DAPAT ay nagpapahinga ngayon si Rafael. Pero sa mga nangyari sa mga magulang niya kahapon ay nawala sa bokabularyo niya ang matulog.
Bumisita noong madaling araw ang kanyang tiyuhin upang kumustahin ang kalagayan ng kanyang mga magulang. Gaya ng inaasahan ni Rafael, hindi mapigilan ng ginang ang mapabulyahaw sa iyak at ipakita ang pagkatakot nito. Ang kanyang ama naman ay tulog nang dalhin ng mga nurse sa private room nila.
Ang tiyuhin niyang si Rob na rin ang tumawag sa kakilala nitong psychiatrist. At iyon ang labis na ipinagpapasalamat ni Rafael. Kahit na mayroon na itong sariling pamilya, hindi pa rin nito nakakalimutan ang kanyang ina.
"Magpakatatag ka, Rafael," malalim ang boses na sabi ni Rob sa kanya. Huminto sila sa paglalakad nang marating nila ang labas ng kuwarto. "Ngayon ka nila kailangan. Siguro, mas makatutulong sa pagbuti ng kalagayan ng Mama mo kung uuwi na sa inyo ang kapatid mo. Siya ang laging bukambibig ni Agnes nang mag-usap kami. Hanapin mo siya. Posible ba iyon?"
Pinuno ni Rafael ng hangin ang baga niya at hinay-hinay na ibinuga iyon. Napatango siya at nag-angat ng tingin. "Susubukan ko po, Tito. But I can't promise. After what had happen to him and to Dad, it's quite impossible."
"Ang mahalaga, sinubukan mo." Tinapik siya ng matandang lalaki sa kanyang balikat. Umangat din nang bahagya ang magkabilaang gilid ng mga labi nito sa isang ngiti. "O, siya. Babalik ulit ako rito mamayang gabi. Magpahinga ka na rin."
Napatango siya. "Sige po. And thank you."
"Siya nga pala, ipatingin mo na rin sa doktor iyang allergy mo. Gagayak na ako," huling hirit nito bago tuluyang umalis.
Hinintay muna ni Rafael na marating ng tiyuhin niya ang elevator bago siya pumasok sa loob ng kuwarto. Dalawang pribadong kuwarto ang kinuha nila. Ang isa ay para sa binatang nagligtas sa mga magulang niya, at ang isa ay para sa kanilang apat. Ikukuha sana niya ng ibang kuwarto ang kanyang ina para makapagpahinga ito nang maayos pero pinigilan siya nito. Mas gusto raw nitong magkakasama silang lahat.
Humiram na lang siya sa isang utility worker ng extrang kama at pinagtabi iyon sa higaan ng kanyang ama. Mahimbing naman na natutulog sa parihabang sofa si Hannah. Naririnig pa niya ang mahinang paghilik nito. Mabuti at laging nasa kotse niya ang reclining chair na binili niya sa online shop. Ipinuwesto niya iyon malapit sa may pintuan.
Pagod na umupo siya roon. Niyakap niya ang sarili at napatingala siya sa kisame. Nakatulala lamang siya na para bang maraming bagay ang lumalangoy sa brain fluids niya.
Sinubukan ni Rafael na matulog pero hindi niya magawa. Isa pa, nababangungot ang kanyang ina. Ginigising niya ito at pinakakalma hanggang sa tumatahan.
Hindi niya napansing mabilis lumipas ang oras. Nang tingnan niya ang oras sa suot niyang relo ay pasado alas-singko na nang umaga.
"Hala, Sir, hindi po ba kayo natulog?" Ngarag ang boses ni Hannah.
Napalingon dito si Rafael. Kinusot ng mga daliri nito ang mga mata at may pagtatakang tiningnan siya nito. Hindi siya kumportable roon. Para bang sinusuri siya nito. Napatikhim siya. "Why? Is it too obvious?" Halos basag ang tinig niya.
Nakabuka ang bibig na napatango si Hannah. "Sobrang halata po, Sir. Ang laki po ng mga eyebags ninyo, o. Saka nangingitim. Hala!"
Tila nakakita ng multo ang dalaga sa sobrang panlalaki ng mga mata nito. Ilang saglit pa ay nagkukumahog itong bumangon. Rinig na rinig sa buong kuwarto ang kalabog ng sofa.
Kasimbilis ng kidlad na napadampi ang kanang hintuturo niya sa kanyang mga labi. "Shh! Shh!" sita niya pero hangin lamang ang lumabas at hindi tunog. He eyed his mother to her. Mahimbing ang pagkakatulog ng kanyang ina, halos hindi ito makatulog kagabi, at nag-aalangan siya na baka magising ito.
Napatingin si Hannah sa tuon ng mga mata niya. Muli siya nitong binalingan nang may nagmamakaawang mukha.
"Let's talk outside," bulong ni Rafael, saka niya itinuro ang pinto. Tumango si Hannah at sinundan siya nito palabas ng kuwarto. Pagkasara niya sa pinto ay napabuntonghininga siya. "Forgive me if I acted that rude to you. I just don't want to ruin their sleep. Sana naiintindihan mo iyon."
"Naku, Sir, ako po dapat ang humingi ng pasensya sa inyo," nananantyang sabi ni Hannah. Para bang lumalambot ang puso ninRafael habang nakatingin sa mga mata nito. Puno iyon ng sinseridad at pagsisisi. "Ikaw po itong pagod sa trabaho tapos ikaw pa po 'tong nagpuyat. Ang dami ko na pong atraso sa inyo."
Napailing siya. "There's no need to worry about. I'm okay. They're my parents, in the first place. Natural lang naman siguro kung bantayan ko sila, right?"
Kiming napatango si Hannah. Pero pansin pa rin niya ang pag-aalala sa mukha nito. "Kahit na po, Sir. Ano'ng silbi po ang pamamasukan ko sa inyo kung hindi ko naman po nagagampanan nang maayos ang trabaho ko. Sorry po talaga."
Napahinga nang malalim si Rafael. "Hannah, akala ko ba napag-usapan na natin ito noon? You have all your rights. And we won't take that away from you. Ang hinihingi lang namin ay katapatan mo at serbisyo mo. Kaya kapag sinabi kong ayos lang ako, I'm okay. Okay? You don't need to apologize. Alam kong pagod ka rin. Hindi biro ang maglinis nang maghapon. But... thank you for your concern."
Gumuhit ang isang malawak na ngisi sa mga labi ni Hannah. Hindi nakatakas sa paningin ni Rafael ang pagniningning ng mga mata nito na para bang papunta na sa pagluha. "Salamat po, Sir. Ang suwerte ko po at sa inyo po ako napunta."
Napakurap si Rafael at nanliit ang mga mata. Palihim ding umangat sa isang ngisi ang isang gilid ng mga labi niya. Pakiramdam niya ay naulit na ang pangyayaring iyon. Iyon nga lang, siya ang nagsasabi niyon kay Hannah.
"Hannah, can I have a favor, please?"
"Sige po, Sir. Ano po iyon?"
"May pupuntahan ako," umpisa niya. "Kapag magising si Mama at tatanungin kung nasaan ako, please tell her babalik din ako agad. Pakialalayan mo na rin siya, if she needs something, you should know what to do. But don't worry. I'll ask 'Nay Elena to come here. Is that clear?"
Napatango si Hannah. "Sige po, Sir. Malinaw po."
Nakangiting tumango si Rafael. "Ikaw na muna ang bahala sa kanila. I have to go. One more thing, kung sakaling magising si Papa, can you please greet him for me?"
"Ako po ang bahala, Sir." Pagkasabing iyon ni Hannah ay tuluyan nang umalis si Rafael.
Kanina ay napag-isip isip niyang tama ang kanyang tiyuhin. Kailangang malaman ng kapatid niya ang masamang nangyari sa mga magulang nila. At kinakailangan nitong pumunta sa hospital. Kagabi, si Eris ang laging bukambibig ng kanyang ina. Hinahanap nito ang kapatid niya. At kung maaari, umuwi muna ito sa mansyon. Umaasa siya na mas mapapadali ang paggaling ng kanilang ina kung lagi nitong nakikita si Eris.
Siya na ang bahalang gagawa ng paraan para matanggap ulit ng Papa niya si Eris. Pero para mangyari iyon, pinuntahan niya ang condo unit ng kapatid niya na malapit sa may BGC.
Pinatay ni Rafael ang makina ng sasakyan nang maiparada niya iyon sa parking lot ng gusali. Dali-dali siyang lumabas sa sasakyan at kaagad na hinanap ang pinto papunta sa pinakaloob. Hindi iyon ang unang pagpunta niya roon. Sa katunayan, iyon ang panlimang punta niya roon kaya pamilyar na siya sa lugar. Pumasok siya sa isang pinto na gawa sa metal at naglakad nang naglakad hanggang sa sumulpot siya sa may lobby.
Hindi inaasahan ni Rafael ang dinatnan niya sa lobby. Sa kahit saan mang sulok niya ilingon ang kanyang ulo ay may mga nakikita siyang Halloween decorations. May mga makakapal na sapot sa kisame at mga halaman at kung ano-ano pang pakulo na pawang naranasan nila ni Eris noong mga bata pa sila. Hindi niya alam kung normal lamang sa mga gusaling iyon ang iayon ang decorations sa buwan ng taon. Nagpapasalamat siya at ipinaalala sa kanya niyon na malapit nang magnobiyembre. Sa pagtutok niya kasi sa trabaho ay nakalimutan na niya kung ano'ng buwan na.
Dumiretso siya sa may front desk. Nakuha agad niya ang atensyon ng isang babae na siyang tumatao roon. She was on her red Americana coat and skirt. Kulay ginto ang mga bilog na butones ng pang-itaas nito na tinernuhan ng pulang lipstick sa mga maninipis na labi at makapal na make-up. Naaasiwa si Rafael sa tuwing nakakakita ng mga babaeng nabubuhay na lamang sa mga pampaganda pero hindi na lamang niya pinapansin bilang pagrespeto. Mas gusto pa rin niya ang natural na ganda.
Just like Hannah.
"Argh!" Napainda sa sakit si Rafael nang napasobra ang pagkagat niya sa kanyang ibabang labi. 'Lihim na napasalubong ang mga kilay niya.
"Sir? Are you okay? Do you need anything?" nananantyang tanong ng babae. Nakakunot ang noo nito at parang may balak na lapitan siya.
Kahit na ano pa man ang sabihin mo sa akin, 'Nak, alam kong may lihim kang pagtingin sa kanya.
"No!" Pilit na binura ni Rafael ang mga ala-alang iyon. Hinay-hinay siyang nag-angat ng tingin. Pansin niya ang pagkapahiya sa mukha ng babae. Parang may kung ano'ng bagay ang bumara sa lalamunan niya. He cleared his throat. "Please forgive me, Miss. Something bad came to my mind at hindi ko inaasahang masigawan ka. Believe me, I didn't do it intentionally. Hindi ikaw ang pinagsasabihan ko. It's for my own self. I hope you understand?"
"I-It's okay, Sir, I understand," sabi nito, saka ngumiti. Nakahinga nang maluwag si Rafael. "What can I do for you, Sir? Bibili po ba kayo ng unit?"
"No. I'm here for my brother," sabi niya. "May kailangan akong sasabihin sa kanya. Nandiyan ba si Eris? Eris Del Vista."
"I'm sorry to inform you, Sir, pero umalis si Sir last Thursday at hindi pa po bumabalik hanggang ngayon."
Nagsalubong ang mga kilay ni Rafael. "What? Are you sure?"
"Yes, Sir. Hindi po gaano karami ang may unit kaya po kilala namin ang lahat," sabi nito. "We have our records to prove you that, Sir. Pero sigurado po akong hindi pa bumabalik si Sir. Puwede po nating tawagan ang telephone number sa unit niya."
"Please call him. This is very important. Kailangan ko siyang makausap," pakiusap niya. Pero nakasampung tawag na yata sila pero walang sumasagot. Tiningnan na rin niya ng record na sinasabi ng babae pero talaga ngang umalis si Eris noong Martes nang alas-nuwebe nang umaga.
Napatingin sa kawalan si Rafael. Muli na naman niyang naramdaman ang kaba sa dibdib. "Saan siya pumunta?" tanong niya sa sarili. Bukod sa condo unit, wala na siyang ibang alam kung saan hahanapin ang kapatid. Si Patrick lang ang alam niyang kaibigan nito.
Pumasok sa isipan niya ang text message ni Eris. INYB. Ano ang ibig sabihin niyon? Tama kaya ang hinala niyang na-wrong send lang sa kanya ang kapatid o may kinalaman ito sa pagkawala nito nang halos apat na araw?