webnovel

Broken Promises

Pangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinangako mo ?Aasamin mo rin ba ang ipinangako nya sayo kung Hindi na ikaw ang priority nya? Hanggang kailan ka mangangarap na sa huli kayo pa rin ng pinakamamahal mo? Matatanggap mo ba sa sarili mo na hindi lahat ng pangako kayang panindigan ng lahat,dahil ANG ISANG PANGAKO AY NAKATAKDA PARA MAKASAKIT

Burnpaolo · สมจริง
Not enough ratings
27 Chs

Chapter 9

Tristan's POV :

**Mclibee coffee shop

Kasalukuyan akong naka duty sa counter,habang si Miguel naman nasa dining,hindi naman daw papasok ngayong araw si Hikari may tinatapos daw na school project,working student kasi yun.Isang linggo na rin pala ang nakalipas simula nung nagkayayaan kaming maginuman ni Miguel,isang linggo ko na rin syang napapansin na umiiwas sa akin.Hindi ko alam ang dahilan,wala naman siguro akong nagawang mali,sa totoo lang kasi wala akong matandaan na nangyari pagkatapos naming maginuman,ang sabi ni mommy,inihatid ako pauwi ni alien.Hindi rin naman nagoopen up yung alien na yun sa nangyari,Hindi rin kasi kami nagkakasama ngayon sa mga duty gawa nga ng may tinatapos pa syang mga project.Pakiramdam ko tuloy may nagawa akong Mali.

Mabilis lumipas ang mga oras,tulad ng mga nakalipas na araw wala pa ring kibo si Miguel.

"Dalawang ice cold coffee amerikano,for dine in,bayaran ko na tapos paki serve na lang sa akin doon.Thakyou."

"Okay po ma'am.I recieve 500 peso."-ako

Pinunch ko na yung order na kape nung customer,at pagkatapos binigay ko na sakanya ang sukli.

" Change mo po,two hundred sixty pesos po."-ako

Binilang ko pa isa isa ang sukli nung babae para masiguro Kong kumpleto ang naibigay kong sukli.Pagkatpos kong maibigay sa customer ang kanyang sukli,pumunta na sya sa gawing kaliwa ng shop,malapit sa entrance,pinrepare ko na rin agad ang kanyang order.Nang naready ko na ang order,pinindot ko na ang bell na naghuhudyat para matawag ko si Miguel na nasa dining para maiserve na ang order ng customer.

Agad namang lumapit sa counter si mokong kaso halos walang reaksyon ang mukha nya,Hindi tulad dati na magbibiro muna o gagawa ng kalokohan bago kunin ang iseserve na kape.

"Par,paki serve naman ito."-utos ko kay Miguel

" Saan?"-tanong ni miguel

"Ayun sya sa may kaliwang side ng entrance."-turo ko sakanya

Nilingon nya ang aking tinuturo upang tignan kung saan naupo ang customer na seserve-ban nya.Nang makita na nya,kinuha nya agad ang tray na kinalalagyan ng mga order.

May pinagdadaanan lang siguro ang isang ito ngayon,hayaan ko na nga muna sya,magsasalita din yan kapag okay na sya.

Naging maayos naman ang araw namin ni Miguel dito sa shop,kahit ang tahimik ng paligid gawa ng hindi nya pagkibo.Minabuti ko na lamang na magayos na,isang oras na lang naman kasi mag sasara na ang shop.

" Tristan."-manager Joan

Nilapitan ko si Manager Joan na kasalukuyang nakaayos na para umuwi,halos nasa pintuan na sya.

"Bakit po manager Joan?"-tanong ko

" Bukas,pala papasok yung magiging kapalitan ni Hikari sa counter,iassist mo na lang may meeting kasi kaming mga manager sa main branch kaya Hindi ko maaasikaso."-manager Joan

"Osige po ma'am."-sagot ko

" Salamat,nga pala,anong problema ni Miguel,maagang pumapasok,pinagbubuti yung trabaho nya?kaso Hindi kumikibo?anong nangyari sakanya?"-manager Joan.

"Hindi ko rin po alam,nagtataka nga po ako ngayon e."-ako

" Himala ang tawag diyan,he he osya mauna na ako at maaga pa ako aalis bukas.Kayo nang bahala dito ah.Magingat kayo sa pag uwi."-manager Joan

Nagmamadaling lumabas ng shop si manager Joan ,habang kami ni Miguel nagumpisa na magligpit.Nakaka panibago talaga ang nangyayari sa kaibigan Kong ito.Pabalik na ako sa counter ng dumaan sa harap ko si Miguel.

"Par,may problema ba ?ang tahimik mo e?"-tanong ko sakanya

Huminto naman sya sa harap ko nang marinig nyang nag salita ako.

" Wala."-matipid nyang sagot

Magtatanong sana ako ulit nang bigla syang maglakad ng bahagya.

"May nasabi ba o nagawa ako sayo ng masama?pagkakatanda ko kasi bago tayo maginuman,okay pa naman tayo ?Kahit si hikari walang kinukwento sakin ?."-tanong ko muli

Napahinto muli si Miguel at humarap sa akin.Sa pagkakataong ito,parang may inis na sakanyang mukha.

" Napaka epal mo kasi,bakit ba ikaw na lang lagi yung inuuna nya?Magkaibigan lang naman kayo diba?Hindi ko mahigitan yung ginagawa mo sakanya,nakakabwiset kana."-Miguel

Pagka sabi ni Miguel ng mga yan,ibinato pa nya sa akin yung hawak hawak nyang apron,sabay alis sa harapan ko.Nabigla ako sa mga sinabi nya,ni Hindi ko nga alam kung anong pinopoint nya e?Ano bang nagawa ko at nagalit yun sa akin?

Naiayos ko na ang mga gawain ko at nakuha ko na rin sa locker ang bag ko,nagpalit na rin ako ng T-shirt.Paglabas ko nang crew room nakapatay na ang ilaw at wala na rin si Miguel.Kailangan kong malaman ang problema nun,itetext ko si alien pag uwi ko..

**Madrid residence

Nasa kwarto na ako ngayon,nakahiga,hindi pa nga lang makatulog,iniisip ko pa rin kasi ang mga sinabi ni mokong,umupo muna ako sa kama at kinuha ang cellphone ko para itext si Hikari.

**Text convo

Me: Bess ?gising ka pa ?may tatanong ako sayo.

Mahigit sampung minuto bago nagreply si alien.

[1 message received|Leandra]

Binasa ko agad ito.

Hikari: SLR,tukmol?gumagawa ako.ng thesis with my groupmates,anong tanong mo?Kung mangungutang ka,sarreh mangungutang din ako sayo e haha

Magrereply na sana ako.kaso nag follow up text sya.

Hikari: miss me? ❤

Me:The hell!Hindi kita namimiss sawang sawa na ako sa mukha mo.Magtatanong lang kasi sana ako.

Hikari:Mas nagsasawa na ako sa pakikipag kaibigan sa unggoy.Ano ngang tanong mo?Dalian mo magreply,magstart na ulit kami,nagcoffee break lang.

Me:Anong problema ni Miguel?Parang galit pa sa akin?May nagawa ba akong mali sa kaibigan nating yun pagkatapos ng naging inuman namin last week?

Hindi na nagreply si hikari sa huli Kong text marahil nagumpisa na ulit ang pag gawa nila ng thesis.Makatulog na nga muna,maaga pa akong papasok bukas e.

Kinabukasan maaga akong nagising,nagmamadali akong nagayos ng sarili at maagang umalis ng bahay,ako na naman kasi ang opening ngayon,saka may binilin sa akin si manager Joan na iaassist na bagong crew.

Lumipas lang ang mahigit trenta minutos nakarating ako agad sa shop.Pagpasok ko nag time in na ako at dumiretso sa crew room para magsuot ng uniform,dito ko napansin na tadtad na pala ako ng text messages galing Kay Hikari,Hindi ko kasi na check ang phone ko kanina kamamadali,basta nilagay ko lang ito sa bag ko.Bago ko ilagay sa loob ng locker ang bag ko,binasa ko muna ang mga text ni alien.

[13 messages|Leandra]

Hikari: Talaga Bess?ganyan din sya sa akin,nung nalasing kayo pareho may mga text sya na Hindi ko maintindihan.Tapos pagtapos nun,Hindi na rin nya ako kinausap.

Hikari:May tililing yata yung par mo na yun e.

Hikari:Tingin mo nagaadik yun?

Hikari:Tukmol text ako ulit mamaya magstart na kami ulit  nag break lang kasi kami uli.

Hikari:Tukmol?

Hikari:tulog kana?

Hikari: hooooy tukmol ang aga mo matulog ! 3am pa lang naman.

Hikari:Nagdadrama kana naman siguro dyan?

Hikari:Bahala ka dyan ah,pag nagtext ka sakin Hindi rin ako magrereply.

Hikari: Matutulog na ako.

Hikari:Good morning !Good night.

Hikari: Hindi ako makatulog tsss

Hikari:Try ko magduty bukas.Humanda sakin yang si Impakto.

Napangiti naman ako sa mga pinagsasabi ng besspren ko,ang daldal hanggang sa text.Nireplayan ko na lang ng emoji ang mga message nya at inooff ko na ang cellphone ko.Lumabas na rin ako ng crew room.

Nagpunta na ako agad sa counter,konting ayos lang ang ginawa ko,pagtapos nun,chineck ko ang mga dairy products namin sa stock room,pati na rin yung mga stock ng kape,halos kumpleto pa naman,magpapadeliver lang siguro ako mamaya ng ilang sako ng asukal,Hindi na ito aabot para sa susunod na linggo.

Ilang sandali pa,narinig ko nang bumukas ang glass door ng shop,agad akong lumabas ng stock room para tignan kung sino ang dumating.Nang makarating ako sa counter,may nakita akong babae na nakatayo malapit sa isa sa mga upuan sa dining area.Siguro sya yung bagong crew na pinagbilin sakin ni manager Joan.

"Ikaw ba yung may appointment Kay manager Joan ngayon?"-masigla Kong tanong

" Oo,sir,Ako po si Thalia Joson,Lia po ang tawag sa akin ng mga kasamahan ko sa main branch ng Mclibee coffee shop."-Lia

"Ah,bale inilipat ka lang dito?nga pala ako si Tristan,Junior team leader."-pagpapakilala ko.

"Ikaw po pala ang JTL dito kuya Tristan he he,oo nalipat ako dito kasi kulang daw ang crew dito."-Lia

" Haha,huwag mo na akong tawaging kuya,Tropa na lang para walang ilangan,dito kasi sa ang turingan namin magbabarkada lang,tatlo kaming nagduduty dito,Ako,si Miguel at hikari saka si manager Joan pala haha."-pagmamalaki ko

"Mukha nga pong masaya dito kasi abot tenga yung ngiti mo e haha,nakakaexcite po siguro pumasok dito araw araw,Hindi tulad sa pinang galingan ko haha"-Lia

" Oo,masaya talaga dito parang magkakapatid lang ang samahan,bakit mo naman nasabi na sa pinang galingan mo e Hindi nakakaexcite?"-tanong ko

"Napaka terror ng manager namin dun,juice colored araw araw kaming pumapasok ng may kaba,napaka taray,sungit,istrikta lahat na yata ng nakakainis na ugali sinalo nya.kakaloka talaga."-Lia

"Talaga ?buti na lang kami anghel ang manager namin,parang ate nga lang e."-sabi ko.

" Haha nakakainggit kayo haha."-Lia

"Haha welcome sa aming masayang pamilya ng McLibee coffee shop north west branch."-Ako

Makalipas ang ilang sandali,tinuruan ko na so Lia sa mga gagawin nya hindi naman ako nahirapang magturo sakanya about sa pag papunch ng mga orders,counter din kasi ang station nya,pina pamilyar ko na lang sakanya ang mga lugar dito sa sa shop tulad kung saan nakalagay ang mga stock.Mabuti na lang talaga nangaling lang sya sa ibang branch ng McLibee kungdi mahaba habang pagtuturo ang gagawin ko he he.

Eksaktong 8:00am kami nag open ng store,dalawa pa lang kami ni Lia,wala pa kasi si Miguel,ako na muna ang pumwesto sa dining,mokong talaga ang isang yun.Isang linggo lang sya maagang pumasok,for sure pagpasok nun,hihikab hikab pa haha.

12:00pm--Halos dagsain kami ng tao ngayon,lunch break pala ngayon,Hindi ako magkanda ugaga sa pagseserve ng mga order,Nasaan na ba si Miguel?Hindi ba sya papasok?,buti na lamang talaga at dumating Si Lia ngayon kung hindi patay ako Neto ngayon.Nakakapagtaka talaga ang mga customer namin,kung kelan tanghaling tapat saka nagkakape.

Ilang sandali lang ang lumipas,May dumating na alien,dumirediretso sya sa bundi clock at pagkatapos nagmamadaling pumasok sa crew room,mabilis lamang namalagi sa kwartong yun at patakbong lumapit sa counter para kunin ang mga orders na Hindi ko pa nababalikan para iserve.

Nilapitan ko si hikari na nasa counter ngayon,naguusap sila ni Lia ng madatnan ko.

"Bess,buti nakapasok ka ngayon?akala ko ba busy ka sa thesis nyo?"-ako

" Patapos na Bess,bale finishing touch na lang,sana talaga makapasa kami,defense na rin kasi namin,next week,kaloka."-Hikari

"Makakapasa ka nyan ikaw pa.Alam ko naman na easy lang sayo yung mga ganyan."-ako

" Sows ?magbestfriend nga tayo inuuto moko e haha"-hikari

Pagkasabi ni bess nyan kinuha na niya ang tray at sinerve ang mga orders

"Ang sarap ng may bestfriend,sana ako rin magkita na kami nung bestfriend Kong si Miggy." -Lia

Napatingin ako Kay Lia ng marinig ko ang sinabi nya

"Nasaan ba ang matalik mong kaibigan?"-tanong ko

" Bata pa lang kami nung huli kaming nagkita,lumipat kasi sila ng parents nya noon dito sa manila,naiwan nya ako sa probinsya namin."-Lia

"Ganun ba?nagtry ka bang hanapin sya sa Facebook?"-ako

" Nagtry na ako ng maraming beses pero wala e,maraming lumalabas na kapangalan nya,pero ni isa sa mga yun Hindi ko alam kung sya ba talaga?medyo matagal na kasi Simula nung huling pagkikita namin,marami na siguro ang nagbago sa mukha nya baka ang pogi na nun"-Lia

"Haha Malay mo naman balang araw magkita kayo ulit ?"-ako

" Kung matatandaan nya ako Tristan,e kung ako nga e nalimot na ang hitsura nya,sya pa kaya?"-Lia

"Ano kaba ?Hindi ka ba naniniwala sa kapangyarihan ng puso?"-ako

" Kapangyarihan?"-tanong ni Lia

"Oo,kapangyarihan ng puso na maalala ang nalimot ng isip"-ako

" Sabagay,uy Tristan panghahawakan ko yang sinabi mo.Salamat at medyo gumaan yung pakiramdam ko,sana talaga dumating yung panahon na magkita nakami ulit ni Miggy"-Lia

"If God's will"-ako

Natapos ang usapan namin ni Lia tungkol sa best friend  nyang matagal na niyang hindi nakikita.Nagpatuloy na kami ulit sa pagtatrabaho.

Mag aalas onse na nang tanghali ng dumating si Miguel,nadatnan nya na nagseserve sa dining si Hikari,agad nyang inagaw ang dala dala nitong tray kahit Hindi pa sya nakakapag time in o nakakapagpalit ng damit.

" Ako na nito,bumalik kana sa counter"-Miguel

"Hindi na kaya ko na ito,ibalik mo na sakin yan at magpalit kana muna ng damit mo."-hikari

May kalakasan ang boses ng dalawang ito,animoy anumang oras ay may maguumpisang giyera.

Ilang saglit pa ay nakita ko na lang na padabog na lumayo si Miguel Kay Hikari,dumiretso sya sa crew room.

" Sino sya Tristan?"-Lia

Palapit ngayon sa akin si Lia,nandito kasi ako ngayon sa isang table ng dining,naglalunch na ako.Wala namang pumapasok na bagong customer kaya nilapitan muna ako ni Lia.

"Uyy kain,he he"-Alok ko

" Salamat,mamaya na lang Sabay na raw kami ni Hikari."-Lia

"He he,sya nga pala,yung pumasok na lalaki sa crew room yun si Miguel,sa dining ang station nya."-ako

Hindi agad sumagot sa sinabi ko si Lia,napansin ko rin na nakatingin sya sa direksyon papuntang crew room.

" Lia?okay ka lang ?"-tanong ko

"Ah,eii oo.Close sila ni Hikari?"-Lia

" Close?haha mortal na magkaaway yan,lagi nga nagaasaran ang dalawang yan.-sabi ko

"Ang saya saya nyo talaga dito,ang swerte ko na nakasama ako sa pamilya nyo rito."-Lia

" Maghanda ka lang Kay par Miguel bully yon pero mabait naman."-sabi ko

Nang matapos akong kumain,ako na muna ang pumalit Kay hikari at Lia sa counter,naglunch na rin kasi yung dalawa,mukhang may pera si Alien dahil inaya si Lia na kumain sa fastfood.

"May bago naman pala tayong katrabaho ei,so pwede bang sakanya kana lang magpapansin at huwag na Kay Hikari."-Miguel

Napatingin ako sa nagsalita at nagulat ako na si Miguel pala iyon.Anong ibig nyang sabihin?

" Ano?anong pinagsasabi mo?"-tanong ko Kay Miguel

"Distansya lang pre."-Miguel

" Bakit ako didistansya sa best friend ko?ano bang problema mo Miguel ?"-tanong ko

"Layuan mo na lang pre.Tapos ang usapan."-Miguel

Pagkasabi ni Miguel nun,bumalik na rin sya sa station nya.Ano bang problema ng isang ito?Hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi at kinikilos nya.

Mya mya pa'y nag ring ang telephone sa managers room.Agad Kong tinungo ito.

[Telephone convo]

Ako:Hello,McLibee coffee shop how may I help you.?

Matagal bago nagsalita ang taong nasa kabilang linya.Alam Kong may kausap ako dahil naririnig ko ang buntong hininga nya,pakiwari ko nga ay umiiyak sya.

Ako:Hello?-ulit kong tanong

Sya:Uhmm hello..

Nang marinig ko ang boses ng nasa kabilang linya agad ko itong nabosesan.

Ako: Manager Joan?

MJ:Oo,tris.Ako nga ito.Marami bang tao ngayon diyan sa shop?

Ako:Hindi naman po gaano,sakto lang po.

MJ:Ganun ba?

Parang may lungkot akong nadarama sa tono ng boses ni manger Joan.Kaya minabuti ko na lamang na kumustahin ang naging meeting sa main branch ng McLibee.

Ako:Manager Joan,kumusta po ang naging meeting?For sure outstanding manager na naman po kayo .

Magiliw kong sabi Kay Manager Joan.Ngunit nanatiling tahimik ang paligid.

Ako:Manager Joan?may problema po ba?

MJ:Uhmm,Tristan pagtapos ng duty niyo mamaya,magkita kita tayo sa food park na tinatambayan natin kapag tapos ng General cleaning natin.May sasabihin ako sainyo,pumunta kayong tatlo nina hikari at Miguel.Aantayin ko kayo.

Hindi pa man ako nakakasagot sa mga sinabi  ni manager Joan ay bigla na lamang nya binaba ang telepono.Ano kaya ang sasabihin nya sa aming tatlo.

Lumipas ang oras natapos na rin ang duty ni Lia,umuwi naman na sya agad.Habang ako nandito sa loob ng crew room iniisip kung ano ang ibig sabihin ni manager Joan sa sinabi nya sa akin kanina.Tapos na rin ang duty ko pero minarapat ko na lang na antayin na magsara ang shop at hintayin sina Hikari at Miguel.

"Tukmol ?nandito kapa?"-Hikari

Bahagya akong nagulat sa biglaang pagsulpot ni Hikari,patapos na ang duty nito kaya Hindi na mApakali,atat ng umuwi.

" Uyy?tukmol?bingi?bakit nandito ka pa?kanina ka pa dapat nakauwi ah?"-tanong ulit ni Hikari na kasalukuyang nagtatanggal ng apron niya

"Inaantay ko kayo ni Miguel."-ako

" Bakit?ililibre mo kami?himala?matagal pa ang sahod ah?-hikari

Pagkasabi ni Alien nyan ibinato nya sa akin ang apron nya.

"Hindi,pinapupunta tayo ni Manager Joan sa foodpark ngayon pagka Sara ng shop."-ako

" Huh?anong meron?Hindi naman GenClean ngayon ah?"-hikari

Napa upo aa tabi ko si Hikari,may upuan kasi dito at nakaupo ako.

"Tingin ko may problema e."-ako

" Ano?"-hikari

Umiling na lamang ako at tumayo para kunin at ihanda ang bag ko.

"Sige Bess hintayin mo kami,puntahan ko lang si Miguel sa dining para sabihin sakanya na pupuntahan natin si manager Joan sa foodpark."-hikari

Mabilis tinungo ni Hikari si Miguel sa dining.Ano nga kaya ang sasabihin sa amin ni Manager Joan?

           ***********

**Foodpark

Naglalakad kaming tatlo papunta sa paborito naming spot dito sa foodpark,pero hindi tulad ng dati na maingay,nagtatawanan at nagaasaran,ngayon ang tahimik.Hindi kasi ako komportble na kasama si miguel matapos nyang sabihin sa akin na layuan ko ang best friend ko,kung hindi nga lang nagsabi sa akin si Manager Joan na kikitain nya kaming tatlo,Hindi ako magtitiis na makasama itong si Miguel.Hindi ko kasi nagugustuhan ang mga kinikilos nya.Nauuna akong maglakad kesa sa kanila,nasa likuran ko naman si hikari na daldal ng daldal at nasa gilid naman nya si Miguel.

" Tukmol,may idea ka ba sa sasabihin sa atin,ni manager Joan?"-hikari

Hindi ako kumibo sa tinatanong ni alien,iiwasan ko na lang na makita ni Miguel na nakikipag kwentuhan ako Kay hikari,para wala nang usapan pa.

"Manlilibre lang yun Leandra haha"-miguel

" Hoy impakto!Tigilan mo nga ako na tawagin sa pangalan ko!Ang panget!"-hikari

"Ayaw mo nun?ako lang ang tumatawag sayo sa tunay mong pangalan,naiiba ako sa lahat,Hindi tulad ng iba diyan."-Miguel

" Hoy?Anong akala mo ?iba pa rin ang besfriend Kong si tukmol!tseee."-hikari

Hindi ko na narinig pa ang mga naging usapan ng dalawang yun.Nandito na kami ngayon sa paborito naming tambayan sA lugar na ito.

"Nasaan n si Manager Joan?"-hikari

" Itext mo kaya Lea para malaman nyang nandito na tayo."-Miguel

"Wait impakto Hindi ako utusan."-hikari

Pinagala ko ang aking mata pero Hindi ko makita si manager Joan ng biglang..

" Pinapunta ko kayo rito para magpaalam"

[End of Tristan's pov]