webnovel

Pagbalik tanaw sa ating masasayang kahapon (5)

Editor: LiberReverieGroup

Kabanata 804: Pagbalik tanaw sa ating masasayang kahapon (5)

Nang marinig ni Lu Jinnian ang paliwanag ni Xu Jiamu, kinutuban na siya sa

sunod nitong sasabihin pero dahil hindi niya pa nakukuha ang eksaktong sagot

na gusto niyang makuha, nagpanggap siyang inosente at muling nagtanong,

"Anong linya?"

"Ang sinulat niya kasi dun ay…" Muling natigilan si Xu Jiamu at inalala ang

laman ng love letter ni Qiao Anhao bago siya sumagot, 'Sa buhay kong ito, ikaw

lang ang mamahalin ko ng sobra' tapos pinalitan ko ng 'Sa mga natitirang araw

ng buhay ko, ikaw lang ang mamahaling ko'. Diba mas sweet pakinggan? Ang

ibig sabihin kasi ng 'Ikaw lang', ibig sabihin ikaw lang talaga at wala ng iba pero

pag 'Sobra' kasi, ibig sabihin, pwedeng mahal niya ngayon pero darating ang

oras na mauubos din yun…tsk tsk tsk…Tama naman diba? Ano sa tingin mo,

maganda ba ang suggestion ko?"

Sa totoo lang, matagal ng hinihintay ni Xu Jiamu na makapagusap ulit sila ni Lu

Jinnian kaya ngayon na nabigyan siya ng pagkakataon, hindi matawaran ang

saya niya at ganadong ganado siya magkwento.

Samantalang si Lu Jinnian naman na nanahimik lang sa tabi niya ay halos

sumabog na ang puso sa sobrang kilig….

Ibig sabihin…Hindi talaga nagkaroon ng aminan sa pagitan nina Qiao Anhao at

Xu Jiamu….Dahil ang totoo ay pinacheck lang talaga ni Qiao Anhao sa kapatid

niya ang love letter na ginawa nito…

Kanina niya lang natanggap ang love letter pero base sa nakasulat na petsa at

sa mga sinabi ng kapatid niya, ilang taon na ang nakakalipas noong ginawa ito,

kaya ibig sabihin, tama nga ang kutob niya…na noong sinulat ni Qiao Anhao

ang love letter ay gusto na rin siya nito, tama?

So ibig sabihin, ilang taon ang nasayang na mali ang iniisip niya na siya lang

ang lumalaban dahil ang totoo pala ay pinaglalaban din siya ni Qiao Anhao, at

kagaya niya, pinagbuhusan din siya nito ng lakas at panahon para lang

maiparamdam sakanya ang pagmamahal nito, pero ang nakakalungkot lang ay

pareho silang nawalan ng lakas ng loob na sabihin ang mga salitang 'Mahal

kita."

Bukod sa nasabik talaga si Xu Jiamu sa oras na makasama si Lu Jinnian, bilib

na bilib din siya sa sarili niya dahil sa naiambag niya sa love letter ni Qiao

Anhao kaya masaya siyang tumingin kay Lu Jinnian at nagtatakang nagtanong,

"Pero bro, alam mo ba kung kanino yun binigay ni Qiao Qiao? Ilang beses ko

kasi siyang tinanong dati pero ayaw niya talagang sabihin sa akin."

Habang si Lu Jinnian naman ay nakatulala pa rin at kahit ilang minuto na ang

nakakalipas, hindi pa rin bumabagal ang tibok ng kanyang puso kahit kaunti

kaya parang bigla siyang nablangko at hindi narinig ang tanong ni Xu Jiamu.

Dahil mula pagkabata, palagi niyang iniisip kung gaano kaya kasaya kung

malalaman niyang crush din pala siya ng crush niya….

Sanay na si Xu Jiamu na hindi talaga palasalita si Lu Jinnian lalo na kung hindi

ito interesado o masama ang loob nito kaya para iwasan na magkaroon

nanaman sila ng tensyon ay muli siyang nagsalita, "Kalimutan mo na… Hindi

naman na yun importante kasi kaw na ang asawa ngayon ni Qiao Qiao. Pero

bro, bakit hindi mo nga pala sinabi sa akin na gusto mo pala si Qiao Qiao?"

Pero wala pa ring imik si Lu Jinnian…

Kaya muli siyang nagpatuloy, "Alam mo kung alam ko lang na gusto mo pala si

Qiao Qiao, hindi naman ako papayag na magpakasal sakanya no! Baka nga

tinulungan pa kitang manligaw sakanya para dati palang naging kayo na."

Siniko niya si Lu Jinnian at pabirong sinabi, "Huy! Kinasal na kayo't lahat-lahat,

hindi mo ba ako ililibre?"

Sa kabila ng pangungulit at pagdadaldal ng kapatid, parang wala pa rin si Lu

Jinnian sa sarili niya at sumagot lang ng "En" na halatang hindi niya

pinagisipan.

"Tsaka, bakit hindi kayo nagkaroon ng wedding ceremony? Wala ba kayong

balak?"

"En."

"Pero nagpropose ka?"

"En."

"Eh yung singsing? Nabasa ko sa internet na niloloko si Qiao Qiao kasi hindi

mo pala siya binigyan ng singsing kahit kasal na kayo? Hindi ba parang

nakakasama naman ng loob yun sa parte niya?"

"Oh."

"Hoy Lu Jinnian! Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?" Hindi na talaga

natutuwa si Xu Jiamu sa mga sagot ni Lu Jinnian na halatang walang interes.

"En?" Sa pagkakataong ito, gusto na sanang magkwento ni Lu Jinnian pero

noong magsasalita na siya, sakto namang nagring ang kanyang phone na nasa

buksa niya, kaya nagmamadali niya itong kinuha para ang tumatawag – si Qiao

Anhao. "Qiao Qiao? Bakit?...En, naglalaro lang kami ni Jiamu ng basketball…"