Ali's POV
Pagkagising ko agad akong pumunta sa banyo upang maghilamos at gawin ang morning rituals ko na lagi kong ginagawa.
Bumalik ako sa aking kama at kinuha ko ang aking cellphone at tinignan ko kung anong oras na.
6:08, maaga pa naman dahil mamayang 8:30 pa ang klase ko.
Tumunog ang cellphone ko at napangiti ng nagtext sa akin si Ken.
"Good morning Misis :)"
Isang ngiti ang sumilay sa aking labi ng mabasa ko ang text niya sa akin. Nagtipa ako ng isaisagot ko sa kanya.
"Morning din Ken"
"I love you. Kita na lang tayo mamaya"
Buti nalang wala siya ngayon dito dahil kung nandito siya ngayon paniguradong aasarin na naman ako non dahil namumula na naman ang mukha ko dahil sa kilig.
"Sige. I love you too" sagot ko
Hindi na pa sumagot si Ken kayat napagsesisyunan kong buksan muna ang aking facebook account.
Inaccept ko ang mga taong nag friend request sa akin at yung iba dito ay kakilala at ang iba sa kanila ay klasmate ko.
Mag-aalas siyete na nang naisipan kong bumaba at kumain.
Pagkababa ko nakita ko si Nay Rosa na naghahanda ng magiging agahan namin.
"Morning Nay Rosa" bati ko sa kanya ng makaupo na ako sa lamesa.
"Good morning den nak" ngiti niya sa akin.
Si Nay Rosa ay tinuturing na naming pangalawa naming nanay. At anak na rin ang turing nila sa amin.
Siya na ang halos nagpalaki sa amin ni Kuya kasama ang kanyang asawang si Tay Oscar at ang kanilang kambal na anak na sina Lea at Leo.
Limang taon na sila at nasa preschool nag-aaral. Bukod sa ang cucute nila bibo rin ang mga batang iyon.
Sila ang pamilyang nag-alaga namin tuwing wala si Mama dahil sa kanyang trabaho Gaya na lamang ngayon na nasa Canada siya upang ayusin ang mga business namin doon.
Pero kahit ganon hindi kami nagtanim ng sama ng loob sa kanya ni Kuya.
"Kumain ka na 'nak ng makagayak ka na sa iskuwelahan niyo" wika niya ng maihanda na niya ang aming kakainin ngayon.
"Sabayan niyo na po ako. Asan po pala yung kambal? Kumain na po ba sila?"
"Kanina pa kami kumain 'nak at sina Leo at Lea inihatid sila ng 'tay Oscar mo sa iskuwelahan nila."
Tumatango-tango ako habang kumakain.
"Si Kuya Renz po kumain na ba?"
"Natutulog pa ang kuya no, pagod siguro sa trabaho kaya hayaan mo na munang matulog iyon. Gabi na kasi nang makauwi siya kagabi."
Si Kuya Renz ay ang nag-iisang kapatid ko. Nakapagtapos na siya last year at ngayon ay tinutulungan niya si Mama na patakbuhin ang kompanya namin.
" Maiwan muna kita 'nak at babalikan ko lang yung nilalabhan ko.
"Sige po Nay Rosa" wika ko habang pinagpatuloy ko parin ang kinakain ko.
Matapos na akong kumain ay umakyat na ako sa aking kuwarto upang maligo at sakto namang nakasalubong ko si Kuya.
"Good morning Kuya" bati ko pagkatapos ko siyang halikan sa pisngi.
"Morning din bunso" ngiti niya na bahagya niya pang kinusot ang kanang mata.
"Nakahanda na sa hapag ang agahan kuya" tinanguan naman niya ako.
"Kumain ka na?"
"Tapos na, sige kuya una na ako dahil maliligo pa ako "
"Sige"
Kinuha ko ang mga gagamitin ko panligo nang makarating ako sa aking silid at nagtungo na sa banyo upang maligo.
*****
Pagkababa ko sa hagdan ay nakita kong kumakain parin si kuya Renz hanggang ngayon.
"Wala ka bang trabaho ngayon Kuya?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya.
"Meron, pero mamaya pa ako papasok?" sagot niya habang patuloy parin ang pagsubo niya sa kinakain.
"Ah, sige Kuya una na ako" paalam ko.
"Sige mag-iingat ka bunso ha at mag-aral ka ng mabuti" paalala niya sa akin.
"Oo naman Kuya, ako pa?"
"Yabang ni bunso ha!" parehas kaming natawa sa sinabi niya.
Si Kuya Renz na ang tumayo ng tattay at kuya ko magmula noong mamatay si Papa noong three years old pa lamang ako dahil sa isang car accident. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon.
Protective at sweet din siya sa akin pero minsan ay naiinis ako sa kanya dahil ang tanda tanda na niya ang hilig parin niya akong asarin.
Pagkalabas ko sa bahay ay nakakita ako ng isang napakagwapong nilalang na bumaba sa lupa mula sa kalangitan upang sunduin ako, chossss.
Nakita ko si Ken sa labas ng gate namin na malamang hinintay ako. Nakasandal siya sa kanyang sasakyan at guwapong guwapo siya sa puwesto niya ngayon.
"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya.
"Hindi. Kararating ko lang din"
"Tara na?" tumango ako sa kanya.
Pinagbuksan na muna niya ako ng pinto bago siya pumunta sa driver seat.
Naks naman talaga oh napaka gentleman talaga ng boyfriend ko.
'Magtigil ka Ali, umagang umaga naglalandi ka na' panenermon sa akin ng utak ko.
'Walang masama sa ginagawa ni Ali' pagtatanggol naman sa akin ng puso ko.
'May masama kasi ang aga pa eh naghaharot na ang bakla' pagtutol ng aking konsyensiya sa sinabi ng puso.
Hay ano ba yan para na akong baliw.
'Mababaliw ka talaga sa kaguwapuhan ng boyfriend mo' sigaw ng utak ko.
Napailing na lamang ako at sakto namang pumasok si Ken sa driver seat.
Nagulat ako ng lumapit yung mukha niya sa akin kaya agad namula ang mukha ko at umatras dahil baka kung anong gawin niya sa akin.
Siya talaga ang may gagawin sa aking masama? Baka ako pa nga ay may gawin sa kanya eh, guwapo kasi.
'Hahalikan ba niya ako' bulong ko sa aking isip.
Mas lalo niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko.
"K-ken" kinakabahan kong wika.
Nang malapit na ang mukha niya sa akin ay pumikit na lamang ako.
'Hayan na ang lapit na ng mukha niya, hahalikan niya talaga ako'
Nakarinig ako ng pagclick sa tabi ko kaya't binuksan ko ang aking mga mata at nakita kong nakaupo na ng maayos si Ken habang nakapaskil sa mukha niya ang isang ngiti.
Tinignan ko ang sarili ko at nakita kong nalasuot na ako ngayon ng seat belt.
Pimulahan ako ng mukha ng pumasok sa aking is ipan ang ginawa niya.
'My ghad, nakakahiya ka Ali. Napaka assumera mo talaga kahit kailan. ' sermon ko sa utak ko.
Yumuko ako upang itago ang pamumula ng mukha ko at dahil na rin sa hiya sa kanya.
Narinig ko siyang tumawa kayat tinignan ko siya.
Pinagtatawanan niya ba ako.
"B-bakit" nahihiya kong tanong.
"Ang cute mo kasi" mas na mula ang mukha ko sa sinabi niya pero ngayon ay dahil na sa kilig at hindi sa hiya.
Pinalo ko siya sa balikat na ikinatawa lamang niya.
"P-pinagtritripan mo naman ako eh" nakayuko kong saad.
"Hindi ah" pero tumatawa parin siya.
Nagsimula na akong mainis sa kanya dahil kanina pa niya ako pinagtatawanan.
Nang makita niyang malapit na akong mainis ay sumeryoso na siya.
"Sorry misis" paglalambing niya sa akin.
"Bahala ka sa buhay mo" pagtataray ko sa kanya.
Siyempre kailangan munang magpabebe kahit nal ang hirap hirap magpakipot sa taong ito dahil isang ngiti, isang salita, isang yakap at isang galaw lamang niya ay bumibigay na ako. Marupok kasi ako.
"Misis sorry na. Hindi ko na uulitin. Ang cute-cute mo kasi kapag nahihiya ka sa akin."
"So pinagtritripan mo nga ako" pagsusugitsugitan ko sa kanya.
Kahit gusto ko mang kiligin ngayon pinigilan ko ang sarili ko.
"H-hindi ah"
"Hindi raw. Heh manigas ka diyan"
"Babe naman eh"
"Babe mo-"
Hindi ko na natuloy ang sa sabihin ko dahil naramdaman ko na lamang na lumapat ang labi ni Ken sa labi ko.
Hinampas ko ulit siya sa braso. Narinig ko siyang dumating sa sakit kayat tinignan ko siya.
Nakonsensya naman ako sa ginawa ko. Napalakas ata hampas ko.
"S-sorry Ken. Napalakas yata. Masakit ba?" pag-aalala ko
Minsan talaga tanga ako dahil kahit na obvious na tinatanong ko parin.
"Okay lang ako. Kawawa talaga ang balikat ko sa iyo Misis. May pagka sadista ka" natatawa niyang sagot habang hinihimas parin niya ang balikat niya.
"S-sorry Ken" bakas parin sa boses ko ang pag-aalala sa kanya.
"Para saan naman"
"Kasi lagi nalang kitang hinahampas"
"Naku wala iyon, ikaw pa ba eh sanay na ako" nakangiti niyang wika at kinindatan pa ako.
"Halika nga dito" tinanggal ko ang seat belt ko at lumapit ako sa kanya.
Yinakap niya ako ng mahigpit at ganon rin ang ginawa ko sa kanya.
"I" napangiti ako ng halikan niya ako sa noo.
"LOVE"
"YOU"
Tatling beses. Tatlong halik mula sa noo ang na tanggap ko sa kanya katumbas ng tatlong salita.
Ginaya ko rin ang ginawa niya.
"I" sa noo ko siya hinalikan.
"LOVE" ang ilong niya naman ang isinunod ko.
"YOU" this time I kissed him in his lips that made him smile.
And for the last I kiss him in his lips.
"TOO".
I heard him gasps. He was shocked to what I did. He did not expect that I would kiss him in his lips.
Well I can't blame him because in the past three months that we are in a relationship, I wasn't the one who always initiate the kiss.
Later on, I just found him responding to my kiss. He hold my head and deepened the kiss.
I love this man. I'll always do. I will never get enough on him.
I will always be on his side. I will never leave him unless he say so.
I wish we will always be like this forever. Me in his arms feeling his warm hugs, his touches and his kisses.
But I know that we are not in a fantasy. I clearly know the difference between the two.
Reality.
Fantasy.
There will be always a hindrance to our happiness and trials that we should face together. Fate will always there to test us, our love for each other.
*****
Palabas na kami nina Mikael at Allyssa sa room nang may gumatang sa amin.
"Hi there, bitch" pambungad sa akin ni Megan kasama sina Cheska at Sophie, ang mga alupores ni Megan.
Sila ang humarang sa amin.
Si Megan ay ang babaeng habol ng habol kay Ken kahit alam niyang may boyfriend na ito.
Inis din siya sa akin dahil hindi niya tanggap na pinatulan ako ni Ken. Hindi niya tanggap sa sarili niya na sa isang bakla pa umibig si Ken.
Simula noong malaman niyang niligawan ako ni Ken lagi na siyang nariyan upang iniisin at insultihin ako na dati naman ay hindi niya ginagawa dahil parang hangin kami lang sa kanya noon.
Mas nagalit siya sa akin nang malaman niya sinagot at naging kami ni Ken. Ang masaklap pa klaklase namin siya sa taong subject namin at sa tatlong iyon hindi namin klaklase si Ken which I am thankful.
At walang subject na hindi niya ako pinaparinggan kung paano ko raw sinot at inagaw sa kanya si Ken. Kahit na Inis na I si ako sa kanya pinipigilan ko lamang ang sarili ko.
Gustong-gusto rin siyang saktan ni Mikael at Allyssa ngunit pinipigilan ko rin sila dahil hindi nila kailangan ipantay ang utak nila sa utak na mayroon si Megan at kanyang dalawang alalay.
Nagpapakabitch siya sa akin dahil hindi niya tanggap na nalamang na nga lang siya, sa isang bakla pa.
"Oh? Are you referring to yourself?" pang-aasar ni Mikael.
Natawa kami ni Allyssa sa sinabi niya dahil kitang kita sa mukha niya na nainsulto siya sa sinabi ni Mikael.
"I'm not talking to you ugly faggot"
"Me? Ugly? Are you blind Megan?" sarkastikong tawa ni Mikael.
"Stop talking. Megan is here not for you but for him" tinuro ako ni Sophie "but to your slut friend".
Nainis ako sa sinabi ni Sophie. Kaya hinarap ko siya
"What did you say? As far as I remember I'm not the one who is slut here" diniinan ko ang pagkakabigkas ko sa mha salitang iyon.
"And what do you mean by that?" mataray niyang tanong kahit kita sa mukha niya ang pagkainsulto dahil sa sinabi ko. Ang sarap sabunutan hanggang makalbo.
"You are the one who is slut here" matapang kong sagot sa kanya.
Kita kong umuusok na ngayon ang ilong niya dahil sa inis.
"Tara na sa canteen" pag-aya ko sa dalawa kong kaibigan. Aalis na sana kami ng hinawakan ni Megan ang kamay ko.
"Did I tell you to leave? I'm still talking here"
Pinalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Bakit? Kaibigan o Nanay ka ba niya para magpaalam sa iyo? Because as far as I remember si tita Alicia ang Mom niya hindi ikaw?" pagtataray ni Allyssa kay Megan.
"Oh no! Don't say to us that you already have a child" tinakpan pa ni Mikaela ang bunganga niya.
"Why not diba? She keep on chasing someone who doesn't belong to her? So malandi talaga" biro naman ni Allyssa at nagtawanan pa sila ni Mikaela. Loka-loka talaga sila.
Namula sa galit si Megan sa mga walang katotohanang biro nina Mikaela at Allyssa sa kanya.
"It's not true, right Megan?" lumaban din sa pag-tataray si Cheska at tinaasan pa kami nito ng kanyang kaliwang kilay.
"Of course not. Why should I have I child? I'm still young to bear one" depensa ni Megan sa sarili niya.
"See it's not true, so you shut up gay"
"No. You shut up" balik ni Mikael sa tinuruan ni Cheska.
"Mikael stop it, just let them do what they want as long as they won't hurt us. Don't waste your time on them" tumingin sa akin si Mikael at Megan.
Bumuntong hininga si Mikael sign na nakinig siya sa sinabi ko.
Nagpantig naman ang tainga ni Megan sa sinabi ko.
"What do you mean by that. That we're not worth it for your time." tinaasan niya ako ng kilay. Kahit gusto kong patulan si Megan mas pinili ko na lamang na hindi.
"Can we go now?" tanong ko sa kanya. Naglakad na kami ng pigilan na naman niya ako.
"Not yet kaya don't turn your back on me"
"What do you want this time Cheska? Are you here to insult me again?" hindi ko napigilang tarayan siya."Or are you going to accuse me again stealing Ken from you which I did not do?"
"Yes you steal Ken from me."
"My gosh Megan, wake up. I did not steal anything, anyone from you especially Ken because in the first place he did never became yours"
Naramdaman kong nagalit siya sa huling sinabi ko.
"I don't care and I'm not here for that." pagbalewala niya sa sinabi ko.
"Then why are you here. To piss me of? Then you are doing a great job, thanks for pissing me of"
"Oh? Thank you, I'm honored?" sarkastikong saad niya.
"Just say whatever you want to say Megan"
"Leave Ken away. If you need to break up to him then go because you are not good for him." walang pag-aalinlangan niyang sabi.
"Why should I do that and who are you to tell what is good or bad bag for Ken?"
"Because you're tainting his name and destroying his life" nagulat ako sa ginawa niyang pagsigaw.
"Why are you so concerned ba about Ken name being tainted Megan. It's his choice and one more thing hindi artista si Ken para madumihan ang pangalan niya. Can you juat leave them alone they are both happy in their relationship" pagtatanggol sa akin ni Allyssa dahil hindi ako nakasagot sa sinabi ni Megan.
Sinisira ko nga ba ang buhay at pangalan niya?
"You want Ali to break Ken's heart? Seriously? Your that desperate to get Ken?" sabat ni Mikael.
"Why are you keep on talking ba? You both are nothing so just shut up okay" mataray na wika ni Megan kila Allyssa at Mikael at pagkatapos ay hinarap ang mga ito.
"Hoy, hoy bestfriend lang naman namin ang inaaway mo. So what would you expect us to do just watch here while your insulting our friend?" Ani Mikaela
"And why are you keep on insisting din ba na hiwalayan ni Ali si Ken. Isa pa kahit naman hiwalayan niya si Ken. Hahabulin lang din siya ni Ken dahil mahal na mahal ni Ken ang kaibigan namin" inikot lamang ni Megan ang mga mata niya sa sinabi ni Allyssa.
Sobra akong nagpapasalamat dahil naging kaibigan ko sila. Mas matapang at mas malakas kasi ang loob nila kaysa sa akin at sila rin ang laging nagtatanggol sa akin kapag may umaaway sa amin.
Kaya kahit harsh at prangka ang mga kaibigan kong ito nagpapasalamat ako na nakilala ko sila at naging parte sila ng buhay ko.
"Whatever." ibinalik naman sa akin ngayon ni Megan ang tingin niya. "You are both man. Everyone will judge you especially Ken because he is straight."
"At sinong bagay sa kanya ikaw?" sarkastiko kong tanong sa kanya. Sa wakas ay nagawa ko na ring magsalita.
"Of course. Dahil babae ako at lalaki siya. Let's say that you can make him happy but I can make him happier. I can give him a child while you..." tinignan niya ako ng nakakainsulto "You can't bear a child because you are gay."
Natahimik ako sa sinabi niya.
"Let's go girls" tawag niya kila Sophie at Cheska na ngayon ay nakangisi na.
Siadya akong banggain ni Megan at buti na lamang naalalayan ako ni Allyssa dahil kung hindi baka bumagsak na ako sa sahig.
"Hoy bimalik ka nga ritong babae ka" narinig kong sigaw ni Mikael kina Megan.
"T-tama na iyan Mikael" pag-awat no sa kanya "Wala na sila kaya hayaan mo na. Hindi naman ako nasaktan"
Kinunootan niya ako ng noo.
"Hindi ka nasaktan pero muntikan ka ng matumba kanina? Talaga lang ha? " inis na baling sa akin ni Mikael.
"Okay ka ba talaga" paninigurado ni Allyssa sa akin. Tumango ako.
"Okay lang talaga ako"
"Lagi naman Ali eh. Kahit minsan lang lumaban ka rin para sa sarili mo" pakiusap sa akin ni Mikael. Wala ng bakas ng inis ang makikita sa mukha niya ngayon kundi pag-aalala.
"Hindi kami laging narito upang maipagtanggol ka namin" segunda naman ni Allyssa.
Tinanguan ko sila.
"Diba sinagot ko na siya kanina. Hindi pa ba sapat iyon?"
"Siyempre iba parin kung pisikalan na gaya na lang ng ginawa kanina ni Megan sa iyo, matutuko kang gumanti"
Tinignan ko si Allyssa sa sinabi niya sa akin.
"Gumanti? Ano ako bata?" pagtawa ko sa sinabi ko kahit alam kong totoo ang sinasabi nila.
"Hindi lang naman pang bata ang ganti Ali. Minsan kailangan mong gumanti kapag naagrabiyado ka na"
"Alam ko naman iyon Mikaela. Hindi naman ako tanga at martir para gayan lang silang insultuhin at saktan ako pero dapat kung kinakailangan lamang dahil kahit kailan walang nagawang maganda ang pagganti sa kapwa lalo na kung sumobra ka na rin"
"Tama." sabay nilang sabi kaya natawa kaming tatlo.
"Tara na sa canteen baka nandoon na si Ken at kanina pa ako hinihintay" pagyaya ko sa kanila.
"Baka nandoon narin si Kyle" mapanuksong tumingin si Allyssa kay Mikaela kayat Ganon rin ang ginawa ko imasar ko rin siya.
Namula ang mukha ni Mikaela sa mga pinagsasabi at pang-aasar namin sa kanya.
Natawanan kami ni Allyssa dahil pulang pula na ang mukha ni Mikael.
Nabaling sa akin ang atensiyon at ako naman ngayon ang inumpisahan nilang pagkaisahan at asarin.