Masasayang tawanan ang maririnig mula sa playroom ng bahay. Napangiti na lang ang kasambahay nila Ciara nang mapadaan siya dito at marinig ang malalakas na tawa ng dalaga. Bihirang bihira na lang kasi itong ngumiti at tumawa nang ganito. Kung wala si Clio, hindi niya alam kung ano nang mangyayari kay Ciara, baka lalo lang itong nalugmok sa kalungkutan.
Nakaramdam siya ng pangamba. Hindi niya pa masabi sa alaga ang napipintong pag-alis niya. Siguro naman kakayanin ng dalaga kung sakali mang mawala siya. Huwag sanang magtampo sa kanya ang alaga.
Kumatok siya ng tatlong beses sa pinto bago niya buksan ito. Nakaupo sa foam mat ang dalawang alaga niya. Mukhang aliw na aliw si Ciara habang tinuturuan ang kapatid niya ng tamang pagpronounce ng mga salita. Bulol pa kasi si Clio sa 'L'.
"Come on baby girl, say playground," nakangiting utos ni Ciara.
"Prayground!" bulol na wika naman ni Clio.
Maging ang matandang kasambahay ay natawa na rin nang malakas na tumawa ulit si Ciara. Kumunot naman ang noo ni Clio habang nagkakandahaba haba ang nguso.
"Bakit ang cute cute ng baby girl ko?"
Hindi na napigilan ni Ciara ang panggigigil niya. Niyapos niya nang mahigpit ang bunsong kapatid at hinalik halikan ang matambok at namumulang pisngi nito.
"Love love mo ba si ate?" malambing na tanong niya pa.
"Ayabyu," sagot naman ni Clio.
"I love you too, my little Clionna!" muli niyang pinaulanan ng halik ang pisngi nito. Clionna's soft giggles filled the room at parang may kung anong humaplos sa puso ni Ciara habang naririnig ang cute na pagtawa ng bunso.
Kung sana lang buhay pa ang mommy nila, siguro napakasaya nilang lahat ngayon.
"Mga bata, baba na kayo. Handa na ang tanghalian."
Napalingon sina Ciara at Clionna sa matandang kasambahay. Nagtatatakbo naman si Clionna sa matanda at nagpakarga. Napangiti naman ang matanda sa inasal nito. Napakalambing na bata talaga ng alaga niya.
"Kailan uuwi si daddy?" tanong naman ni Ciara. Nag-out of town kasi ito kasama ang asawa nito.
"Sa susunod na linggo pa daw," sagot ng matanda. Hindi nakaligtas dito ang paglungkot ng mukha ni Ciara. Napabuntong hininga na lamang siya.
"Kain na kayo," pag-aaya na lang niya ulit.
Matamlay na tumango naman si Ciara at nakayukong sumunod na lang sa kanya.
Habang bumababa ng hagdan panay ang pagkanta naman ni Clio, dahilan para muling mapangiti si Ciara. Kalaunan ay sinabayan na ni Ciara ang pagkanta ng kapatid. Hangang sa makaupo sila sa mahabang mesa ng dinning hall, tuloy pa rin sila sa pagkanta.
"Twinkle twinkle little star, how I wonder what you are."
"Kain na muna kayo bago kumanta," suway naman ng kasambahay habang hinahainan ng masasarap na luto niya ang mga alaga.
Nakaupo na sa kandungan ni Ciara si Clio. Hindi makakain nang maayos si Ciara dahil ang likot likot pakainin ng bunso kaya kinuha na lang niya ulit ito kay Ciara para siya na lang ang magpakain.
"Hotdog! Hotdog!" pagwawala ni Clio.
Menudo ang isa sa nilutong ulam ng matanda. May ilang piraso ng hotdog na lahok ito at yun lamang ang gustong kainin ni Clio.
"Baby, you need to eat some veggies too para healthy ka when you grow up," sambit naman ni Ciara. Inilapit nito sa harap ni Clio ang isang plato na may laman namang ginataang papaya.
"Ayaw!" marahas namang umiling si Clio. Parang pato na humaba na naman ang nguso nito kaya natawa na lang siya.
Nagsimula nang kumain si Ciara. Panay ang pagsulyap niya sa kapatid na hindi na ata napapagod sa paglilikot. Mabuti na lang sanay na ang kasambahay nila sa kalikutan nito at alam na alam kung paano ito paaamuhin.
"Kamusta ka naman pala sa school?" tanong ng matanda. Gusto niyang makasiguro na maayos lamang ito at hindi na ulit gagawa ng gulo.
"Ayos naman," tipid na sagot nito.
Hindi talaga ito mahilig magkwento. Nag-aalala siya. May kaibigan kaya ang alaga niya? Ciara really needs someone to lean on. Yung mapagkakatiwalaan nito, yung iintindihin ang ugali niya sa kabila ng lahat.
Mabait naman talaga ang alaga niya, yun nga lang takot na itong magpapasok ng kung sino sa buhay niya. Isang bagay na kinatatakutan nito ay ang maiwan siya muling mag-isa.
"Ayos lang ba kung maghanap na ako ng bagong mag-aalaga sa inyo?" pagpapahiwatig ng matandang kasambahay.
Natigilan si Ciara sa pagkain. Naibaba niya ang hawak niyang kutsara at tinidor. Buong pagtataka niyang tinignan ang kasambahay nila.
"Bakit manang? Ayaw mo na ba kaming alagaan?" nalulungkot na saad nito.
"Syempre hindi no. Naisip ko lang na kumuha pa ng isang mag-aalaga lalo pa't tumatanda na rin naman ako, kailangan ko ng katuwang. Nasabi ko naman na 'to sa daddy mo," pagpapalusot niya na lang.
"Okay lang naman sa akin para may magtingin kay Clio. But promise me na dito ka pa rin. Ayoko sa iba. Gusto ko ikaw lang ang mag-aalaga sa akin. Don't leave me, manang. Ikaw na lang ang kakampi ko," pagsusumamo ni Ciara.
Bumigat ang kalooban niya dahil sa pagsusumamo ng alaga. Hindi na maaari ang kagustuhan niya. Gusto na kasi ng asawa niya na tumigil na siya sa trabaho at bumalik na lang sa probinsya para doon na manirahan. Ayaw man niyang iwan sina Ciara, hindi naman niya maaaring tanggihan ang nais ng kanyang asawa. Parehas na silang tumatanda, ang gusto na lang nila ay magpahinga at mamuhay nang tahimik.
*****
"Daddy!"
Karga karga ni Ciara si Clio habang bumababa ng hagdan. Nagpupumilit itong bumaba sa kanya para salubungin ang daddy nila na kauuwi lang mula sa pagbabakasyon.
Nang makarating sa huling baitang ng hagdan, dahan dahan niyang inilapag si Clio. Maliksi na tumakbo naman ito papunta sa daddy nila.
Agad na binuhat naman ni Larry ang bunso nang yumapos ito sa binti niya. Namiss niya ang anak niya. Halos isang linggo niya rin itong hindi nakita.
"How's my baby girl? Nagpakabait ka ba habang wala ko? Hindi mo ba pinahirapan sina ate?" magiliw na tanong niya sa bunso.
"Yes po! I'm behave po!" masiglang sagot naman nito.
Lumapit naman si Melissa sa kanila. Sobrang namiss niya din si Clionna kaya hindi na niya napigilan ang sarili na pisil pisilin ang pisngi nito.
"Mommy! I miss you!" paglalambing ng bunso. Sabay na napangiti na lang ang mag-asawa. Nagpapasalamat si Larry na kasundo ni Melissa ang bunso niya. Sana balang araw, makasundo din nito ang panganay niya.
Dumako naman ang tingin niya sa panganay niya. Nakatayo ito sa may hagdan, malayong malayo sa kanila.
"Hindi mo man lang ba i-huhug si daddy?" may pangungulila sa boses ni Larry. Hindi na niya matandaan kung kailan ba ang huling beses na nayakap niya ang anak.
"Ateeeee, hug!"
Napatingin na lang si Ciara sa kapatid. Hindi na siya makatanggi kapag si Clionna na ang nagrerequest sa kanya. May alinlangan ang bawat paghakbang niya, sa huli ay natagpuan na lang niya ang sarili na nakayakap sa daddy niya. Napapagitnaan nila si Clionna na walang tigil sa paghagikgik.
"I miss you, princess." bulong ng daddy niya.
Nanatili lang siyang tahimik ngunit hindi niya maitatanggi sa sarili niya na sobrang namiss na din niyang makulong sa yakap ng ama.
Saglit lamang ang naging yakapan nila. Kumalas din agad si Ciara at walang imik na pumanhik ulit ito sa taas. Nagkulong na naman ito sa kwarto niya.
Nagkatinginan na lang sina Larry at Melissa.
"Hayaan mo na, huwag na natin siyang pilitin na matanggap ako. Ayos lang naman sa akin. Ayoko nang magkasamaan pa kayo lalo ng loob," sambit ni Melissa.
Mabait ang bago niyang asawa. Sana balang araw ay makita rin ni Ciara ang kabusilakan ng puso nito. Wala siyang tanging hangad kundi maging masayang pamilya sila ulit.
******
"Girl! Hindi ko alam pinopormahan ka pala ni Maverick ha. Bakit wala ka atang kinukwento?"
Nakunot ang noo ni Ciara nang marinig ang sinabi ni Megan. Abala siya sa pagbabalik ng notebook niya sa bag. Break time na kasi nila.
"Maverick?"
"Yes! Yung heartthrob sa 4th year! Ayun oh," tinuro naman ni Sofia ang isang matangkad na lalaki sa may pinto ng classroom nila.
Nakatalikod ito kaya hindi makita ni Ciara ang mukha nito. Wala siyang matandaan na may kilala siyang Maverick.
"I don't know him," tipid na sagot niya.
"Talaga? Eh bakit ikaw daw ang hinahanap sabi ng kaklase natin?" pang-uusisa pa ni Megan.
She shrugged. Wala talaga siyang kilalang Maverick. Bakit ba ang kukulit ng dalawang ito? Sa inis ni Ciara ay nilayasan na lang niya sina Sofia at Megan. Dire-diretsong lumabas na lang ng classroom si Ciara. Hindi niya na lang pinansin ang lalaki na nakatayo sa may pinto.
"Suplada naman," narinig niyang sabi ng lalaki pero hindi niya ito nilingon. Baka hindi naman siya ang sinasabihan nito.
"Ciara!" tawag nito.
Nahinto siya sa paglalakad. Nang lumingon siya, laking gulat niya na ang papansin na lalaki na naghatid sa kanya noong gabing walang siyang masakyan na taxi pala ang tumawag sa pangalan niya.
He knows her?
Mapanuri ang mga mata niya nang tinignan niya ito.
"What?" inis na sambit niya.
"Sabay tayo maglunch! Lilibre mo pa ko di ba?" bigla itong lumapit sa kanya.
Nanlaki ang mata ni Ciara nang akbayan siya nito. Mabilis naman siyang dumistansya dito. Ang kapal naman ata ng mukha ng lalaking ito. Ni hindi nga niya ito kilala, kung umasta akala mo sobrang close nila.
"Don't touch me! Hindi kita kilala!" napalakas ang sigaw niya kaya napatingin sa kanila ang ibang estudyante sa hallway.
"I'm Maverick Ocampo. 4th year, turning 18. Hobbies ko, ang mahalin ka araw araw araw. Bisyo ko? Ikaw." pahayag nito na may kasama pang kindat.
Napangiwi na lang si Ciara. Gwapo sana ang lalaki kaso mukhang may sayad sa pag-iisip. Mabilis na tinalikuran niya ito at lakad takbo ang ginawa niyang paglayo dito.
Ngunit sobrang makulit ang lalaki. Talagang sinundan siya nito hanggang sa cafeteria at umupo pa mismo sa harapan niya.
"Pwede ba! Lumipat ka nga ng upuan!" singhal niya. Halos maputol na ang litid niya sa pagsigaw.
She wants to be alone pero heto may isang parasite naman na bumubuntot sa kanya.
"Wala nang bakante. Dito na lang meron," pagdadahilan ni Maverick. Enjoy na enjoy siya kahit pa sinusungitan siya nito.
Ang ganda ganda pa rin nito kahit pa magkasalubong na ang dalawang kilay nito. Napangiti na lang siya. He wants her attention so bad. He wants her to notice his existence. Ayos lang sa kanya kahit araw araw pa siyang sungitan nito.
"Anong gusto mong kainin? My treat," he generously offer.
"No need. May baon ako," pataray na sambit naman ni Ciara.
Doon lang napansin ni Maverick na may bitbit pala itong stainless steel na lunch box. Nang buksan ito ng dalaga, hindi niya maiwasang matakam dahil mukhang masarap ang baon nito.
She's really a pampered girl, like she's living in an extremely sheltered world.
Tahimik na kumain naman si Ciara at pilit na inignore na lang ang presence ng gwapong lalaki sa harap niya. Okay lang naman na maki-share ito ng table basta huwag na huwag lang siyang guguluhin nito.
Nakahinga siya nang maluwag nang umalis ang lalaki sa harap niya, pero paglipas lamang ng ilang minuto, bumalik din ito na may bitbit na tray na may laman ng pagkain niya. Nagulat na lang siya nang may ilapag itong isang bote ng orange juice sa harap niya.
"Sa'yo na yan," sabi nito. Nakaguhit pa rin ang malapad na ngiti nito sa labi niya.
"Wala naman sigurong lason yan no?" paniniguro pa ni Ciara.
Napahagalpak na lang ng tawa si Maverick. Grabe talaga ang babaeng 'to.
"I'm a good guy C. Wala ka bang tiwala sa gwapong mukhang 'to?" swabeng saad niya. Nagpogi pose pa siya.
"Wala," Ciara replied flatly. Tinaasan niya pa ito ng kilay. Did he just call him, C? Feeling masyado ang lalaking 'to. Hindi sila close para bigyan siya ng kung anong klaseng nickname.
"Kain na nga lang tayo," pagsuko na lang ni Maverick. Siguro uunti-untiin na lang niya ang pagkuha sa loob nito.
*****
"May kalandian din palang tinatago si Ciara no?"
I-fuflush na sana ni Ciara ang inidoro sa c.r pero nahinto siya sa gagawin nang marinig niya ang mga pamilyar na boses. Mukhang siya ang topic ng mga ito kaya tahimik na nakinig muna siya. Walang kamalay malay ang mga ito na nasa loob lamang siya ng cubicle.
"Pasimple pa, eh mukha namang nangongolekta siya ng lalaki. Di ba nga, ang daming nanliligaw diyan pero pinaasa niya lang silang lahat," sambit pa ni Megan.
"True! Landi niya talaga. Ngayon si Maverick naman ang bagong prospect niya. Crush ko pa naman yun. Dami dami namang lalaki diyan, si Maverick pa talaga ang nilandi," pahayag pa ni Sofia.
Naikuyom na lang niya ang kamao niya. Alam naman niyang ayaw talaga sa kanya ng mga ito pero hindi niya akalain na ganito pala ang tingin sa kanya ng mga ito.
Malandi?
Tatanggapin niya ang kahit na anong paratang sa kanya. Spoiled brat, masama ang ugali, maldita. Pero ang tawagin siyang malandi, mukhang hindi naman tama iyon. Kahit kailan wala siyang nilandi. Wala nga siyang pakelam sa mga lalaki.
Tila nagpanting ang tainga ni Ciara at hindi na niya napigilan pa ang sarili niya. Marahas na binuksan niya ang pinto ng cubicle at lumabas siya mula sa kinaroroonan niya.
Gulat na gulat naman sina Megan at Sofia nang makita siya. Tila nakagat nila ang mga dila nila at hindi magawang makapagsalita lalo pa nang magdilim ang ekspresyon sa mukha ni Ciara.
"Malandi pala ha? Pwes, ito ang malandi!" may panggigil na sambit ni Ciara.
Agad siyang lumapit sa dalawa at pinagsasabunutan ang mga ito. Hindi makapalag sina Megan at Sofia, wala silang laban sa matinding galit nito. Dalawa sila, kung tutuusin kaya nilang pagtulungan ito pero wala silang lakas para labanan ito lalo pa nang bigla na lang silang sinapak ni Ciara at sabay sabay na bumagsak sa sahig.
Panay ang pagtili na lamang nila Megan at Sofia habang humihingi ng tulong. Mabilis na dinaluhan naman sila ng mga estudyanteng naririnig ang sigawan nila sa labas ng c.r.
Pilit na inilayo nila si Ciara, pero masyado itong malakas. Gigil na gigil na sinabunutan, sinapak at pinagkakalmot sa mukha sina Megan at Sofia.
2 vs. 1 pero mukhang si Ciara ata ang panalo.
*****
"I can't believe na gumawa ka na naman ng gulo Ms. Velez! Hindi ka na ba nadadala mula sa suspension mo last time!" sapo sapo ng principal ang batok niya habang pinapagalitan si Ciara. Kung may sakit lang siya sa puso, baka inatake na siya sa sobrang pagka-highblood niya dito.
"Tinawag nila akong malandi! Pinagtanggol ko lang ang sarili ko!" sigaw naman ni Ciara, pilit na dinedepensahan ang sarili.
"Enough Ciara!" umalingawngaw naman ang sigaw ng daddy niya kaya natigilan siya.
Nasa guidance office na naman siya ngayon. Mukhang naging suki na siya dito.
Tinapunan naman niya ng tingin sina Megan at Sofia na nasa harapan niya. Gulo gulo ang buhok ng mga ito. May bahid pa ng dugo ang uniform nila dahil pumutok ang labi ng mga ito sa pagsapak niya. Napangisi na lang siya sa itsura ng mga ito. Hinding hindi niya pagsisisihan ang ginawa niya.
"Larry, ano bang nangyayari diyan sa anak mo? Pinakikitunguhan naman siya nang maayos ng anak namin, bakit naman ginawa niya to?" sabat naman ng ina ni Megan. Labis din ang pagkadismaya sa mukha nito.
Nayuyukong humingi na lang ng tawad si Larry. Ni wala siyang mukhang maiharap sa mga ito.
"Anak, magsorry ka nalang. Please?" pakiusap ni Larry sa panganay.
Mas lalo namang nagwala si Ciara. Bakit siya magsosorry? Nararapat lang sa kanila ang ginawa niya.
"No! Hindi ako magsosorry sa kanila! Magkamatayan na!" pagmamatigas niya.
"Magsosorry ka sa kanila o ililipat na lang kita ng school?" matigas na wika ni Larry na may bahid pa ng pananakot.
Napakagat labi na lang si Ciara, pero nakapagdesisyon na siya. Hindi niya ugaling magbaba ng pride. Siya ang naunang nag-agrabyado, kaya sila dapat ang humingi ng tawad sa kanya.
"Isuspend niyo ko o kaya ilipat niyo na lang ako ng school pero hinding hindi ako magsosorry sa mga plastik na yan!" mariing giit niya bago tumayo at nagtatakbo palabas ng guidance office.
Naiwang nakaawang naman ang mga bibig nila samantalang si Larry ay hindi na alam ang gagawin para lang makumbinsi ang mga ito na patawarin na lang at bigyan pa ng isang pagkakataon ang kanyang anak.
*****
"Ano bang nangyayari sa'yo Ciara?! Bakit ba nagkakaganyan ka? Ganun ba talaga kahirap sa'yo na tumanggap ng pagkakamali?!"
Hindi na napigilan ni Larry ang pagbugso ng galit niya. Nasa labas pa lang sila ng bahay ay naririnig na ni Melissa ang sigawan ng mag-ama dito sa sala. Kasama pa naman niya si Clionna, nagtatakang napatingin ang bata sa kanya habang yakap ang malaking teddy bear na bigay niya. Tinakpan na lamang niya ang tainga nito para hindi marinig ang pagtatalo ng daddy nito at ng nakatatanda niyang kapatid.
"I told you dad! Pinagtanggol ko lang ang sarili ko! Ikaw ba matutuwa ka na sinasabihan ng malandi ang anak mo? For once, pwede bang ako naman ang kampihan mo!" paghihinanakit ni Ciara.
Natigilan saglit si Larry. Lumambot ang ekspresyon sa mukha niya nang makitang naluluha na ang anak. 15 years old pa lamang ito, marahil nasa rebellious stage ito at mas kailangan nito ang matinding pang-unawa. Lumapit siya sa panganay niya para suyuin pero umatras naman ito palayo sa kanya.
Pumasok na lang si Ciara sa loob ng bahay. Ang bigat bigat ng pakiramdam niya ngayon. Gusto niya munang mapag-isa.
"Ate! Play play tayo."
Hindi na namalayan ni Ciara ang paglapit sa kanya ni Clionna. Napako siya sa kinatatayuan nang makita ang maliwanag na mukha nito habang yakap yakap ang malaking teddy bear. Mas malaki pa ito kaysa kay Clionna.
"Huwag muna ngayon, pagod si ate." matamlay na sambit niya.
"Why, ate? Don't you want to meet my friend? Look at my teddy ate, bigay to ni mommy sa akin," paglalambing pa ni Clionna pero wala talaga siya sa mood ngayon.
"Please, Clionna. Huwag muna ngayon."
"Pero ate----"
"Sinabi ngang ayoko munang maglaro! Hindi ka ba nakakaintindi?!" malakas na sigaw niya.
Tumakbo na lamang siya paakyat sa kwarto niya. Hindi na niya napansin na bahagyang naitulak niya pala ang bunsong kapatid at bumagsak ito sa sahig.
Agad na dinaluhan naman ni Melissa si Clionna at kinarga ito. Pilit na pinapatahan ngunit panay lang ang pagngawa nito.
Nanghihinang napaupo na lang si Larry sa sofa sa may sala. Hindi niya akalain na pati si Clionna ay magagawang pagbuntunan ni Ciara ng init ng ulo niya.
Parang kinurot naman ang puso ni Ciara nang marinig niya sa kwarto niya ang malalakas na palahaw ng kanyang bunso. Ito ang unang beses na nasaktan at nasigawan niya si Clio at labis niya itong pinagsisisihan.