webnovel

Clouded Feelings (Tagalog)

Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?

_doravella · สมัยใหม่
Not enough ratings
47 Chs

The Future World Of Sonny

Ilang segundo kaming natahimik ni Miss Kiara matapos makaalis ni Boss Darry. Wala na sa hulog ang tibok ng puso ko ngayon at hindi na ako masiyadong makapag-isip dahil sa kaba. Anong lusot ang gagawin ko ngayon? Anong kasinungalingan ang sasabihin ko sa tanong na anong ginagawa ko rito sa bahay na pagmamay-ari ng kanilang kapatid. Gulong-gulo na ang utak ko.

"I knew your pregnant and he's the father," pagbabasag ulit ni Miss Kiara sa katahimikan. "I have hunches that you are pregnant way before you confirmed it to me. Right after you said it, na-confirm ko rin na 'yong bayaw ko nga ang ama ng dinadala mo. I was actually the one who suggested na ilipat ka sa Bacolod office. Pero ang hindi namin alam na rito ka pala niya tinatago. We thought you're just nearby or around the area, renting some space. Ngayon lang namin nalaman. Kung hindi pa namin piniga si Samuel, baka hindi namin malalaman kung saan ka nakatira."

Pinisil ko na naman ang mga daliri ko habang naghihintay sa mga susunod na sasabihin ni Miss Kiara.

"I'm not galit, Ayla, ha. We don't have the right to, kaya 'wag kang matakot sa akin, sa amin ni Darry. I know that Sonny's hiding you to everybody lalo na no'ng may kumalat na issue tungkol sa inyong dalawa. Sonny's protecting you from people. Maraming kalaban sa negosyo ang pamilya namin, they're desperate to take us down kaya pinupunterya nila ang personal naming buhay. In your case, ikaw ang ginagamit nila against Sonny."

Teka, teka, teka, ako'y naguguluhan na!

"Ate Kiara, dinner's ready."

Gusto ko sanang magkomento sa sinabi ni Miss Kiara, kaso biglang sumulpot si Boss Darry galing sa kusina kaya nasa kaniya ang atensiyon naming dalawa.

"Let's go, Ayla!" Pag-aaya niya sa akin. "Is it done, Samuel?" Bago kami tuluyang pumunta ng kusina, nilingon muna ni Miss Kiara si Samuel na abala pa rin sa paggiya sa mga nagbubuhat ng gamit.

"Last na po 'to, Ma'am K," sagot niya sabay turo sa isang malaking box na dalawang tao ang nagtutulongang buhatin 'yon.

"Okay. Ikaw nang bahala sa kanila, ha? After mo r'yan, dito ka na rin mag-dinner."

Iniwan ko saglit si Miss Kiara para sundan sa kusina si Boss Darry. Maghahanda pa sana ako ng mga kubyertos kaso nang makita ko ang hapag, nakalatag na pala ang lahat, kami na lang ang kulang.

"Oh, my God! Ang sarap tingnan ng adobo! I bet it's tasty too."

Biglang sumulpot mula sa likuran ko si Miss Kiara na dirediretso ang lakad papunta sa hapag-kainan.

"Sit down, Ayla."

"O-Opo…"

Dali-dali akong umupo nang bigla akong utusan ni Boss Darry. Halos sabay-sabay din kaming umupo na tatlo pero hindi agad kami nagsimula kasi mukhang hihintayin pa si Samuel.

Hindi rin nagtagal ay sumulpot na si Samuel, informing us na nakaalis na raw ang nag-deliver ng mga gamit.

Panandalian kong tinitigan si Samuel bago ako nagsimulang kumain.

Talaga bang empleyado lang siya ng mga Lizares? Bakit parang masiyado naman siyang close kina Miss Kiara at Boss Darry? Kung makipagkuwentuhan kasi siya ngayon ay parang kabarkada lang niya ang kaharap niya.

In summary, tahimik ako buong hapunan. 'Yong kaba ko kasi legit na nasa sistema ko pa. Alam kong hindi pa kami tapos mag-usap at hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Sonny ito. Wala siyang alam dito, 'di ba? Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ito?

"Oh, my God, Ayla! I love your adobo! Anong secret ingredient nito? Turuan mo 'kong magluto ng ganitong klaseng adobo, please, Ayla. Sobrang sarap lang kasi."

Matapos ang hapunan, ang komento ni Miss Kiara tungkol sa niluto kong ulam ang unang namutawing ingay sa aming apat.

Pagak akong napangiti at tumango sa kaniya.

"S-Sige po, Miss Kiara, sabihan niyo lang po ako kung kailan."

"Ako nang maghuhugas ng pinggan," wika ni Samuel.

"Naku, hindi na Samuel, nakakahiya na, bisita kayo rito, ako nang bahala r'yan," pilit ko pang inagaw ang mga pinagkainan namin pero mukhang determinado siya sa unang sinabi kasi hindi man lang nagpatinag.

"Hayaan mo na si Samuel, Ayla. At saka hindi ka rin dapat gumagawa ng mga gawaing bahay katulad ng paghuhugas ng pinggan, baka kung mapaano ka."

"Okay lang naman po, Miss Kiara, sanay na naman po ako sa mga gawaing bahay," rason ko naman.

Nagsimula silang maglakad pabalik sa salas ng bahay kaya sinundan ko sila.

"Ikaw lang ba mag-isa rito, Ayla? Wala bang iniwan na katulong si Kuya rito para samahan ka?"

Saktong nakarating kami sa salas nang magsalita si Boss Darry. Nakatalikod siya mula sa akin at habang sinasabi niya iyon ay iginala pa niya ang tingin sa kabuuan ng salas.

"Yeah, Ayla, it's delikado kaya. Nandito ka nga sa isang secured na village pero no guarantor na magiging safe ka nga rito lalo na't buntis ka pa at lumalaki na 'yang tiyan mo. How many months is it by the way?"

Si Miss Kiara naman ang tiningnan ko.

"Five months po."

"Oh? Kaka-five months lang ba o mag-ssix this month?" Tanong ni Miss Kiara.

"Five months na po this month. Sabi po ng doctor, sa July po ang due date ko."

"Oh, my God! We're gonna have a new Lizares this July, Darry!"

Bakit ba ang sobrang excited naman nitong si Miss Kiara? Hindi ba siya galit sa'kin na nabuntis ako ng kapatid nila?

"Mabuti naman at napa-check n'yo na 'yan. Sinong OB mo?"

Imbes na sagutin at pansinin ang sinabi ni Miss Kiara sa kaniya, ako ang kinausap ni Boss Darry. Wala sa sarili ko tuloy na pinagsalikop ang dalawang kamay ko at muli itong pinisil-pisil.

"Si Doc Hinolan po."

Kitang-kita ko ang pamimilog ng mata ni Miss Kiara dahil sa sinagot ko.

"Doc Hinolan? Sinong Doc Hinolan, Ayla?"

"Ate Kiara, obviously si Dahlia. Siya lang naman ang OB-Gyne sa pamilya nila."

"Duh, Darry, dalawa kaya ang OB-Gyne sa kanila. Their Queen Mother and yes, Dahlia."

"Ninang Cindy literally didn't use her profession as an OB-Gyne. Mas nag-focus kaya siya sa pagiging Head Doctor ng Provincial Hospital."

"But she's still an OB-Gyne by profession."

"Luh, pag-aawayan n'yo talaga kung sino sa mga Hinolan 'yong doctor ni Miss Ayla? Edi siyempre 'yong pangalawang anak nila na si Doc Dahlia. Magkaibigan kaya sila ni Boss Sonny."

Sa gitna ng sagutan ni Boss Darry at Miss Kiara, biglang sumulpot si Samuel na pinupunasan pa ng panyo ang kaniyang kamay. Mukhang katatapos lang niyang maghugas ng pinggan.

"Oh, my God? Si Dahlia? Nagpa-practice na ba siya as an OB-Gyne? I thought she's in Med School pa lang at saka oh, my God, ulit, 'di ba ex ni Sonny 'yon?"

Ha?

"Ma'am K talaga, masiyadong OA, baka kung anong isipin ni Miss Ayla n'yan. 'Wag kang maniniwala sa kaniya, Miss Ayla, hindi talaga ex ni Boss Sonny si Doc Dahlia. Siguro, oo, naging fling, pero masiyado pa silang bata noon. Magkaibigan na lang sila ngayon, Miss Ayla."

Ha times two?

Ano ba 'tong mga pinagsasabi nila? May sense pa ba itong pinag-uusapan namin? Halos tampalin ko na lang talaga ang noo ko dahil kung saan-saan na napupunta ang usapan.

Natapos ang gabi naming iyon nang walang naging punto ang pag-uusap namin. Ang tanging naintindihan ko lang sa kanila ay ang mga kulang sa mga gamit, 'yong tungkol sa katulong. Walang ka-sense sense, actually, kasi akala ko pa naman magagalit sila sa akin dahil sa situwasiyon ko ngayon o 'di kaya'y susumbatan ako ni Miss Kiara na nagpabuntis lang sa kaniyang kapatid. Ewan ko ba ba't mukhang mas excited pa siya sa paglabas ng bata kesa sa'kin na mismong ina nito.

Nang makaalis sila at handa na sanang magpahinga sa kaguluhang nangyari sa araw na ito, ay saka ko lang naalala ang cell phone ko.

Anak ng baboy!

Fifteen missed calls and fifty-seven unread messages. 'Yan ang bumungad sa akin mula kay Sonny.

Wow. Ang dami naman nito? Sa dami ng messages niya sa'kin, hindi ko tuloy alam kung babasahin ko ba ang mga messages niya. Hindi ko naman siya matawagan kasi mahirap nga lang ako 'di ba? Wala akong pantawag sa kaniya.

Bubuksan ko na sana ang isang mensahe niya nang biglang nag-appear ang pangalan niya sa screen ng cell phone ko. Tumatawag siya.

Pinalipas ko muna ang ilang segundo bago ko sinagot ang tawag niya.

"H-Hello—"

"Thank God you answered! Kanina pa kitang tinatawagan, bakit ngayon ka lang sumagot? Madami rin akong text sa'yo. Saan ka ba galing? Akala ko ba nasa bahay ka na? May nangyari ba? Bakit ang sabi ni Samuel sa'kin, wala naman?"

Uh…

Matinding paglunok ang nagawa ko dahil sa sunod-sunod na sinabi ni Sonny. Hindi ko tuloy alam kung anong unang tanong niya ang sasagutin ko. Hindi rin ako makasingit dahil sa bilis niyang magsalita na animo'y nagmamadaling makuha ang sagot.

"Ayla, are you still there?"

Nang manahimik panandalian ang kabilang linya, 'yon ang naging hudyat ko na magsalita na.

"Uh, E-Engineer—I mean, Sonny… Oo, okay lang ako, inasikaso ko lang 'yong mga pinamili mong gamit kaya hindi ko naatupag ang cell phone ko."

I heavy sigh is what he answered first.

"Alam kong sinabi ko sa'yo na 'wag ka masiyadong magbabad sa cell phone mo but please, carry your cell phone next to yours. I need an update with you from time to time lalo na't nandito ako sa Singapore."

Matagal ko nang napapansin, masiyado na talagang weird si Sonny ngayon simula no'ng pumunta siya sa Singapore. Iba ba ang hangin doon at bakit ganito na kung umasta siya ngayon? Hindi naman siya ganito rati, a? Halos wala nga siyang pakialam sa'kin no'n at isa sa isang linggo lang kung dalawin ako sa bahay niya pero look at him now, demanding an update from me from time to time.

Hindi na ako nakipagtalo pa. Wala rin naman akong laban.

"Okay…" Simpleng sagot ko lang.

Lumipas ang weekend na nag-uupdate pa rin si Sonny sa akin through messages and pictures. Dahil walang ginagawa, inabala ko na rin ang sarili ko sa pag-aayos ng iilang gamit na puwedeng ayusin sa mga pinagbibili niyang gamit ng bata. 'Yong mga madaling ayusin at baklasin lang ang pinakialaman ko. Siyempre, nagpaalam naman ako sa kaniya and he just said na I can do whatever I want daw, at saka mas okay daw ang gagawin ko para malaman ko kung ano ang mga kulang kahit obviously naman ay, sa dami ng mga gamit, imposibleng may kulang pa ito.

Pero ang akala kong imposible ay naging posible. May mga kulang nga sa pinagbibili ni Sonny. Sa dami ng kaniyang binili, nakalimutan niyang bilhin ang babyron ng bata. Anak ng baboy, talagang 'yon pa ang nakalimutang bilhin? Ako na nga lang ang bibili no'n, total malapit na rin naman siguro ang suweldo.

Sonny:

I'm going home tomorrow morning.

D'yan na muna ako uuwi.

Katatapos ko lang mag-ayos sa mga gamit nang saktong nagpadala ng dalawang mensahe si Sonny sa'kin. Agad akong nagtipa ng isasagot.

Ako:

Okay.

Hindi talaga ako pala-text na tao. Kung anong ikinatahimik ko sa personal, ganoon din sa text. Madalas kasi akong walang load kaya hindi ako nasanay sa mga text-text na 'yan. Mabuti na rin siguro na may wifi ang bahay na ito ni Sonny, kahit papaano'y nagagamit ko para makipag-communicate sa kaniya, wala pa namang sari-sari store sa subdivision na ito. Nagsimula lang naman talaga akong mag-text nang dahil kay Fabio… speaking of… kumusta na kaya siya?

Bigla ay naisipan kong i-stalk siya gamit ang Facebook. Marami siyang post, shared posts, at kung anu-ano pang post. Pero iisa lang ang common sa kanila… lahat 'yon parang brokenhearted ang dating. Puros pagpaparinig na nasasaktan siya.

Napabuntonghininga na lang ako at sinarado na ang cell phone ko. Wala akong mapapala kabababad sa internet talaga.

Alam ko, nasasaktan si Fabio ngayon pero ayokong mag-assume na tungkol pa rin sa akin. Ilang buwan na ang nakalilipas, siguro naman nakapag-move na siya at nakalimutan na niya ako. Mas concern ako sa amin ni Zubby, pero wala akong magagawa sa ngayon, gusto ko mang makipagbati alam kong galit pa rin sa'kin 'yon. Mabait siyang tao pero kapag ginalit mo at nagalit siya sa'yo, matagal bago maghilom 'yon.

Lunes, panibagong linggo, panibagong araw para mag-trabaho. Kagigising ko pa lang ay agad nang may dumating na sasakyan sa labas ng bahay. Sinilip ko sa may bintana kung sino 'yon at laking gulat ko na si Sonny ang bumaba ng taxi.

Hala? Ang aga naman niya?

Dali-dali akong pumunta ng kusina para panandaliang maghilamos dahil hindi ko nagawa 'yon kanina paggising ko kasi akala ko diretso ligo na ako pero bakit nga ba kasi naisipan kong bumaba muna bago gawin ang ritual ko? Anak ka ng baboy naman, Ayla, e.

Nagmumog na rin ako, baka mabaho pala ang hininga ko. Gusto ko pa sanang mag-toothbrush kaso nasa itaas pala 'yong toothbrush at toothpaste ko. Anak ng baboy naman, oo.

Saktong natapos ako sa ginagawa ko nang magbukas ang malaking pinto ng entrance ng bahay. Bahagya ko pa siyang sinilip mula sa kusina. Nakita ko nga siya habang akay-akay ang dalang maletang iginagala ang tingin sa kabuuan ng bahay.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa salas.

"Magandang umaga, Eng—Sonny."

Anak ng baboy, Ayla, magkakamali ka pa talaga?

Gulat siyang napalingon sa akin pero bakit ganoon? Ang guwapo niya pa rin?

"Mm-Hmm, ang aga mo namang nagising?" Isinantabi niya ang dalang maleta at naglakad palapit sa akin habang bitbit ang isang paper bag. "I bought some pasalubong for you," sabi niya sabay abot sa'kin no'ng paper bag na bitbit niya.

Kung siya nagulat nang malamang gising na ako sa ganito kaaga, ako naman ay bigtime talagang nagulat sa inabot niya. Hindi naman ako nanghingi ng pasalubong, bakit ako bibigyan?

Pagak akong napangiti sa kaniya at kahit ayoko, tinanggap ko pa rin ang ibinigay niya. Nakakahiya 'to pero ano ba kasing pumasok sa kukute niya't bibigyan niya ako?

"Nakapag-breakfast ka na?" Tanong niya at bigla akong nilampasan para maglakad na papuntang kusina.

"H-Hindi pa."

Napabuntonghininga ako't sinundan siya sa kusina.

Imbes na ako ang magluto ng agahan, siya na mismo ang gumalaw sa kusina at sinimulang lutuin kung ano mang lulutuin niya. Hindi na rin ako makaangal kasi sobrang bilis ng mga kilos niya't halos hindi ko na rin masundan.

Umupo ako sa isang silya at tahimik siyang pinagmasdan.

Marunong pa lang siyang magluto? Ito yata ang unang beses na makikita ko siyang gumagalaw sa kusina. Ito rin yata ang unang beses na matitikman ko kung anong lulutuin niya. Nakakamangha namang isipin na akala ko puros karangyaan, kagalingan sa napiling propesyon, kakisigan, kaguwapohan, katalinuhan, kayamanan, at kapangyarihan lang ang meron siya, pati rin pala sa kaalaman sa kusina? Ang galing! Ang galing ng Papa mo, ��nak.

Natapos siya sa pagluluto at agad niyang inihain 'yon sa harapan ko. Sabay na rin kaming upo at sabay na rin kaming kumain. Tahimik kaming kumain na dalawa.

Gusto kong purihin ang simpleng luto na ginawa niya. Masarap kahit scrambled egg na merong mga sahog na kamatis ang ginawa niya. Ginawa niya ring fried rice ang kaning hindi ko naubos kagabi. Medyo marami pa, kasi balak ko rin sanang i-fried rice 'yon ngayon.

"May kapatid ka pala?"

Anak ng baboy?!

Saktong natapos ako sa pagkain ko nang bigla siyang magsalita at halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa naging tanong niya.

Siguro sa tagal ng panahon, wala na sa akin kung mapag-usapan si Ate. Siguro nga totally ay natanggap ko na ang nangyari sa nakaraan pero hindi ko lang talaga inaasahan na manggagaling sa kaniya ang ganiyang klaseng tanong.

"U-Uh… oo pero—"

"She's dead."

Tumango ako sa sinabi niya. Halos hindi rin makatingin sa mga mata niya.

Paano niya nalaman? Saan niya nalaman? Sinong posibleng pagtanungan niya tungkol doon? Simpleng mamamayan lang kami at hindi lahat alam ang tungkol sa nangyari sa amin, sa pamilya ko. Maski nga ang kapitbahay namin ngayon ay hindi alam 'yon, e. Immediate family lang ang sinabihan ko at 'yong matalik kong kaibigan at ang pinsan niya.

Isang mabigat na buntonghininga ang ginawa niya at base sa peripheral vision ko, nakita kong sumandal siya sa silya at pinag-ekis ang dalawang braso sa tapat ng dibdib niya.

"Ang dami ko pa lang hindi alam sa'yo. All I know is your name, not your personal life. Nabuntis kita pero hindi ko man lang nalaman kung anong nangyari sa'yo sa nakaraan, sa pamilya mo, sa buong buhay mo."

Napabuntonghininga rin ako dahil sa sinabi niya at nagkaroon ng lakas na matingnan siya sa mata.

"Hindi na rin naman kailangang makilala n'yo talaga ako, Sonny. Sino ba naman ako para makilala mo? E, ina lang naman ako ng magiging anak mo." Huling sinabi ko sabay ligpit ng mga kubyertos at pinggang ginamit namin sa agahan.

Hindi ko na alam kung anong naging reaksiyon niya kasi dire-diretso ang naging lakad ko papunta sa lababo ng kusina at isa-isang hinugasan ang mga pinggan.

"Yeah, maybe you're right, ina ka lang… ina ka ng magiging mundo ko."

Hindi na nasundan ang pag-uusap naming iyon ni Sonny. Hindi ko ma-gets ang sinabi niya no'ng umagang iyon. Does he aknowledge this child as his world? I doubt that. Mas paniniwalaan ko pang ang mundo niya talaga ay si MJ Osmeña kesa sa bata.

Mabilis lumipas ang mga araw. Nagbabalik sa normal na set-up kaming dalawa. 'Yong weekend lang pumupunta si Sonny dito para maghatid ng groceries. Pero ang pinagkaiba lang, ngayon ay nag-uusap na kami at minsan ay nagtatagal na siya sa bahay niya. Hindi ko talaga alam kung anong klaseng hangin ang umihip sa kaniya ngayon at bakit nagkaganito na. Anong hangin ba meron ang Singapore? Helium ba?

Mag-isa sa bahay, naisipan kong magdilig ng mga halamang meron ang malaking bahay na ito. Nakahawak ako sa hose habang tinututok ito sa mga hanging plants. Maya't-maya rin ang naging paghikab ko. Anak ng baboy, dala talaga ng pabubuntis ko, e, 'no?

Abala ako sa ginagawa nang biglang may dumating na sasakyan at huminto mismo sa tapat ng gate. Isang pick-up na kulay blue ang dumating. Hindi ko alam kung kanino 'yan at paniguradong hindi naman 'yan kay Sonny kasi 'yong isang magara niyang sasakyan ay nandito naman sa garahe ng bahay at 'yong isang SUV naman ay 'yong mismong dinala niya pauwi sa bayan.

Tumigil ako sa ginagawa at lumapit sa may gate ng bahay para makita kung sino ang bagong dumating. Saktong kabababa lang niya at talagang nagulat ako kung sino 'yon.

"B-Boss Darry."

Anong ginagawa niya rito? Kasama niya ba si Miss Kiara?

Akala ko si Miss Kiara ang kasama niya no'ng biglang may bumaba rin sa isang pinto ng kotse. Pamilyar sa akin ang babae pero nakalimutan ko kung saan ko siya nakita.

"Hmm, Ayla," bati sa'kin ni Boss Darry kaya naibalik ko sa kaniya ang tingin ko.

Dali-dali kong binuksan ang gate ng bahay para makapasok na silang dalawa. Kahit na hindi ko naman kilala ang babae, pinapasok ko pa rin.

"Pasok po kayo, Boss Darry."

"Kuya Darry, siya ba 'yong sinasabi niyo ni Ate Kiara?" Tanong no'ng babae kaya hindi sila tuluyang nakapasok ng bahay.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nagpalipat-lipat din ang tingin no'ng babae sa aming dalawa ni Boss Darry.

"Yep, she's Ayla Encarquez, Aly." Tumingin siya sa'kin. "She accidentally knew about you and, yep, kinukulit niya ako kanina pa na gusto ka niyang makita. Sorry to bring her here."

"Putragis. Totoo talaga na buntis ka? Na nabuntis ka ni Kuya Sonny? E, paano si MJ?"

"Alyssa Quanda, we talked about this."

Alyssa Quanda? A, oo, kilala ko na siya. Siya 'yong pinsan nila sa Lizares side.

"Okay, sorry. I really just can't believe Kuya Sonny impregnated someone then he's hiding it here on his manor without telling us, his family, about this. Seryoso siyang pakakasalan niya si MJ Osmeña na may binuntis siyang iba?" Tuloy-tuloy na sabi ni Miss Alyssa.

Hindi ako makasingit dahil sa tuwing matatapos sa pagsasalita si Miss Alyssa, susunod naman si Boss Darry.

"Kailangan nga namin ang mga Osmeña, Aly."

"E, bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa kaniya? Hiwalay na rin naman kayo ni Callie Dela Rama 'di ba? At saka may gusto ka naman sa kaniya dati 'di ba? Ibalik mo 'yong feeling na 'yon, hindi naman mahirap mahalin 'yang si MJ, marami nga'ng nagkakagusto r'yan, e."

Ha?

"Aly, it's complicated and you're still bata to understand it."

"Because you're treating me one kaya ako nagiging bata." Naglakad palapit sa akin si Miss Alyssa matapos niyang irapan nang matindi si Boss Darry. Malawak siyang ngumiti sa akin. "Can I touch your belly?"

Tumango ako sa naging request niya kaya marahan niyang hinaplos ang tiyan ko at bahagya pang yumuko para ma-level ang tiyan ko.

"Hi, baby. Si Auntie Alyssa 'to, 'wag mong kalilimutan ang boses ko once you go out to this chaotic world, ha." At nag-baby talk na nga siya na animo'y nasa harapan niya mismo ang bata. Anak ng baboy, hindi ko nga kinakausap ang anak ko nang ganito, pabulong-bulong nga lang ako, e, tapos siya, wow! "Hay, I can't believe my bago na naman akong pamangkin," umayos siya ng tayo at ngumiti sa'kin. "For sure matutuwa 'yong dalawa ko pang pamangkin kapag nalaman nilang may bago silang playmate."

"Alyssa Quanda, just tell her what you want to do," parang naiinip na sabi ni Boss Darry na hanggang ngayon ay nakatayo lang sa gilid ng sasakyan niya.

Nag-scowl si Miss Alyssa at pa-simple pang umirap nang marinig ang sinabi ng pinsan.

���Okay, fine, masiyadong mainipin," pabulong na sabi niya pa pero magkaharapan kami kaya narinig ko talaga. "I'm here to fetch you kasi gusto kong bilhan ng mga gamit ang baby. Gusto kitang isama. Are you with us, Ayla?"

"Ha?"

"Go! Magbihis ka na, hihintayin ka namin ni Kuya Darry."

Marahan akong tinulak-tulak ni Miss Alyssa papasok ng bahay. Si Boss Darry naman ay tumango sa akin, mukhang nag-uudyok na sundin ko ang sinabi ni Miss Alyssa.

Ano ba ang nangyayari?

Hindi kalaunan ay nakasakay na nga kami ngayon sa sasakyan ni Boss Darry. Dito ako nakaupo sa likuran at nasa front seat si Miss Alyssa habang si Boss Darry naman ang nagda-drive.

"I heard from Ate Kiara na sa July na raw ang due date mo?" Nilingon ako ni Miss Alyssa sa likod no'ng tanungin niya 'yon. Tumango naman ako bilang sagot. "I'm kind of excited na mamili mamaya."

"Um, mawalang galang lang po, Boss Darry, puwede po bang magtanong?" Tiningnan ako ni Boss Darry sa pamamagitan ng salamin sa may itaas. Si Miss Alyssa naman ay napalingon na rin sa akin kaya nilakasan ko na ang loob ko. "A-Alam… alam po ba ni Don Gabriel at Donya Felicity ang tungkol sa bata?" Lakas loob ba tanong ko.

Nagkatinginan silang dalawa.

"Ah, Ayla, hindi pa kasi alam ni Uncle at Auntie ang tungkol sa nagawa ni Kuya Sonny. We assume he has a plan kaya hindi namin siya pinapangunahan. But I assure you, kapag nalaman nilang dalawa, siguradong matutuwa 'yon. Specially Auntie Felicity kasi mahilig sa bata 'yon, e."

Hindi ko alam kung papanatag ba ang loob ko dahil sa sinagot ni Miss Alyssa pero hindi na yata maalis sa akin ang takot at kaba sa tuwing iisipin ko kapag nalaman nilang mag-asawa ang tungkol sa anak nilang inaasahan nilang magsasalba sa kompanya nila gamit ang pagpapakasal sa apo ng isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa probinsya.

~