang sinabi sakin.

"What?.."

"Shhh.. finish me first..gusto kitang puntahan, lapitan at tulungan noon subalit ang sabi ng kuya mo, may isang salita ka at hanggat di ka nangangailangan ng tulong ng iba.. magmamatigas ka.." Piningot nya ang tungki ng ilong ko. "At tama nga sya dahil kahit magkandakuba ka na sa laki ng tyan mo, nagtatrabaho ka pa rin. tsk!. hard headed girl!."

Sinabi nyang andun lang sya sa likod ng nirentahan kong bahay noon. I didn't know. Wala nga akong kaalam alam about that. Saka lamang daw nagpakita si kuya noong nakitang medyo mahirap na sakin ang gumalaw..maging noong nanganak ako ay andun daw sya. Binantayan si Knoa hanggat sa malipat na sa akin. "Bakit di ka nagpakita?.."

"Dahil di mo naman sinasagot tawag ko.. Baka palayasin mo lang ako.. di ko alam kung saan pupunta pag nangyari iyon.." totoo naman talaga. Iyon ang gagawin ko dahil galit talaga ako sa mga oras na yun.

"What about noong binyag?. Andun ka rin ba?.." maliit syang tumango. Pinalo ko ang balikat nya sa inis na tinawanan nya lang ako. "Bwiset ka!. I never thought na andyan ka lang pala sa paligid.. bwiset ka talaga!.." pinagpapalo ko sya. Hinuli nya ang kamay ko.

"Di kita kayang tiisin eh.. lalo na ang anak natin.." anya niyakap ako ng mahigpit sabay halik saking sentido. "Masyado kitang mahal at di ko kayang bumitaw nalang basta.." huli ko nalang natanto na nakayakap na rin pala ako sa mga braso nya. Gumalaw sya't binuhat ako. "Jaden!!." tili ko ng paharap nya akong paupuin sa kandungan nya.

"Ssshhhh.." at muli. Hinalikan nya ako sa labi ng mainit, mapusok at may pananabik. Naglakbay ang kanan nyang kamay sa pagitan ng hita ko at pinisil ang pribadong parte doon. Isang impit na himig ang pinakawalan ko. Pakiramdam ko. Hindi galing sakin yun. Naglaro ang kanyang daliri hanggang sa naabot ko ang sukdulan.