Hindi nagtagal, lalo pang dumami ang mga luhang naipon sa ilalim ng mga mata ni Qiao Anhao kaya medyo lumabo na ang kanyang paningin at siguradong anumang oras ay tutulo na rin ang kanyang mga luha.
Hindi na masyadong makakita si Qiao Anhao pero naaninag pa rin naman niya ang mga kandila. Sinubukan niyang ngumiti at sabihin ang salitang "Thank you", pero noong sandaling iginalaw niya ang kanyang mga labi, hindi niya na napigilan pa ang kanyang mga luha at tuluyan na itong tumulo sa kanyang mukha.
Hinawakan ni Lu Jinnian ang cake gamit ang isang kamay at ang kabila naman ay ginamit niya para punasan ang luha ni Qiao Anhao at muli siyang nagsalita na para paalalahanan ito "Okay, make a wish."
Dali-daling tumungo si Qiao Anhao at ilang patak pa ng luha ang tumulo mula sakanyang mga mata. Lalo pang lumaki ang ngiti niya habang ipinipikit niya ang kanyang mga mata. Pagkatapos niyang magwish, muli niyang iminulat ang kanyang mga mata at isang patak nanaman ang luha ang tumulo. Huminga siya ng malalim bago niya hipan ang mga kandila.Tumingin siya kay Lu Jinnian at halatang sobrang saya niya kahit na punong puno na ng luha ang kanyang mukha. Ibinuka niya ang kanyang bibig dahil may gusto siyang sabihin pero medyo nabilaukan siya, "Thank you…"
Hindi na niya nasabi ang mga gusto sana niyang sabihin dahil ayaw nitong lumabas mula sa kanyang bibig at bigla nalang rumagasa ang kanyang mga luha.
Sa matagal na panahon niyang minamahal si Lu Jinnian, isang beses palang siyang nakaiyak sa harap nito. Isang patak ng luha lang ang tumulo sakanyang mata pero noong sandaling iyon, tinignan lang siya ni Lu Jinnian kaya agad siyang tumalikod at umalis. Matapos ang araw na 'yun, kahit ano pa man ang maging trato nito sakanya at kahit gaano pa man niya kagustong umiyak sa harap nito, mas pinipili niyang pigilan ang kanyang luha at sarilihin nalang ang pagiyak.
Matagal ng lumipas ang gabi ng birthday ni Lu Jinnian at hindi rin naman siya umiyak ng ganun katindi kahit na sobrang sumama ang loob niya, pero ngayong gabi, hindi niya alam kung anong nangyayari sakanya at hindi tumitigil ang kanyang luha sa pagpatak.
Hindi mapalagay si Lu Jinnian habang nakatingin kay Qiao Anhao na umiiyak na parang bata kaya inilapag niya muna ang cake sa coffee table. Kahit pa mukha siyang kalmado, nanginginig pa rin ang kanyang mga daliri habang pinupunasan ang mga luha nito kaya halata pa rin na nagpapanic siya. Bandang huli ay medyo kinakabahan siyang nagsalita, "Wag ka ng umiyak…"
Alam ni Qiao Anhao sa sarili niya na nagmukha siyang isip bata dahil sa pagiyak niya pero may mga pagkakataon talagang hindi maintindihan ang mga babae. Minsan kapag nasasaktan sila, at kung kailan sila dapat umiiyak, wala namang tumutulong ni isang patak ng luha sa mga mata nila. Pero kapag tumatawa sila, hindi naman nila mapigilang mapaiyak sa sobrang saya.
Sinubukang kontrolin ni Qiao Anhao ang kanyang luha at bandang huli ay natawa nalang siya. Bigla niyang niyakap ang bewang ni Lu Jinnian at ang kanyang ulo ay lumapat sa dibdib nito.
Nagulat si Lu Jinnian at hindi siya makagalaw hanggang sa maramdaman ang mga patak ng luha ni Qiao Anhao na tumatagos sa kanyang damit. Noong napansin niyang tuloy-tuloy pa rin si Qiao Anhao sa pagiyak, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang naninigas na kamay para himasin ang likod nito.
Unti-unting kumalma si Qiao Anhao at habang nakayakap kay Lu Jinnian ay itinaas niya ang kanyang ulo. Sobrang namumula na ang kanyang mga mata kakaiyak pero masaya pa rin siyang ngumiti kay Lu Jinnian at sinabi, "Pasensya na, hindi ko lang makontrol ang emosyon ko…"
Lalo pang lumiwanag ang kanyang mga mata dahil kanina pa siya iyak ng iyak. Nagmukha siyang isang batang maliit na katatapos lang umiyak noong ngumiti siya kay Lu Jinnian.
Muli siyang ngumiti at sinabi, "Ayoko ng umiyak…"
Labis na namamangha si Lu Jinnian habang tinitignan niya si Qiao Anhao. Gusto niya sanang punasan ang luha nito pero noong sandaling hawakan niya ang mukha nito, biglang nanigas ang kanyang mga kamay at hindi niya na ito maigalaw. Samantalang si Qiao Anhao naman na hindi pa tapos magsalita si Qiao Anhao pero bigla siyang napahinto sakanyang ay bigla ring natigilan. Binuksan niya ang kanyang bilugan at makikinang na mga mata, at inosente ngunit nakakaakit na tumingin ng diretso sa mga mata ni Lu Jinnian.
Matagal silang nagkatitigan na para bang akit na akit sila sa isa't-isa at nabalot ang buong kwarto ng pagmamahalan.