webnovel

Chasing the Serene

Dana, a loud and cheerful student of ABM, met Clyde, a quiet student of ABM, and started chasing him just to get his attention. *** A KATHNIEL FANFIC! Please support my first story here in webnovel. Thank you!

jaeun · คนดัง
Not enough ratings
17 Chs

Chapter 08

"Fuck, nakalimutan ko 'yung ginawa ko kagabi!"

Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko habang pilit pa rin na hinahanap sa bag ko 'yung ginawa ko kagabi. Shit, kailangan na namin ipasa 'yon ngayon! Ayokong malate sa pagpapasa! Pinaghirapan ko pa naman 'yon kagabi.

"Baka nandyan lang 'yon, Dana. Baka nailagay mo lang dyan," pinapakalma na ako ni Jean dahil nagbabadya na rin sa aking mata 'yung luha. Hindi, e. Wala talaga siya sa bag ko.

"Jean," naiiyak ko na talagang sabi. Hindi ko naman pwedeng abalahin si Manong dahil hindi pa rin nakapasok sa trabaho ngayon dahil nasa ospital pala ang anak niya kaya si Daddy ang naghatid sa akin.

"I'm sorry," umiling ako sa kanya dahil wala naman siyang kasalanan doon. Ako ang may kasalanan dahil hindi ko naman dinouble check ang gamit ko bago ako pumasok.

"Uuwi ako, hahabol ako sa first period." Tinignan ko ang oras sa phone ko at nakitang may 20 minutes pa bago magstart ang klase. Tumayo ako at hindi ko na inabala pang tignan siya nung tinawag niya ako. Tumakbo ako pababa sa building namin at nakasalubong ko pa si Evan.

Nakita kong napahinto siya at magsasalita sana siya pero tinikom din nang makita niyang nagmamadali ako.

"Dana, hey wait up!" Rinig kong sigaw niya pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Kailangan kong magmadali para makaabot pa ako sa first period namin. Huminto lang ako sa may gate para maghintay ng masasakyan.

"Saan ka pupunta?" Hinihingal pa siya nung huminto siya sa tabi ko habang ako ay pumapara na ang pwede kong masakyan pero wala talagang nahinto.

Nawawalan na ako ng pag-asa kaya tinignan ko ulit ang oras at may natitira na lang akong 15 minutes para makuha ko 'yung requirement ko na ginawa kagabi. Napa upo na lang ako at tinakpan 'yung mukha ko. Nandoon pa rin sa tabi ko si Evan at hindi nagsasalita habang tinitignan ako, hindi alam ang gagawin.

"Hey, you know that I can help you right?" Mahinang sabi sa akin ni Evan at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Kailangan kong makauwi ngayon, Evan. Nakalimutan ko 'yung ipapasa ngayon sa adviser namin." Nakatakip pa rin sa mukha ko 'yung kamay ko at hindi siya tinitignan. Ramdam ko na rin na tumutulo na 'yung luha ko kaya mas ayaw ko pang alisin 'yung kamay kong nakatakip.

"Nasa sasakyan pa si Clyde, I can talk to him give you a ride home." I know I looked like a mess right now pero inalis ko ang kamay ko para matignan siya. He was awkwardly smiling at me, hindi alam kung tatanggapin ko ba ang offer niya.

"Okay lang sa kanya?" He smiled wider and nodded.

"Ngayon pa ba siya aayaw? Sinabay ka na rin namin kahapon," he said kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. Mabilis ang lakad namin para hindi na kami maubusan pa ng oras. "Nice house, by the way."

Hindi ako nagsalita at mas binilisan na lamang ang paglalakad. Pagdating namin sa may kotse ni Clyde ay ang saktong pagbaba niya doon. He looked at us while his brows are furrowed.

"Can you give her ride? Nakalimutan niya 'yung requirement niyang ipapasa ngayon," I looked at Clyde, hoping that he will agree.

Marahan siyang tumango kaya lumaki naman ang ngiti ni Evan at medyo tinulak pa ako papunta sa passenger seat. "Sakay na,"

"Thank you," mahina kong sabi kay Clyde at tumango lang naman siya sa akin. What did I do to deserve his kindness? Ang buong ginawa ko lang naman sa kanya ay kulitin siya sa buong araw.

I looked at Evan and gave him a smile. I mouthed a thank you and he just gave me a thumbs up.

Pumasok na ulit sa driver's seat si Clyde kaya binilisan ko na lang ang pagpasok sa passenger seat. Pinaandar na niya ang kotse niya habang naglalagay ako ng seatbelt at saktong pagkalagay ko noon ay pinatakbo na niya ang sasakyan. Walang nagsasalita sa aming dalawa at medyo mabilis ang patakbo niya sa kotse.

Halos limang minuto rin 'yon bago kami makarating sa bahay kaya dali-dali akong bumaba sa kotse niya. Nagtatakbo ako papasok sa bahay hanggang sa makarating ako sa kwarto ko at nakita ko 'yon na nakapatong sa study table ko kaya mabilis ko 'yon na kinuha at mabilis rin na nagtatakbo pababa dahil nakakahiya kung paghihintayin ko pa si Clyde sa labas.

Hindi pa rin siya nagsalita nang makapasok na ako sa kotse niya. Kahit nga pagtatanong ay hindi niya ginagawa. Inayos ko na rin ang sarili ko habang papunta kami dito sa bahay kanina kaya hindi na ako mukhang galing sa pag-iyak.

Nakakahiya na talaga. Evan and him saw me like a mess earlier pero hindi man lang ako nakapag-sorry sa itsura ko. Nakarating kami sa school na hindi pa time para sa first period pero kapag hindi kami nagmadali ay baka maunahan pa kami ng adviser namin.

Habang inaalis ko 'yung seatbelt ko ay napasulyap ako kay Clyde na nakatingin lang sa harapan. Mabilis kong inalis 'yung seatbelt at tumingin sa kanya. Niyakap ko pa 'yung kinuha ko sa bahay at tumikhim.

"Thank you at sorry kung naabala kita." Sabi ko at tumango lang naman siya sa akin. Napatango na lang din tuloy ako at bumaba na sa kotse niya. Nagdadalawang isip pa ako kung hihintayin ko siya o hindi dahil pagkatapos kong magpasama sa kanya ay iiwan ko lang siya dito.

Pero mas pinili kong hintayin na lang siya kaysa ang iwan siya dito. Wala na akong pakialam kung malate ako ng ilang minute basta hindi ko lang siya iwan dito. Napatingin ako kay Clyde nung bumaba na siya sa kotse niya at nakasakbit na sa kanang balikat niya 'yung bag niya. He looked surprise when he saw me standing there.

"Hinintay kita, nakakahiya kasing iwan kita dito pagkatapos kong magpasama sa'yo." Ngumiti ako sa kanya. Nauna na siyang maglakad at mabilis 'yon kaya halos hindi ko siya maabutan, halatang nagmamadali na siya dahil anong oras na.

Huminga ako ng maluwag nang makarating ako sa room na wala pa 'yung adviser namin. Sumilip ako sa classroom nila Clyde at nakita kong napahinto siya sa labas ng room nila. Nanlaki ang mata ko at sinilip ang loob ng room nila at mas lalong nanlaki ang mata ko nang makitang nanadoon na ang adviser nila.

Damn.

"Dana!" Napatingin ako kay Jean na lumabas pa sa room para lang mapuntahan ako. Hinila na niya ako papasok sa room para doon na kausapin. "Buti nakaabot ka."

Tumango ako sa kanya, hindi ko alam 'yung sasabihin ko. Dahil sa akin nalate si Clyde sa klase nila. Buong klase ay hindi lang ako nagsasalita kaya nung mapsulyap ako kay Jean ay nakita kong nakatingin siya sa akin habang may pag-aalala sa mata niya.

"Anong nangyari? May nangyari ba sa'yo?" Paglabas pa lang nung huling teacher namin sa umaga ay 'yon na agad ang tinanong niya sa akin. Humalukipkip ako sa kinauupuan ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Walang nangyari," bumuntong hininga ako at inalala 'yung nakita ko kanina. Tumingin ako sa kanya habang malungkot ang mukha. "It's just that kasalanan ko kung bakit nalate si Clyde kanina nung first period nila."

Kumunt ang noo niya. "Bakit?"

"Nakasalubong ko si Evan kanina at nakita niyang nagmamadali ako kaya siguro niya ako sinundan. Tinanong niya ako kung saan ako pupunta pero hindi ko siya sinagot. Halos mawalan na ako ng pag-asa kanina kaya nag-offer siya na kay Clyde na lang ako magpasama. Kinausap niya si Clyde at pumayag naman siya. I feel bad kasi pagdating namin dito ay nandoon na 'yung adviser nila." Mahaba kong paliwanag.

Umawang ang bibig niya at hindi nakapagsalita. "Sa nakita ko, halos kapapasok lang din nung adviser nila kanina."

Umiling ako. Kahit na. Kasanalanan ko pa rin.

"Don't feel bad, hindi naman siguro magagalit sa'yo 'yun diba?" Umiling ako dahil hindi ko alam. Baka nga sinusumpa na ako noon, e. Sa dami ng pasakit na ginawa ko sa kanya ay baka mapuno na siya sa akin.

"I don't think so," mahina kong sabi sa kanya. Ngumiti lang naman siya sa akin ng tipid at niyakap ako sa gilid.

"Let's eat lunch, huwag kang humindi ngayon baka mangyari na naman 'yung kahapon." Natatawa niyang sabi sa akin para pagaanin 'yung loob ko.

"Tara," sabi ko na lang para hindi na siya mag-alala pa. Paglabas namin sa room ay ang saktong paglabas din ni Clyde sa classroom nila. Napatingin siya sa akin at iniwas ko ang tingin ko. Hinawakan ni Jean ang braso at hihilahin sana ako papalapit kay Clyde pero bigla itong tumalikod sa amin at sa kabilang hagdan bababa.

Galit siya?

"Tara na," hinila ko na lang si Jean at hindi pinakita sa kanya na medyo nasaktan ako sa inasal ni Clyde. Matagal naman na siyang ganon sa akin pero kasi ngayon iba 'yung dahilan, e.

"Okay lang 'yan," sabi niya sa akin at tinapik pa ang balikat ko. Lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti.

Natapos ang lunch na hindi ko na ulit si Clyde, pati na rin si Evan. Wala sila sa canteen nung hinanap ko sila doon pagkatapos kong kumain. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta kaya naman bagsak ang mukha ko habang naglalakad na kami ni Jean pabalik sa room namin.

"Dana," napahinto kami sa paglalakad nang bigla na lang sumulpot sa harapan namin si Evan. He was looking at me while smiling a little. Nagpaalam na si Jean na mauuna na siyang pumunta sa room kaya naiwan kaming dalawa ni Evan doon sa hallway.

"I'm sorry, nalate ang kaibigan mo dahil sa akin." Mahina kong sabi habang pinaglalaruan ang daliri ko. Umiling siya sa akin.

"Huwag mo intindihin 'yon, he's not mad at you." Umiling din ako sa kanya, hindi pinaniniwalaan ang sinabi niya.

"He is," giit ko. Totoo naman, galit siya kaya nga niya ako iniwasan kanina diba?

"Hindi marunong magalit si Clyde sa mga babae, Dana."

Umiling na lang ako ulit. Kahit anong pilit niya ay hindi ko siya paniniwalaan. Basta ang alam ko ngayon ay galit sa akin si Clyde at kailangan kong humingi ng tawad sa kanya.

"Alis na ako," paalam ko at nilagpasan siya. Tinawag pa niya ako pero hindi ko na siya pinansin pa. Pagdating ko sa room ay hindi na ako tinanong pa ni Jean sa nangyari, binibigyan ako ng time para makapag-isip.

"Una na ako," napatango na lang si Jean sa akin nung tumayo na ako sa upuan ko. Bago 'to dahil mas mauuna ako sa kanyang umalis. Ayoko ko kasing maabutan dito sila Eva, buti na lang nitong mga nakaraang lingo ay mas nauuna kaming madismiss sa kanila.

Binilisan ko ang paglalakad ko para hindi na ako makipagsiksikan pa sa mga estudyante. Paglabas ko sa school ay agad akong nag-abang ng masasakyan para makauwi na ako sa bahay. Nang may mapara ako ay agad akong sumakay at sinabi ang bahay namin. Hindi ko na rin sinubukan pang hawakan 'yung phone ko dahil masyado akong luting habang pauwi sa bahay.

Nang makita ko na ang bahay namin ay agad kong sinabi sa driver na doon na lang ako. Binaba niya ako sa tapat ng bahay namin at nagbayad sa kanya. Dali-dali akong pumasok sa bahay at nagtatakbo na papunta sa kwarto, kailangan ko ng ilabas 'to.

Pagpasok pa lang sa kwarto ay nagbagsakan na ang mga luhang kanina pa gusting kumawala. Hindi ko alam na ganito pala kahirap gustuhin ang isang Clyde Ian Hernandez. Hindi ko alam na mahuhulog na ako sa kanya, hindi ko alam na lalalim pa pala 'tong nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam na masyado pa lang masakit.

Gustuhin ko mang tumigil, hindi ko magawa. I am falling deep. Hindi ko na kayang sisirin at hindi ko alam kung may sasalo ba sa akin kapag nakarating na ako sa ilalim. Hindi ko alam kung may hahawak ba sa kamay ko para samahan akong mahulog. Hindi ko alam. Walang kasiguraduhan.

Humikbi lang ako ng humikbi hanggang makita ko na lang ag sarili ko na tumigil na sa pag-iyak. Hindi pa ito ang panahon para sumuko ako. Masyado pang maaga.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya kaagad na rin akong nag-ayos ng sarili ko para maghanda na sa pagpasok. Hindi ko alam kung umuwi ba sila Daddy kagabi dahil hindi naman na ako nakakain pa. Napagod kagabi kaya agad din akong nakatulog.

"Ya, umuwi po ba sila Mommy?" Umiling sa akin si Yaya kaya tumango lang ako sa kanya. Ayos na rin 'yon, hindi nila makikita 'yung mata kong namumugto pa. Hindi lang naman nagtanong sa akin si Yaya kung bakit ganon 'yung mata ko, siguro nasa sisip niya umiyak na naman ako dahil sa acads.

Ang hindi niya alam, iba 'yung iniyakan ko kagabi.

Nang makarating ako sa school ay saktong bumaba rin si Clyde sa kotse niya. Agad ko siyang nilapitan at huminto sa harap niya. Tumingin lang siya sa akin habang walang ekspresyon ang kanyang mukha.

"Clyde, sorry," para akong nanliliit sa tingin niya sa akin ngayon. Hindi ko alam pero masakit 'yung tingin niya sa akin. Halatang ayaw niya akong maka-usap.

Bumuntong hininga siya.

"Nakikiusap ako, Dana," napatingin tuloy ako ng deretso sa mata niya pagkatapos niyang magsalita. "Stop chasing me."

________________________________________________________________________________________________________________

.