webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
303 Chs

Chapter 100: He's here

"Bamby!.. hinahanap ka na sa baba.." sumulpot ang ulo ni kuya Lance sa pintuan ng deck. Sa inis ko dito kanina. Hindi nga ako agad bumaba. Kahit nagsidatingan na ang mga kaklase ko maging sina Karen, Winly at Joyce.

"Kausap ko pa si Papa." sagot ko lang dito. Matapos nilang kausapin si Papa, ako naman ang huli. Ang dami nyang bilin. Hindi maubos ubos ang kanyang tanong. Kung excited na ba ako? Kung masaya raw ba akong pupunta doon. Syempre ang sinagot ko naman. Oo excited na ako. Malamang si Papa yun. Walang katumbas na saya ang mararamdaman ko kapag kumpleto kaming pamilya. Walang hihigit na anuman. Pera man yan o kayaman.

"Kausap mo nak?.." tanong ni Papa mula sa screen ng desktop.

"Si kuya Lance po pa. Tinatawag na ako sa baba.."

"Pa, kanina pa dumating mga kaibigan nya. Hinahanap na sya.." Singit ni kuya. Pumasok sya't tumayo sa likod ng swivel chair na inuupuan ko. Hinawakan ang magkabilang gilid nito. Nagpapaliwanag kay Papa.

"Go on then. Di mo naman agad sinabi eh.. Yun ba yung party Lance?.." Ani Papa sa kanya.

"Yes pa.." maikling tugon lang ni kuya. Agad ring nagpaalam si Papa. May pasok pa daw kasi sya. Isa syang Architect doon. Pinadala sya ng kumpanyang dati nyang pinapasukan sa ibang bansa. Kaya may access din kami doon ngagon. Ang sabi pa nya, madaling araw palang duon. Kaya walang tigil ito kung humikab habang kinakausap ako.

"Lasing na ata si Winly eh. Ang ingay na. hahaha.." akbay nya ako habang pababa ng hagdan. Kaya siniko ko sya at nagreklamo agad. Amoy alak na rin hininga nya. Alas syete palang ng gabi pero nag-iinuman na sila. Suskupo!. Kamusta na kaya atay nila?.

Maingay na nga ng nasa sala na kami. Nilagay nila Kuya sa garden ang konting salu salo para daw atleast may hangin. Ang dami nyang arte. Bakla!.

"Here she goes. Bamby Eugenio is beautiful tonight.." may humiyaw ng ganun sa kumpulan ng mga tao. Uminit ang pisngi ko sa walang humpay na papuri nila. Damn!. Kaya ba nila ako pinababa para purihin?. Suskupo!. I'm not used to it!.. Suot ko ang simpleng sleeveless dress na kulay pula na lagpas tuhod. Bawal kasi sexy. Ayaw nila.

Dumaan ako sa mga nagkwekwentuhang mga barkada ni kuya Mark. Mga freelance model tulad nya. Binati lang nila ako. Nginitian ko lang rin sila dahil agad akong hinila ni kuya palayo sa grupo nila.

"Mga papogi.." bulong nya pa matapos akong hilain.

"Ikaw rin naman ah.." agad nyang kiniliti ang tagiliran ko.

"Kuya. Stop it!. hahahaha.." hagalpak ko habang iniiwasan sya.

"Anong sinabi mo ha?.. Ipagpapalit mo ako sa mga yun?. Kung hindi ako gwapo, edi hindi ka rin maganda?.." medyo malayo na kami sa grupo kanina. Di rin nila maririnig dahil sa ingay ng radyong nakaOn.

"Eh ano kung hindi ako maganda. Basta mas gwapo sila sa'yo!.." sutil ko dito na humahaba na ang kanyang nguso. Pikon talaga!..

Hindi magkamayaw ang aking tawa dahil sa bibig nitong kumikibot kibot. Parang bakla. Ampusa Kuya!..

"Really!.." ngising aso nito. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Walang pakialam sa mga taong nanunuod sakin. Bahala sila dyan. "Jaden, mag-usap nga tayo..." biglang dagdag nito. Meron syang kinawayan sa likod ko. Naglahong parang bula ang aking ngiti. Nanigas at natulala. Damn him!.. Anong Jaden?.. Alam na alam nya talaga kung sinong kahinaan ko. Bwiset!!!.. Nakakainis..

"Kumain ka na nga lang Lance. Lasing ka na eh.." sabay sulpot at bigay nito ng plato kay kuya. Inakbayan muna sya ni kuya bago kinuha ang platong kanina pa nya binibigay. Ngayon, pareho na silang nakatingin sakin. Si kuya, suot ang tagumpay na ngisi. Nang-aasar. Si Jaden, kumikislap ang matang nakangiti sakin. My gosh!. Tuloy, di ko magawang lunukin ang laway na kanina pa nakabara saking lalamunan.

Damn!...

Hell shit!. Andito nga sya. Sa mismong mukha ko. O my!. Breathe Bamby!. Inhale. Exhale. And smile. Act like you are normal..

"Ang ganda mo!.." ngiti nya sakin saka umalis saking harap. O. M. G!.. What did he just say?.. Maganda raw ako ?.. Ayoko na!. Bamby.... Ayoko na!..

Ang ganda ko naman. Napansin ako ng crush ko. Ampusa Bamby!. Daig mo pa nanalo ng lottery. Milyunaryo ka na ng ngiti. Hindi na mawala sa iyong labi.

"Uy!.. wag umasa..." tinapik ako ni kuya bago lampasan. Dumiretso sa kumpulan ng mga barkada nya.

Bwiset!.. Nakakairita. Nakakainis. Nakakabadtrip sya. Bully of my life.

Nagpawis ang buo kong katawan. Ilang salita lang naman yun sinabi nya pero iba ang naging epekto sakin. Ganito pala yung feeling na pinupuri ka ng taong gusto mo. Para kang nakatayo sa mga ulap habang nililipad ng hangin. Ang sarap ng feeling.

"Te, kanina ka pa tulala. Anyare sa'yo?.." kulit sakin ni Winly pero ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Wala. Lutang isip ko. Lumilipad kasama si Jaden.. Shet!. Bamby. Umayos ka nga.

Pasalamat ako sa kanila dahil hinila nila ako sa kinatatayuan ko kanina. Nanigas ako dun. Naging estatwa. Suskupo!. NAKAKAHIYA TALAGA!.

"Bes, ingat ka dun ha. Chat ka na rin.." Ani Joyce sakin. Katabi ko sya at si Karen. Nasa harap ko si Winly na panay ang patawa sa mga kaklase namin.

"Oo naman bes. Mamimiss ko talaga kayo..."

malungkot kong himig.

"Mamimiss ka din namin. Doon na ba kayo titira?.." Ani Karen na hinilig ang ulo saking balikat.

"Hindi ko alam pero parang. Kumpleto na kaming lahat dun eh.."

"Sabagay nga. I'm happy for you but yet a bit sad.. masaya ako kasi sure na ang future mo dun. Malungkot din ako dahil malalayo ka na sa amin.." niyakap ko sya.

"Magkakaibigan pa naman tayo kahit nasa malayo ako diba?.."

"Oo naman. Friends forever." sabay kaming dalawa. Nakisali na rin sina Winly at Joyce. At ang buo naming section. Naluha ako sa katotohanang may mga totoo akong kaibigan. Sana sa pag-alis ko, matatag pa rin ang pundasyon ng pagkakaibigan namin.

"Guys, picture.." agaw pansin ni ate Cath. Ang ganda nya ngayon. Bagay sakanya ang hapit nyang dress na kulay Maroon. Mas Lalo nitong pinakinang ang makinis nitong balat.

Naging abala ang lahat sa picture taking. Kabilaan. Walang humpay ang pagkislap ng camera. Hindi rin mawala ang tawanan.

"Oh. Jaden and Bamby. Picture naman dyan.." si Ate Cath pa rin. Hawak nya ang camera. Handang handa para kunan kaming dalawa.

Ramdam kong nag-init na naman ang aking pisngi.

Di ako makagalaw. Damn this!. Kahit maingay ang nasa paligid. Para akong walang marinig. Nabibingi sa kabog ng aking dibdib.

"Jaden, akbay naman dyan!.." turo bigla ni ate Cath saking gilid. Duon ko lang naramdaman ang presensya nya sa aking tabi. Hindi nga nagtagal. Sinampay nya ng dahan dahan ang kanyang braso saking balikat.

Biglang may nagbalik na alaala. Sa mail.

"That's nice. Closer pa.." ngiti ni ate. Habang kumikislap ang camera nya. Di ko maiwasang tingnan ang taong nasa tabi ko. Hindi ako makapaniwalang makakalapit syang muli sakin ng ganito. Sobrang ganda ng kanyang ngiti. Mas lalo akong nahuhulog.

"Bamby, smile.." agaw pansin sakin ang boses ni Karen kung kaya't nawala sa kanya ang aking mata. Pilit akong ngumiti sa camera. Nung umalis na si Jaden para sa Iba naman daw ang magpapicture ay hindi nila ito pinaalis. Imbes mas tinulak lang nila ito sakin.

"Hahaha.. ayaw nila tayong lubayan.." bulong nya. Kagat ang labi kong tumango sa kanya. Di makapagsalita sa kaba at sayang nadarama.

Hanggang sa unti unti ng nagpaalam ang iba. Lasing na rin si kuya Mark. Si kuya Lance, mapungay na rin ang mga mata nya kagaya ng mga kasama nya sa mesa.

Madaling araw na ng natapos ang lahat. Kaya puyat rin akong asikasihun ang lahat.

Napakasaya ng araw na yun. Ibang klase. Doble ang saya, tuwa, galak, halakhak, kaba at kilig sakin. Yun ang isa sa mga araw na hinding hindi ko makakalimutan.

"You ready?.." tanong sakin ni Kuya Mark nang nasa sasakyan na kami. Ihahatid kami nina Poro at Dennis.

"Always ready kuya.." sagot ko sa kanya habang abalang pinapanood ang labas ng sasakyan. Ginulo nya lang ang buhok ko saka nakipagkwentuhan ulit sa mga kaibigan.

Nang nasa airport na kami nadatnan pa namin ang kumpulan ng aming mga kaibigan. I was so surprised and shocked!. Di ko inexpect na hanggang dito. Ihahatid nila kami.

Niyakap ko sila. Except the boys. But of course with Winly.

"Ingat ka gurl.." si Winly habang yakap ako.

"Ingat ka bes.." si Joyce sabay beso.

"Bamby, ingat dun.." si Karen. Mangiyak ngiyak nilang paalam.

"Salamat guys.." ngiti ko sa kanilang lahat maging sa mga lalaki.

Abala rin sina kuya sa mga kaibigan nila.

Hanggang sa oras na para pumasok kami.

"Bamby, let's go!.." Ani kuya Lance sakin.

Shet!. This is it!. This is really it!.. Saying goodbye to them is not that easy. Specially to someone whose special to me, this is so freaking sad. I'm gonna cry.

"Bamby!.." tawag muli ni kuya Lance.

Pero hindi ako gumalaw. Hindi maalis sa isang tao ang mata ko. Kita kong tinulak sya nina Bryle at Billy dahilan para lapitan nya ako.

Gosh!. Jaden. I'm gonna miss you. Your sweet smile. Your tantalizing eyes. Your handsome face. Your addicting scent. You as a person. I will surely gonna miss you. Gusto kong sabihin ito sa kanya ngunit inuunahan ako ng kaba.

"Bamby, we need to go.." naiirita na si kuya sa malayong likod ko.

"Just a minute kuya.." sambit ko. Kinakabahan sa presensya nya sa harapan ko. Gosh.

Ilang sandali pa kaming nagtitigan.

"Bilis na Jaden!.." sa kanya na bumaling si kuya Lance. Naiinis na sa kabagalan ko.

"Bilis na kasi pre.." tudyo ng mga barkada nya sa kanya sabay pa ng halakhak. Mamimiss ko rin kakulitan nila. Haist!..

Tumitig muna ito sakin bago ako biglang niyakap. O damn it!. What a great way to tame my heart. Shet!.

"Ingat ka dun. Mamimiss kita.." sa kabila ng yakap nya. Ibinulong nya ito. Hindi ako agad nakatugon. Bumuhol ang dila ko sa kabog ng dibdib ko. Hell shit!.. Mahal na kita Jaden. Wait for my comeback. I'll be home soon.

"Gusto kita. Alam mo ba?.." buong akala ko sa isip ko lamang ito ibinulong pero narinig nya pala dahilan para kabigin nya pa ako palapit sakanya.

Damn Jaden.. Sumama ka nalang kaya!...

"Gusto rin kita. Matagal na.." huling bulong nya bago ako tuluyang hilain ni kuya Lance paalis sa kanyang bisig at papasok sa loob ng airport.

Matang nagtatanong ang huling binigay ko sa kanya. Pero napakagandang ngiti lang rin ang isinukli nya sakin. Gusto kong tumakbo pabalik sa mga bisig nya. Itanong ang huli nyang sinabi. Totoong gusto nya ba ako?. Gusto ko syang kausapin. Pero huli na. Tinakpan na ng malaking pader at dami ng tao ang pagitan naming dalawa.

Pumikit nalang ako at humiling. Sana pagbalik ko, gusto nya pa rin ako. At para.. mangyari na nga... ang tayo.

- Bamby Eugenio's POV

Hello po sa lahat. Ito na po ang last chapter ng Crush kita. Alam mo ba?. Thank you po sa mga suporta ninyo. Sa pagbibigay ng oras at panahon. Sa walang sawang pagtangkilik. Thank you. Sana, tuloy nyo ring suportahan ang sunod na kwento. Continuation sya ng Crush kita. Alam mo ba?. Update ko po sya soon. Thank you everyone. Godbless!. Always keep safe. ?

Chixemocreators' thoughts