webnovel

Chaotic Love

Everyone thought that Liam, the famous student of BSU is living a perfect life. He's good-looking, smart, and can afford things he want in life. One day, one person would come into his life and sees the darkness in Liam's eyes - Jerard. BSU SERIES 3

Penelophie · สมจริง
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 1

You can't get everything you want. Sometimes, it takes a little sacrifice.

Hindi ko lubos akalain na makakahanap ako ng totoong mga kaibigan sa BSU. Hindi ko akalain na ang kaartehan ni Ella sa buhay niya ang maglalapit sa amin para maging kikay buddies. Charm's innocence is challenging. Ang katangahan naman ni Rose ang goodvibes namin.

Nagkatabi lang kami sa isang mesa. Nagpakilala hanggang sa akala mo ay mamamatay kapag nahiwalay sa isa't-isa.

"May crush ka kay Liam?" Gulat akong napatingin kay Rose matapos malakas na tanungin iyon kay Charm.

Liam...the orientation guy I met became very popular here. Maraming nanood sa kanyang mag try out para sa basketball. Marami naman talagang makakapansin sa kanya. Ang tangkad niya kaya! Mestiso pa.

Hindi ko lubos akalain na pati si Charm ay magkakagusto rin sa kanya. Wala akong lakas ng loob para sabihing may crush ako kay Liam. Pakiramdam ko kasi...masama iyon. Pakiramdam ko...sumosobra na naman ako.

Pinilit kong kalimutan ang pagkakagusto ko kay Liam. Marami namang pogi sa BSU. Mas lamang nga lang si Liam ng sampung ligo pero okay lang iyon.

Hindi ko kayang makiagaw sa kaibigan ko. I know Charm. She's not as confident as Ella. Ang baba ng tingin niya sa sarili niya. The mere fact that she's doing something for Liam speaks a lot.

Kaya naman ginawa ko lahat para tulungan siya. Sana may lakas ng loob din ako.

"Jerard! Anak ng kumpare ko! Si Dinah!" Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway.

Kinatok pa ako ni Papa sa aking kwarto! Pambihira naman! May quiz pa kaya kami bukas!

Pinagmasda ko si Dinah habang nakatayo sa harap ko. Pinapasok pa talaga ng magaling kong ama sa aking kwarto.

"Lalaki rin hanap ko. Umuwi kana." Malamig kong saad sa kanya. Gosh! Mukhang nahawaan na ako ni Ella ng kasungitan niya.

Humalukipkip ito saka masungit akong tiningnan. Sa pagkakaalam ko ay anak ito ni Roque. Mukhang kakagaling sa escuela. Nakasuot pa kasi ng uniform niya.

"Babae rin hanap ko. Puta, maghintay ka. Nasa labas pa si Papa kausap tatay mo." Tinaasan ko ito ng kilay. Mabuti naman kung ganoon.

Hindi kami talo no! Hindi porket nililihis ko ang atensyon ko kay Liam ay papatol na ako sa kagaya niya.

Inilibot niya ang kanyang tingin sa kwarto ko. She squinted her eyes. It locked on Liam's minimal picture on my cabinet.

"Mine." I lazily said and raised my eyebrow at her. "Wag mong sabihing bumabalik na ang pagkakababae mo dahil lang nakita mo ang mukha niya." Umismid ako.

Mapakla lamang siyang tumawa. "Not my type."

I rolled my eyes. Ano ba yan ang tagal naman ng usapan ng mga tatay namin. Ano bang balak nila? Paglabas namin dito may apo na sila? Kadiri ha.

"Kumusta naman si Dinah?" Napainom ako ng tubig dahil sa tanong ni Papa.

Hindi ko na muling pinahaba pa ang buhok ko kagaya noon. Pinanatili ko ang pixie hair cut ko.

"Okay lang. Nagkasundo nga kami tungkol sa mga make-up eh." Nagsintindigan ang balahibo ko ng marinig ang marahas na tunog ng kanyang kutsara't tinidor.

"Dadagdag ka pa talaga sa mga salot sa lipunan, ha?" Puno ng pagkadiri ang tinig niya.

Salot. Salot ba ang magpakatotoo sa kung sino talaga ako?

Uminom ako ng tubig saka pumasok na sa aking kwarto. I locked myself in the dark.

Sa dilim ako nakakahanap ng kapayapaan. Pakiramdam ko malaya ako. Hindi ko iniisip ang mga sinasabi ni Papa sa akin.

Naiintindihan ko naman kung saan siya nanggagaling. Dalawa na nga lang kami ni ate, lumambot pa ako. Alam ko kung gaano kagusto ni Papa na magkaroon ng anak na kagaya niya. Kaso wala eh. Malabo talaga.

Great pretender. Kung meron mang koronang babagay sa akin, iyon yon. Madali kong matago ang lungkot na nararamdaman ko. My friends wouldn't even notice how messy I am inside.

I chose to not to let them see it. Akala nila tanggap ako sa amin. Akala nila okay lang lahat.

Akala ko rin nga.

Nang wala na akong marinig na ingay sa bahay namin, kinuha ko ang jacket, wallet, at cellphone ko.

May malapit na convenience store sa amin. Kailangan kong makapagpahangin. Nakakasakal na sa amin.

Tahimik akong dumaan sa aking bintana. Buti na lang at malaki't makaluma ang bintana namin. Hindi naman kasi mayaman talaga.

Maliit na bakod lamang ang mayroon kami kaya madali rin akong nakakapuslit doon.

Kumuha ako ng isang tanduay ice blue. Eighteen years old na rin naman ako.

I opened it and sat outside the store. Tahimik kong pinagmasdan ang payapang gabi. Kakaunti na rin ang mga dumadaang sasakyan.

This is my definition of peace. Ang malayang pagkinang ng mga bituin. Ang malayang paghaplos ng hangin sa aking balat.

Kung hindi ba ako naging bakla, magiging masaya ako? Tiyak naman na masaya si Papa kung ganoon ang nangyari. Panigurado criminology rin ang tinatahak kong kurso.

Gusto ko sa mga pagkain. Ang ganda nilang tingnan. Kapag busog ka, malaya kang maging masigla. Kaya lang, maling kurso rin ang nakuha ko. Akala ko kasi magluluto kami. Anak ng palaka naman at ibang food technology pala ang napasukan ko.

I smiled to myself. Everything happens for a reason. Kung doon ako dinala sa nais kong kurso, malabong makilala ko ang mga kaibigan ko.

That's hope. Everything have hope. Hindi ako mapapagod umasa na isang araw, lahat ng rason kung bakit ako ganito ay nasa harapan ko.

"Midnight thoughts, huh?" Gulat akong napatingala sa lalaking nakatayo sa harapan ko.

Tulad ko, pinagmamasdan niya rin ang payapang gabi. Nanuyo ang lalamunan ko ng dumako ang kanyang tingin sa akin.

He smiled. Something that weakens my legs yet warms my heart. "Can I sit beside you?" His gentle voice soothe me.

I nodded at him. Tahimik siyang umupo sa tabi ko. Halos maamoy ko na rin ang pabango niya. Grabe. Ke-payapa naman talaga ng gabing 'to.

"Why are you here this late?" Usisa niya saka tiningnan ang hawak kong T-ice. Bigla akong nahiya. Baka isipin niya eh makialak ako. Ilang percent lang naman kaya ang alcohol level nito!

I gulped. "Nag-iisip lang."

Hindi ko kayang tumingin sa kanya. Pakiramdam ko ay mapapaso ako. I kept my eyes on the silent road with only lamp posts on it.

"Isip what?" Conyo pala to si Liam.

"Kung sakali bang hindi ako ganito masaya sila." I shrugged my shoulders. "I don't know. Ang gulo ko lang talaga." I shook my head and laughed.

"You're masking yourself again." Gulat akong napatingin sa kanya.

Kinuha niya sa kamay ko ang bote ng T-ice at saka tinungga ito.

Teka, ano bang ginagawa nito dito? Malapit ba ang bahay nila dito?

"Taga rito ka rin ba?" He shook my head. Itinuro niya ang motorsiklo sa harap namin.

"Mags. But, this one's my fave convenience store. You?"

"Malapit lang."

Walking distance lang ang bahay namin sa BSU. Confident naman ako na hindi ako malalate bukas.

Tumango ito. Binalot kami ng katahimikan. Natatakot tuloy ako na baka marinig niya ang malakas na kabog ng aking dibdib.

"Wanna share your thoughts?" Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. He looked at me and smiled.

"I feel like something's wrong in me. Nobody wants me. Nobody loves me." He confusedly looked at me.

"Your family? Friends?" Naisip ko si Charm. Alam kaya ni Liam na si Charm ang secret admirer niya?

"They do. But...you know...something pure...I don't know. Siguro kasi hindi ko masabi sa kanila ang tunay na nararamdaman ko." I sighed. Masyado nang malamig ang ihip ng hangin.

Tumayo na ako. Pinagpagan ko ang shorts ko at saka nginitian si Liam na nananatiling nakaupo. Mukhang malalim ang kanyang iniisip.

He offered his hand to me. Kunot-noo ko itong tiningnan.

"Hi. I'm Nobody."

What?

----

hello! u can follow me on my wattpad account: penelophie