webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
303 Chs

Chapter 28: Meet and greet

Mabilis pinaharurot ni Lance ang sasakyan papuntang mall. Pinagtatawanan pa ako dahil hanggang sa shop na pinasukan namin. Hindi ako nagsasalita. Anong sasabihin ko?. Kasama namin si Lance. Baka isipin nya lang na natutuwa ako sa mga tukso ng mga kasama namin. Natutuwa naman talaga ako pero ayaw ko lang ipahalata. Nakangiti naman sya. Kaso lang, hindi ko mahulaan kung anong tumatakbo sa kanyang isip. Kaya mas mabuting wag nalang akong magbigay ng opinyon sa mga sinasabi nila. Malay ko kung tinetest nya lang ako?. O ginagawang eksperimento?. Aba malay ko nga naman diba. Pero alam kong hinde sya ganun. Malaki tiwala ko sa kanya at mas lalong kilala ko na sya. Kapag ayaw nya talaga sa isang tao, hindi nya yan kakausapin o papansinin man lang. Tulad noong nakita nyang umiyak si Bamby sa harapan namin. Nagalit sya samin. Hindi pinansin ni Ace at lalong di ako kinakausap kahit pinapapaaok nya ako aa bahay nila. Gusto kong tumawa noon pero di ko magawa dahil sa hindi nya pagpansin sakin lalo na ang bilin nyang wag kausapin ang kapatid nya. Wala akong maisip na gawin noon na paraan. Sinulutan ko nalang si Bamby. Yun ang una at huling sulat na binigay ko sa kanya. Nalaman ko kasing nalaman din daw ni Lance. Di ko na dinugtungan pa. Di naman kasi nagreply si Bamby. Kaya ano pang saysay diba?. Baka lalong magalit sakin. Kung gaano kaopen si kuya Mark sa lahat. Kabaligtaran naman nya si Lance. Bihira ang nakakasundo o kinakausap nya. In short, mailap o namimili ng tao. Di ko nga alam kung paanong naging kaibigan ko sya e. Basta nangyari nalang.

Matapos kunin ang pastry na inorder ni Bamby sa shop. Lumabas kami agad at pumasok naman sa isang tindahan ng mga alak na mamahalin. Bumili sya duon ng sampu ata o higit pa. Basta hindi ko matandaan dahil lutang pa ako. Iniisip ang kapatid nyang parang diwata ang ganda. Nakakalula

Pagkababa. Second floor pa kasi yung tindahan ng alak. Tinuro ni Kian. Alam na alam. Lasenggero talaga.

Pinabitbit nila sakin yung pastry. Dahil magtutulungan daw silang buhatin yung alak. Ang arte ng mga ugok!. Mga rason nila. Masyadong gamay ko na. Gusto lang nila na ako ang magdala ng pinamili nya dahil paniguradong pag-uwi sa bahay nila. Iaabot ko ito sa kanya. Mga baliw. Ang galing ng teknika nila. Pinapabilib ako.

Sa magulong takbo ng utak ko. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami.

"Baba na pre..." kailangan pang katukin ni Bryan ang bintana ng sasakyan para matauhan ako.

Parang tanga naman akong bumaba. Natataranta. Inayos ko ang damit saka inayos ang buhok na nagulo. Sinuot ang sumbrero kahit wala ng araw.

"Tsk. Wag ka ng magpagwapo. Baka lalo syang mainlove sa'yo.." akbay sakin ni Bryan papasok ng bahay. Nakaparada na pala ang sasakyan. Doon ko lang nalaman ng bumaba ako.

"Tsk. Baliw.." kabado kong sambit.

Pumasok kami ng bahay nila na medyo maingay na. Mabuti nalang kasama ko itong si Bryan. Dahil kung hinde. Baka umatras ako dito at uuuwi nalang ng bahay.

"Oh!. Andito na pala sila..Jaden. Come here.." kaway sakin ni kuya Mark. Nasa sala sila. Nilingon ko naman si Bryan na nginitian lang ako.

Pakiramdam ko. Hindi ako nakatapak sa lupa sa kaba. Masyadong natatakpan ng kalabog ng puso ko ang bawat paghakbang ko. Di alam kung saan didiretso.

"Pa, si Jaden po." unang pakilala sakin ni kuya Mark sa lalaking nasa harapan nya. Katabi si tita. Dumiretso ang nakakailang nitong mata sakin. Nasa lahi na pala nila ang maputi. Katamtaman ang katawan at tangkad. Halatang alaga ito na namana din ng mga anak nyang lalaki. May maliliit na balbas sa kanyang baba at pisngi. Nakadagdag sa angkin nitong kisig kapag nakangiti. Matangos ang ilong at pinong labi Tuloy, napalunok ako ng wala sa oras. Magandang lalaki si tito. Nanliit ako.

"Hmm. I'm so glad to finally meet you Jaden?.." tumayo sya't nilapitan ako. Inilahad ang kamay. Na sa sobrang pagkalutang ko. Hindi ko agad kinuha.

Damn Jaden!!..

"Hahahaha..relax hijo.." tinapik nya ako sa braso ng dalawang beses. "Hindi ako nangangain ng tao. Hahaha.." patuloy nyang tawa. Pero ako, pinapanood lang ang mga galaw nya. Parang pipi, di makapagsalita.

"Ah sir.." garalgal ang aking boses ng sambitin ito. Biglang nahiya sa nasabi. Malaki ang ngiti ni tita sakin pero shet!. Di ko magawang suklian. I don't have any strength.

"Hahaha.. it's okay.." tawa nya pa rin sa harapan ko. "I just want to see you in person. You know. You're friends with my son's and to my daughter also." nanliit mata nya sa sinabing 'daughter'. What the fuck!.

"Pa, naman. Tama na yan. Mahiyain yang si Jaden kaya ganyan." suway sa kanya ni Lance. Nilapitan nya kami. Inakbayan ang kanyang ama..

"Son, gusto ko lang naman syang kausapin.. Anong masama?.." reklamo nito sa anak pero mukhang nakangiti. Alam ko na kung saan nagmana si Kuya Mark.

"You're already talking to him Pa. Baka himatayin yan dyan bigla. Mawalan ng asawa yung anak mo.." binulong nya yung huling linya sa kanyang ama na di ko alam na nadinig pa ng bangag kong tainga. Tinanguan lang sya ng kanyang ama.

Really?.. Ngiti ng puso kong baliw.

"Fine. O'right. Asan ba yung kapatid mo ha?.." muli syang umupo at nagbasa ng magazine. Iniwan kaming dalawa ng anak na nakatayo. Nakatingin sa kanya. Si tita nagpaalam dahil tinawag sya ni Kuya Mark, kanina pa sya pumanhik sa taas dahil hinatid yung pastry na hawak ko kanina. Si Bryan naman, nauna na sa garden. Hinila kanina ni Kian at Dave. Hinayaan akong mag-isa sa loob habang kausap ang hari ng pamilya Eugenio.

"Bababa rin yun mamaya. Pa, sa labas na muna kami.." paalam nito sa ama na tinanguan nya lang pero iba ang titig sakin. Hindi ko matukoy kung ano. "Tara pre.." mabuti at inakay na nya ako palabas ng bahay nila. Dahil kung hinde, baka matuluyan na akong maging estatwa sa harap ng kanyang ama.

Tatay nya palang yun ha. Nauutal na ako. Paano nalang kaya kung sya na?. Mangingisay na ako ng wala sa oras.