Halos mabuga ni Ella ang ininom niyang tubig matapos marinig ang pag-amin ni Liam.
For once, I want to be selfish. Pakiramdam ko isa 'tong once in a lifetime opportunity na dapat kong kunin na.
Malakas ang naging bulungan sa canteen. Marami ang nagkakagusto kay Liam mula nang tumapak siya sa BSU. Isang kahibangan ang magkagusto siya sa isang kagaya ko.
"Bakla rin pala." Iyon ang madalas na linya ng mga estudyanteng nakarinig ng sinabi ni Liam.
Isa-isang nilingon ni Ella ang mga mapanhusgang estudyante na tuwang-tuwang pagsabihan ng kung ano-ano si Liam.
Akala ko ba tanggap nila ang mga kagaya ko dito? Bakit ganyan sila kung makapag-react? Dahil ba sikat at sayang ang lahi ni Liam? Hindi niya naman ako aasawahin ah!
"Lovelife na ba 'to?" Charm giggles while poking my shoulder.
"Haba ng hair! Abot hanggang plaza!" Rose teases so loud that added up the insults we keep on hearing from various students.
Naglalakad na kami papunta sa room. Dumating din kasi sina Dale upang sabihin na may quiz pala sila. Liam eyed me with worried on his eyes. Nginitian ko na lamang ito.
"Talaga bang bakla 'yon si Imperial? Sayang naman!" Maging sa klase namin ay iyon ang naging usapan.
Nagkukumpulan ang mga kaklase namin. Halos sabay din silang tumingin sa amin bago muling nagbulungan.
"Magsitigil nga kayo. Puro kayo tsismis!" Napalingon ako kay Donna na padabog umupo sa kanyang upuan.
"Bakit, Donna? Broken ka rin ba kasi bakla si Liam? Akala ko ba may something sainyo?" Inis niya itong nilingon.
"Wag nga kayong ano! Makapagsalita kayo kala niyo man may ambag kayo rito." She angrily spat at them.
"Hayaan mo na lang sila, Je. Marami talagang mga chismoso't chismosa ngayon." Charm calmly said and looked at me in the eye.
I apologetically looked at her. "Sorry for keeping this to you."
She pulled me for a hug. Ang swerte ko nga talaga sa kanila.
"We can share naman sa mga boys na 'yan no!" Biro niya sa akin.
"Dami talagang mga inggitera ngayon e." Malalim ang paghinga ni Ella. Mukhang inis na inis na siya sa mga naririnig niya.
Hinatid pa tuloy ako ng mga kaibigan ko hanggang sa may convenience store. They are all worried about me.
"Okay lang ako. Makakalimutan din nila iyon." Pampalubag loob ko kanila at sa aking sarili.
Ganoon naman talaga ang mga issues. Patok na patok kapag mainit pa pero kapag nahipan na at nilamig, wala na rin naman. Sa ngayon, kailangan ko munang tiisin lahat ng 'yon.
Nag-aalala ako para kay Liam. Kaya niya bang marinig lahat ng mga sinasabi tungkol sa kanya? Kilala siya sa BSU. Basketball player. Dean's lister. Crush ng maraming estudyante rito.
Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ang pag vibrate ng cellphone ko. It's ten in the evening and I am still awake.
09xxxxxxxxx:
Got your number from Charm. I'm outside your house. Are you still awake? Liam.
He's my peace. Sa isang iglap, nawala lahat ng mga iniisip ko. Sa isang iglap, pakiramdam ko lahat ay ayos lang. Walang issue. Walang gulo. Walang panghuhusga.
Mabilis pa sa alas kwatro ang galaw ko. Kinuha ko ang isang sweater at saka ipinatong sa puting sando na suot ko.
As usual, tahimik akong pumuslit palabas sa amin. Sana lang ay hindi na 'to palagyan pa ng grills nina Mama. Iiyak siguro ako kapag nangyari 'yon.
"Hi!" Nakita ko kung paano umaliwalas ang mukha ni Liam ng makita ako.
"I thought you're asleep." I shrugged my shoulders and sighed.
"Can't sleep." Tumango ito sa akin.
Tinuro niya ang kanyang motorsiklo. Tumango ako at saka umangkas na. Sabay kaming pumasok sa convenience store.
"Wala akong dalang pera." Nahihiya kong wika sa kanya.
Napalunok ako ng hawakan ni Liam ang kamay ko. Hinila niya ako sa stall ng mga tsokolate.
"Heard chocolates are girls'fave. Pick what's yours." Nakangiti niyang saad sa akin.
Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang mga tingin ko. Sa pamatay na ngiti niya ba o sa kamay niya na hawak-hawak ang aking kamay.
Kumuha ako ng isang snickers. Masarap sana mag toblerone kaso nakakahiya naman. Kung sina Ella 'to hindi ako magdadalawang isip na kumuha ng toblerone!
Binayaran niya iyon at saka kami naupo sa labas ng store. Tahimik kong kinain ang tsokolate ko. Cup noodles naman ang kay Liam. Para kaming nasa k-drama scene.
"Sorry about what happened in the canteen." His eyes...were so dark...so sad...so peaceful.
Napanguso ako. "Bakit mo 'yon sinabi?"
He was taken aback by my question. Para bang hindi niya inaasahan na iyon ang ibabato kong tanong sa kanya.
"Because that's the truth." He casually said. Nakita ko ang bahagyang pag nguso niya. Hudyat na pinipigilan niyang ngumiti.
"Akala ko ba hindi ka bakla?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi, kapag ang isang lalaki nagkagusto sa bakla, bakla na rin siya. "Kung natatakot ka kay Ella, akong bahala. Hindi mo na naman kailangan pang sabihin na...gusto mo ako."
Tila ba binulong ko na lamang sa hangin ang mga huling salita na binitawan ko. Nahihiya ako.
"Look..." He sounded frustrated. Inabot niya ang kanang kamay ko na kasalukuyang nasa ibabaw ng mesa. "I am not scared of Ella or Rose or Charm. I am scared of you...na...you might just completely ignore me...believe me...halos mabaliw ako... nung hindi mo ko kausapin."
Kunot-noo ko itong tiningnan. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Hindi iyon maproseso ng utak ko!
"Nung hindi mo ko kausapin...pagkatapos ng gabing 'yon...pakiramdam ko may kulang sa akin...ang lungkot na naman ng buhay ko...ang dilim niya na naman." Huminga ito ng malalim. Bahagyang namumula ang gilid ng mga mata ni Liam.
Para bang ang bigat-bigat ng dala-dala niya sa buhay. Parang wala siyang karamay para pasanin iyon lahat.
"Is it too bad for me to want to see the light everytime our eyes would locked into each other?" Nanghihina niyang tanong sa akin.
Nanginginig ang mga kamay ko ng pilit kong abutin ang maamo niyang mukha. Ang mukhang hinahangaan ng karamihan.
Funny how I was able to reach this person. Abot-kamay ko na siya.
"Straight guys can fall in love with someone like you, Jerard. They can't dictate us on who we should like or love...or on who we really are...as long as they find their peace and comfort on a person...no gender shall hinder it..." He looked at me with pure passion. The one I never thought I'd get to see.
"Hindi ako bakla pero gustong-gusto kita, Jerard. You're that kind of peace I would never want to escape."