Tinignang maigi ni Mr. Song si Xu Jiamu – maayos itong manamit at sobrang
gwapong binata… Siguro dahil sinabi sakanya ni Song Xiangsi na may
pagmamay-ari itong isang malaking kumpanya, medyo nahiya siya dahil normal
na tao lang siya. Alam niya rin na kahit sikat na si Song Xiangsi, sobrang layo
pa rin ng mundo ng mga ito, kaya bilang ama, bigla rin siyang kinabahan.
Nakatitig lang siya sa kay Xu Jiamu, na nakangiti sakanya, at nahimasmasan
lang nang maglapag si Song Xiangsi ng upuan sa tabi ng kama niya, at doon
lang siya dali-daling tumungo at sinabi habang tinuturo ang upuan, "Upo, upo."
Magaling makiramdam si Xu Jiamu ng tao kaya nang mapansin niyang naiilang
si Mr. Song sakanya, siya na mismo ang nagumpisa ng usapan, "Uncle,
kamusta na po ang pakiramdam niyo?"
"Mabuti, mabuti." Nagmamadaling sagot ni Mr. Song.
Para mabawasan ang tensyon, tinignan niya si Song Xiangsi na nakatayo sa
tabi niya, at habang inaalala ang mga sinabi nito bago sila pumasok sa kwarto,
maingat niyang hinawakan ang kamay nito.
Muli, mahinahon siyang nagpatuloy, "Uncle, ang sabi po ng doktor, hanggat
positibo ka magisip, kayang kaya pang humaba ng buhay mo, ako at…"
Biglang natigilan si Xu Jiamu, para alalahanin ang palayaw ni Song Xiangsi, "at
si Sisi ay may plano na po. Gusto po sana naming magpakasa sa October at
gusto po namin na nadun kayo."
Kahit na malinaw na dinikta ni Song Xiangsi kay Xu Jiamu ang mga sinasabi
nito, para sakanya, sobrang sarap pa rin nitong pakinggan, na para bang
nanaginip lang siya.
Sa walong taon nilang pagsasama, tanging siya at ang langit lang ang
nakakaalam kung ilang beses niyang pinangarap na mapakasalan si Xu
Jiamu….
Pero sa tuwing iisipin niya yun, lagi lang siyang nasasaktan, na maging sa
pagtulog niya ay hindi niya magawang isiping gusto siyang pakasalan nito.
Bilang ama, sobrang saya ni Mr. Song sa sinabi ni Xu Jiamu, kaya kahit alam
niya sa sarili niya na malabo ng maka'abot siya sa araw na 'yun, masaya pa
rin siyang sumaggot, "Oo, oo."
Nagpatuloy si Xu Jiamu sa paghawak sa kamay ni Song Xiangsi. "Uncle,
pasensya na talaga kung ngayon ko lang po kayo nadalaw sa tagal namin ni
Sisi."
"Ano ka ba… Ayo slang yun… Ang sabi akin ni Sisi, sobrang busy mo raw…"
Walang bakas ng sama ng loob na sagot ni Mr. Song.
...
...
Hindi inaasahan ni Song Xiangsi na magaling palang umarte si Xu Jiamu… Sa
sobrang galang at galing nitong makipagusap, kitang-kita niya kung gaano
kasaya ang papa niya, na bandang huli ay nagawa pa siyang biruin, "Sisi,
ngayon na nakita ko na ang boyfriend mo, pwede na akong mamatay."
Napangiti nalang si Song Xiangsi, pero si Xu Jiamu ay nagpatuloy pa rin,
"Uncle, ano bang sinasabi mo…. Pwede kong ipahanap ang pinaka magaling
na medical team para gamutin ka."
Ngumiti lang si Mr. Song, at imbes na sagutin ang paglalambing ni Xu Jiamu,
muli siyang tumingin kay Song Xiangsi. "Sisi, nakapag'book ka na ba ng mga
ticket?"
"Hindi pa po, magbubook na po ako," Sgaot ni Song Xiangsi habang kinukuha
ang kanyang phone.
"Anong ticket po?" Nakangiting tanong ni Xu Jiamu.
"Gusto sana naming umuwi," Paliwanag ni Mr. Song.
"Kailan po?" Muling tanong ni Xu Jiamu.
"Ngayon na."
Dahil dito, biglang kumunot ang noo ni Xu Jiamu at pasimple siyang sumilip
kay Song Xiangsi, na abalang nagbubook ng ticket. Pagkatapos, walang
pagdadalawnag isip niyang inagaw ang phone nito, at kinuha ang sarili niyang
phone. "Magbook ka ng tatlong ticket… Sige, isesend ko nalang sayo ang mga
identification number at kung saan kami pupunta…"
Pagkaputol ng tawag, ibinalik niya kay Song Xiangsi ang phone nito. "Isulat mo
ang identification number niyo ng papa mo."