webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · ย้อนยุค
Not enough ratings
98 Chs

III

Juliet

"Bakit ganun? Ang ba-bata pa nila pero mga heneral na sila?" tanong ko kay Caden pagka-andar ng kalesa.

"Impluwensiya ng pamilya." simpleng sagot ni Caden kaya napatangu-tango nalang ako.

Grabe, kahit pala sa panahong 'to uso na ang connections.

"Pero mahuhusay din naman sila kung tutuusin." biglang bawi ni Caden sa sagot niya.

"Dalawampu't tatlong taong gulang si Heneral Enriquez at kapansin-pansin ang kahusayan niyang pamunuan ang mga sundalo rito sa San Sebastian. Dalawampu't limang taong gulang naman si Heneral Guillermo na kakaangat lang ng ranggo tatlong buwan palang ang nakalilipas. Mas onti nga lang ang kanilang karanasan sa ibang mga mas nakatatandang heneral pero mahuhusay silang mga sundalo para sa kanilang edad." sabi pa ni Caden.

"Oo nga pala, kakilala mo rin 'yung heneral na 'yun? 'Yung Guillermo?" tanong ko.

"Kilala ko na siya dati pa ngunit kung sa pagkakataong ito lang ang pag-uusapan, ito ang una naming pagkikita." sagot niya na nakapagpakunot sa noo ko.

"Hindi ko gets." sabi ko at napakamot sa ulo.

"Hindi ba't sinabi ko na sayo na hindi ito ang unang beses na nandito ako sa panahong 'to? Kaya kilala ko na siya dati pa at sa paulit-ulit kong panonood sa mga nangyayari rito, ito ang unang beses na may nagbago. Dapat sa handaan ko pa siya mamaya unang makikilala pero... dahil nandito ka, mukhang napaaga ang pagkikita namin." explain niya.

Kaya ba nagulat din siya nung makita niya 'yung heneral paglabas namin kanina? Kasi 'di ba ilang beses na niyang pinanood matapos 'tong siglong 'to at paulit-ulit lang ang lahat ng nangyayari pero kanina, may nabago. Hindi niya inaasahang magkikita agad sila nung heneral kasi sa kainan pa dapat sila magkikita.

Natigilan ako nang may marealize. Agad na napalingon ang ulo ko kay Caden.

"Ha, teka?! So ibig sabihin mababago na 'yung mga pangyayar—"

"Maaaring oo, maaaring hindi at sana hindi. Pero... pakiramdam ko naman ay hindi dahil sa palagay ko nama'y wala nang makakapagbago ng mga kahahantungan ng lahat ng nandito dahil lahat ng nangyayari ngayon ay nangyari na dati. Kumbaga, tapos na lahat ng nangyayari ngayon at lahat ng ito'y nakatala na sa kasaysayan kaya wala nang sinuman ang makakapagbago nito." putol niya sa sasabihin ko pero hindi man lang niya ako tinignan habang sinasabi niya lahat 'yon.

Phew, akala ko makakagawa pa ako ng disaster sa history eh.

Hindi nagtagal at huminto na rin ang kalesa at inalalayan ako ni Caden bumaba.

Oh. My. Gosh. Bahay ba 'to? Parang sinaunang hotel na 'to sa sobrang laki eh! Tapos ang daming tao.

Napatingin ako sa paligid at nakitang ang daming nakapalibot at nakatingin sa amin.

"Siya ba 'yong anak nila Don Horacio't Doña Faustina?"

"Aba'y, ka-gandang dalaga! Bakit ngayon lang inuwi rito ang dilag na iyan?"

"Huwag ka ngang maingay at baka malintikan tayo sa kuya."

"Mukhang magiging popular ka sa panahong 'to ah." pabulong na asar ni Caden at naglakad na kaya sumunod ako sa kaniya.

Naumpog ako sa likod niya nang bigla siyang huminto sa paglalakad at humarap sa akin.

"'Yung pamaypay mo?" Bulong niya kaya napakapa ako sa saya ko at napapikit nang marealize na wala nga palang bulsa 'to at malamang kung saan ko na naman naiwan 'yung pamaypay. Hindi naman kasi ako sanay magdala-dala ng ganun eh huhu.

Napailing-iling nalang si Caden at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Narinig naman na siguro niya 'yung iniisip ko kaya hindi ko na kailangan sabihin pa.

Ang cool din pala na may kasamang nakakabasa ng isip eh, 'no? Effortless communication!

Pagkapasok na pagkapasok palang ay may kumausap na agad kay Caden at ako? Ito, OP. Out of place.

"Siya ba ang iyong kapatid mula Inglatera?"

Napalingon ako nang marinig ko 'yun at medyo lumapit sa kanila kasi sinenyasan ako ni Caden.

"Opo. Siya si Juliet, isang mag-aaral ng medisina sa Inglatera." sabi ni Caden kaya nanlaki ang mga mata ko nang marinig 'yun.

Alam niyang med student ako??

Nagkatinginan kami ni Caden at pasimple siyang tumango, ibig sabihin alam nga niyang magiging doktor ako... kung makakagraduate ako sa susunod na taon.

"Magandang gabi sa iyo, Binibini." bati nung may edad nang lalaki na kausap ni Caden.

"Magandang gabi rin po sa iyo." Ngiti ko na mukhang ikinatuwa naman nung lalaki.

Biglang may dumating na lalaking nakaputi't may mga pins sa dibdib— heneral na naman ba 'to?

Dahan-dahan akong tumingala para makita kung sino 'yung nakisali sa usapan nila at nakilala 'yung lalaki na si Heneral Enriquez. Nakaputi siyang uniporme at nakasumbrero ng pang-heneral.

Grabe, nakakadagdag pogi points din pala talaga ang uniporme sa mga lalaki. Plus points din na heneral siya sa batang edad.

"Mga ginoo, ikinagagalak ko na nakadalo kayo sa munting salu-salong inihanda ng aming pamilya." sabi ni Heneral Enriquez kay Caden at sa kausap niyang lalaki pagkatanggal niya ng sumbrero niya.

Munting salu-salo? Mukha bang munti—

"Binibining Huliet."

Napalingon ako sa tumawag at nakita si Heneral Guillermo.

"Heneral." nasabi ko rin at napangiti siya.

"Nais mo bang kuhanan kita ng maiinom?" tanong niya at akmang kukuha na sana nang pigilan ko siya.

"Hindi na." sagot ko at ibabalik na sana ang atensyon kanila Caden nang magsalita siya ulit.

"Nais kitang mas makilala pa, Binibini. Maaari mo ba akong mapagbigyan?" sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Ngayon ko lang napansin na brown pala ang buhok niya na bagay na bagay sa magandang hugis ng mukha niya at parehas sila ng suot ni Heneral Enriquez. Grabe, ba't halos lahat ng nakikita kong heneral ang g-gwapo?

"Sa wakas ay dinapuan na rin ako ng iyong tingin." Ngiti niya at humakbang palapit. Grabe, dapo talaga? Parang langaw lang?

"Nais kong pormal na magpakilala sa iyo, binibini. Heneral Estevan Guillermo." Lahad niya ng kamay niya.

"Ju—" Abot ko sana ng kamay ko pero may nauna sa aking makaabot sa kamay niya.

"El heneral Enrique Luís Enríquez el cuarto." (General Enrique Luis Enriquez IV)

Napatingala nalang ako kay Heneral Enriquez at napanganga mentally dahil sa ginawa niya.

Bakit niya ako inunahan makipagshakehands? Type ba niya si Heneral Guillermo? Oh noes, akala yata ni Heneral Enriquez aagawi—

"Vamos, mi señora." (Let's go, my lady.) sabi ni Heneral Enriquez at inabot niya 'yung kamay niya kaya sumama nalang din ako kahit wala akong nagets sa nangyari at sa sinabi niya.

Bakit kami aalis agad? Akala ko ba type niya 'yung Estevan na 'yun? Nagpapakipot ba siya? Uso na rin ba pahabol tactics sa panahong 'to?

"Huwag kang maglalapit sa lalaking iyon, binibini. Natatakpan ng makapal na maskara ang kaniyang totoong mukha." sabi ni Heneral Enriquez at hinawakan ang kamay ko atsaka ko lang narealize na nasa dance floor na kami at nagsimula na ang sayaw.

Waaah! Bakit nandito na ako? Hinypnotize ba ako ng Heneral Enriquez na 'to? Pero... anong natatakpan ng maskara 'yung mukha nung Estevan? May latex ba mukha nun ngayon?

Napatingin ako sa mga nanonood sa amin para hanapin 'yung Estevan dahil nacurious ako sa maskarang sinasabi nitong Heneral Enriquez na 'to pero hindi ko siya nakita.

Nagulat nalang ako nang biglang mag-iba 'yung steps kaya naapakan ko si Heneral Enriquez.

"S-Sorry, Heneral." nagpapanic na sorry ko pero nagsmirk lang siya. Naiinis na smirk ba 'yun? Pero bakit mukha siyang nang-aasar?

"Ayos lang, binibini." sabi niya habang nakatingin nang diretso sa akin na nakasmirk pa rin. Anong trip niya?

Nawirduhan ako sa kaniya kaya iniwas ko na 'yung tingin ko at kinopya na naman 'yung mga steps sa mga kasama naming magsayaw.

Bakit kasi nag-iba 'yung steps? Ibang sayaw ba 'to?

"Iisipin ko nalang na patawad ang ibig sabihin ng sinabi mo." sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya at nagtama ulit ang mga tingin namin. Nakasmirk pa rin siya kaya napaiwas nalang ako ng tingin nang marealize ko na 'sorry' nga pala 'yung nasabi ko.

Malamang kaya siya nakasmirk kasi pinagkakatuwaan niya ako kasi iniisip niya hindi ako magaling mag-Tagalog kasi nga alam nila galing akong England.

"Malinaw sa akin na hindi ka pa gaanong sanay sa pananagalog at sa kultura ng bayang ito kaya't huwag kang mag-alala, Binibini." sabi niya kaya napatingin na naman ako sa kaniya. Hindi na siya nakasmirk ngayon pero diretso pa rin ang tingin niya sa akin.

"Dahil handa akong samahan at tulungan ka." Ngumiti siya at nagbow atsaka hinalikan ang kamay ko nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Sandali akong natigilan nang tibok nalang ng puso ko ang naririnig ko at parang kaming dalawa nalang ang tao rito. Hinihypnotize na naman ba niya ako? Pero bakit aware ako sa mga nangyayari ngayon?

"Ikot." sabi niya bigla kaya umikot nga ako habang magkahawak pa rin ang mga kamay namin.

Habang umiikot ako, naramdaman ko ang sandaling pagtama ng kamay niya sa tagiliran ko na ibig sabihin ay inaalalayan niya ako habang umiikot ako. Mukhang tinutupad nga niya 'yung sinabi niyang tutulungan niya akong mag adapt sa bagong environment na kinabibilangan ko na ngayon.

Nakita ko ang pagkurba ng labi niya nang makabalik na ako sa mga bisig niya atsaka siya nagsalita.

"Mabilis ka talagang matuto."

Normal na pakikipag-usap lang 'yung ginawa niya pero naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko nang marinig ko na ulit ang boses niya.

Nang magtama ulit ang mga tingin namin, parang ibang tao na siya sa Heneral Enriquez na una kong nakasayaw sa barko. Sa pagkakataong 'to, parang mas gwumapo siya at mas maaliwalas ang mga ngiti niya sa akin.

Napailing-iling ako mentally at pinilit ibalik ang sarili ko sa katinuan.

Myghad, Juliet! Umayos ka nga't huwag kang gumawa ng ikakapahamak mo rito sa 1800's!!!

Pero kahit anong pilit kong papangitin ang imahe ni Heneral Enriquez sa utak ko ngayong gabi, hindi ko talaga maitatanggi na siya ang pinakagwapong lalaki sa handaang 'to sa paningin ko.

Napailing-iling ulit ako mentally dahil sa pinagsasabi ko. Ano bang nangyayari sa akin? Malamang 'pag narinig 'to ni Caden, mababatukan ako nun sa kaharutan ko eh.

Teka... speaking of Caden, nasaan 'yung lalaking 'yun?

Napatingin-tingin ako sa paligid para hanapin si Caden pero iba ang nahagip ng mga mata ko. 'Yung mga babaeng nakatingin sa amin ng heneral na mukhang kanina pa naghihintay na makasayaw itong si Heneral Enriquez.

"H-Heneral..." tawag ko nang hindi tumitingin sa mga mata niya.

"Marami pa pong ibang babae ang gusto kang makasayaw." maingat na sabi ko habang pinipilit talagang hindi magtama 'yung mga tingin namin at bibitaw na sana sa kaniya pero nagulat ako nang mas higpitan niya ang pagkakahawak niya sa akin.

"Marami rin namang mga lalaking naghihintay bitawan kita para maisayaw ka nila." sagot niya sa akin atsaka lumingon sa grupo ng mga kalalakihan sa kabilang banda na nakatingin din sa amin.

"At hindi ko sila bibigyan ng pagkakataon." saad niya kaya napatingin na ako sa kaniya.

Ngumiti siya.

"Sa wakas at nasilayan ko na muli ang pinakamaaliwalas na mga bituin na nagbibigay liwanag sa aking gabi." walang hintu-hintong sabi niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

Gusto ko sanang tumingala para tingnan kung may bubong pa ba 'tong bahay nila at nang malaman kung saan niya nakikita 'yung bituin na sinasabi niya pero siyempre dapat hindi ako halata para hindi ako magmukhang tanga kaya sinilip ko muna 'yung bintana pero wala naman akong natanaw ni isang bituin. Nababaliw na yata 'tong heneral na 'to at may nakikita na hindi ko nakikita.

"Oo nga pala, binibini... Niño." sabi niya bigla kaya nabalik ang atensyon ko sa kaniya.

Hindi ko nagets 'yung sinabi niya kaya binigyan ko lang siya ng puzzled look na mukhang naintindihan naman niyang hindi ko nagets 'yung sinabi niya.

"Tawagin mo nalang akong Niño." saad niya nang may ngiti sa mga labi.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts