webnovel

Broken Promises

Pangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinangako mo ?Aasamin mo rin ba ang ipinangako nya sayo kung Hindi na ikaw ang priority nya? Hanggang kailan ka mangangarap na sa huli kayo pa rin ng pinakamamahal mo? Matatanggap mo ba sa sarili mo na hindi lahat ng pangako kayang panindigan ng lahat,dahil ANG ISANG PANGAKO AY NAKATAKDA PARA MAKASAKIT

Burnpaolo · สมจริง
เรตติ้งไม่พอ
27 Chs

Chapter 10

Manager joan's POV :

"Magpapaalam lang sana ako sainyo".

Nang masabi ko ang mga salitang yan sabay sabay lumingon ang tatlo kong kaibigan na tinuring ko nang kapatid sa mga nakalipas na taon.

" Manager Joanne?"-mahinang tugon ni Hikari

***Shawarma house

Nandito kame ngayon sa paborito naming kainan dito sa food park,tahimik na kumakain ang mga kasama ko,walang naguumpisang magsalita.Si Miguel nakakadalawang order na ng shawarma,Si Hikari naman tuloy tuloy lang din sa pagkain pero panay ang tingin sa akin at waring may itatanong ngunit hindi nya magawa,samantalang si Tristan hindi ginagalaw ang binili nyang hotdog sandwich,may allergy kasi ito sa beef kaya kahit kelan hindi sya nagoorder ng shawarma.

Hindi ko rin nagagalaw ang inorder ko,hindi ko masabi sa mga ito ang rason kaya ko sila pinapunta rito.

"Manager joan?ano po bang ibig sabihin ninyo?ano pong magpapaalam kayo?saan kayo magpupunta?"-Tristan

" Kailangan mo pa bang itanong kay Mam Joan kung saan sya pupunta?Wala ka ng pakielam dun Tristan"-Miguel

"Miguel sa tingin ko kasi may ibang ibig sabihin si Manager joan."-Tristan

" So kailangan mo pang umepal dun?Epal ka na nga sa maraming bagay pati ba naman sa pag alis ni Mam Joan?Paka epal mo talaga par,wala ka na sa hulog e"-Miguel

"Ano bang masama sa sinabi ko ?nagtatanong lang naman ako?hindi ka ba nagiisip na pinapunta tayo dito ni Mam Joan ng Hindi pa natin Genclean?so may purpose ang pagpunta natin dito dba manager Joan?"-tristan

Tumingin sa akin si Tristan,nag aantay ng isasagot ko

" Haha alam mo Tristan manahimik kana,nangunguna ka sa lahat e ?napaka o.a mo pa?pinapunta lang tayo dito?may naiisip kanang purpose sows sabihin mo epal ka,manahimik kana lang nga dyan sa kinauupuan mo"-miguel

"Ano bang problema mo Miguel?"-Tristan

" Ano ba kayong dalawa?ano bang mga problema niyo?hindi ba kayo nahihiya kay mam joan?"-Hikari

"Ako wala akong problema ewan ko Dyan sa kaibigan mong papansin haha"-Miguel

" Manahimik kana nga lang Miguel,naguumpisa ka e"-Hikari

"Ako na naman?tsk."-Miguel

Tumayo mula sa pagkakaupo si miguel,bahagyang lumayo sa aming pwesto may kinuhang kahon ng sigarilyo at nagsindi.Samantalang si Tristan kitang kita sa mukha na napikon sa mga sinabi ni Miguel,ano bang nangyayari sa mga ito,hindi naman sila ganito dati.Bahagya akong napaiyak,at nakita yata ito ni Hikari dahil hinawakan nya ang aking kamay.

" Mam Joan?ano po bang problema?bat po kayo naiiyak?"-Tanong ni Hikari

Napatingin ako kay Tristan at Miguel,napatitig din sa akin ang dalawa

"Tama po ba ang sinasabi netong epal na to mam Joan na may problema?"-tanong ni miguel habang inaapakan ang sinindihang sigarilyo

"Ano ba miguel?Hindi ito ang tamang panahon para mang asar."-Saway ni Hikari

Umupong muli si Miguel sa tabi ni Hikari,nakanuot ng noo.

" Tama si Tristan,may purpose kung bakit ko kayo pinapunta rito."-sagot ko habang nakayuko

"Walastik talaga si epal tyumamba na naman"-pang aasar ni Miguel

Napansin ko na siniko ni Hikari si Miguel kaya nanahimik itong muli.

" Ano po iyon mam Joan?"-tanong ni Tristan

"Ano kasi,simula bukas ibang manager na ang makakasama nyo?na assign kasi ako sa ibang branch ng McLibee"-sagot ko

" Seryoso ba to mam joan?"-tanong ni hikari

"Wala naman pong iwanan?"-wika ni miguel

" Bakit biglaan po?"-singit ni tristan

Marami pa silang tinatanong halos hindi ko na maintindihan,akala pa nila nagbibiro ako at ginugoodtaym sila.Nakatingin lamang ako sakanila.Naiiyak ako na hindi,mahirap pala talagang magpaalam sa mga taong minahal mo nang sobra.

Alam ko na ngayon ang pakiramdam netong si Tristan nung magkahiwalay sila ng pinakamamahal nyang babae,nbsb kasi ko wala akong alam sa mga heartbreak pero ngayon para akong nakipaghiwalay sa longtime boyfriend ko sa katauhan ng tatlong taong nasa harap ko ngayon,napakasakit.

"Guys,kahit magkakalayo na tayo hindi magbabago yung friendship natin.Hindi lang ako manager ninyo,at hindi ko lang kayo crew kungdi mga kapatid at pamilya ko kayo,Ate.Kapag may problema kayo dating gawi,isang tawag nyo lang sakin,pupuntahan ko kayo."-ako

" Naiiyak ako mam Joan."-hikari

Naiiyak lamang daw si Hikari pero magang maga na ang mata nya.

"Mam joan papasok na po ako ng tama sa oras ng duty ko huwag ka na lang lumipat ng ibang branch,please."-miguel

Habagng nagsasabi nyan si Miguel,namumugto na ang luha sa mga mata nya

" Umiiyak kaba Miguel?"-tanong ko

"Ako?parang adik ka mam joan,Di moko mapapaiyak."-miguel

Pagkabanggit ni miguel nyan bigla na lamang nito inihiga ang ulo nya sa lamesa at nagiiyak

" Miguel??huwag ka ngang ganyan naiiyak ako lalo sayo e."-Hikari

Nakakatuwa ang dalawang to imbes na maiyak ako,napapangiti ako,hindi ko ineexpect na magiging ganito ang reaksyon nila.Ang sarap sa pakiramdam na ituring kang pamilya ng mga kaibigan mo.

"Mam Joan,maraning salamat po sa lahat ng itinuro mo sa amin bilang magaling na service crew,marami rin pong salamat sa bond..in..g ...."-tristan

Hindi na natapos pa ni Tristan ang sinasabi nya tulad ng dalawa nyang kasama naiyak na rin ito.

" Ano ba tukmol?Kayo pa talaga ni Miguel ang magiiyak?"-tanong ni Hikari

Sa pagkakataong ito napaluha na ako.Napaka drama na ng gabing ito para sa aming apat.

"Migs,Leandra and tristan,kung anong pagtrato niyo sa akin bilang manager ninyo.Inaasahan ko sainyo na gagawin at irerespeto ninyo ang bagong manager na hahawak sa inyo."-ako

Sabay sabay na tumingin sa akin ang tatlong ito,parang may mga kalokohang sumapi sakanila.

" Nako,mam joan?hindi ko po mapapangako na magiging mabait ako sakanya kagandahan ko lang ang macocontribute ko sa papalit sayo."-hikari

"Ako,hahayaan ko syang magadjust mag isa"-tristan

" Hindi ako papasok ng on time sa manager na yun mam joan im sorry"-seryosong sambit ni miguel

Sa pagkakataong ito napahalakhak na kaming tatlo.

"Miguel?ikaw ba adik ka ?kelan ka pa pumasok ng ontime?hahaha."-hikari

" Matagal na akong na adik sayo.Kaso iba ang kinaadikan mo."-miguel

Napatitig ako kay hikari,sa reaksyon ng mukha nya mukhang hindi nya rin inaasahan ang isinagot ni miguel.

"Parang tanga ka."-hikari

Matapos ang naging usapan namin.Nagpaalam na rin kami sa isat isa.Mamimiss ko ang mga kakulitan ng mga ito.Sana sa papalit sa akin bilang manager ng tatlong ito,maging mabait sana sya.

(End of manager joanne's pov)

   ******

**McLibee coffee shop

Tristan's POV:

"Goodmorning McLibee Coffee shop,Sir."- bati ko

Pumasok ang isang lalaki na mukhang nagtatrabaho sa isang napakalaking opisina,naka longsleeve na kulay puti,naka salamin at mukhang kinikilatis maigi ang loob ng shop namin.

" Sir,what can i do for you?."?tanong ko

Lumapit sa akin dito sa counter ang lalaking ito.Oorder kaya ito?

"Your name is?"

Tanong sa akin ng lalake

"Im Tristan,Sir."-sagot ko

" Alright,Tristan.By the way Im Asher Jalbuena.Im the new store manager of  McLibee coffee shop north-west branch."-sagot nya

Heto na pala ang kapalit ni Manager Joan.

(End of Tristan's POV)