webnovel

Chase You, My Quinn

xxialej · วัยรุ่น
Not enough ratings
2 Chs

Chapter 1

Quinn

"Ang bastos kasi eh kaya ayun, napikon ako. Hinampas ko ng bote sa ulo. Tulog!" Kwento ko sa mga pulis with actions pa.

Sinulyapan ko si Daddy na nakaupo sa katapat ko habang sapo ang noo. Tumikhim naman iyong pulis at mataman akong tinitigan.

"Nagsasabi ka ba ng totoo?" May pagdududang tanong nito sa akin.

Aba't siraulo ito ah! Madrama akong bumuntong hininga at humawak pa sa aking dibdib. "Alam mo ikaw, ka-offend ka na."

Ngumiwi naman si pulis, "Alam mo ikaw, ikukulong na talaga kita." Umiling siya at hinilot ang pagitan ng kaniyang kilay. "Halos araw araw na kitang nakikita dito sa presinto. Ilang lalaki na ba ang pinatumba mo at comatose ngayon?"

"Kung hindi nila ako binabastos, edi sana nasa matiwasay silang pamumuhay ngayon!" Aba, ano bang akala nila? Porket gwapo sila ay hahayaan ko na silang bastusin ako? Excuse me!

"Kung nanatili ka lang sana sa bahay at hindi puro barkada at gimik ang inaatupag mo, edi sana hindi ka nabastos." Pangangaral ni Daddy at umirap naman ako.

"Kung hindi ka nagsisinungaling, sagutin mo itong itatanong ko." Hamon ni Pulis.

"Okay."

"Gwapo ba ako?"

Seryoso ba siya?! Iyan talaga ang itatanong niya sa akin? Pinalobo ko na lang ang aking pisngi at tumingin sa ibang direksyon.

Hindi ako sasagot, ayaw ko siyang masaktan.

"Ano? Naghihintay ako sa sagot mo. Dito natin malalaman kung talaga bang nagsasabi ka ng totoo."

Aba hinahamon talaga ako nitong pulis na ʻto? Sige pagbibigyan kitang ungas ka.

"Hindi. Ang pangit mo. Mukha kang aswang na naka-diet." Bored kong sagot.

Nanlaki ang kaniyang mga mata maging na rin ang butas ng kaniyang ilong. Dinuro niya pa ako, "I-ikaw talaga!"

"Honest nga iyang bata. Sige, pauwiin mo na." Nakangising sabi nung kasamahan niyang pulis at kumindat sa akin.

Yuck.

Tirik na tirik na ang haring araw nang makalabas kami sa presinto. Pormal na nagpaalam ang family lawyer namin kay Daddy. Agad naman kaming napalibutan ng mga body guards dahil maraming nag aabang na media sa labas.

Nako, sikat na sikat na naman ako nito. Siguraduhin lang nila na hindi ako haggard kapag pinalabas nila iyan sa tv dahil kung hindi hahanapin ko sila at babalatan na parang patatas.

"Hindi ko na alam ang gagawin sayo." Problemadong saad ni Daddy.

Nandito na kami sa mala-palasyo naming bahay at kasalukuyan akong sinisermunan ni Daddy. Kanina pa nga iyan sa sasakyan pero hindi ko na lang pinapakinggan.

"Kahit anong pangaral ko hindi mo naman pinapakinggan. Ilang beses ko ng sinabi sayo na walang madudulot na maganda iyang mga barkada mo."

Ah tangina, naalala ko na naman. May point naman doon si Daddy. Kung dati nagbubulag-bulagan pa ako at pinagpipilitan na tunay ko silang kaibigan, ngayon ay hindi na. Matapos nila akong iwan at ipagkailang kaibigan nila ako?

Tss. Bahala kayo dyan uy.

"Hindi ka na nahiya! Halos araw araw ka ng laman ng balita dahil dyan sa mga kabulastugan mo!"

Aaaahh. Ang sakit na ng ulo ko! Pesteng alak yan, hinding hindi na talaga ako iinom!

"Nakikinig ka ba?!"

Nakahinga ako ng maluwag ng may tumunog ang cellphone ni Daddy at nagmamadali siyang umalis.

I sighed.

Lumabas muna ako ng mansion at nakita ko si Manang Fe na nagdidilig ng mga halaman at bulaklak. Nang makita niya ako ay sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya.

"Kwen! Ano na naman ba ang nangyari?" Nag aalalang tanong niya habang patuloy lang sa pagdidilig.

Pinagkrus ko ang aking mga braso at pinanood lang ang kaniyang ginagawa.

"Napaaway lang."

Kinurot niya ʻko sa tigiliran.

"Ikaw na bata ka talaga!"

Ngumisi ako at iniba ang usapan, "Hindi ka ba naiinggit sa mga halaman Manang?"

"Bakit naman ako maiinggit, aber?"

"Kasi ʻyung may halaman may dilig, ikaw wala." Pagbibiro ko at humagalpak ng tawa.

"Pasmado talaga bunganga mo, Kwen!" Inis niyang singhal pero kalaunan ay natawa na rin.

Si Manang Fe ang nag alaga sa aming magkakapatid mula pagkabata. Madalas kasing nasa ibang bansa si Daddy at Mommy dahil sa business namin kaya si Manang Fe ang nag aalaga sa amin. She's like my second mother to me. Hindi niya kami pinabayaan magkakapatid hanggang ngayon na wala na si Mommy.

Buong araw akong natulog at nagkulong sa kwarto. Tinamad din naman ako magbukas ng social media accounts dahil palagi kong nakikita ang maganda kong mukha na pinagpye-pyestahan na naman ng mga tao. Tss.

"Kwen nandiyan na ang Daddy mo, gusto ka daw makausap." Ani Manang Fe at pinaningkitan ako ng mata nang makita niya akong naninigarilyo sa loob ng aking kwarto. "Tigilan mo nga yang bata ka!"

Ngumiwi ako at pinatay ang sigarilyo. Tamad akong sumunod kay Manang. Hinatid niya ako sa library ni Daddy. Halos mapairap ako sa kawalan ng makita ang mga kapatid ni Daddy na masama ang tingin sa akin. May kasama pa silang isang babae na nasa 30's. She's not familiar though, ngayon ko lang siya nakita. Umupo ako sa malambot na sofa.

"What now, old man?" I asked my father.

Tita Imelda hissed, "Walang modo."

"Arturo, she's a shame to our family!" Sabi pa ng isa niyang kapatid na si Tita Therese.

Hindi talaga nila ako bet. Well, hindi ko rin sila bet. Quits lang. Akala mo kung sinong magaganda, maputi lang naman.

"Quinn, malapit ka ng tumuntong sa kolehiyo. Sasama ka sa Tita Imelda mo sa US para doon mag aral ng Architecture." Daddy said and I almost rolled my eyes.

Heto na naman tayo.

I sighed. "No way. Ilang beses ko na ring sinabi na ayaw ko nga ng Architecture." Ang gusto ko maging business woman. Magtatayo ako ng sarili kong bar, mall, coffee shop, school at kahit anong pwedeng itayo!

Sinamaan niya ako ng tingin, "You have no choice. You're a Tatum kaya dapat Architecture or Engineering ang kursong kukunin mo."

"Paano kung ayaw ko?" They should've known me. Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko talaga. Hindi nila ako mapipilit kahit lumuha pa sila ng dugo.

"I said YOU. HAVE. NO. CHOICE." Mariin nitong sabi.

"Sumunod ka na lang Quinn. Doon sa US, sisiguraduhin kong magtitino ka. Grabe na ang dungis na binigay mo sa pamilya natin. Kailangan mong matuto ng leksyon." Tita Imelda said.

"Pagkatapos ng kasal ng Daddy mo next month―"

"Pardon, Tita Therese?" Ikakasal si Daddy?! Bakit hindi ko alam ʻto at bakit siya ikakasal? Kanino?!

Kunot noo silang tumingin kay Daddy na mataman ang tingin sa akin. Walang ekspresyon na mababasa sa mukha nito.

"Ikakasal ka?" Tanong ko.

Umiwas ng tingin si Daddy. Dumapo ang tingin ko sa babaeng hindi pamilyar sa akin. Kitang kita ko ang paghawak niya sa kamay ni Daddy at pinisil iyon.

I arched my brow. "Sino ka?" Tanong ko doon sa babae kahit na mukhang nahuhulaan ko na ang sagot.

Kinakabahan siyang tumingin sa akin at binigyan ako ng tipid na ngiti, "I...I'm Sheila―"

"Your soon to be mother." Daddy cut her off.

Awang ang labi kong tumitig sa kanilang dalawa. Are they serious?! Wala pang isang taon na patay si Mommy tapos ikakasal na siya? Tang ina, ano ʻto?!

"Tell me you're kidding." I chuckled while shaking my head.

"They're not kidding, Quinn." Tita Therese said.

"How about my mom?!"

Napapitlag sila sa sigaw ko.

Tita Imelda shifted her seat and looked at my Dad meaningfully.

"Look Quinn, patay na ang Mommy mo. You should move on. Sa ayaw at sa gusto mo, tuloy ang kasal." Tita Therese said.

Tita Imelda nooded, "And besides, your opinion doesn't matter anyway. Wala ka namang dinulot sa pamilya na ito kundi puro kahihiyan."

I bit my lower lip to control my anger. Being a Tatum is really sucks! Puro reputation, money and fame lang ang laging laman ng utak.

"Kung hindi mo matanggap, lumayas ka na lang. I don't need a daughter like you." Daddy said in a serious tone.

"Arturo, huwag naman ganiyan." Her soon to wife whispered at him.

Umiling si Daddy. "Imelda's right. Wala namang ginawa ang batang iyan kundi dungisan ang pangalan natin kaya kung hindi mo matanggap, umalis ka na lang. We don't need you here. Tatum family don't need you."

Okay that's hurt.

"Hindi ko rin kayo kailangan." I smirked and stood up. "Best wishes na lang." Sagot ko at naglakad na palabas ng library.

"Quinn Paisley!" Daddy shouted in anger.

I just chuckled and raised my middle finger.

Sorry kayo pero lalayas talaga ako! Walang makakapigil sa akin at isusumbong ko kayo sa mga Kuya ko!