webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · ย้อนยุค
Not enough ratings
98 Chs

LXXXIII

Juliet

Agad akong humakbang paatras atsaka yumuko para tamaan siya sa tiyan atsaka ginamit ang binti ko para patirin siya na dahilan ng pagbagsak niya sa lapag.

Omg. OMG!

Yes! Yes, YES! Omyghad, nagawa ko! Hinagis ko ang arnis sa ere at nagtatalon sa tuwa.

Natalo ko si Angelito Custodio!

"Madali kang matuto." Bangon niya atsaka pinagpagan ang sarili niya. Nakaputing shirt lang siya tapos 'yung usual pants ng suit niya. Nasa may upuan sa tabi ang coat niya pati na rin ang baro't saya ko. Nagtahi ako ng temporary pants ko exclusive para sa training na 'to with Angelito Custodio.

Nang matapos na ako magsa-sayaw sa pagkapanalo ko ay tumingin na ako kay Angelito Custodio kaya nagkatinginan kami at napakunot ang noo ko nang bigla siyang bahagyang natawa nang magkatinginan kami.

Anong problema nito?

Napapamewang ako nang patuloy lang siya sa parang pagpipigil ng tawa dahil kinakagat niya ang labi niya.

"Bakit?" Medyo pagtataray ko kaya napalingon siya ulit sa akin. May kinuha siya sa bulsa niya atsaka naglakad palapit sa akin. Panyo pala ang kinuha niya sa bulsa niya at nagulat ako nang punasan niya ang pisngi ko.

"Masyado kang naging abala sa pagkapanalo na hindi mo namalayang may dumi ka na sa iyong mukha, binibini." Natatawang wika niya habang pinupunasan ang pisngi ko.

"Ayan, wala na." Sabi niya nang matanggal na ang dumi sa mukha ko at medyo dumistansya na rin ng tayo.

"M-Magpapalit na ulit ako, Ginoong Angelito..." Paalam ko at dire-diretsong naglakad.

"Nakalimutan mo ang iyong kasuotan, binibini!" Rinig kong sabi ni Angelito kaya napapikit ako sa kapalpakan ko. Paano ka magpapalit kung wala kang dalang damit? Tungaks naman talaga, Juliet!

Agad akong bumalik at nagulat nang magkabanggaan kami ni Angelito dahil hinabol pala niya sa akin 'yung damit ko huhu.

"P--Paumanhin, binibini... ayos ka lang ba?" Tanong niya at agad naman akong tumangu-tango at kinuha na ang damit ko.

"Pasensiya na rin at salamat sa pagdala nito." Sabi ko at dumiretso na sa banyo. Phew! Iba talaga ang pagka-intimidate ko kay Angelito huhu paano ako magpapakasal sa lalaking ni hindi nga ako maging komportable kapag kasama ko siya?

Hay nako, Juliet! Wala kang karapatan isipin ang comfort mo ngayon dahil pamilya mo ang nakataya rito!

Napatangu-tango ako. Oo nga, wala naman akong choice.

Pagkalabas ko ay bumalik ako kung saan kami nagtraining ni Angelito at nakitang naka-ayos na rin siya. Suot na ulit niya ang polo at coat niya at naka-ayos na rin ang mga arnis na ginamit namin kanina sa lalagyan nito.

"Halika na, binibini."

Ha? Anong halika na?

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Ah, oo nga pala hindi ko pa nasabi sa iyo ngunit... maaari mo ba akong samahan?" Tanong niya.

"Saan?" Tanong ko naman.

"Sa pagtanda." Ngiti niya at parang may biglang tumusok sa puso ko nang sabihin niya 'yun.

"Binibining Juliet, maaari mo ba akong samahan?" Tanong niya kaya napakunot ang noo ko.

"Saan naman?" Tanong ko na trying hard panindigan ang pagtataray ko.

"Sa pagtanda." Ngiti ni Niño.

"Biro lang, binibini." Bawi ni Angelito kaya nabalik ako sa realidad. Napailing-iling nalang ako dahil sa naalala ko. Uso na pala ang pick-up lines sa panahong ito. Ngayon ko lang din nagets ang sinabi ni Niño nung araw na 'yun. Hay, kung nagets ko lang ang pick-up line ni Niño nung araw na 'yun edi sana hindi siya nabadtrip.

Pumayag akong sumama kay Angelito sa kung saan man siya pupunta dahil first of all, wala naman akong gagawin at mas mabuting hindi ako natatambay sa bahay para nalalagay ko sa ibang bagay ang oras at atensyon ko kaysa pagmumukmok at second of all ay para masanay kay Angelito Custodio. Katulad ng sinabi ko kanina at dati pa man, naiintimidate talaga ako kay Angelito kaya naisip ko at sinuggest din ni Ina na kilalanin ko raw si Angelito para at least masanay ako sa presence niya dahil necessary 'to lalo pa't ikakasal kami, magsasama sa isang bahay.

Huminto ang karwahe sa loob ng isang malaking hacienda at bumaba kami sa tapat ng isang malaking mansion kaya napaisip agad ako kung hacienda Hernandez ba 'to. Sa apat na mayayaman at makakapangyarihang pamilya sa San Sebastian; hacienda Cordova, Enriquez, at Fernandez palang ang napuntahan ko kaya iniisip kong mabuti kung ito ba ang hacienda Hernandez. Pero ano namang gagawin ni Angelito sa hacienda Hernandez?

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Angelito kaya sinundan ko lang siya habang pinagmamasdan 'tong hacienda. Maganda siya at malaki. Habang naglalakad kami sa harap ng mansion, napansin ko na may parang pond kaya sinilip ko  'yon at nakakita ng maraming isda. Woah, ang ganda naman ng haciendang 'to!

Nabalik ang atensyon ko kay Angelito nang napansing hindi siya pumasok sa loob ng mansion at naglakad lang siya dire-diretso papunta sa likod kaya siyempre sinundan ko siya. Mas nagulat pa ako nang makita ang napakalawak na taniman sa likod ng mansion. I mean... malamang hacienda 'to kaya may taniman pero ang ganda lang talaga ng taniman sa hacienda na 'to at napansin ko rin na maraming puno ng narra sa paligid.

Napatingin ako sa lalaking nagwawalis dahil sa kaniya dumiretso si Angelito. Napatingin ako sa winawalis niya at napakunot ang noo ko. Balat ba ng oranges 'tong mga winawalis niya?

Matangkad siyang lalaki na sa tingin ko ay nasa late 30's or early 40's. Nakasalamin siya kaya kitang-kita ang may kalakihan niyang ilong.

"Ginoong Zedeyo." Bati ni Angelito sa nagwawalis ng... balat ng oranges?

"Oh, Angelito!" Nasabi nung lalaki nang makita si Angelito at binitawan ang walis na dala atsaka lumapit sa amin.

"Kukunin mo na ba?" Tanong ni Ginoong Zedeyo at tumangu-tango si Angelito.

"Ah... mabuti naman. Kung hindi ay baka ibenta ko na ito, marami ang magnanais bumili nito." Biro ni Ginoong Zedeyo kay Angelito kaya bahagyang natawa si Angelito at sumunod sa lalaki. Pumasok siya sa mansion kaya sumunod kami.

"Maupo muna kayo at kukunin ko sa itaas." Sabi ni Ginoong Zedeyo at inutusan ang isa sa mga kasambahay na magbigay ng inumin sa amin.

Umupo nga muna kami ni Angelito at hindi rin naman nagtagal ay bumaba na rin si Ginoong Zedeyo. Agad na tumayo si Angelito at sinalubong si Ginoong Zedeyo pagkababa nito sa hagdan. Binulsa niya agad ang kung ano mang inabot sa kaniya ni Ginoong Zedeyo at nagpaalam na rin kaya naman nagpaalam na rin ako at sumunod kay Angelito.

Habang nasa loob ng karwahe pabalik, namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Angelito. Gusto ko sana 'tong basagin at magtanong tungkol kay Ginoong Zedeyo pero ewan ko ba. Parang wala akong energy magtanong at mas pinili ko nalang ang tahimik na atmosphere dito sa loob.

Naging komportable na ako sa katamikan nang basagin ito ni Angelito.

"Binibini," Tawag niya kaya naman napalingon ako sa kaniya. Pinasok niya ang kamay niya sa bulsa ng coat niya at may hawak na siyang lalagyan paglabas nito sa bulsa niya. Mukhang 'yun ang inabot sa kaniya ni Ginoong Zedeyo kanina.

Nagulat ako nang bigla siyang tumabi sa akin kahit na umaandar ang karwahe at binuksan niya 'yung lalagyan. Kinuha niya mula rito ang isang . . . kwintas?

May kinuha pa siya sa loob at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang singsing ito. Akmang kukunin niya ang kamay ko pero automatic na nilayo ko ang kamay ko at tinago na mukhang ikinagulat niya, maski na ako.

Omyghad ang weird naman ng reflexes ko huhu. Bakit ka biglang lumayo, kamay?! Baka naoffend si Angelito, ghad! I need to say something to make this less awkward!

"H-Hindi ko maaaring tanggapin 'yan, G-Ginoo... masyado siyang maganda at sa palagay ko'y malaki ang ginastos mo para diyan." Palusot ko at please sana gumana, please!

"Ano naman kung malaki ang ginastos ko para rito at kanino ko pa ba ito dapat ibigay? Para sa babae ang singsing na ito, wala na ang aking ina at wala naman akong kapatid." Sagot niya.

"Uhm... panregalo?" Sabi ko na halata pang hindi sigurado sa pinagsasabi jusko huhu ano ba naman ako.

"Binibining Juliet," Tawag ni Angelito na mas nakapagpabilis sa tibok ng puso ko. Mas nagulat pa ako at halos atakihin na sa puso nang kunin niya ang kamay ko.

"Ikaw lang ang tanging babae sa buhay ko." Sabi niya habang nakatingin nang diretso sa akin.

"At gaano man kamahal ang singsing na ito, nais ko pa rin itong ibigay sa iyo dahil binili ko ito para sa'yo." Suot niya ng singsing sa left ring finger ko.

Maluwag ito kaya medyo nagtaka ako pero hindi pa ako nakakapagreact, kinuha niya 'yung lace na hawak niya at nakita kong may parang maliit na susi 'yon na nakapagpasikip sa singsing na nasa daliri ko. Nang mahigpit na ang pagkakalagay ng singsing sa daliri ko, sinuot ni Angelito ang lace sa leeg niya bilang kwintas at ibinalik na ang tingin niya sa akin.

"Simula ngayon ay kung ano ang sa akin ay iyon na ring sa iyo." Halik niya sa kamay ko at tuluyan na akong nabato sa kinauupuan ko habang nanatiling nakatitig sa kaniya.

Masyado na akong na o-overwhelm sa lahat. Lahat-lahat sunud-sunod ng pangyayari. Hindi ako sinipot ni Niño sa kasal namin, muntik na siyang mawala pagkatapos niyang mabaril, napunta ako sa lugar kung saan naganap ang labanan at nanggamot ako sa mga sundalo, pagbalik ko akala ko ayos na ang lahat tapos muntik na namang mawala si Niño at pinagbintangan pang gumawa ng mali, tinulak ako ng lahat kay Angelito, pinagkasundo ako kay Angelito, tumakas ako sa kasal namin, nagtraydor si Fernan, tuluyan nang nawala si Niño, wala nang balita kay Andong, tuloy pa rin ang kasal ko kay Angelito, pinahirapan ako ni Angelito sa pagtuturo niya sa akin, tapos ngayon ito? Pakiramdam ko sobrang dami ng lahat para i-take in.

"Ayos ka lang ba, binibini?" Tanong ni Angelito. Mukhang napansin niyang nawala na ako sa sarili ko. Pinilit kong ngumiti kahit na mahirap atsaka tumangu-tango kahit na pakiramdam ko sasabog na ang puso at utak ko sa dami ng iniisip ko at halu-halong emosyon na nararamdaman ko.

Sana humupa na ang lahat. Ayoko na. Sobra na. Please... tama na.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts