"Hi dad! i miss you" unang bati ko kay daddy, kasalukuyan akong nakaupo at nanonood ng tv nang maisipan kong magpaalam na, hangga't maaga pa.
"Oh Natasha! how are you?" masiglang bati nito sakin, mukhang good mood tatay ko ngayon ha. Sure ako papayagan ako nito. Charot!
"I'm fine dad! btw you don't miss me?" I pouted as if he can see me.
"Of course I miss you anak, always." I smiled. "Bakit ka nga pala napatawag?"
"Magpapaalam lang ako daddy hehe" napakamot ako sa ulo dahil baka iba ang isipin ni daddy, baka isipin niya ay tumatawag lang ako kapag magpapaalam lang ako sa kaniya, but it's not true.
"Where are you going?" naging seryoso ang boses nito na ikinakaba ko. Ganito kasi ang boses ni dad kapag hindi siya sigurado sa isang bagay.
"I'm going out with my friends. You know masyadong stress sa school and we decided to have some fun muna. And tomorrow pupunta ako kela Drake."
"Okay just be careful Natasha." napabuntong hininga ako napangiti. He's really giving me a freedom.
"Are you coming too?"
"Yeah of course! Drake's father invited me so I guess I have no choice" he chuckhed.
"Yeah right! hindi ka titigilan ni tito" natawa na din ako, we both know tito Tyler is really a makulit person. Hindi ka titigilan hangga't hindi ka pumapayag.
"Anong oras ka aalis?"
"Seven po daddy"
"Magready ka na It's already four in the afternoon. Take care hija."
"Yes I will! Thank you so much daddy! I love you mwa mwa mwa" I heard him chuckled a bit.
"Okay okay I love you too, anak."
Naligo ako ng nakangiti, nakikita at nararamdaman ko talaga ang improvement kay daddy. Hindi na siya strict like before. Pero nakakamiss din pala pero it's better this way.
I'm wearing a white tube crop top, with a pair of black high waisted skirt and blazer, and white stilettos. Ganitong pormahan kasi ang trip ko ngayon. Naglagay ako ng dark make up dahil nababagay ito sa suot kong medyo seductive but classy. I also brought my gucci sling bag na color black.
Pagdating ko sa Nokal bar sa Makati City, ay kita ko na agad ang madaming tao na nagpapasukan sa loob at mga kotseng kakarating lang din kagaya ko.
This bar is really awesome, and this is one of my favorite bar in manila.
Pagkapasok ko ay agad na bumangad ang medyo tahimik dahil puro foods nandito. Meron kasi itong tatlong palapag, kaya malaki din at maraming tao. Though this is the nice place to chill.
Hindi ko mahanap sila Joana so I asked them kung nasa second floor sila, hindi naman sumasagot kaya hindi ko na hinintay at tumaas na. And there! I saw my friends sitting on the couch and drinking beers. Maganda ang napili nilang pwesto dahil while having a good conversation you can also have beautiful Makati skyline as a background.
"Tagal mo teh! thirty minutes late ka!" hinila ako ni Mishy at pinaupo sa gitna nila ni Joana. Napansin ko naman na kasama ang ibang schoolmate namin kaya medyo maingay. Binati ko naman sila at nakipagbeso sa iba.
"Where's Kat?" tanong ni Joana. Ang sexy din ng suot ng isang 'to mahilig talaga siya sa tank top, maganda naman kasi ang hubog ng katawan nito kaya bagay na bagay.
"Ohh she's not yet here? hindi ko alam eh. She didn't tell me" nagkibit balikat lang ako at nilibot ang paningin sa paligid. May nakita naman akong familiar na itsura kaya agad kong tinaas ang kamay ko at tinawag siya kahit medyo maingay.
Good thing napansin niya agad ako at nakangiting lumapit sa pwesto namin.
"Bruha ka! napakatagal mo parehas kayo ni Nats" singhal ni Mishy at hinala pa nito ang buhok ni Kat na ikinatawa ko.
"Tangeks! traffic kaya! tanong mo pa diyan" sabay turo sakin. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
"K fine, tara na!" Hinila na kami ni Mishy para kumuha ng alcohol drinks at makapagsimula na.
I want to get drunk kahit ngayon lang. Hindi ko naman kasi ugali maglasing ng sobra dahil sobrang sakit din sa ulo pagkatapos. Pero sa tingin ko kasi kailangan ko ito ngayon, gusto ko munang kalimutan lahat ng sakit kahit pansamantala. This is my fault after all, umasa ako sa wala.
Gusto ko munang magpahinga at maging sincere sa sarili ko.
"OMG WHO IS THAT?! SOBRANG POGI! HOY TULAK NIYO KO DON!" sabay turo ko sa lalaki, may tama na ata ako at nakakapag-ingay na ako ng sobra.
"HOY SAGLET! SI AXEL YON BASKETBALL PLAYER" sigaw ni Mishy kahit magkakatabi lang kami.
"SHET ANG HOT NIYA! NATUTUNAW ATA AKO SA NGITI NIYA NAKAKAINIS!" nagpapapadyak naman si Kat sa tabi ni Mishy dahil sa kilig.
"BWISET NA DIMPLES YAN PATI YUNG BRASONG MAUGAT PAFALL!" Joana's rolled her eyes kahit kinikilig na. Sabay sabay naman kaming natawa dahil lahat kami ay type si Axel na taga Ateneo din.
We're all wasted. At hindi ko alam kung paano kami makakauwi later.
Nakaramdam ako ng parang naiihi na ako kaya napatayo agad at napaupo ulit dahil sa hilo. I really hate alcohol! syempre joke lang.
Pinilit ko pa ring ayusin ang lakad ko papuntang restroom kahit nagdidilim na masyado ang paningin ko. Muntik na akong matumba kaya agad ako napakapit sa taong sumalo sakin.
Tinignan ko ng mabuti ang mukha nito at ganoon na lang ang gulat ko nang si Axel ang taong sumalo sakin. Napatingin naman ako sa labi niya nang ngumiti ito at tinayo ako ng ayos. Parang umurong ang ihi ko at gusto na lang makipagharutan kay Axel.
Wala sa sariling napahilamos ako sa mukha ko. Kung ano ano na ba naman ang naiisip ko dahil sa epekto ng alak. This is the last time I let myself to get drunk like this.
_______________________________