webnovel

City of Beauty (Tagalog)

"To be Queen is to become a thief." Velvet Vale, born out of luck for having an imperfect face that considers her a Dull. Captured by the Savages to enter the City of Beauty to steal The Seal of Fate, the seal holds the ultimate control over their Kingdom. She will candidate as The Crown Prince's Wife, a bloody competition to be the next Queen. Fates happened, falling for a ragged handsome boy who killed her brother, and a love so deep the Crown Prince has for her will open up new rivals, rebellions, and unknown emotions. Now Welcome to the Era where the new world only values a beautiful face. (Filipino Dystopian Story) completed story on wattpad

axisixas · แฟนตาซี
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 2 - Cosima Wing

Maaga akong nagising dahil bumungad sa tenga ko ang alingawngaw ng speaker sa bawat post sa bawat docks ng City of Commons.

"Good Morning, Citizens of Commons, you are given the privilege to serve the people of beauty. Please approach the gates of the City. Pay is to Silvers to Quartet Gold."

Paulit ulit lang na binroadcast yan at napakamot ako sa tenga at medyo yumuko dahil sobrang baba lang nung ceiling ng bahay namin at bitin sa height ko ito.

Napailing nalang ako sa narinig sa speaker dahil naulit na naman ang katagang 'privileged to serve the people of beauty' napamura ako sa taas ng tingin nila sa sarili nila dahil lang sa magaganda ang mukha nila. Pagtingin ko sa maliit na mesa na tinatawag kong kusina ay wala ng kape. Agad akong nabadtrip.

"Shilo! Kahit kelan ka talaga!" Pasigaw kong utas sa hangin.

Hinanap ko ang bag na punong-puno ng pera. At nang makita ko ang bag na ngayon ay puro papel lang ang laman. Kinabahan ako at medyo naistress, hinanap ko sa maliit na sulok ng bahay pero wala talaga ni kusing, wala. Nanlumo ako at napaupo sa sahig. Di ko maiwasang matulala. Hindi ako iyakin. Pero sobrang bilis kong magalit.

"Pota."

Inisip ko ang mga pangyayari kahapon. Alam kong hindi ako lolokohin ni Tata Talon dahil tiningnan ko pa at chineck ko pa kung pera nga ba ang laman nung binigay niya sa akin at ako pa ang naglagay no'n sa bag. Pagtapos ay pumunta akong Bordello at uminom at nang maalala ko na ang lahat. Napasabunot ako sa buhok nang maalala yung lalaki na mala-Pure ang mukha ay magnanakaw rin pala. Nabiktima pa ako, kapwa ko magnanakaw.

"Sagan." Galit kong bigkas matapos matanto kung sino.

"Good Morning, Citizens of Commons, you are given the privileged to serve the people of beauty. Please approach the gates of the City. Pay is to Silvers to Quartet Gold..."

Kaya napatayo ako at naligo. Imbes na kumakain nalang ako ng tsokolate, magta-trabaho pa tuloy ako para sa mga gunggong na mga Pure na 'yon.

"Pota."

_____

"Cosima Wing. The Theater."

Ibinigay ko ang hinliliit ko sa machine na gumagawa ng malapapel na singsing. Tanda yun na isang servant at pagiging isang Dull.

Nanlaki ang mata ko, alam kong random ang mga trabahong ibibigay sayo pero pinapadala muna ang pictures namin sa mga nakatataas at ang mga Lords of Houses ang mamili sa mga maglilinis ng lugar nila. Kaya paswertehan minsan. Last time tatlong silver ang nakuha ko at naglinis lang naman ako sa banyo ng isang Bar. At mangiyak-ngiyak ako sa amoy ng suka at sa halaga ng serbisyo ko.

Pero medyo natuwa ako dahil Quartet Gold para sa Theater room ng isa sa mga bahay ng Royalt Family sa labas ng palasyo. Syempre kumpleto ang mga tao nila sa mismong palasyo, pero may mga kanya-kanya pang lugar ang Empirium Royalt sa labas ng palasyo at doon ako naatasan maglinis dahil madalang din naman iyon puntahan ng mga Royalts kaya konti lang ang tao sa mga lugar na ganon.

Agad agad akong naglakad papunta sa Cosima Wing pero naramdaman kong naduduwal ako. Kaya nanlabo ang paningin ko at nagmadaling pumasok sa pinakamalapit na public CR dito sa loob ng City of Beauty.

Nang nakita ko na ang bowl ay agad kong sinuka lahat nung tubig na ininom ko. Wala akong agahan or kahit pandesal man lang. May hangover pa ata ako. Nang maayos ko ang sarili ko ay lumabas na ako ng banyo. Masaya ako ako dahil medyo ginhawa at medyo napalakas ang bato ko sa pinto at may tinamaang bagay.

Nang makita ko ang humagis na pinto at isang paa nung taong nakahiga sa sahig ay di ko napigilan ang tumawa. Sobrang lakas nung tawa ko at pagtapos no'n ay agad akong pumunta sa likod ng pintong may nakahigang tao. Hindi ko naman alam na gano'n kalakas ang pagbalibag ko sa pinto.

Sobrang saya ko lang at naisuka ko na ang lahat ng problema. Agad ko siyang nilapitan nang matapos na akong tumawa. Doon din pumasok ang takot sa sistema ko. Ayokong mabitay agad.

"Naku, Sir pasensya na po kayo. Hindi ko naman po alam na--"

Nang tumayo siya ay una kong napansin ang damit niyang isang magandang tux na puti sa panloob at halong shade ng blue at gray. Papataas sa kintab ng gold pin niya. Gulo gulo rin ang Ash blonde na halong gray na or silver, ang ganda lang nung pagkakulay nung buhok niya hindi siya nagmukhang matanda, dahil kaedad ko lang siya, tama lang ang kapal at alon nito at sa sobrang perpekto niyang mukha.

Isa siya sa mga pinakamagandang nilalang na nakita kong buhay sa City of Beauty. Kahit saan ka lumingon sa City na ito ay lahat sila magaganda, perpekto ang mukha. Hindi nakakasawa, pero iba siya, may kung anong ere sa tindig at ayos niya pati na rin sa manners. Siya yung parang presensya niya palang mapapasunod ka na sa lahat ng utos niya.

Gano'n ang dating niya. Very charismatic.

Nang tinagpo niya ang mata ko ay napaatras ako at muntikang mapaiwas sa intensidad ng mga mata niya. Pero di ko tinanggal kasi wala itong buhay, it was dead. Kulay amber ito pero madilim na parang itim lalo na siguro kung gabi. Gano'n siya kadilim tumingin.

Pero tumawa siya. At medyo nawala ang takot ko.

"Kita mo to?" Tinuro niya ang malaking M sa pinto. At di ako tanga para hagilapin pa sa diksyonaryo iyon. Male ang napasukan ko.

"Sorry po, sorry po wag niyo po ako isumbong sa Skull Guards, di ko po sinasadyang saktan kayo--"

"At tawanan ako nang makitang natangay ako sa hampas ng pinto ay tumilapon sa sahig? Paano kung nasira ang mukha ko? Kakayanin mo kaya ang halaga ng Tera Gold?"

He meant the entity he needs at Tera Gold ang pinakamalaking halaga ng pera sa mundo namin. At ang Perfectum Entity ay isang natural way para maabot ang perpektong mukha, and they are bought only by royalties na ipinanganak na pangit at para makapasa sa standards ng lipunang ginagalawan namin. Some of them needs it. Hindi lahat ay pinanganak na maganda sa loob ng City of Beauty. May mga 20% na pumalya.

Pero wala pang naitalagang may nag-ingest nung Perfectum Entity sa new generation ng Empirium Royalt.

"Humihingi po ako ng tawad. And my vows to the Seal of Fate in treaties of our Country to the three Cities. I'm deeply sorry--" Naputol na naman ako nang tumawa siya.

Pero nung nakita ko siya at maigi kong tiningnan. Napaisip ako. Ganito rin kaya ang itsura nung Sagan kung isa siyang Pure? Ganito rin kaya kalakas ang charisma niya? At ano kayang kulay nung tux ang suot niya?

Teka bakit ko iniisip si Sagan? Bakit ba tawa siya nang tawa pero walang buhay ang mga mata?

"Quit it. Okay lang yun, just be sure to be careful at ayokong abalahin ka sa trabaho mo. And... See you later." He winked at me sa mahinang pagkasabi nung huling salita.

I curtsied at tumalikod na siya paalis, sinundan ko siya ng tingin dahil iba siya sa mga Pure, hindi siya matapobre at di masama. Even the Pure's are bowing their heads to him at humahawi pa sila sa daanan niya. Sino ba siya?

Nagkibit-balikat na nga ako at pumunta na sa Theater ng Cosima Wing. Naisip ko, okay siya, siguro kung ibang Pure ang tinawanan ko nang matangay ay pinugutan na siguro ako ng ulo.

+++++

Terms Used:

Docks -streets

Silvers- 10

Gold- 100

Quartet Gold- 500

Tera Gold- 1000

Perfectum Entity - Glass Cube medicine, to achieve the perfect ideal look of what it means to be beautiful

Empirium Royalt- Royal Family.