webnovel

Bulong ng Puso

Louise was 16 when she met Gael, ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepared to leave everything for him - her status, her fortune, maging ang sariling ama na sa simula pa'y tutol na sa kanilang relasyon. All of that she was prepared to do, masunod lamang ang isinisigaw ng puso. But he betrayed her, shattered her into pieces. Lumayo si Louise, to heal her broken heart and start all over. It took her a long time to rebuild her life but like a sick twist of fate, not only was she forced to face him again after 6 years but he also offered something that's hard to refuse - kasal kapalit ng pagbabalik nito ng lahat ng ari-arian ng kanilang pamilya. Louise was never materialistic kahit pa lumaki sa masaganang pamumuhay, but those properties, lalo na ang Hacienda Saavedra, ang buhay ng kaniyang amang si Don Enrique. Gael was too honest in saying it's purely business and no love involved sa alok nito, pero paano siya? Can she handle being around him again? Can she guarantee herself not to fall in love with him again?

aprilgraciawriter · สมัยใหม่
Not enough ratings
46 Chs

Chapter Forty Two

Dahan dahang iminulat ni Louise ang mga mata. Napapiksi siya nang kumirot ang kanyang ulo. Panic gripped her when she realized that her hands are tied behind her back. Madilim ang lugar na kinaroroonan niya, hindi niya mapagtanto kung nasaan siya. She wriggled and tried to free her hands, mahigpit ang pagkakatali niyon ng makapal na lubid.

"Help!!!" Paos na sigaw niya. Pinilit niyang ikalma ang sarili at paganahin ang utak. Takot na takot siya, higit lalo para sa dinadala kaysa sa kanyang sarili.

Maaga siyang umalis ng Sta. Martha upang makipagkita kay Kurt, dahil tinawagan siya nito kahapon saying that he's interested in buying the house and lot in San Martin. May isang linggo na niyang ipinalagay sa diyaryo at online ads na ibinibenta niya ang propriedad sa San Martin na iniwan sa kanya ng ama. At ngayon ngang araw na ito napagkasunduan nilang magkita upang matignan nito ang bahay, ngunit sa hindi pa rin niya malamang kadahilanan, hindi sumipot si Kurt at sa halip ay tatlong lalaking hindi niya kilala ang walang paalam na pumasok sa kabahayan. Isa sa mga ito ay tinapalan ng panyo ang kanyang ilong at bibig na naging sanhi ng agad niyang pagkaliyo at pagkawala ng malay. Nang magising siya ay narito na nga siya sa madilim na lugar na sa tantiya niya ay isang kamalig.

Muli niyang sinubukang pakawalan ang mga bisig sa pagkakatali, kasabay ng muling pagsigaw ng tulong. Tumayo siya at lumapit sa isang bintanang naroroon bagaman sinaraduhan rin iyon ng mga tabla. Sa isang maliit na siwang ay pinilit niyang tignan kung nasaan siya.

Walang ibang makita si Louise mula sa maliit na siwang ng bintana kundi mga nagtataasang talahib. Wala siyang ideya kung saang lupalop siya naroroon, ngunit sa kanyang palagay ay isa lamang ito sa mga karatig bayan ng San Martin. Muli ang pagsigaw niya ng tulong kahit pa gusto na niyang mawalan ng pag asa dahil sa palagay niya ay nasa isang ilang na lugar sila kung saan walang makakarinig sa kanya.

Si Kurt ba ang may pakana nito? Pero bakit? Ano ang pakay ng lalaki para gawin ito sa kanya? No, no! Ipinilig niya ang kumikirot na ulo, hindi ito magagawa ni Kurt sa kanya! Malamang ay nagkataon lamang ang pagsulpot ng tatalong lalaki sa bahay kung saan dapat ay magkikita sila ni Kurt. Wala siyang maisip na dahilan para gawan siya nito ng masama!

"Tulong!!!" Sigaw niya ng ubod ng lakas. Ang lalamunan niya ay tila nanuyo na sa kakasigaw.

"Hoy! Tumahamik ka nga riyan!" Bulyaw ng isang lalaki sa kanya, pumasok ito sa kamalig na may dalang gasera. Ibiniling ni Louise ang ulo dala ng pagkasilaw sa liwanag ng dala nitong gasera.

"Si-sino ka? A-anong kailangan mo sakin?!"

"Ako? Kung ako lang wala akong personal na kailangan sa'yo, miss" tumalungko ito sa harap niya "pero yung perang ibabayad sa akin, yuon! Yoon ang kailangan ko" nakakaloko itong tumawa.

"Sino ang nag utos sa iyo para gawin ito?" Galit na tanong ni Louise, ang paningin ay itinuon sa lalaking kaharap. Nakatakip ng panyo ang kalahati ng mukha nito kaya't hindi niya lubusang makilala.

Itinaas ng lalaki ang gaserang dala sa tapat ng mukha ni Louise upang mas maigi siyang pagmasdan. Pumalatak ito "tsk! Sayang ka miss, ang ganda mo pa naman!" Tila demonyong ngumisi ito at napapiksi si Louise nang hawakan ng magaspang na kamay nito ang kanyang baba at pinilit iharap dito.

"Hoy Manding! Ano ba yang pinag gagagawa mo?!" Sigaw ng isa pang lalaki na pumasok din sa loob ng kamalig "hindi parte ng utos satin yan!"

"Sayang 'to pare! Ang ganda!"

Hindik na pinilit ilayo ni Louise ang mukha sa lalaking tinawag na Manding. Nangalisag ang lahat ng mga balahibo niya sa katawan ng mahinuha ang ipinahihiwatig ng Manding na ito sa malisyosong tingin nito sa kanya.

Diyos ko! Please save me... please save us... mahinang dalangin niya.

"Kahit pa! Wala naman sa usapan ang pakialaman ang babaeng yan!" Muling tutol ng kasama ni Manding.

"Napaka KJ mo talaga! Mamamatay lang din naman ito eh bakit hindi pa muna natin dalhin sa langit, di ba miss?" Muli itong malisyosong ngumisi, at hinawakan ang buhok ni Louise.

Matapang itong dinuraan ni Louise sa mukha "get your filthy hands off me!" sigaw niya.

"Aba't!!!" Pinunasan nito ang mukhang naduraan at matapos ay isang malakas na sampal ang ibinigay kay Louise.

Halos natumba siya sa lakas ng pagkakasampal ng lalaki sa kanya. Hindik na nanlaki ang kanyang mga mata ng malasahan ang dugo sa mga labi.

"Ano ba ang kailangan niyo sa akin?!" Hiyaw niya "Please. Pakawalan niyo na ako! Pera ba? Kaya ko rin kayong bayaran. I can double whetever amount you're getting paid to do this!"

Tumawa si Manding "malaki na ang bayad sa amin, at kung matitikman pa kita eh hindi ko na kailangan ng karagdagang bayad" tila demonyo itong tumawa at muli siyang nilapitan. Bigla nitong dinakma ang kanyang dibdib, napatili si Louise sa takot at pagkasindak. Buong lakas niya itong tinadyakan, tila tinamaan niya ito sa pagkalalaki kaya namilipit ito ng sakit sa sahig habang tutop ang harapan.

"Putang ina kang babae ka! Makikita mo sa akin!" Wika nito habang naminilipit sa sakit.

"Tsk! Sinabi ko na kasi sa iyong tama na yan eh!" Anang kasama nito at nilapitan ang lalaking nakauklo pa rin sa sakit. Tinulungan nitong makatayo ang lalaki.

Sinamantala ni Louise ang pagkakataon upang mabilis na tumakbo palabas ng kamalig.

"Hoy!" Sigaw sa kanya ng lalaki at agad na tumakbo upang habulin siya "tigil!" Muling hiyaw nito.

Hindi pinansin ni Louise ang bulyaw nito at walang lingon-likod na nagtatakbo. Hindi siya sigurado kung saan siya papunta, ang tangi niyang alam ay kailangan niyang makalayo sa lugar na iyon.

Nabuhayan siya ng loob ng mamataan ang liwanag na nagmumula sa tila kalsada sa di kalayuan. Lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo, hindi alintana ang matatalim na mga talahib na gumasgas at humiwa sa kanyang mukha.

"Tigil!" Muling sigaw ng lalaki at napatili si Louise nang marinig ang putok ng baril na pumailanlang, ganoon pa man ay hindi siya tumigil sa pagtakbo.

God! Please help me!

Tanaw na niya halos ang makitid at hindi simentadong kalsada ng hindi niya mapuna ang sanga ng isang kahoy na nakaharang. Napasigaw siya sa sakit ng tila napilipit ang kanang paa niya sa pagtumba. Pinilit niyang muling tumayo sa kabila ng sakit dahil nakita niya ang dalawang lalaking humahabol sa kanya sa hindi kalayuan.

Paika-ika siyang muling lumakad, impit ang daing habang patuloy sa pagbuhos ang mga luha sa magkahalong sindak at takot sa nakaambang panganib.

"Miss! Huwag mong hintaying iputok ko ito! Hinto!"

Nanginginig na nilingon ni Louise ang pinanggalingan ng tinig. Ang isa sa dalawang masasamang loob ay nakatutok na ang baril sa kanya.

"P...please... h-huwag mo...a-akong pa-pa-tayin..." pagsusumamo niya sa nauutal na tinig.

"Anong nangyayari dito?!" Isang malakas na tinig mula sa di kalayuan ang kanyang narinig.

Someone took notice of what's going on! Marahil ay isa sa mangilan ngilang sasakyang napadaan doon! Thank you God! I'm saved!

She turned around and her eyes went huge nang makilala ang pinanggalingan ng tinig.

Si Patty!

Agad nagliwanag ang mukha ni Louise. She never thought a day would come that she will be so happy to see this woman!

"Patty!" Bulalas niya. Halos maiyak sa galak, ni hindi niya nagawang itanong sa sarili kung bakit at paano itong napadpad sa lugar na iyon.

Nakatutok pa rin ang baril ng lalaki sa kanya kaya't hindi niya nagawang tuminag sa kinatatayuan. Si Patty ay nakita niyang matapang na lumakad palapit sa kinatatayuan niya, ang kotse nito ay nakaparada sa di kalayuan, ang ilaw ng sasakyan nito ang nagdagdag liwanag sa maliit na kalsadang iyon.

Mahina niyang sinenyasan ng iling si Patty. What is she doing? Bakit ka lumalapit? Turn around and call the police for heaven's sake!

Huminto ang babae sa tapat niya at malungkot ang mukhang tinignan siya "aww, Louise... look at you..."

"Call the police..." she silently muttered.

"What?" Sagot nito na parang hindi siya narinig. Inilapit nito ng bahagya ang mukha sa kanya "what was that? Call the police?" Pag uulit nito.

Sa pagkagilalas ni Louise ay humalakhak itong parang baliw "oh Louise, Louise...tsk tsk..."

"Anong ibig sabihin nito, Patty? Ikaw ba ang may kagagawan nito?!"

Sinenyasan ni Patty ang dalawang lalaki sa kanyang likod "ibalik niyo na doon ang babaeng yan!"

"P-Patty wait!" Inabot niya ang braso nito at mahigpit na hinawakan "p-please...kung...kung ano man ang g-galit mo sa akin... nagmamakaawa ako sa iyo... kahit para man lang sa dinadala ko... maawa ka" aniya sa pagitan ng paghagulgol .

Nawawalan na siya ng pag asa. Mukhang wala halos dumaraang sasakyan sa lugar na iyon, wala rin siyang makita ni isang malapit na kabahayan. Sumigaw man siya, sino ang makaririnig sa kanya?

"Ano'ng sabi mo?" Galit na sagot ng babae sa kanya, ang mukha nito ay nagmistulang demonyo sa paningin ni Louise, bakas roon ang matinding pagkamuhi sa kanya "buntis ka?!"

"P-Patty please"

"Malandi ka talagang babae ka! Hindi ka talaga tumigil hanggang hindi mo tuluyang nakuha si Gael!" Nilabnot ni Patty ang buhok niya at ubod lakas iyong hinila "dapat lang talagang mamatay ka! Dapat kang mawala!"

"Parang awa mo na..." umiiyak pa ring pakiusap niya habang pinipilit pigilan ang kamay nitong mahigpit pa ring nakatangan sa buhok niya.

"Sige! Ibalik na ang babaeng yan sa kamalig!" Malakas na utos nito sa dalawang lalaki na agad namang tumalima. Halos kaladkarin siya ng mga ito.

"Patty! Please! Aalis ako! Pangako aalis ako! Hindi na ako babalik pa, hindi ko na kayo guguluhin ni Gael! Please! Maawa ka!" Panaghoy niya habang sapilitan siyang iniaalis ng mga tauhan nito, ngunit tila walang narinig ang babae.

Pabalya siyang iniupo ni Manding sa isang sulok ng kamalig at pagkatapos ay umalis at ikinandado ang pinto.

Is this really her end? Ni hindi man lamang ba niya makikita ang anak?

Anak... I'm so sorry I couldn't protect you... umagos ang tahimik na luha mula sa kanyang mga mata. Tila nawalan na siya ng lakas na lumaban. She blindly stared at the darkness, patuloy ang paglalandas ng luha niya.

Gael. Hindi man lang niya naiparating dito ang tunay na nararamdaman... if only she could turn back time...kung maari lamang niya itong muling makita kahit isang saglit lamang, kung maaari lamang niyang muling madama ang mga labi nito, she won't waste any time at sasabihin niya ritong tanging ang pangalan lamang nito ang paulit ulit na bulong ng kanyang puso... na ito lamang ang tanging lalaking kanyang minahal at patuloy na mamahalin hanggang sa kanyang huling hininga...

Gael... she softly whispered his name. Lalong sumidhi ang sakit sa kanyang puso sa kaisipang hindi man lamang niya naipaalam ditong magiging ama na ito, na nagbunga ang kanilang pagmamahalan...

Panic arose once again when she smelled the scent of gasoline kasabay ng pagliliwanag ng isang bahagi ng kamalig na iyon.

Fire!!! Sinusunog ang kamalig!

Inihit siya ng ubo nang malanghap ang matapang na usok na nagmumula sa apoy.

This is it. This must be her end.

Gael...

Bigla ang marahas na pagbukas ng pintuan, sa nanlalabong paningin ni Louise ay isang pigura ang umibis mula sa apoy na nagsisimula ng tumupok sa lugar na iyon.

Gael? No. She is clearly hallucinating. How could Gael find her here? Siguradong pinaglalaruan siya ng imahinasyon niya, marahil ay sa tindi ng pagnanais na makita ito.

"Gael..." she muttered. Alam niyang halusinasyon ito but it felt so real. Tila totoong naroon ito ngayon sa kanyang harapan at nagmamadali siyang binuhat sa mga bisig nito "I...I love you, Gael..." usal niya bago nagdilim ang buong paligid.