webnovel

Bulong ng Puso

Louise was 16 when she met Gael, ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepared to leave everything for him - her status, her fortune, maging ang sariling ama na sa simula pa'y tutol na sa kanilang relasyon. All of that she was prepared to do, masunod lamang ang isinisigaw ng puso. But he betrayed her, shattered her into pieces. Lumayo si Louise, to heal her broken heart and start all over. It took her a long time to rebuild her life but like a sick twist of fate, not only was she forced to face him again after 6 years but he also offered something that's hard to refuse - kasal kapalit ng pagbabalik nito ng lahat ng ari-arian ng kanilang pamilya. Louise was never materialistic kahit pa lumaki sa masaganang pamumuhay, but those properties, lalo na ang Hacienda Saavedra, ang buhay ng kaniyang amang si Don Enrique. Gael was too honest in saying it's purely business and no love involved sa alok nito, pero paano siya? Can she handle being around him again? Can she guarantee herself not to fall in love with him again?

aprilgraciawriter · สมัยใหม่
Not enough ratings
46 Chs

Chapter Thirty Two

Louise stood in front of that house for a few minutes bago nagkaroon ng lakas ng loob na humakbang palapit sa pinto upang kumatok. Tatlong katok ang kanyang ginawa sa pintuang kahoy. Walang sumagot. Baka walang tao?

Akma siyang muling kakatok ng bahagyang bumukas ang pintuan, sumungaw ang isang batang lalaki.

"Sino po kayo?" Wika ng maliit na tinig

Hindi siya agad nakasagot. Ang bata ay nanatiling nakatingin sa kanya, puno ng kyuryosidad ang mga mata nito.

Lumuhod siya sa tapat ng paslit upang magpantay ang kanilang mukha. She smiled at the child "dito ba nakatira si Cindy Vergara?"

"Opo" tugon nitong tumatango. The boy is indeed cute with his round eyes, papusong hubog ng mukha at malalantik na pilik mata.

"Nariyan ba siya?" She tried peeking behind the child.

"Enzo, sinabi ko na sa iyong huwag basta magbubukas ng pinto. Baka mamaya kung sinong- " nabitin ang sinasabi ng babae ng makita siya. Shock ang nasa mukha nito "L- Louise..."

Tumayo siya mula sa pagkakatalungko at inayos ang nagusot na blusa.

"Kumusta ka na, Cindy?"

*******

Louise uncomfortably shifted in her seat. She scanned the interior of the house, luma na iyon at maging ang mga kagamitan ay pawang napag iwanan na rin ng panahon. Ang sofa sa sala ay yari sa kahoy, gayundin ang maliit na lamesitang naroroon.

Inilapag ni Cindy ang isang baso ng juice sa kanyang harapan at tahimik na naupo sa silyang katabi ng kanyang kinauupuan. Halatang alumpihit ang babae sa kanyang presensya.

Ilang sandaling namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Si Cindy ang unang nagsalita.

"P-paano mong nalaman ang address ko?"

"Someone gave it to me. Kung paano rin niya nalaman, wala akong ideya..."

"Sino? I mean sino ang nagbigay sa iyo?"

"Does Patty Esteves ring a bell?" Sagot niya.

Cindy paused, pinipilit alalahanin kung kilala ba ang pangalang binanggit niya. Maya maya ay marahan itong umiling.

Pinakawalan ni Louise ang pinipigil na hininga, somehow ay inaasahan niyang magkakilala ang dalawang babae at parehas itong may kinalaman sa kung ano mang sikreto ng kahapon.

"K-kumusta ka na?" Alanganing tanong ni Cindy makalipas ang ilang sandali.

Nagkibit balikat siya "ganoon pa rin, I guess"

"Are you back for good?"

"Maybe" inabot niya ang baso ng juice at bahagyang uminom "to be honest, hindi ko pa alam"

"A-anong kailangan mo sa akin, Louise?" Anito sa alanganing tinig. She sensed a slight panic in Cindy's voice.

"I think you know what I need from you... gusto kong malaman ang buong katotohanan... everything that really happened 6 years ago" she looked at Cindy straight in the eye.

Matapos niyang malaman mula kay Marcie ang mga nangyari kay Gael anim na taon na ang nakalipas ay hindi na siya natahimik. Kaya halos naipag-pasalamat niyang  inilapag ni Patty sa kanyang harapan ang kailangan niyang impormasyon upang mahanap si Cindy. Ilang ulit din niyang sinubukang ma-track ang dating kaibigan ngunit bigo siya, tila walang nakakaalam kung nasaan na ito ngayon.

Hindi maitago ng babae ang halos pamumutla sa kanyang tanong.  "I- I don't know where to start..." Cindy said, medyo nanginginig ang boses nito.

Ngayon lamang niya ito napagmasdan ng malapitan matapos ang mahabang panahon. Cindy looks older than her actual age. Ano kaya ang naging buhay nito these past years?

"Totoo ba Cindy? pinagsamanatalahan ka ba ni Gael?" walang gatol na tanong niya.

Namuo ang mga luha sa mga mata ng babae. Banayad itong umiling, habang ang paningin ay nanatiling nakapako sa ibaba, unable to meet her eyes.

Louise's own heartbeat was deafening her "kung ganoon, pa-paanong nakulong si Gael?"

"I'm so sorry, Louise... that wasn't part of the deal with..." Cindy bit her lower lip.

"deal?" pag uulit niya "deal with who?"

Hindi ito sumagot. Tuluyan na itong napaiyak. Lalong kinagat nito ang pang ibabang labi to stop a sob.

"Utang na loob Cindy! tell me, please" she pleaded, she leaned towards Cindy, hinawakan niya ang nanlalamig na mga kamay nito.

Nag angat ng tingin si Cindy, meeting her eyes for the first time "when you asked me back then for help upang makapag tanan kayo ni Gael, I truly wanted to help, Louise..."

suminghot ito  " but then your...your...father knew your plan for some reason and he...he offered me a huge amount of money para hindi matuloy ang plano niyo...I am so sorry, Louise...patawarin mo sana ako..."

Your father...your father knew your plan and offered me a huge amount of money... nag echo sa pandinig ni Louise ang sinabi ng babae. Daig pa niya ang naestatuwa sa kinauupuan. Hindi niya namalayan ang paglandas ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Oh sweet Lord! Is she in some kind of a movie? Akala niya ay pang mga drama lang ang ganitong scenario.

"Your father only told me, I needed to pretend like Gael betrayed you...para layuan mo siya"

"I thought you were my friend back then Cindy? my bestfriend..." mapait na sagot niya, binigyang diin ang salitang 'bestfriend'

"Mahirap lang kami, Louise... and back then my parent's small business was struggling. Half a million pesos is way more than I could ever imagine na magkakaroon kami... I know, wala akong kuwentang tao to throw away our friendship for that amount, pero tao lang ako Louise, natukso ako ng salapi..." her voice cracked, dinig ni Louise ang pagsisisi sa salita nito.

Gustong matawa ni Louise. Her bestfriend betrayed and threw her away for such a meager amount of money. Half a million pesos. For a sixteen year old, yes that's a lot, still, no amount of money can make her betray someone like that.

Cindy continued "after you saw us that day... Gael woke up next to me and I swear he wanted to kill me for what I've done. I was so scared I told him the truth...that your dad paid me to do it, but it didn't seem to help dahil nadatnan kami ng mga magulang ko sa silid...I didn't have the courage to tell them what I've done and so..." she stopped, unable to control a sob 

"...so I told them that Gael forced me"

Ang buong katawan ni Louise ay nanlamig sa narinig, her expression remained blank ngunit ang mga luha niya ay walang patda sa pag agos.

"You framed Gael?" puno ng pagkasuklam na tanong niya, ang sariling tinig ay halos hindi umabot sa sariling pandinig.

"Hindi ko alam ang gagawin ko that time. Hindi ko din alam na mag p-press ng charges ang mga magulang ko, because I begged them not to... Don Enrique also found it as the perfect opportunity to exercise his influence in town...Gael wasn't able to get out of prison for a few months becuase your dad was blocking it."

Shock was an understatement para sa nararamdaman niya ngayon. Tila naliliyo siya at nasu-suffocate sa mga nalalaman niya mula kay Cindy.

"Natakot din ako sa papa mo, Louise" Cindy continued  "... he warned me never to tell anyone about what really happened, kung hindi ay pagsisihan ko daw at ng pamilya ko"

Cindy covered her face with her hands, na para bang sa ganoong paraan ay mabubura sa isip nito ang mga pangyayari "naawa ako sa kinahinatnan ni Gael but it was too late, he was also expelled from school as rumors began circulating in town..." hindi nito naituloy ang sinasabi dahil napasigok ito sa pag iyak.

"... I swear hindi ko alam na hahantong sa ganoon ang mga pangyayari, Louise... nang hindi na makaya ng kunsensya ko, I told my parents the truth... they almost disowned me, Louise... iniurong nila ang demanda pero dahil sa impluwensya ng papa mo, hindi pa rin agad nakalabas si Gael..."

Tila binibiyak ang puso niya sa mga naririnig, she wanted to fly home and embrace him, tell him that she was sorry for hating him all these years... for leaving and not looking back...

"What about your...son? isn't he Gael's?"

Agad na umiling si Cindy. Pagak itong tumawa "I guess I should have believed that karma is a bitch" pinilit nitong ngumiti, isang ngiting puno ng pait.

"Enzo is Renz's son..." na ang tinutukoy ay ang kasintahan noong high school pa lamang sila. "A few weeks after I framed Gael, I found out I was pregnant... I told Renz he was the father, pero sa pagkasuklam niya sa akin ay hindi niya ako pinaniwalaan. Ipinagtabuyan niya ako... that half a million I got from your dad, cost me the love of my life and my son's father among other things"

Naitutop ni Louise ang mga kamay sa bibig, hindi anak ni Gael ang bata! Tila isang malaking tinik ang nabunot sa kanyang puso. Everything's starting to make more sense now. Kaya pala ni hindi ito nagpakita sa ospital nang maaksidente siya, o kaya ay noong graduation, ay dahil nasa kulungan ito, nagdurusa sa isang bagay na hindi nito ginawa, all because her dad had the power, influence and money to make him suffer like that.

Hilam na sa mga luha ang kanyang mata ng tingnan niya si Cindy, walang salitang gustong mamutawi sa kanyang mga labi dahil ang totoo ay gusto niyang humagulgol ng iyak.

Why dad? why?!

"Alam kong napakalaki ng nagawa kong kasalanan sa iyo Louise...sa inyo ni Gael... sa maniwala ka o sa hindi, pinagbayaran ko ang kasalanan na iyon"  Cindy paused for a bit "after we left town, namatay si tatay...siguro sa sama ng loob sa akin, hindi niya matanggap ang nagawa ko at ang katotohanang buntis pa ako ...matapos lang ang dalawang taon, na diagnose na may cancer si nanay...doon napunta ang perang nakuha ko kapalit ng ginawa kong kasamaan, Louise..."

Gusto niyang maawa kay Cindy. Siguro nga ay matindi ang tuksong dala ng pera, bata pa ito noon, hindi pa matinong mag isip. Pinahid niya ang mga luha at hinawakan ang mga kamay nito. She smiled at her "salamat sa pagsasabi mo ng totoo Cindy...salamat".

*******

Idinukdok niya ang ulo sa manibela at tahimik na umiyak. Bakit papa? Paano mo itong nagawa? Lalo siyang napaiyak ng maalala si Gael. Sari-saring mga ala-ala ng kahapon ang nagsalimbayan sa utak niya sa pagkakataong iyon...

He placed the necklace around her neck...

Remember sweetheart, for as long as there is air to breathe, akin ka lang at sa'yo lang ako...

"Gael" usal niya sa pagitan ng paghikbi "I'm sorry..."

Matapos ang ilang minutong pag iyak ay pinahid niya ang mga luha at inayos ang sarili. She's made up her mind: she will pay for what her father did to Gael. Alam niyang masasaktan siya sa huli, pero hindi ba't minsan na rin siyang nasaktan? Her heart might not mend this time, pero kakayanin niya. This is the least she could do to atone for her father's sins.

Gabi na ng makauwi siya sa San Nicolas mula sa pakikipag kita kay Cindy. Inabutan niya sa terasa si Gael na balik balik sa paglakad, mukhang hinihintay siya. Agad siyang sinalubong nito ng matanaw siyang palapit.

"Saan ka ba nanggaling?!" nakasimangot na bungad nito "mag aalas diyes na! kanina pa kita tinatawagan, you were not answering any of my calls. Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo" lalong kumunot ang noo nito nang mapagmasdan ang mukha niya, kitang kita kasi ang pamamaga ng kanyang mga mata.

"Did something happen, sweetheart? have you been crying? are you alright?" sunod sunod na tanong nito.

She remained staring at his face, na para bang noon lamang niya ito nakita after a long time. Her heart wanted to leave her chest and go to him.

"Sweetheart? God! please tell me what's wrong?"

Without saying anything ay nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap. He was obviously surprised sa ginawa niya. She pressed herself against him. Ah! It feels so nice to be near him!

Ginantihan siya nito ng yakap, nasa tinig pa rin nito ang pag aalala "anong nangyayari, Louise? please..damn it! please tell me!"

Kumalas siya ng yakap dito at tiningala ito "kiss me, Gael...please, kiss me..."

Her request startled him, nasa mukha nito ang pagkalito sa pag-iiba ng pakikitungo niya rito.

"Are you ok, sweetheart?" Dinama nito ang noo niya.

No, Gael. I am not okay. The truth is hurting me more than the lie I believed in for 6 long years. It's breaking my heart knowing how you must have suffered because of me. But I swear, I will do everything that I can para pagbayaran sa iyo ang kasalanan ng ama ko...

"I want to be your real wife, Gael Aragon..."