I opened my eyes to the sound of a door opening. I was greeted by the frail light coming from the lightbulb hanging on the wall. I stared at the ceiling.
"Mistress wants you out," untag ng isang boses ng lalaki na ang tinig ay walang kasing-lamig. Bumaling ako sa kaniya. Si C1.
Walang anumang emosyon ang mababakas sa kaniyang mukha. Wala ni katiting na paggalaw ng kaniyang mukha na maaaring magbigay sa iyo ng senyales kung ano ba ang nilalaman ng kaniyang isip.
Kakayahang nagbigay sa kaniya ng posisyon niya ngayon. He is the mistress' lapdog. Kanang-kamay. The queen's butcher.
Tumango ako at umupo sa bunk bed. Isinuot uli ang itim na gloves na hinubad ko kaninang pagkatapos ng training. Kailangan kong magsuot ng mga ito upang matakpan ang pilat. Mga markang palatandaan ng aking madugong labanan araw-araw. Kadalasan doon ay galing sa mga sparring sessions kalaban ang iba pang mga trainees na palaging nauuwi sa balian ng buto, saksakan, at sa mga bihirang pagkakataon ay patayan.
"Tayo na," sabi ni C1 nang makitang tumayo na ako. Nagpatiuna ito matapos buksan ang kandado sa aking cell.
Sumabay ako sa kaniyang paglalakad. Nasa harap lang ang tingin. Ito ang pinakaunang bagay na natutunan ko sa facility. Always focus on your line of vision. Kapag lumingon ka, ibinabalik mo lang ang sarili mo sa mahinang ikaw. Kapag naman tumingin ka sa gilid, malilito ka lang. Dapat sa unahan lang ang mga mata. Doon mo makikita ang mundo sa kung ano talaga ito.
Habang naglalakad sa makipot na pasilyo palabas sa dungeon, maririnig mo ang pagkalansing ng kadena. Ang tunog ng iyak at panaghoy mula sa mga gustong kumawala mula dito. Mga nagpupumiglas na laman na nakagapos sa kinakalawang na metal. Mga neophytes na hindi na nakayanan ang marahas na pamamalakad at naisipang tumakas ngunit sa kasamaang-palad ay hindi pinalad. The prisoners of their own plight. Nakakulong sila sa kani-kanilang mga selda. Naghihintay ng sentensiya mula sa Taas. Dalawa lang ang kahihinatnan nila-kamatayan o maging laboratory rats para sa mga ipinagbabawal na eksperimento ng gobyerno.
Ang hindi nagagawa sa legal na paraan ay ipinapasa sa organisasyong ito.
Walang awa kung pumatay. Pera-pera lang. Kung hindi na masikmura ang nakikita ay magbaling na lang ng tingin. Kung hindi na kaya ang masangsang na amoy, pigilang huminga hanggang sa mawala. Kung hindi na kaya ang naririnig na iyak, wala kang pagpipilian kung hindi kayanin dahil wala namang sound proof na silid. Tiisin na lang na palaging dilat ang isip pero nakapikit ang mata. Wala. Wala kang pagkakataong tumakas. Ang maaari mo na lang gawin ay siguraduhing mabubuhay ka pa hanggang sa unang field demonstration. Doon ka lang mabibigyan ng kalayaan.
Araw-araw, gabi-gabi, napupuno ang basement ng kanilang mga sigaw ng pagmamakaawa, na pakawalan na sila. Pero nahuhulog lang ang mga pakiusap na ito sa mga bingi o nagbibingi-bingihan.
Para sa mga taong naging duwag para ipagpatuloy ang laban para sa napili nilang propesyon, pinakamagandang regalo na ang kamatayan.
Narating na namin ni C1 ang dulong bahagi ng pasilyo. Madilim pa rin ang paligid. Hindi ko masyadong maaninag si C1 dahil mamatay-matay ang ilaw na nasa mga dingding. Tanging ang mga tunog lang ng yabag nito ang aking ginagawang gabay. Sinadya talagang ganito ang pagkadisenyo ng dungeon. Halos walang ilaw at pare-pareho ang mukha ng bawat pasilyo para malito ang magtatangkang tumakas.
Huminto kami sa isang dingding. Inilapat ni C1 ang palad nito sa dingding at may umilaw na kulay asul mula rito.
Access granted.
Bumukas ang dingding at bumungad sa amin ang isang elevator. Pinapasok ako ni C1 bago ito sumunod.
Wala pa ring kumibo sa amin. Tanging ang paghinga lang ang maririnig sa loob. May pinindot na button si C1 sa kaniyang tenga.
"10th floor. Loaded."
Naramdaman ko ang pagkilos pataas ng elevator.
"What is it this time?" tanong ko.
Wala akong nakuha na sagot o reaksiyon.
Tumahimik na lang ako at naghintay na dumating sa destinasyon. Totoo nga ang sinasabi nila. Wala kang mahihitang kahit ano mula kay C1. Tikom palagi ang bibig nito sa lahat ng bagay. Nagsasalita lang kung inuutusan ng mistress. Gumagawa lang ng bagay kapag may go signal sa Taas.
Sa wakas narating na namin ang 10th floor. Lumabas kami sa elevator at muling binaybay ang pasilyo. Tingin lang sa harap.
Kung anong ikinadilim ng dungeon ang siya namang ikinaliwanag dito. Puti ang kulay ng buong floor. May naka-attach na ilaw sa bawat daanan mo. May ilaw sa kisame, sa sahig, sa dingding. May motion sensors na nakakadetect ng pinakamaliit na movement. Sumisindi ang ilaw kapag nadadaanan mo at namamatay kapag nalagpasan mo na. Wala ring palamuti sa mga dingding. Purong pinturang puti lang at ilaw ang tanging makikita mo.
Wala ring kahit na anong ingay na maririnig. Walang iyakan, sigawan at tunog ng kadena.
Tumigil kami sa harap ng isang pinto. Puti rin ang kulay. Walang door knob. Parang dingding kung titingnan pero nasisiguro kong pinto ito base na rin sa identification system na naka-install sa harapan.
Inilapat ni C1 ang kamay sa device for access. Naging asul ang ilaw patunay na hindi ito tagalabas. Pagkatapos ay may lumabas na isa na namang device na parang maliit na CCTV. Inilapit ni C1 ang kanang mata dito at gamit ang kamay ay ibinuka nito ang talukap ng mata. Ini-scan ng teknolohiya ang buong mata. After which, the device retracts itself and disappear in the plain sight. Walang alinmang bakas na iniwan.
Bumukas ang pinto at muli ay pinauna ako ni C1. Pumasok naman ako. Diretso uli ang tingin. Inilibot ko ang tingin sa silid. Walang ibang laman maliban sa isang table at dalawang silya. Isa sa likod ng mesa at isa sa harap nito.
"N18 is here, mistress," anunsiyo ni C1.
Naging alerto ang aking pakiramdam. Ito ang unang beses na makakaharap ko siya mula noong iniligtas niya ako.
Nakuha ng isang babae na nakaharap sa bintana ang atensiyon ko. May hawak na kopita ang babae sa kanang kamay at sigarilyo sa kabila.
"Leave us alone," sabi nito kay C1.
Yumuko naman ang lalaki. "Yes, mistress." Lumabas na ang lalaki.
Humarap sa akin ang mistress at ngumiti. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik. Nang makontento na sa nakikita ay nagsalita ito.
"Look at you. Who would have thought na magkikita uli tayo. Akala ko talaga mamamatay ka sa unang sabak mo sa training." Uminom ito mula sa hawak na wine glass. Her eyes on me.
Tiningnan ko lang ang babae. Maiksi pa rin ang kaniyang buhok na hanggang leeg lang. Maganda pa rin siya sa kabila ng kaniyang kulubot nang mukha. Hindi pa rin nagbago ang choice of clothes nito. Mahilig pa rin ito sa mga matataas na bestida na abot hanggang sakong. At siyempre, naroroon pa rin ang blangkong mga mata. Nakangiti ang mga labi pero walang buhay ang mata.
Tumango ako. "Hindi ko rin akalaing kakayanin ko."
"Tama." Tumawa ito. "Ang bilis ng panahon. Ang dating kawawang babae, ngayon ay halimaw na. I have heard about your conquests. Impressive. " Tumawa uli ito.
Tiningnan ko lang siya ng tuwid.
"Bakit niyo po ako ipinatawag?"
Naglakad ito palapit sa mesa. She pulled a chair and sat down. Ipinatong ang wine glass sa mesa bago humitit sa sigarilyo.
"Sit down," utos nito.
Tumalima ako.
May kinuha ito mula sa drawer. Isang picture. Itinaob nito sa lamesa ang litrato upang hindi ko makita ang mukha.
Itinaktak nito ang sigarilyo sa ashtray. All the time staring at me with a smile on the side of her lips.
"Dear, let me ask you a question. What did you learn from here?"
Hindi na ako nag-isip pa at agad na sumagot. "Discipline. Survival of the fittest. Discipline will make you survive."
"Walter Bradford Cannon once said that when a specie is confronted by an enemy, it only does two things. Fight or flight. Sa palagay mo, saan ka sa dalawa?" tanong nito na hindi pa rin ako nilulubayan ng tingin.
"Fight. Fight until I kill whoever puts up the fight," sagot ko.
"Paano kung ikaw ang mapatay? Paano kung dehado ka sa labanan? Hindi ba mas makabubuti kung umatras ka sa laban na walang kasiguraduhan? Maghintay ng back-up? Then strike back?"
Umiling ako. "Alam ko na sa simula pa kung ano ang pinasok ko. It's either I be killed or I kill. Simple. Mamamatay at mamamatay rin naman ako, bakit pa ako tatakbo?" sagot ko.
"Or pwede ka namang maging matalino. Retreat is not only for the cowards. It is for thinking people. Sa linya ng pinasok mo, hindi lang basehan kung ilang tao ang napatay, ilang negosyo ang napabagsak o ilang pamahalaan ang nakontrol. We also have to take into consideration the repercussions. The consequences. Hindi pwede ang napatay mo lang siya, tapos na," mahabang paliwanag nito.
"Hindi ba iyon naman talaga ang dahilan kaya nabuo ang organisasyong ito?" tanong ko.
"No. This group is not just a killing machine. We are more than that. We operate because of a vision. A better world. A world of better people, that's why we need to get rid of harmful weeds," she said with conviction.
"You are talking in circles. Iyan ang kanina ko pa sinasabi," sabi ko.
Humagalpak ito ng tawa. Hinawakan ang tiyan habang patuloy pa rin ang maingay na pagtawa. Pinunasan pa nito ang luha sa gilid ng mata. Pagkatapos ay tuluyan nang pinatay ang sindi sa sigarilyo sa pamamagitan ng pagdutdot nito sa ashtray.
"No, dear. I am not running in circles. I am telling you the reality. You see, kanina ko pa sinasabi sa iyong hindi ka lang dapat pumatay dahil utos iyon sa iyo. Dapat alam mo kung bakit mo siya kailangang patayin, kung ano ang kaniyang mga nagawa para makuha ng isang tao na ipapatay siya. Lahat ng mga iyan ay dapat mong malaman. We are not just mere killers. We are the executioners. In our own judgement, they will be tried."
"I don't get where you are coming from. Why are you telling me this? This is against the rules of this facility," I blurted out. Nalilito ako kung bakit niya ito pinagsasabi sa akin. Clearly, wala ito sa aming indoctrination process.
"Relax. You ask why am I telling you this? Because I see a great potential in you dear. I see myself in you. Noon pa mang una kitang makita, gusto ko na ang nababasa sa mga mata mo. You wanted revenge. Pero saan ka dadalhin nun?"
"Ikaw, saan ka ba dinala nun?" balik kong tanong.
Natigilan ito. Pagkuwan ay tumawa rin. Nagkibit-balikat pagkatapos.
"Let's not make this about me. I've moved on. Now, saan na ba tayo?"
Hinagilap nito ang rum sa mesa at nagsalin sa kopitang wala ng laman na wine.
"Revenge."
"Right. Revenge. Your revenge." She paused for a moment there. "Let me tell you this dear. Forget about it. Move on. That feeling will only hold you back. Remember our mantra? Always look on your line of vision." She sipped.
"What are you really trying to say?" I asked. I'm getting exasperated with all her shenanigans.
Pinagsalikop nito ang mga kamay at sumandal sa upuan. "Emotions. These are anathema to reason. Why do you think people commit crimes? Emotions. Why do people go at great lengths to win someone's approval? Emotions. Why do people seek for revenge? Emotions. If you don't put a rein on it then you will be in great danger. Emotions make humans gullible. Emotions make us weak. It intercepts our reason."
"And why are you telling me this?"
"You know very well what I am talking about."
"Matagal ko nang isinantabi ang sinasabi mong mga damdamin. Wala na. Wala na ako nun," ang matatag kong saad.
"Then prove it." Inilapit niya sa akin ang litrato.
Dinampot ko ito at tiningnan.
Ngumiti ang mistress. "That will be your initiation. We will decide base on your performance." Itinuro nito ang litrato na tinititigan ko. "Arturo Rodriguez. 43 years old. Businessman. May asawa. Family man. May dalawang anak."
"Hindi mo dapat sinasabi ang mga iyan sa akin. Walang magbabago. Bago lumubog ang araw pagkatapos ng aming pagkikita, malamig na siyang bangkay." Pagpigil ko sa tangka pa niyang pagsasalita.
"In order for you to thrive in this industry dear, you have to know all the things about your target. My, my, my. Kailangan ko na talagang palitan ang mga instructors niyo. Puro lang combat techniques ang itinuturo sa inyo." She smiled.
"Hindi ko pa rin makuha kung ano itong ginagawa mo. Pero hindi na ako magtatanong pa," sabi ko.
"I am lecturing you about the blind sight dear. Master it and you'll have the world under your fingertips," nakatawa nitong saad.
Tumango ako. "I understand."
Ngumiti ito. Iyong nakakaloko. "I doubt it. I really do but baka sabihin mo namang unfair ako so I'm giving you tomorrow to convince me. You know bihira akong magbigay ng payo. For the N class, I rarely do this but of course, you dear has always been an exception."
"Fatal shots?" tanong ko.
Nanlaki ang mga mata nito. "No! Why are you so brutal? No. You don't kill him."
Napakunot-noo ako. "Why? I thought this will be my initiation?"
"Yes, but sweetie, you are special. I want your first to be memorable. The kind where it haunts you for life. That is what suits you the best, don't you agree?" she smiled. Her two front golden teeth dangling.
"So how do I do it?"
"Let me think." Kinuha nito mula sa aking kamay ang litrato. Tinitigan. She traced the face of the man in the picture.
"I love his face. His nose is aristocratic. His mouth is kinda big. His cheeks, ah rosy. But I really love his eyes." Tumingin siya sa akin. "Alam ko na ang gagawin mo." Iniharap nito sa akin ang litrato at itinuro ang mata ng lalaki. "His eyes. I want his eyes. Matagal na rin akong hindi nakakakita ng ganito ka brown na mata. These will be a good addition to my collection." Ngumiti ito at nagtaas ng tingin sa kisame. "Yes, I need you to get me his eyes, not his life."
Tumayo ako. "Yes, mistress." Yumukod ako. Kinuha ang litrato sa mesa. "I'll coordinate with the informants as instructed," sabi ko sa matigas na tinig.
Nangalumbaba lang siya. "I want you to do it infront of his family."
Nagulat ako sa narinig. "What?"
"You heard me right. I want you to gouge his eyes in front of his family. That is the only way you can earn your next ladder. Unless." Ibinitin nito ang sinasabi.
I nodded. "Of course. I'll do it."
She smiled. "Good."
Kinuha ko ang picture sa kaniyang kamay.
Tumalikod na ako at naglakad patungo sa pinto. Excitement is eating me up. I can feel the boiling of my blood. Finally, I am close to redemption. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. I'll make sure that I'll complete the task. Napangisi ako sa naisip.
"Do not disappoint me N18. You know what's at stake here. One wrong move and you'll be back in no time in the dungeon. You try to run away, we'll chase you down. Disobey me and you'll be thrown in the black room. I heard it's nasty down there. You know the rumors, they are always half-true and truer when you get to see it."
Nilingon ko ang mistress. Seryoso na ang mukha nito. Hindi na kababakasan ng tuwa ang mukha. Wala na ang ngiti sa mga labi. Naiwan na lang ang mga malalamig na mata.
Nanlamig ako sa nakita. So this is what they are talking about. Hindi na ako magtataka kung bakit siya tinawag na reyna. Truly, no one can stand a chance with her. Tingin pa lang niya, manginginig ka na.
Nagbawi ako ng tingin at nagyuko ng ulo.
"Of course. I swear to abide by the rules. I am born as the new breed, I'll die as one. This organization brought me to life. Even my life cannot repay for it. The only thing I can is to offer my loyalty," sabi ko sa kaniya.
She nodded her head in approval.
"You can go," she said.
Muli akong yumukod bago tuluyang tumalikod. Bumukas naman ang pintuan at nakita ko si C1. Lumabas na ako. Nagpatiuna siya sa paglalakad habang nakasunod ako.
"You will be redirected to the reconnaissance team once the order from the Above is released. Until then, you will continue to be under the guidance of your magistrate," sabi ni C1.
"Understood."
Muli kaming pumasok sa elevator. May pinindot uli siya na button sa tenga niya at nag-utos.
"Going down. Loaded."
Naramdaman ko ang aming pagbaba. Sumandig ako sa dingding ng elevator. Hawak ko pa rin ang litrato sa aking kamay. Inilagay ko ito sa inside pocket ng aking suot na jacket.
Arturo Rodriguez. Whoever you are, ngayon pa lang ay humihingi na ako sa iyo ng pasensiya. Sulitin mo na ang mga pagkakataong makakakita ka pa dahil sa oras na magtagpo ang landas natin, magpapaalam ka na sa mga iyan.