webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · ย้อนยุค
Not enough ratings
98 Chs

II

Juliet

"Woah..." lang ang lumabas sa bibig ko nang makapasok na kami sa gate ng mansion nitong si Caden habang nakasakay sa karwahe. Pagkababa namin ng barko, sinalubong kami ng karwahe at pupunta na raw kami sa bahay ni Caden.

"Hacienda Cordova ang tawag ng mga tao sa lugar na ito at dahil nandito ka ngayon bilang kapatid ko, sa atin ang buong haciendang ito. Ang tatay natin ay si Don Horacio Cordova at ang nanay natin ay si Doña Faustina Allerton-Cordova na ngayon ay parehong nasa Inglatera. Kalahating Kastila at kalahating Pilipino si Don Horacio, Kastila ang tatay niya at Pilipina ang nanay niya samantalang si Doña Faustina ay may amang Briton at inang Kastila." explain ni Caden at napatangu-tango naman ako kahit hindi ko masyadong maalala kung ano ang mga lahi nila, ang dami kasi eh.

"So, okay lang na... gamitin ko 'yung totoong pangalan ko rito?" tanong ko.

"Wala naman na tayong magagawa. Nakilala ka na nila bilang Juliet dahil sa kwintas mo." sagot niya atsaka tinignan ang kwintas ko kaya napahawak ako rito. Parang kasalanan pa ng kwintas ko eh.

"Oo nga pala, pupunta tayo sa handaan ng mga Enriquez mamayang gabi kaya ipapaasikaso kita kay Adelina. Isa siyang kasambahay na magiging tagapagbantay mo."

"Tagapagbantay? Hindi ko kai—"

"Madalas akong wala kaya't kailangan kong makasiguro na wala kang gagawing kahibangan habang wala ako." putol niya sa sasabihin ko at tinignan ako na para bang isa akong malaking delubyo na sisirain ang buong 19th century kapag naiwang mag-isa.

"Okay pero... bakit kailangan pang pumunta roon sa Enriquez chuchu na 'yun? Hindi ko naman kilala 'yun." tanong ko.

"Yung nakasayaw mo, siya si Enrique Enriquez y Sebastian. Alam mo pangalan ng bayang 'to? San Sebastian. Kung ayaw mong ma-issue, sumama ka nalang." sagot niya na may pagtataray ang tono.

"Hindi ko gets. Ano naman kung kapangalan niya 'yung bayan?" kunot-noong tanong ko.

Napafacepalm si Caden.

Bakit ba? Totoo naman ah? Anong meron doon eh madalas namang madaming magkakapangalan.

"Kung sa modern day, ang pangalan niya ay Enrique Sebastian Enriquez. 'Yung lolo ng lolo ng nanay niya ang isa sa mga nakadiskubre sa bayan na 'to at pinagtulungan nilang paunlarin at gawing bayan. Makakapangyarihang tao sila sa bayan na 'to kaya isang karangalan ang maimbitahan sa bahay nila at kahihiyan ang tanggihan sila kaya huwag ka nang makulit." mahabang explain niya sa akin.

"Pero gusto ko nalang mamasyal." sagot ko.

Boring naman. Pupunta pa sa party na 'yon eh pwede namang magsight-seeing. Ang ganda kaya ng Pilipinas sa panahong 'to! Napaka fresh.

"Huwag kang mag-alala, marami ka pang araw na gugugulin para sa pamamasyal dahil baka mga dalawang taon tayo rito." Ngisi niya.

Agad akong napalingon sa kaniya, halos lumuwa na ang mga mata ko sa gulat.

"ANO?!" pasigaw na tanong ko na bumasag sa katahimikan ng paligid.

Biglang tumigil ang karwahe.

"May problema po ba, Señor Caden?" tanong ng kutsero.

"Wala. Magpatuloy ka lang." sagot ni Caden at ibinalik ang tingin sa akin.

"Huwag ka ngang maingay. Ang ingay mo na nga sa utak mo, ang ingay mo pa rin sa totoo." kunot-noong sabi niya sa akin at hinimas-himas ang tenga niya.

"Hindi ako pwedeng mastuck nang taon dito, huy!" Yugyog ko sa kaniya.

"Huwag kang makulit, mahihirapan 'yung kabayo." saway niya sa akin.

"Buti pa sa kabayo may pakialam ka, paano sa akin? Paano ang kinabukasan ko, Caden? Paano?" pangungulit ko sa kaniya.

"Susubukan kong gumawa ng paraan." tanging sagot niya kaya tumango nalang ako. Ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa bintana at pinagmasdan ulit ang mga bukirin.

Grabe ang yaman ng agrikultura ng Pilipinas pero bakit sa kasalukuyan ni hindi natin masustentuhan ang sarili nating mga agrikultural na pangangailangan?

Nakakalungkot isipin na lahat ng 'to, mapapabayaan lang sa paglipas ng panahon. Kasabay ng pagdaan ng mga taon ang patuloy na pagsasawalang bahala ng mga mamamayan sa mga likas nitong yaman.

Huminto ang karwahe sa tapat ng malaking mansion. Jusko. According kay Caden, kami lang daw ang nandito dahil wala sina Don Horacio at Doña Faustina. Magkakakitaan pa kaya kami ni Caden sa loob ng bahay na 'to?

Pagpasok namin sa loob, halos hindi ko alam kung saan unang titingin. Mukhang sobrang mamahaling bahay sa labas pero mas mukhang bahay ng sobrang yayamang tao sa loob. Halata na galing sa iba't ibang bansa 'yung mga kagamitan at halatang mamahalin. Ang dami ring kumikinang na mga bagay jusko, hindi kaya manakawan 'tong bahay na 'to? Malamang kung sa present 'to, pati 'tong sahig nanakaw na sa kintab.

"Kilala ako bilang manlalakbay, mang-aalahas at kolektor ng mga gamit kaya tama ang iniisip mo, galing sa iba't ibang bansa ang mga gamit dito." biglang sabi ni Caden at naglakad na ulit kaya sumunod ako.

"Ito ay galing pa sa Ehipto. Nabili ko noong nakaraang taon." Turo niya sa malaking vase sa tabi ng hagdan bago umakyat.

Sinamahan ako ni Caden sa magiging kwarto ko at lahat daw ng nasa kwarto na 'to, sa akin na. Iba rin 'tong si Caden eh. Kung mamigay ng mga gamit at kwarto akala mo namimigay lang ng piso.

"Magpahinga ka muna at aalis tayo mamaya." saad ni Caden bago lumabas sa kwarto.

Tinignan ko lahat ng gamit sa loob ng kwarto. Mga usual things na nasa kwarto siyempre pero 'yung natuwa talaga ako ay 'yung parchments and quill. Grabe, legit palang ganito ang panulat dati. Naexcite tuloy ako magsulat. Kaya lang... sinong susulatan ko?

Umupo ako sa upuan at ni-ready 'yung susulatan at panulat ko.

'Dear Trisha,

Ikaw una kong susulatan habang nandito ako sa 1800's. Ikaw kasi yung huling kasama ko bago ako napunta rito at sorry nga pala dahil bigla akong nawala, nagulat nalang din ako napunta ako rito eh. Sabi ni Caden, matagal-tagal pa raw bago ako makakabalik sa present pero gagawan daw niya ng paraan at sana nga magawan niya. Sa ngayon, ayos pa naman ako rito. Nakakatuwa makita ang kalagayan ng Pilipinas sa taong 'to dahil ibang-iba sa Pilipinas na kinagisnan natin. Wala pang pollution dito na lagi nating nararanasan kapag nagco-commute tayo o basta bumabyahe. Wala pa ring global warming dito dahil wala pa naman masyadong chemicals na ginagamit sa pang-araw-araw at kalesa lang ang sasakyan kung may pupuntahan. Halos isang araw palang akong nandito pero nakita ko na agad ang mga sobrang pagkakaiba sa panahon ngayon kaysa panahon natin. Sana nandito ka rin para may kasama akong tumingin sa mga gwapong maginoong lalaki rito. Hanggang dito nalang muna.

~Juliet'

Pagkatapos magsulat, hindi ko namalayan at nakatulog pala ako. Nagising ako nang may kumatok sa pinto at siya raw si Adelina kaya sabi ko pumasok siya. Nagulat ako nang makitang mas bata siya sa akin. Siguro wala pa siyang 18 years old. Pagkapasok niya, may nakasunod sa kaniyang mas nakatatanda sa aking babae. Nanay kaya siya ni Adelina?

"Magandang gabi po, Señorita Juliet. Ako po si Felicitas." bati niya sa akin at may dala siyang baro't saya.

"Magandang gabi rin po." bati ko rin at nagtinginan sila ni Adelina. May mali ba akong nasabi?

"S-Señorita... ito po pala ang susuotin niyo mamaya para sa handaan sa Hacienda Enriquez-Sebastian." sabi ni Adelina at inabot 'yung baro't sayang dala-dala ni Manang Felicitas.

"Maraming salamat." sabi ko at tinuro nila sa akin 'yung banyo at naligo na ako. Pagkatapos, si Manang Felicitas ang nag-aayos sa buhok ko at katulong niya si Adelina.

"Uhm... kilala po ba talaga 'yung... Heneral Enriquez dito?" open ko ng topic dahil ang tahimik habang inaayusan niya ako ng buhok. Behaved lang akong nakaupo, nakatingin sa kanila sa tulong ng salamin sa harap ko.

Nagtinginan ulit sila ni Adelina bago nagsalita.

"Ang mga ninuno po ni Heneral Niño ang nagpaunlad sa bayan ng San Sebastian kung kaya't nakapangalan ito sa kanila." finally sagot ni Adelina pagkatapos nilang magtinginan. Tuloy lang sa pag-aayos ng buhok ko si Manang.

"Niño?" tanong ko.

"Palayaw po ito ng heneral, Señorita." sagot ni Adelina.

"Ah. Ano 'yung... totoo niyang pangalan?"

"Siya ang ika-apat na salinlahi kaya't siya na ang ika-apat na Enrique Luis Enriquez. Kilala ang lolo niyang si Don Enrique, tatay niyang si Don Luis, kaya't madalas siyang tawagin sa kaniyang palayaw na Niño. Nako, Señorita... kung totoo man ang mga bali-balitang niyaya ka niyang magpakasal sa may sayawan sa barko ay pag-isipan niyo pong mabuti. Kilala ang heneral na may iniiwanang babaeng luhaan sa bawat bayang kaniyang dinaraanan. Para itong sakunang bigla-biglang darating at bigla-bigla ring aalis at iiwan na lamang ang napinsala." kuwento ni Manang Felicitas.

Aba'y playboy pala itong Heneral Niño na 'to. Pero ibig sabihin Enrique Luis Enriquez IV siya? Ang galing naman. Onti lang kasi kilala kong napapasa pa 'yung pangalan ng ancestors sa descendants tapos umabot sila sa apat. Pero ang weird ng pangalan nila. Enrique Enriquez, parang ang redundant.

Pero teka, anong balitang niyaya akong magpakasal?!

"Ah... w-wala pong usapang kasal ang naganap noong nagsayaw kami." paglilinaw ko. Phew, mamaya ma-issue pa ako eh.

Atsaka duh? 22 palang ako, mag 23 at hindi pa ako tapos mag-aral, hindi pa ako nagiging doktor, bawal pa akong magpakasal!!!

Pagkatapos nila akong ayusan, bumaba na rin ako at nakita ko si Caden na kakalabas lang din ng kwarto niya.

"Mukha ka na ngang... dalagang Pilipina." sabi ni Caden pagkatapos akong tignan mula ulo hanggang paa atsaka inabot ang braso niya sa akin at sabay kaming bumaba sa pagkalaki-laking hagdan ng mansyong 'to.

Pagkalabas namin ng mansion, nagulat kami pareho nang ibang kalesa 'yung nasa tapat at may binatang nag-aabang.

"Magandang gabi, Ginoong Caden." bati niya kay Caden atsaka niya ibinaling ang tingin niya sa akin.

"At sa iyo, Binibining Cordova." Ngiti niya sa akin atsaka inayos ang sarili niya.

Napaisip agad ako nang makita 'yung kasuotan niya. Halos pareho sila ng suot ni Heneral Enriquez at may parang mga pins din siya sa damit niya. Sundalo rin ba siya? Isa rin ba siyang heneral?

"Ako nga pala si Heneral Estevan Guillermo." pagpapakilala niya.

Pinigilan ko yung sarili kong mapanganga dahil... heneral na naman?! 'Di ba mataas na posisyon ang heneral pero bakit parang ang ba-bata pa ng mga nakikita ko rito para maging heneral?

"Kung gayo'y ikaw ang ikalawang anak ni Don Francisco, tama ba?" tanong ni Caden.

"Ako nga, Ginoo. Ipinadala ako ng Señor Presidente sa Pampanga kaya't madalang na lamang akong makabalik dito sa San Sebastian." sagot nung Heneral Guillermo. Napatangu-tango si Caden atsaka nagsalita ulit 'yung heneral.

"Narinig ko na dadalo rin kayo sa handaan sa tahanan ng mga Enriquez kung kaya't minabuti ko nang dumaan dito para na rin masilayan ang ganda ng—"

"Hindi pa gaanong gamay ni Juliet ang mga tao rito, Heneral. Bagama't marunong siyang managalog ay bilin sa akin nila Ama't Ina'y limitahan muna ang pakikihalubilo niya sa mga taong hindi pa niya gaanong kilala." putol ni Caden sa sasabihin nung heneral.

"Ganoon ba... sabagay, kung ako rin naman ang nasa lugar nila Don Horacio't Doña Faustina'y iingatan ko nga rin ang bihirang gandang kaloob sa akin ng Maykapal." sagot nung heneral kaya napakapa ako sa saya ko at baka may naipit akong tissue rito. Hindi ko na keri 'tong Tagalog niya, frens!

"Maraming salamat at nauunawaan mo ang aking mga magulang, Heneral Guillermo. Magkita na lamang tayo mamaya sa handaan." sabi ni Caden at naglakad na papunta sa kutsero at kalesa namin sa tabi ng kalesa ng heneral kaya sumunod na ako sa kaniya.

Madaming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts