This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Photo credits to the rightful owner.
You can follow me here:
IG: @xxialej
Twitter: @xxialej
Zyair
"I wanna get laid tonight." Ani Kalen habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng bar.
Naiiling lang akong ngumisi at ininom ang alak na nasa aking baso.
"I think I found a girl who can bring the heaven to me!" Nakangising usal niya. Tumayo siya at tinapik ako sa balikat, "I'll be back."
"Just go, asshole." Sagot ko at sinundan lang siya ng tingin hanggang makalapit doon sa maganda at sexyng babae na nakaupo sa high stool sa harapan ng bar counter.
Sa aming lima na magkakaibigan ay silang dalawa ni Cree ang hayok sa mga babae. Hindi lilipas ang isang araw na hindi sila nakakapag uwi ng babae. Kahit ganoon, may pagka-choosy pa rin naman ang dalawa. ʻYung mga babaeng kinakama nila ay palaging nagmumula sa mga kilala at sikat na pamilya dito sa En Fuego.
"Zyair."
"Zyair, bayaw!"
Nag angat ako ng tingin sa dalawang lalaki na kararating lang. Rinig na rinig namin ang mahihinang singhap at tili ng mga kababaihang napapatingin sa gawi namin.
"Riggs, Rehan! Bakit ngayon lang kayo?"
Kibit balikat na umupo si Riggs sa harapan ko at tumungga ng alak. Si Rehan naman ay nakangiting umupo sa katabi ng kakambal.
"Something happened dude kaya kinailangan naming bumalik ng Manila noong isang araw tapos ngayon heto na naman kami sa En Fuego. Damn, I'm so tired." Reklamo niya at pabagsak na sumandal sa sofa.
Sabagay naiintindihan ko siya. Mahigit anim na oras rin kasi ang byahe patungo dito sa probinsya namin kaya talagang sasakit ang pwet mo sa haba ng byahe.
Rehan and Riggs Tatum are twins. They came from very rich and well-known family. Riggs is an Architect while Rehan is an Engineer. Kung hindi mo sila kilala ay tiyak na malilito ka talaga. May mga pagkakataon na nalilito pa rin ako sa kanilang dalawa dahil talagang magkamukhang magkamukha sila sa pisikal na anyo ngunit nagkakaiba naman sa ugali. Riggs is always serious, intimidating and snob. Madalang lamang siyang magsalita at tumawa, kung ngumiti man ay matipid lang samantalang kabaliktaran naman ang kakambal niyang si Rehan na palaging nakangiti at palakaibigan.
Ilang sandali pa ay dumating na rin si Cree na may kaakbay na dalawang babae, nasa likod nito si Kalen na may kaakbay rin na isang babae at sa likod nila ay mayroon pang tatlong babae humahampas ang balakang habang naglalakad.
Tingnan niyo kung gaano kahayok talaga ang mga ito.
"What's up fuckers! I brought girls for you!" Nakangising sabi ni Cree at agad naman lumapit sa amin ang tatlong babaeng nasa likod ni Kalen kanina.
Gusto kong tumayo sa kinauupuan ko ngunit parang lintang nakalingkis at nakakapit ang babae sa akin. I want to punch her right now pero ayaw kong gumawa ng eskandalo.
I hate clingy girls.
Iyon nga ang madalas naming pag awayan ng girlfriend kong si Brittany. Her possessiveness makes me cringe.
"Anong nangyari? Bakit bigla kayong napaluwas ng Manila?" Cree asked to the twins.
"Dad introduced us her new girlfriend." Tiim bagang na sabi ni Riggs, hindi inaalis ang titig sa baso.
"Hindi ba't wala pang isang taon simula nang mawala ang Mommy niyo?" Tanong ko.
"And...pumayag kayo?" Kalen asked.
Rehan shooked his head. "Syempre hindi pero mukhang desidido na talaga siya eh."
"He's out of his mind, Reh. I can't believe him." Riggs said to his twin.
"Kung ako siya, hindi na ako magpapatali sa ibang babae. I will explore the world to fuck a lots of woman." Kalen said and kissed torridly the girl beside her.
"Kalen's right! And besides he's old enough to get married again." Pagsang ayon ni Cree sa sinabi ni Kalen.
Ngumiwi si Riggs at umiling. Habang kami ni Rehan ay napangiti na lang. Wala talang kwentang kausap ʻtong dalawang ito.
"So anong reaction ng blacksheep niyong kapatid?" Nakangising tanong ni Kalen.
"She's not a blacksheep!" Depensa ni Rehan.
"Okay whatever you say asshole. So ano ngang reaction ng napakabait niyong kapatid?"
"Hindi niya alam." Walang emosyong sagot ni Riggs.
Kunot noo akong tumitig sa kaniya, "Anong hindi niya alam?"
"She don't know sa english dude. Ang bobo mo naman?" Kalen laughed.
Inambahan ko siya ng suntok at tatawa tawa naman siyang nagpeace sign sa akin.
Gago talaga.
"She didn't attend our family dinner at hindi rin naman kami nag e-expect na dadating iyon. Sobrang allergic kaya ʻnun kay Daddy. Palibhasa alam niyang kukulitin lang siya na Architecture or Engineering ang kunin niyang kurso sa kolehiyo." Rehan said.
"At she went home late, naabutan ko pa siyang gumagapang papasok sa bahay sa sobrang kalasingan. Damn, hindi na talaga namin alam ang gagawin sa babaeng iyon." Dagdag pa niya.
Quinn Paisley Tatum, ang bunsong kapatid ng kambal. She is seven years younger than us. I guess she's already eighteen? I don't know.
Hindi ko pa naman siya nakikita sa tanang buhay ko pero base sa mga naririnig at kinu-kwento ng kambal ay masasabi kong siya talaga ang blacksheep sa pamilya ng mga Tatum. And every time na naririnig ko ang kanyang pangalan ay awtomatikong kumukulo ang aking dugo.
"Meeting adjourned."
Being a heir of our family business is not easy. I took up BS Business Management when I was in college at ngayon nga ay ako na ang naatasang mamahala ng Gaumond Enterprise.
Dire-diretso akong pumasok sa aking opisina habang nasa likod ko ang aking sekretarya na pinapaalalahanan ako sa susunod kong schedule.
Abala ako sa pagbabasa ng mga papeles na dapat kong pirmahan ng biglang bumukas ang double doors ng aking office at niluwa ʻnon ang babaeng humahangos sa galit.
"Zyair Gaumond!"
Si Brittany, girlfriend ko. We've been together for five years.
"Why are you here?" Walang gana kong sagot. Sumandal ako sa swivel chair at inalis ang reading glasses.
Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Well, my girlfriend is definitely pretty and sexy kaya nga maraming lalaki pa rin ang nagkakandarapa sa kaniya kahit nga alam ng lahat na may boyfriend na ito.
"Where have you been last night?! Hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko!" Singhal niya.
Amoy na amoy ko ang matapang niyang pabango, pinigilan kong mabahing sa sobrang bagsik noon.
"Answer me!"
I sighed.
"I'm with my friends last night." Mahinahong sagot ko na ikinatawa niya.
She crossed her arms, "Ilang beses ko bang sinabi sayo na huwag kang sasama sa mga kaibigan mo? If you have spare time, spend it with me. Hindi ʻyung sumasama ka sa mga kaibigan mong puro pambababae lang ang alam!"
Hinilot ko ang aking sentido bilang pagtitimpi. She's always like this. Nagger, clingy at gusto ay palaging siya ang nasusunod kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit nawawalan na ako ng gana sa relasyon na ito. Imbis na mawala ang stress ko ay mas lalo pa yatang nadadagdagan nang dahil sa kaniya.
Jeez.
"Ano? Hindi ka makasagot? Maybe because you're a cheater too?" Kinuha niya ang cellphone sa kanyang shoulder bag at may pinagpipindot doon.
Mataman lang akong nakatingin sa kaniya habang pinaglalaruan ang aking labi.
Bakit ba palaging tamang hinala ang mga babae?
"Look at this." Padabog niyang nilapag sa aking table ang kaniyang cellphone at tamad ko iyong tiningnan, "Paano mo ipapaliwanag iyan sa akin ha?"
It's a picture of me last night na habang nakalingkis sa akin iyong babae ni Cree.
"Kung anong nakita mo, iyon na ʻyun. Hindi ko na kailangan magpaliwanag, Brittany."
Totoo naman. Why do I need to explain myself kung sa huli ay hindi rin naman niya ako paniniwalaan?
"You're really an asshole, Zyair." Naiiyak na aniya bago ako talikuran at lumabas ng aking office.
Nagkibit balikat ako at nagpatuloy lang sa ginagawa. I don't have time for her drama. Kung anong gusto niyang isipin, then bahala siya.
Well, I guess I'm really an asshole.