webnovel

Bullets of Past

Bullets Series #1: In a university where deaths and murders are present, there lives an angel and a demon. Elle Sophia Interior, an elegant girl fond of simplicity yet has a scary background. She is born with overflowing diamonds around her bed. Her family owns the world's dangerous assassin company. However, despite the protection, her family has, how come an ambush keeps on going? Damon John Ortega, the school's most dangerous human being. His surname is a potential enemy behind the ambush predicted by the Interiors. It's obviously rooted in the pasts of their parents. Yet, the roughness of Damon's attitude caught Elle's attention. The way he teases and makes her feel special yet hated at the same time is very confusing. Elle doesn't know the whole frame. Her brother didn't allow her because they knew she would avenge. But Hugh Salazar set the chains free with a deal. A deal to find out the truth by herself. Now, what will happen if she finds out? Is the war between the Ortegas and Interiors will finally come to an end? Or a beautiful catastrophic change?

FuriousHearts · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
59 Chs

Damon John Ortega

Na-realize kong meron pa pala akong susunod na subject kaya naman nagpaalam na ako sa kanila.

Naiinis akong dumiretso sa susunod kong subject. Ayoko lang talaga sa mga taong masyadong mapagmataas at masyadong bossy. Hindi ko alam kung saan ako naiinis, kung sa nangyari ba kanina o sa mga mayayabang. Ewan ko ba!

Mayabang type of people will never be successful! They will never gonna be able to communicate to ordinary people. Because they don't know the word "respect". We all need that word. You will never reach the top if you will not change your attitude. But that kind of attitude is a sin! No one can accept that kind of insult! Gosh! I hate that guy.

Pumasok na ako sa pinto at dumiretso sa isang bakanteng upuan. Nagulat ako nang muli kong nakita si Damon na agad naman akong nilagpasan at umupo sa upuan na kasunod ng akin.

Kinagat ko ang aking labi at pinigil ang aking sarili sa pagsasalita. Kinalma ko ang aking sarili at umupo na lang.

Gosh! Is that even possible? na makasama mo ang isang tao ng tatlong beses sa parehong subject? Bakit ba nakakairita 'tong tao na nasa likuran ko na nakaupo at naka bukaka habang pinaglalaruan ang lapis na kanyang hawak.

Nilingon ko siya at nahuli niya 'yon. Tinaasan niya ako ng kilay at binigyan ng malamig na titig. Uminit ang aking pisngi at kaagad na umiwas.

Dumating narin ang prof kaya nabaling ang atensyon ng lahat sa harap. Kinuha ko narin ang lecture notebook ko.

Matagal at nakakaboring ang subject kaya ginutom ako. Nang tumunog ang bell ay mabilis kong inayos ang aking gamit. Hindi ko na siya nilingon at baka kung ano pa ang isipin. Dumiretso ako sa dorm ko.

Sandali kong inisip ang mga pangyayari kanina...

Mayroon pala talagang ganoong klaseng tao. Mga walang awa at tila walang pakealam sa paligid. Naisip ko lang kung gaano katigas ang kanilang puso. Ano kaya ang pakiramdam ng ganoon? 'yong parang wala kang sinasamba. Paano pa kaya kapag nagmahal sila o halimbawa nag mahal si Damon ng babae? Edi ibig sabihin handa siyang makipag patayan para sa taong mahal niya? Kasi kung titingnan mo ang sitwasyon ngayon... Kahit ang simple lang ang nagawa sa kanya nong lalaki ay halos basagin na niya ng tuluyan ang mukha.

I find it sweet kung magiging ganoon siya sa babaeng mamahalin niya. Pero kahit sweet 'yon ay masasabi kong delikado parin. Too much sweetness is not healthy. Pero boys will be boys. Bihira nalang ngayon ang mga loyal. Mahirap mag hanap ng ganoon. At tiyak babaero ang mga tulad ni Damon.

Huminto ako sa room no.256. Ito kasi ang kwarto kung saan ako matutulog. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa aking harapan ang isang double deck na higaan. Sa kaliwa naman ay isang pinto at isang sliding window sa harap.

Nagulat ako ng bumukas ang pinto sa gilid at lumabas si Ana na basa ang buhok.

"Dito karin pala?" gulat kong tanong

Tumango siya at umupo sa pang ibaibang kama.

Maganda ang design ng kwarto. Nakaka relax ang dingding na kulay pale violet. At ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa bukas na sliding window.

"Bakit ka nga pala lumipat dito? Eh hindi ba mas maganda ata ang pinanggalingan mong university? " tanong ni Ana

Galing ako sa isa sa pinakamalaking eskuwelahan ng bansa. Kilala iyon maging sa ibang bansa. Sikat na sikat doon ang larong volleyball.

Oo, hindi ko maitatangging mas maganda at mas maayos ang impression ko sa past school ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako inilipat ng school gayong alam naman na mas maganda at mas maayos ang background. Hindi ko rin maiwasan na manibago sa paligid. Hindi rin ako sanay na nakakapanood ng mga bayolenteng eksena.

"Oo nga eh. Hindi ko rin alam." tanging naisagot ko kay Ana

Tumayo siya at inayos ang sarili sa harap ng salamin bago nag-aya na mag lunch kasama ang mga kaibigan niya.

Um-order ako ng vegetable salad, cuisine at avocado shake. Sabay sabay kaming pumunta sa isang bakanteng table na tila iniiwasan ng lahat. Nagsabi narin si Ana na huwag kami doon pumwesto ngunit ako ang nagpumilit.

Nang kami'y pumwesto ay nabighani ako sa ganda ng view mula sa baba. Nakaka libang tingnan ang mga sasakyan. Nakapagtataka nga lang kung bakit ito iniiwasan ng mga tao gayong taglay naman nito ang ganda ng view.

Sinimulan na namin ang pagkain ng kanya-kanyang pagkain.

Kahit na ang pagkain ay masasarap. Ngayon ko lang masasabing maganda rin pala ang eskwelahang 'to. Pinapapangit lang ng iba ang background.

Habang kumakain ka ay biglang sumagi sa aking isipan kung ano at sino ba talaga si Damon at kung bakit ganoon siyang umasta. I want to know his background.

"Sino ba si Damon?" tanong ko

Natigilan silang lahat sa pagkain at panandaliang katahimikan ang bumalot bago may sumagot sa aking katanungan.

"Siya lang naman ang leader ng isa sa gang dito sa school." Sagot ni Ericka

So that's it? Gang leader siya...? I want to know more.

"What about the gang?" curious kong tanong habang kumakain

"Siya si Damon John Ortega. Anak siya ng isang mayamang tao na napaka misteryoso. May ilang nagsasabi na big boss daw 'yon ng isang mafia. Tsismis lang 'yon ewan ko kung totoo. Pero kung titingnan mo sa mga galaw ni Damon masasabi kong totoo. Kasi saan naman niya matututunan ang lahat ng alam niya besides napaka galing niya kung ikukumpara mo sa mga tao na natural nang nag t-training. He knows every single thing step-by-step. Bihasa din siya sa lahat ng larangan." Paliwanang ni Irish

So that's it. He learned everything from his clan. And Mafia exists? I don't think so. Sa mga fictional book lang 'yon nag e-exist. Not in reality. But we'll know. Soon.

"Yun lang?" tanong ko

"He's the leader of the strongest gang here in Manila. And dito nag-aaral ang lahat ng miyembro ng gang na 'yon. I think he's a mafia prince... hahaha. For the past 3 years ata may nangyaring krimen dito sa school. May naka away ata sila na grupo tapos nong gabi sunod-sunod na putok ng baril ang bumulaga sa aming lahat. Nagmula 'yon sa likod ng building, sa may manggahan. Kinaumagahan ay natagpuang patay ang leader na nakuhanan ng 30 pieces na bala sa katawan at mga miyembro nito na halos hindi na makilala ang mga mukha sa tama ng bala." Kwento naman ni Joy

Kinilabutan ako sa narinig ko. Really? How come na possible na makakuha ng ganoong karami ng bala sa katawan ng leader. Baka lasug lasog na ang laman loob non. Gosh! I didn't know that nangyayari pala 'yong bagay na 'yon!

"Ang alam ko pina SOCO ang nangyaring 'yon. May ilang detective din ang dumating para suriin ang mga bangkay pero ni isang trace ay wala silang nakita. Napaka linis ng pagkakapatay sa grupo." sabi naman ni Ana habang sumusubo ng pagkain.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko mas naging interesado ako kay Damon dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko akalain na magagawa nila 'yon ng malinis. Pero who am I para sabihin na sila nga ang gumawa non? I'm just a newbie in this mysterious school. Alam kong marami pa akong malalaman. Grabe buti may nagtatagal pang estudyante sa paaralang ito.

"So hanggang ngayon misteryo parin ang case na 'yon at wala pang nagagawang step ang paaralan?"

Nakangisi kong tanong habang humihigop sa shake.

The hell! I'm so curious! I've never been so curious like this in my entire life. He's just something that I think I really need to focus my whole attention.

Napansin kong hindi na sila sumagot. Ako naman ay malalim ang iniisip at nakatitig sa shake na hawak ko.

Naging tahimik narin ang paligid. Hindi ko alam kung bakit. May ilang papalakas na yapak akong naririnig. Papalakas ito ng papalakas na para bang may bahid ng galit.

Nilingon ko ito then I saw the cold eyes of Damon staring blankly at me habang palapit ng palapit.

Narinig ko ang singhap ni Ana sa aking tabi at ang pagbulong nito sa kawalan.

Lumapit si Damon at huminto sa aking gilid. Ramdam ko ang masalimuot niyang presensya. Nakakakilabot. Nakakatakot. At may kakaiba.

"Get out of this table" ani ng matigas niyang ingles.

Umambang tatayo si Ana pero hinawakan ko ang kanyang braso at kaagad kong hinarap si Damon na ngayon ay tamad na nakatingin sa aking mga mata. Hindi ko alam pero nanginig ng kaunti ang aking tuhod sa kaba.

"First come, first serve. Nauna kami" Nakangiti kong sinabi kahit na ramdam ko ang paninitig sa akin ng kanyang mga miyembro. Oo, mga miyembro niya na inakala kong kaibigan niya.

Mula sa malalamig niya tingin ay napalitan ito ng sobrang lalim na ekspresyon. Malalim na malalim. Blangko pa sa blangko.

Naramdaman ko ang paghawak ni Ana sa aking braso.

Tumawa si Damon na para bang may nakakatawa sa sitwasyon. Tumawa rin ang kanyang mga miyembro. Naiirita ko siyang tiningnan at hinintay ang paghupa nito.

"Kilala mo ba kung sino ang kausap mo, ha miss?" tanong niya at nagkibit balikat

Matapang ko siyang tiningnan at sinagot. "Oo! Ikaw si Damon. Damon John Ortega, the leader of one of the most strongest gang."