"Ayla?!"
Nanginginig na ang buo kong katawan dahil sa kaba at sa ginaw. Mas lalo kong niyakap si Aye nang maramdaman ko ang kaniyang pag-iyak.
Patay na ba ako? Patay na ba kami?
"Aylana, Diyos ko po. Anong ginagawa mo riyan?"
Napapikit ako ng mata nang pag-angat ko ng tingin ay ang nakakasilaw na ilaw ang sumalubong sa akin. Inalalayan ako no'ng lalaking lumapit sa akin at agad akong iginaya papasok sa sasakyan na kanina'y akala ko'y papatay sa amin ng anak ko.
Sa sobrang panginginig ng buo kong katawa, hindi agad nag-sink in sa akin kung sino 'yong taong 'yon. Sa sobrang lutang ko sa nangyayari sa paligid ko, agad akong nagpatianod sa kaniya.
"Fab, may extra shirt ako rito. Ipagamit mo muna kay Ayla to wipe her face and her baby. Basang-basa sila, o."
"Thanks, Astro. Ayla, okay ka lang ba? What happened? Gamitin mo muna 'to." Inabot niya sa akin ang isang t-shirt.
Hindi ko agad natanggap kasi patuloy pa rin sa pag-iyak si Aye.
"Sshh, tahan na, Aye. Sorry," bulong ko. "S-Salamat," mahina akong nagsalita habang tinatanggap ang inabot ni Fabio sa akin.
Inuna kong pahiran si Aye. Mabuti na lang talaga at kumalma siya sa ginawa ko.
Sorry talaga, Aye.
"Saan ka ba pupunta? Bakit ka naglalakad sa gitna ng ulan? Bakit may dala kang maleta? Pinalayas ka ba ng mga Lizares? Gusto mo ihatid ka namin ni Astro sa bahay n'yo?"
"H-Hindi. Hindi na. Ayoko munang umuwi."
Sa dami ng tanong ni Fabio, ang huli lang ang sinagot ko.
Totoong ayoko munang umuwi. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko kina Tatay at Nanay kapag nalaman nilang nakipaghiwalay na ako kay Sonny. Palalamigin ko muna ang panahon at kung maaari ay bukas na kami umuwi.
"Saan mo ba gustong pumunta?" Tanong ni Fabio.
"Puwede n'yo ba akong ihatid sa malapit na hotel? Doon na muna kami pansamantalang mananatili ni Aye habang nagpapalamig."
Nakita ko ang panandaliang palitan nila ng tingin. Si Astro ang nagda-drive ng sasakyan at si Fabio naman ang nakaupo sa harapan. Nandito kami ni Aye sa back seat, basang-basa. Naka-full pa yata ang aircon sa loob sa sobrang lamig. Nahihiya naman akong magsabi na pakipatay ng aircon dahil giniginaw ako kasi hindi naman akin 'to.
"If you want, you can stay pansamantala sa bahay. Actually, pauwi na nga kami ni Fabio. Sinama ko kasi siya para for a game night sana."
Napatingin ako kay Astro dahil sa sinabi niya.
"S-Sigurado ka ba, Astro?" Paninigurado ko. Baka kasi nakakahiyang nandoon kami, 'no.
"Mag-isa na lang na nakatira si Astro sa bahay nila. Ewan ko kung naaalala mo pa, pero 'di ba, nag-migrate na 'yong family niya sa States, siya na lang natira rito sa Pinas?"
Pagak akong napangiti nang maalala ang minsang ikinuwento ni Fabio sa akin tungkol sa mga kaibigan niya. Muntik ko nang makalimutan, mabuti pinaalala niya.
Mahina na ang ulan nang makarating kami sa malaking bahay nina Astro. Tahimik nga ang bahay at mukhang siya lang talaga ang tao rito.
"You can use that room, Ayla, may bed pa naman d'yan and some toiletries and other stuffs. Si Fabio na bahala sa 'yo, I'll prepare some dinner lang muna."
Umalis si Astro at mukhang pumunta nga sa kusina ng bahay. Naiwan kami ni Fabio sa salas ng bahay habang si Aye ay tuluyan ng nakatulog.
"Ako na magdadala ng maleta mo, kailangan n'yo nang magbihis ni Aye baka lagnatin pa kayo."
Tumango ako sa sinabi ni Fabio at sinundan siya papunta sa pintong itinuro ni Astro kanina. Siya rin mismo ang nagbukas at naglagay sa maleta malapit sa kama.
"Tutulungan ko muna si Astro. Labas ka lang kapag tapos ka na, kailangan mo ring kumain."
"S-Sige, salamat." Pagak akong ngumiti kay Fabio at sinundan siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kuwarto.
Ang tagal ko ring hindi nakita si Fabio. Masiyado lang akong na-awkward sa pagkikita namin kaya ganito akong makitungo sa kaniya. Nahihiya lang.
Una kong binihisan si Aye kasi paniguradong nilalamig na rin siya. Mabuti na lang talaga at minsan lang kung umiyak itong anak ko, hindi ako masiyadong mahihirapan. At mabuti rin na hindi nabasa ang iilang gamit na dala namin, may maisusuot pa kaming dalawa.
"Aye, alam kong masiyado ka pang bata para intindihin kung anong nangyayari kay Mama at Papa. Pero maaayos din namin 'to, hayaan mo muna si Mama huminga ha? Babalik din tayo kay Papa," bulong ko sa kaniya matapos ko siyang bihisan. Nakatingin lang ako sa kaniyang mga mata, ganoon din siya sa akin, as if he really understand every word I said.
Pinaulanan ko siya ng halik at saka tinimplahan ng gatas para makapagpahinga na rin siya.
Marunong na rin naman siyang humawak sa sarili niyang tsupon kaya habang hawak niya, nagbihis na ako ng damit. Hindi na ako naligo. Kung maliligo pa ako, walang magbabantay kay Aye. Nakakahiya namang pabantayan muna kay Fabio o Astro.
Pinatulog ko muna si Aye bago ko siya nilagay sa pinaka-gitna ng malaking kama bago lumabas ng kuwarto para mapuntahan ang dalawa.
Nagpi-prepare na sila ng mga kubyertos at pinggan sa lamesa nang makalabas ako. Nag-aya silang kumain. Malugod ko namang tinanggap.
Tahimik ang naging hapunan namin. Actually, pangalawang beses na kain ko na sa gabing ito. Nagutom yata ako sa ulan kaya sinunggaban ko na ang pagkaing ito. Hindi ko na tinanggihan.
Masiyadong tahimik at tanging ang ingay ng kutsara, tinidor, pinggan, at baso lang ang naririnig mula sa aming tatlo.
Hanggang sa basagin nilang dalawa ang katahimikan.
"Natutulog ba 'yong baby mo, Ayla? Okay lang ba na iwan mo muna siya roon sa room?" Tanong ni Astro kaya tumingin ako sa kaniya at ngumiti.
"Oo. Okay lang, hindi naman malikot matulog 'yon, e."
"Ah. What's his name? Balita ko kanina raw 'yong binyag?" Dagdag na tanong niya.
"Aye 'yong tawag namin sa kaniya. Pero Solano Ylaedi ang totoo niyang pangalan. At saka oo, kanina nga siya bininyagan," kuwento ko naman.
"Solano Ylaedi? Cute. Nice name."
"Thanks."
"Sinaktan ka ba niya? Pinalayas ka ba niya sa bahay nila? Bakit ka naglalakad sa gitna ng daan kasama ang bata kanina? Anong nangyari, Ayla?"
Nawalang bigla ang ngiti ko kay Astro nang marinig ang sunod-sunod na tanong ni Fabio. Pinasadahan ko siya ng panandaliang tingin at masiyado itong seryoso kaya hindi ko matitigan nang matagal.
"M-Maliit lang na hindi pagkakaunawaan, Fab."
"Maliit? May maliit ba na umaabot ng pag-alis mo sa bahay nila nang dis oras ng gabi and to think na kasama mo pa si Aye? Ang gago naman niya para hayaan ka? Sabihin mo sa akin, nang dahil ba kay Beatrix Gallardo kaya kayo nag-away?"
Tuluyan akong napatigil sa pag-kain dahil sa sunod-sunod na naging tanong niya. Halos pigilan na nga siya ni Astro pero hindi talaga siya nagpapigil sa pagratrat sa akin ng mga tanong.
"Dude, mamaya na kayo mag-usap after ng dinner."
True enough, agad akong tinanong ni Fabio matapos naming mag-dinner. Pinilit kong mag-presenta na ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin, kabayaran man lang sa pagpapa-stay ni Astro dito sa kanila. Matinding pilit pa ang ginawa ko, para lang mapayagan nila.
Pumayag din naman si Astro at iniwan na muna kami. May gagawin pa raw kasi siya sa trabaho niya kaya ayon, naiwan kaming dalawa ni Fabio dito sa kusina ng bahay ni Astro.
Mahimbing naman matulog si Aye kaya makakapaghugas pa ako pero bibilisan ko lang para makasigurado.
"Ano ba talagang nangyari, Ayla?"
Hindi pa lang ako nangangalahati sa pagsasabon ng mga pinagkainan namin ay hindi na napigilan ni Fabio ang bibig niya sa pagtatanong. Mukhang nasa likuran ko lang siya, nakatayo.
"Personal na problema lang sa pagitan namin ni Sonny, Fabio. 'Wag mo nang alalahanin."
"Sinasabi ko na nga ba, e. Dapat talaga sa akin ka napunta. Hindi ka sana magkaka-problema nang ganiyan ngayon kung ako 'yong pinili mo. I knew it na walang ibang gagawin 'yang Sonny Lizares na 'yan kundi saktan ka, e."
Napabuntunghininga ako habang pinagpapatuloy ang ginagawa at piniling hindi na sagutin ang pinagsasabi ni Fabio. Huminga lang akong malalim at inisip na lang na wala siyang alam at labas siya sa usaping ito.
"Bakit, Ayla? Si Beatrix Gallardo na ba ang pinipili ni Sonny Lizares?"
Tuluyan akong natapos nang magsalita siya ulit. Tiningnan ko siya at mas hinabaan pa ang pasensiya ko.
"Babalik ka na ba sa akin? Handa pa rin kitang tanggapin."
Sa totoo lang, naaawa na ako kay Fabio. Hindi ko na rin kasi alam kung anong gagawin ko sa kaniya.
Tiningnan ko siya, mata sa mata, at marahang hinaplos ang kaniyang pisnge. He slightly close his eyes and embrace the hand that I lay on his cheeks.
"Hindi ba kita nasaktan noon at bakit hanggang ngayon, handa mo pa rin akong tanggapin sa kabila ng mga salitang binitiwan ko sa 'yo noon?" Tanong ko sa kaniya.
He then opened his eyes and was taken aback to what I said.
"A-Ayla…"
"Na-a-appreciate ko ngayon ang tulong na pinapaabot mo sa akin at sa anak ko, Fab. At maraming salamat sa lahat."
"P-Please, Ayla, bumalik ka na sa akin. Kahit anong gawin ko, kahit ilang buwan na ang nakalipas, ikaw at ikaw pa rin talaga ang hinahanap ng puso ko. Ayla, ang hirap mong kalimutan. Masiyadong malaki ang sugat na iniwan mo sa akin at ngayo'y nahihirapan akong makabangon ulit. Ako na lang kasi ulit, Ayla. Kaya ko namang ibigay sa 'yo ang mga bagay na kayang ibigay ng mga Lizares. Oo, mas mayaman sila, pero mayaman din naman kami. Kaya naman kitang buhayin, lalo na't teacher na ako ngayon. Kaya ko kayong buhayin ng anak mo."
Muli akong napabuntunghininga sa sinabi ni Fabio. Hindi ko na naman alam kung anong sasabihin.
"Mas deserve ka ng isang babae na puro at walang sabit, Fabio. Mas deserve ka ng isang babae na mamahalin ka ng buong-buo. Mas deserve ka ng isang babae na tatanggapin ka kahit anong mangyari. Mas deserve ka ng isang babae na handa kang samahan hanggang sa altar. Pero hindi ako ang babaeng iyon, Fabio. Hindi tayo para sa isa't-isa. We had our chance. We tried. But we both knew it's not really working."
Ang hipokrita ko para aminin sa sarili ko na hindi talaga nahulog ang loob ko kay Fabio sa loob ng ilang taong magkasama kaming dalawa. Tanging kay Sonny lang talaga. Simula pa lang, si Sonny naman lang talaga. Pero anong napala ko ngayon? Wala.
Nabulabog kaming dalawa nang marinig ko ang malakas na kalabog na sinundan ng malakas na iyak ni Aye. Dali-dali akong pumunta sa kuwartong pinag-iwanan ko sa kaniya at laking gulat ko nang pagtingin ko sa kama ay wala na siya. Pero patuloy ang malakas na iyak.
"Nasa'n si Aye?"
Anak ng baboy, nasa'n 'yong anak ko?!
Putang ina!
"Solano!"
Dali-dali kong pinulot si Aye nang makita siyang nasa sahig na. Nahulog na ang unan at ang kumot na kanina'y nakapatong lang sa kaniyang katawan. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at kahit nanginginig na ang buo kong katawan, pinilit ko ang sarili kong i-check kung may galos o sugat ba siyang natamo.
"M-M-May d-dugo... May dugo, Fabio!"
"Shit! Dalhin na natin sa ospital. Baka napa'no 'yong bata. Teka, tatawagin ko lang si Astro."
May nakapa akong dugo galing sa ulo ni Aye. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at habang tumatagal ang pagkakahawak ko sa kaniya, mas lalo kong nararamdaman ang sobrang init ng kaniyang katawan.
"N-Nilalagnat si Aye!"
Agad naming dinala sa ospital ng bayan si Aye. Inaapoy na siya ng lagnat at may kaonting sugat pa ang ulo niya.
Nahulog ba siya kanina? Hindi ko alam. Kinakabahan ako. Baka kung ano nang nangyari sa ulo niya. Kinakabahan talaga ako na nagsimula nang pumatak ang mga luha ko.
"Relax lang, Ayla. Aye's gonna be fine." Pang-aalu ni Fabio sa akin pero hindi man lang nabawasan ang kaba ko sa katawan.
Nang makarating sa emergency room, agad kong ibinigay si Aye sa mga nurses na nandoon. Inasikaso naman nila ako agad despite of the busyness. Siguro nakilala nila ako. Ewan. Ang inaalala ko lang ngayon ay ang kalagayan ng anak ko.
Tinanong ako ng doctor na siyang naka-assign kay Aye. Mabuti na lang at nasa tama ang mga sagot ko, kahit papaano'y nakalma.
"Maliit na sugat lang 'yong nasa ulo ng bata. Siguro na daplisan noong mahulog siya sa kama. But to make sure, we will run some tests to check his structure lalo na't nahulog pala siya sa kama at may lagnat siya. Hindi natin alam baka may internal bleeding na pala. Pero sana wala."
"S-Sige po, Doc."
"Better inform first the Lizares while we're doing the tests."
Nakahinga ako nang maluwag nang malamang maliit na sugat lang ang natamo ni Aye kaya may nakita akong dugo kanina. Pero hindi pa rin talaga napapanatag ang buong loob ko. He's still out there, chini-check ng mga doctor.
Umupo ako sa isang silya habang hinahanap ang contact number ni Sonny. Sinubukan ko siyang tawagan. Dalawang ring lang, agad niya itong sinagot.
"Where are you?!" Pasigaw na tanong niya mula sa kabilang linya.
"N-Nasa ospital kami ni Aye. I-Inapoy kasi siya ng-"
"What?!"
"N-Nasa-"
"Fuck! I'm coming!"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko pa sana nang binabaan na niya ako ng tawag. Napabuntunghininga na lang ako at agad may naramdaman na mainit na kamay na pumulupot sa balikat ko.
"'Wag ka nang mag-alala, gagaling din si Aye at walang masamang nangyari sa kaniya."
Hinayaan ko ang sarili kong sumandal sa balikat ni Fabio. Pagod na pagod na ako. Ang daming nangyari sa araw na ito. Kumikirot pa ang bandang ulo ko at mukhang lalagnatin pa ako. Anak ng baboy naman.
"Ayla, anong nangyari r'yan sa ulo mo?"
"Hmmm?"
"Bakit may dugo?"
Ha?
Agad akong napaayos ng upo at lumayo sa kaniya nang akmang hahawakan niya sana ang bandang ulo ko na tumama sa pader kanina. Nakalimutan ko na ang sugat na ito kasi hindi na rin naman kumirot, bakit nakita niya pa?
"W-Wala lang 'to."
"Hindi. Dugo talaga 'yon, e. Ipa-check mo muna sa nurse."
Kahit ayoko, pinilit ako ni Fabio na ipatingin sa isang nurse ang sugat kong iyon. Ipalilinis na rin daw niya kung kinakailangan.
Nilinisan nga ng nurse na iyon ang sugat. Medyo malaki raw ang naging sugat pero mabuti na lang at hindi na raw kailangan ng stitches.
Anak ng baboy, baka himatayin akong bigla kapag nangyari 'yon.
"Saan mo ba nakuha ang sugat na 'yan?"
"W-Wala. Na-Nauntog lang ako."
"Ayla, kilala kita. Alam kong hindi ka nagsasabi ng totoo."
Tinitigan ko si Fabio at napabuntunghininga. Pabalik na kami sa kaninang puwesto namin nang saktong nakarating na si Sonny, mukhang nagmamadali.
"Where's Aye? What happened ba?"
Gusto ko mang alalahanin ang sakit na naramdaman ko kanina, isasantabi ko muna. Mas importante ang anak namin ngayon.
"Nahulog siya sa kama at saka inaapoy ng lagnat."
"Nahulog sa kama? Saan ka ba kasi galing? Akala ko ba uuwi ka sa inyo? Mukhang sa ibang bahay ka pa yata umuwi?"
Pinasadahan ko ng panandaliang tingin si Fabio nang makitang napatingin din sa kaniya si Sonny. Taas-noo lang si Fabio, handang sinalubong ang napakaseryosong tingin ni Sonny.
"Where's my apo?"
Hindi pa man ako nakasagot sa mga tanong ni Sonny, dumating naman sa eksena ang kaniyang mga magulang with the hysterical mother and… putang ina? Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?
Dumating ang doctor na kumausap sa akin kanina at sila na mismo ang nag-explain sa kanila sa kung anong nangyari base sa aking kuwento. Nanatili akong tahimik, maya't-maya ang naging tingin kay Beatrix Gallardo na katabi mismo ni Donya Felicity at mukhang inaalalayan pa ito.
"Mabuti pa, Ayla, umuwi ka muna sa inyo. Magpahinga ka. Kami na ang bahalang maghintay kay Solano dito," sabi ni Donya Felicity matapos niyang makipag-usap sa doctor.
"P-Po? Okay lang po. Dito lang po ako. Hihintayin ko po ang result ni Aye."
"No, Ayla, you need a rest. Kaya na naming bantayan si Solano. Anong klase kang ina at bakit mo napabayaan ang sarili mong anak? You let him under the rain? Nahulog sa kama? Umalis ka ng manor ng dis oras ng gabi dahil lang nag-away kayo ni Thomas? You are not well. You are going to take a rest."
"P-Pero-"
"Sige na, Ayla. Kami nang bahala rito."
Napatingin ako kay Sonny, halos maiyak na, sa sobrang lamig ng kaniyang pagkakasabi. Hindi pa siya makatingin sa akin.
"Tara na, Ayla. Balik na lang tayo bukas, kailangan mo ring magpahinga."
Gusto kong tumutol pero kahit anong gawin ko, talagang ipagpipilitan nila ang gusto nila. Hinang-hina na ako at pagod na rin kaya nagpatianod ako sa pag-alalay ni Fabio. Hanggang sa ihatid nila ako sa bahay.
Nagulat pa nga sina Nanay sa biglaang pagdating ko. Malalim na kasi ang gabi at wala na akong oras pa para mag-explain sa kanila sa mga nangyari. Ang bigat-bigat na ng ulo ko at ramdam na ramdam ko na ang init ng aking katawan kaya the moment na lumapat ang likod ko sa kama, agad akong inakit ng antok.
Nagising ang diwa ko nang maramdaman kong may parang may humahaplos sa mukha ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko at para na naman akong inaakit ng antok pero nilabanan ko. Ang init-init ng paligid pero ewan ko ba't parang nilalamig ako.
"Ayla, anak, magpahinga ka lang ha? Nilalagnat ka."
Inaninag ko ang mukha ni Nanay mang marinig ko ang boses niya. Siya rin pala ang nagpupunas ng mukha ko gamit ang isang basang bimpo.
"Po?"
"Kumain ka muna para makainom ka na ng gamot."
"'N-Nay, si Aye po nasa ospital, kailangan ko po siyang puntahan doon."
"Oo, anak, alam na namin. Pinapasabi no'ng yaya ni Aye. Pero hindi mo muna makikita si Aye, anak, ha? Kailangan mo munang magpagaling para mapuntahan mo si Aye."
"K-Kumusta na po si Aye, 'Nay?"
Namamalat na rin ang boses ko. Pinipilit ko lang talaga ang sarili kong magsalita.
"Okay lang naman daw siya sabi ng yaya niya. Wala ka raw dapat ipag-alala."
Muli akong nagpahinga matapos pilitin ang sariling kumain, makainom ng gamot, at marinig ang sinabi ni Nanay tungkol sa kalagayan ng anak ko. Sa lahat pa naman kasi ng araw na lalagnatin ako, ngayon pa talaga.
Akala ko, ilang oras lang akong lalagnatin pero buong araw na yata akong nagpahinga, hindi pa rin humuhupa ang lagnat ko. Feeling ko nga, mas lalo akong nilagnat.
"'N-Nay, pakitawagan naman po sina Sonny, gusto ko pong malaman ang situwasiyon ni Aye ngayon."
Namamalat na ang boses ko at masakit na ang lalamunan ko sa tuwing magsasalita ako pero pinilit ko talaga ang sarili ko para lang maitanong 'yon kay Nanay at Tatay na parehong nasa magkabilang gilid ng kama ko.
Tumingin si Nanay kay Tatay at saka niya hinaplos ang pisnge ko. Anak ng baboy na lagnat naman kasi 'to, bakit naman hindi humuhupa.
"Magpagaling ka muna, anak ha? Okay lang si Aye."
Sa sumunod na araw, ganoon pa rin ang pakiramdam ko. Mainit pa rin ang buo kong katawan. Pero kailangan ko na talagang bumangon at puntahan ang anak ko. Kailangan niya ako at sigurado akong hinahanap na niya ako. Nag-aalala na ako sa anak ko.
Sumatotal, taltong araw akong nasa bahay lang. Tatlong araw akong nilagnat.
Matapos akong pa-inumin ni Nanay ng gamot, pinilit ko ang sarili kong bumangon para hanapin ang cell phone kong ilang araw kong hindi nakita.
Hinalungkat ko ang bag na huli kong sinuot at nang makita ang cell phone, agad bumagsak ang balikat ko nang makitang low battery ito.
Ramdam na ramdam ko pa rin ang mainit na hiningang lumalabas sa butas ng ilong ko. Nararamdaman ko pa rin ang mainit kong temperatura sa katawan na animo'y binilad sa araw nang napakatagal.
Naghintay ako ng ilang minuto bago ko in-open ang cell phone ko at nang matawagan si Sonny. We're not in good terms right now pero sasagutin naman niya siguro ang tawag ko. Nakakapagtaka rin na hindi man lang niya ako directly binalitaan tungkol sa kalagayan ng anak namin.
"The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try again your call later."
Tinawagan ko ulit.
"The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try again your call later."
Sinubukan ko ulit.
"The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try again your call later."
Maka-ilang beses akong tumawag, parehong ganoon lang ang sinasabi. Walang sumasagot. Hindi rin nagri-ring.
Sinubukan kong tawagan si Ate Ivy. Baka sakaling ma-tiyempuhang hawak niya ang cell phone niya't masagot niya ang mga katanungan ko.
Nag-ring ang tawag ko pero agad ding c-in-ancel ang call. Sinubukan ko ulit pero ganoon pa rin ang nangyayari. Hanggang sa wala na talagang sumagot. Ni-ring ay wala.
Ano bang nangyayari?
Naiiyak na ako sa situwasiyon ko ngayon. Gusto kong puntahan ang manor. Gusto kong makita ang anak ko.
Kahit nanghihina, pinilit ko ang sarili kong tumayo para makapagbihis. Kailangan kong puntahan ang anak ko.
"Anak! Bakit ka bumangon? Saan ka pupunta?" Nagulat si Nanay nang bigla niya akong makitang lumabas ng kuwarto. Pinilit niya pa akong mag-stay pero buo na ang desisyon ko, kailangan kong puntahan ang anak ko.
"K-Kailangan kong puntahan si Aye, 'Nay."
"Pero hindi ka pa magaling. May lagnat ka pa anak, kailangan mo pang magpahinga. Ang init mo pa, o."
"Ayla! Bakit ka lumabas? Akala ko ba nilalagnat ka pa?"
Napatingin ako sa pintuan ng bahay nang marinig ang boses ni Fabio. Kasunod niya si Tatay na halatang nag-aalala rin sa akin. Gusto ko mang kuwestiyonin ang presensiya ni Fabio, hindi ko na ginawa. Lumapit na lang ako sa kaniya at nagmakaawang dalhin niya ako sa Manor de Lizares.
Noong una, ayaw niya kasi ang rason niya ay kailangan ko raw magpahinga. Pero pinilit ko siya, halos magmakaawa na ako at binigyan ko na rin siya ng assurance na okay lang ang pakiramdam ko at wala silang dapat na ipag-alala.
Sa isang utos ni Tatay, pumayag ang lahat. Inihatid at sinahaman ako ni Fabio.
Nang makarating sa Manor de Lizares, agad akong bumaba sa motor ni Fabio at pinuntahan ang gate kung saan nakatayo ang security guard ng gate.
"M-Manong, magandang umaga po. Puwede po ba akong pumasok, Manong?"
Hindi pamilyar sa akin ang sekyu at ngayon ko lang nakita ang pagmumukha niya. Halos kilala ko ang mga trabahante sa manor kaya imposibleng old employee 'tong si Manong. Bakit naman kaya nagpalit ng sekyu ang mga Lizares?
"Sino po sila?"
Sinasabi ko na nga bang hindi ako kilala ng isang 'to. Kung si Manong Jun pa 'to, kanina na ako pinapasok.
"Ayla Encarquez po. Nasa loob po 'yong anak ko, si Aye po, gusto ko lang po sanang bisitahin."
Napahawak ako sa malaking bakal ng gate. Unang beses kong gagawin 'to. Usually kapag papasok ako sa premises ng manor, sa loob lang ako ng sasakyan. Pangalawang beses ko nang dumaan dito. Una 'yong umalis kami ni Aye na siyang dahilan kung bakit nilagnat kaming dalawa.
"Sino pong Aye? Teka, ineng, baka na-mali ka ng address? Manor de Lizares 'to, ineng, at walang Aye'ng nakatira rito."
Pati anak ko hindi niya kilala? Pambihira!
"Si Sonny! Opo, Manong, pakitawag na lang po si Sonny. Pakisabi nandito po ako sa labas."
"Wala si Sir Sonny sa loob, ineng. Hindi mo ba alam?"
Ang ano?
"May problema ba, Ayla?"
Hindi ko pinansin ang paglapit at pagtatanong ni Fabio kasi bigla akong nagtaka sa sinabi ni Manong guard. Ano ang hindi ko alam?
"S-Saan po nagpunta? Sino po ang tao sa loob? Kung sino man po, pakisabi na lang po sa kanila na nandito ako at kailangan kong makita ang anak ko."
"Walang tao sa loob, ineng. Mga katulong lang ang naiwan d'yan. Umalis ang mga Lizares. Inihatid ang Don at Donya sa airport. Pupunta na sila ng Amerika." Airport? Amerika? Anak ng baboy? "O, Ivy, kausapin mo nga ang babaeng 'to. Kilala mo ba 'to? Hinahanap 'yong anak niya rito. At saka si Sir Sonny. Si Baby Solano ba ang ibig niyang sabihin?"
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig kong may tinawag si Manong guard na Ivy. Agad akong tumingin sa kaniya.
Nagulat siya nang makita ako. Nabitiwan niya pa nga ang hawak na dalawang garbage bag nang dahil sa gulat. Pero nabuhayan ako nang makita ko siya. Kahit papaano ay nakakita ng liwanag sa masalimoot kong panahon.
"Ate Ivy!"
"Ma-Ma-Ma'am Ayla? A-Ano pong ginagawa niyo rito?"
Napatigil siya sa paglalakad at hindi man lang lumapit sa akin para pagbuksan ako ng gate. Pero hindi ko na inalala 'yon, mas gusto kong sagutin niya ang mga tanong ko.
"Ate Ivy! Gusto kong makita si Aye. Mukhang hindi yata ako kilala ni Manong. Bago lang ba siya? Kumusta na ang anak ko? Nilagnat kasi ako kaya hindi agad ako nakabalik-"
"B-Babalik lang po ako. May kukunin lang po ako sa loob."
Tumalikod siya at kumaripas ng takbo pabalik sa manor. Sa sobrang gulat ko sa mga pangyayari, hindi ko siya napigilan sa kaniyang pag-alis. Ano 'yon?
Pinanghawakan ko ang huling sinabi niya kaya matiyaga akong naghintay sa labas ng gate.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik siya. Muli na naman akong nabuhayan ng loob.
"P-Pasensiya ka na, Ma'am Ayla, at hindi ko nasagot ang mga tawag mo. Pinagbawalan kasi kami ni Donya Felicity na kausapin ka." Pinagbawalan? Ano?! "Pinapabigay nga po pala ni Sir Sonny, Ma'am."
Inabot niya sa akin ang isang puting envelope. Tinanggap ko iyon kahit gulong-gulo na ang utak ko. Pinasadahan ko ng tingin ang envelope na ibinigay niya. May nakalagay sa likuran no'n na Ayla.
"Ano 'to? Nasaan ba kasi si Sonny? Nasaan si Aye? Gusto kong makita ang anak ko, Ate Ivy."
"Ba-Basahin n'yo na lang po ang sulat, Ma'am Ayla. Sige po, papasok lang po ako sa loob. Marami pa po akong dapat gawin."
Kumaripas siya ng takbo, leaving me with hundreds of questions.
Ano?!
Dali-dali kong binuksan ang envelope. Ang unang tumumbad sa akin ay isang credit card na nakapangalan sa akin.
Ano 'to?
Sunod kong inatupag ang bond paper na nakapaloob doon. Binuksan ko at binasa nang tahimik ang sulat na sinasabi ni Ate Ivy.
'Ayla,
I'm sorry for not telling you earlier that we needed to go today. Aalis na kami papuntang States kasama si Aye, Mom, at Dad. Aye needs serious medication. May nakitang injury inside his head ang mga doctor nang i-check nila ang skull ni Aye the night you brought him in the hospital. This is urgent and bringing you with us is a lot of hassle to make given the processing of passports and other papers needed for you to fly out of the country. We decided to immediately fly to the States. It's for Solano's welfare.
I don't know why you didn't came back. And I am that busy with Aye to know your whereabouts. I wanna ask why but I guess you're also busy with that guy to care for your own son. Ang sabi mo raw, nahulog siya sa kama. Why? Where are you? Pinabayaan mo ba talaga ang anak natin at nagkaganito siya? Gusto kong magalit sa 'yo for what happened to Aye, Ayla. Gustong-gusto. I can't believe napabayaan mo nang ganoon ang anak natin. Why? Kung galit ka sa akin, 'wag mong idamay ang bata. Hindi mo siya kailangang saktan para ipalaam sa akin ang galit mo. Labas ang anak natin sa away natin Ayla pero sa kagustuhan mong idamay siya, ganito na ang nangyari sa kaniya. If you just stayed that night, none of this will happen.
I wanna know what happened to us, Ayla, but hearing your side right now will be my least priority.
This card is yours. The password is Solano's birthdate. Panggastos mo with your family while we're away. I'll assure you Aye's safety. Just trust me with this one. I won't harm him the way you let our son be near with danger.
We will be back soon.
-Sonny'
"Putang ina?!"
Sunod-sunod na patak ng luha ang bumagsak sa mata ko habang nakatingin sa sulat na ibinigay ni Sonny sa akin.
Gulat at galit ang naramdaman ko matapos mabasa ang laman ng sulat.
Nagulat ako sa sinabi niyang umalis sila ng bansa dahil sa kalagayan ng sarili kong anak.
At galit dahil hindi man lang pinaalam sa akin nang maaga ang ganoong klaseng desisyon nila. Anak ko 'yon! Bakit hindi agad pinaalam sa akin?
Ano ba!!!!!
"Ayla, okay ka lang?"
Galit na galit ako! Nanggagalaiti ako sa galit! Gusto kong sumugod at magwala!!!!
Pero nanghihina ako at gustong-gusto ko nang bumigay.
Nagising ako nang maramdaman ko ang gutom. Pagmulat ng mata ko ay puting kisame ang tumumbad sa akin at kaliwa't-kanang usapan ang narinig ko.
"Ayla, okay ka na ba? Kumusta na ang pakiramdam mo?"
Sa kabila ng ingay na naririnig ko, nangibabaw ang boses ni Sia.
Lumingon ako sa kaniya habang nakahiga. Nakatayo lang siya sa gilid ng aking kama.
Base sa dextrose na nakita ko at sa mga taong nasa paligid ko, nasa ospital na naman ako. Pero this time, ako naman ang nakaratay sa higaan.
"Sia, kinuha nila ang anak ko."
Namuo na naman ang luha sa mata ko nang maalala ang nangyari bago ako nakarating sa ospital na ito. Nawalan na naman siguro ako ng malay. Pero himalang hindi na ako nakakaramdam ng init sa katawan. Nawala na ba ang lagnat ko?
"N-Nabasa ko nga sa sulat ni Engineer Sonny. Totoo ba talaga 'yon?"
Tuluyan akong naiyak. Hating-hati ang nararamdaman ko ngayon pero bilang isang ina, mas nangibabaw sa akin ang pag-aalala.
"Kinuha nila sa 'kin ang anak ko, Sia, nang walang abiso. Anak ko 'yon! May karapatan ako sa kaniya. Nilagnat lang ako't hindi nakabisita sa kaniya biglang umalis na ng bansa?!"
"Relax ka lang. Kagagaling mo lang sa lagnat. Magpahinga ka muna. Mag-ipon ka muna ng lakas. Kaya ka nadala rito sa ospital kasi nabinat ka. Nilalagnat ka pa pala, pero pinilit mong umalis ng bahay n'yo para lang pumunta sa bahay ng mga Lizares."
"Pero, Sia, 'yong anak ko!"
"Sshh, oo, tahan na. Please, magpahinga ka muna. Puwede ka nang lumabas mamaya kaya ipunin mo 'yang lakas mo, pag-uusapan natin mamaya si Aye."
Imbes na magpahinga, idinaan ko sa iyak ang lahat ng frustrations na nararamdaman ko sa katawan.
Dumaan ang bagong taon na wala pa rin akong balita sa kalagayan ng anak ko. Hindi pa rin sila bumabalik. Halos araw-araw din akong pumupunta sa manor, nagbabakasakaling makasagap ng impormasyon sa kalagayan ni Aye. Pero ni pagharap at pagpapapasok sa akin sa loob ng gate ay hindi nila magawa. Tahimik na rin ang manor, parang walang tao, parang walang nakatira. Ang sabi sa akin no'ng sekyu, mga katulong na lang daw ang nandoon sa loob. Abala raw si Vice Mayor Lizares, ganoon din ang asawa nito.
Mas lalo akong na-frustrate. Hindi ko alam kung saan ko ko-contact-in si Sonny. Hindi ko siya mahanap sa social media accounts niya. Maka-ilang beses na akong nag-message pero ni-pag seen ay hindi niya nagawa.
Sa sobrang desperado ko, pati ang ibang Lizares na merong social media accounts at numbers na meron ako ay sinubukan kong contact-in at padalhan ng mensahe pero wala akong natanggap na sagot.
Ilang linggo na ang nakaraan. Nagbago na ang taon, January na ngayon pero hindi pa rin sila umuuwi.
"Magsasampa ako ng reklamo. Kidnapping na itong ginagawa nila. Ako 'yong ina pero hindi ko alam kung anong kalagayan ng sarili kong anak!"
Patapos na ang Enero pero wala pa rin.
"Anak, maghunos-dili ka, Lizares 'yang babanggain mo kapag nagsampa ka ng reklamo."
"Oo nga, pinsan."
Napatingin ako kay Nanay at Sia dahil sa mga sinabi nila.
"Aksaya sa panahon at pera kapag gagawin mo 'yan. Maghintay ka. Ibabalik nila sa 'yo si Aye. Isipin mo na lang, nasa mabuting kalagayan siya ngayon. Paniguradong hindi siya pababayaan ng mga Lizares. Ipagdasal na lang natin na walang grabeng nangyari sa kaniya. 'Yan na lang ang isipin mo."
"Pero 'Tay-"
"Alam mo kung anong mas mabuting gawin? Mag-ipon ka ng pera, nang sa ganoon, kapag bumalik na si Aye, kaya mo na siyang buhayin na walang tulong ng pera ng mga Lizares. Hindi uubra kung ang panlaban mo lang ay ang karapatan mo bilang isang ina. Kailangang may baon kang pera nang sa ganoon, hindi ka nila kuwestiyunin sa kakayahan mong buhayin ang anak mo."
"Tama si Tito, Ayla. Sumama ka na lang kaya sa akin sa New Zealand? We have time to processs your papers. At by the time na nakapag-ipon ka na roon, puwede mo nang bawiin si Aye sa kanila. Puwede mo pa silang puntahan sa America."
Napatingin ako sa kanilang tatlo. Naninimbang ng bagong desisyong gagawin. Wala ito sa plano pero kung ito ang paraan para makapag-ipon ako ng maraming pera para makuha ko ang anak ko, gagawin ko.
Anak, hindi ko alam kung anong nangyayari sa 'yo at kung saang lupalop ng Amerika ka naroon, pero sana nasa maayos na kalagayan ka at sana kaya mong hintayin si Mama. Dadating ako, Aye. Hintayin mo lang si Mama.
~