webnovel

Lu Jinnian, Buntis ako (18)

Editor: LiberReverieGroup

Dahil nakapwesto ang restaurant sa isang sikat na lugar, marami talagang

kumakain dito sa tuwing oras ng normal na kainan. Para makatipid sa taunhan,

may menu na gawa sa papel ang nakalagay sa bawat lamesa na mamarkahan

nalang ng mga customers at dadalhin sa counter.

Sinilip ni Lu Jinnian si Qiao Anhao at nang mapansin niya na hindi ito

nagmamarka ng kahit ano, kinuha niya ang ball pen sa isang gilid at inihagis

dito.

Napatalon si Qiao Anhao sa sobrang gulat kaya inangat niya ang kanyang ulo

at nanlalaki ang kanyang mga mata na tignan si Lu Jinnian.

Kahit na wala pa rin masyadong emosyon ang itsura ni Lu Jinnian, hindi niya

napansin na di hamak na mas kalmado at mahinahon na ang boses niya

ngayon. "Markahan mo ang lahat ng gusto mong kainin."

"Oh." Kinuha ni Qiao Anhao ang ball pen at isa isang tinignan ang nakalagay

sa menu. Dahil nakasanayan niya na, kinagat niya ang dulo ng ball pen at sa

tuwing may makikita siyang nagugustuhan niya, minamarkahan niya ng maliit.

Habang nakatitig si Lu Jinnian kay Qiao Anhao, unti unting lumabo ang kanyang

paningin habang inalala niya ang ilan sa mga nangyari noon. Kakatapos lang

ng klase niya noon sa Physical Education at may yakap pa siyang soccer ball,

nang sadyain niyang dumaan sa klase ni Qiao Anhao. May quiz ito noong mga

oras na 'yun at sa bandang dulo ito nakapwesto pero nang sumilip siya sa

classroom nito, si Qiao Anhao pa rin ang una niyang nakita.

Third year palang sila noon at tandang tanda niya na kapag hindi makasagot si

Qiao Anhao sa mga tanong ay bigla nalang nitong kakagatin ang dulo ng ball

pen nito habang nakakunot ang noo, na kagaya rin ng ginagawa nito ngayon.

Walang pinagbago, matagal pa rin ang pagitan ng pagmarka nito sa tuwing may

napipili ito.

Kahit na sadlit lang siyang nakatayo sa labas ng classroom ni Qiao Anhao, wala

siyang ibang ginawa kundi titigan lang ito sa loob ng sampung minuto. Kung

hindi pa tumakbo papalapit sakanya si Xu Jiamu na basang basa sa pawis ay

malamang hindi siya nahimasmasan kaagad.

May ilang partikular na nilalang at ala ala siguro talaga na hindi na maaring

mawawala sa isipan ng isang tao kahit na anong gawin niya para makalimutan

ang mga ito. Sa nagdaang apat na buwan, pinilit ni Lu Jinnian na kalimutan ang

lahat ng ginawa ni Qiao Anhao, pero dahil sa mga inosente nitong ikinilos

ngayon ay muli nanamang nanumbalik sakanya ang mga nakaraang ibinaon

niya na sa limot.

Nakapag'gabihan na si Lu Jinnian at hindi rin naman kayang umubos ni Qiao

Anhao ng maraming pagkain, kaya isa lang ang pinili niya sa tagal niyang

nagisip. Sa wakas, inilapag niya na ang ball pen at iniabot kay Lu Jinnian ang

menu.

Dahil sa ginawa ni Qiao Anhao, biglang nahimasmasan si Lu Jinnian at muling

nanumbalik ang kanyang walang emosyon na itsura. Tinignan niya ang menu at

nang makita niya na isa lang ang minarkahan nito, muli nanamang kumunot ang

kanyang noo. Hindi na siya nagtanong, kinuha niya nalang ang ball pen at

nagmarka ng ilan pang kahon bago siya tumayo at mag'order.

Katatapos lang ng oras ng gabihan kaya hindi nagtagal ay nagsi'alisan na rin

ang mga tao at naiserve na rin kaagad ang mga inorder nila.

Napansin ni Qiao Anhao na ang lahat ng mga pinili ni Lu Jinnian ng mabilis ay

mga paborito niya – apat na putahe, isang soup, at dessert.

Bigla niya tuloy naalala ang mahabang email na pinadala ni Lu Jinnian sa

assistant nito kaya medyo nalungkot siya.

Noong minarkahan nito ang menu kanina, halatang sobrang pamilyar nito sa

mga posisyon ng bawat putahe… Ang ibig sabihin ba nito ay laging ganito ang

inoorder ni Lu Jinnian? Hindi kaya lagi itong pumupunta sa restaurant na ito

para kainin ang mga paborito niyang pagkain?

Habang iniisip niya ang mga ginawa ni Lu Jinnian para sakanya, medyo naging

mangiyak ngiyak ang kanyang mga mata. Napakagat nalang siya sakanyang

labi at pabulong na sinabi, "I'm sorry."