Noong huling birthday ni Han Ruchu, nagalit din sakanya si Xu Jiamu dahil
nalaman nito na may kinalaman siya sa pagkaaksidente ng dati nitong
asawa, at mula noong araw na 'yun, hindi na ito umuwi sakanila kahit pa
noong Bagong Taon.
Sa sobrang lungkot, wala siyang gana kumain at uminom kaya kinailangan
siyang isugod sa ospital…At doon lang bumalik si Xu Jiamu. Inako ng
mayordoma ang kasalanan at sinabing wala siyang kinalaman para lang
kumalma si Xu Jiamu. Ilang ilang araw palang ang nakakalipas… Ngayon,
ito naman… At ang mga nangyari ngayon ay di hamak sa na mas malala sa
nauna…
Halos mamatay si Han Ruchu sa sobrang takot noong unang beses itong
umalis… Ngayon, sa ikalawang pagkakataon, hindi niya na alam kung anong
gagawin niya para bumalik ito..
Hindi niya talaga kayang mawala ang nagiisa niyang anak kaya dali-dali
siyang bumaba ng sasakyan para habulin ito. Hinawakan niya ng mahigpit
ang braso ni Xu Jiamu at nagmamakaawang sinabi, "Jiamu, galit ka
nanaman kay mama, diba? Wag ka ng magalit kay mama, okay?"
"Makinig ka kay mama, hindi sayo yung bata. Hindi ba comatose ka noong
panahong 'yun, kaya ibig sabihin sa bastardong Lu Jinnian na 'yun ang bata.
Hindi papayagan ni mama na mabuhay ang bata…Dahil hindi kaya ni mama
na makitang nagpapalaki ka ng batang hindi naman galing sayo…Ginawa na
yun mama para sayo, kaya kailangan mong maniwala kay mama…"
"Ibang tao ba si Lu Jinnian? Kapatid ko siya! Parte rin siya ng Xu family.
Ang anak niya ay anak ko rin. Bakit hindi siya pwedeng mabuhay!" Hindi
alam ni Xu Jiamu kung sakit o galit ang nararamdaman niya, o pwede ring
kaba, pero nanginginig ang kanyang boses nang siya'y magpatuloy, "Ma,
buhay 'yun. Anak yun ni Qiao Qiao at ng kapatid ko. Buhay. Humihinga.
Paano mo nagawa yun?!"
"Hindi mo kapatid ang bastardong 'yun! Nakalimutan mo na bang ninakaw
niya ang kumpanya mo!" Nanggigigil na sagot ni Han Ruchu.
"Bakit niya ninakaw ang kumpanya ko? Dahil pinatay mo ang anak niya! Isa
pa, sakanya naman talaga ang kalahati ng kumpanya. Hindi yun sa akin
lahat!"
Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, pwersado niyang hinawi ang kamay ni
Han Ruchu, kaya bigla itong nawalan ng balanse, pero dahil mabilis din ang
kilos nito, nagawa pa rin siya nitong hawakan. "Mali si mama. Nangangayo
si mama sayo na hindi ko yun uulitin, okay?"
Sa totoo lang, wala ng ibang pinaniniwalaan ngayon si Xu Jiamu kundi ang
katotohanan. Matagal niya ng alam na galit ang nanay niya kay Lu Jinnian,
at alam ng langit na naiintindihan niya kung bakit, pero hindi niya naman
naisip na aabot sa kasukdulan ang galit nito!
Tumingala siya sa kalangitan at pagkatapos niyang huminga ng malalim,
muli siyang tumingin kay Han Ruchu at kalmadong nagtanong, "May mga
nagawa ka pa bang masama sakanila? Sabihin mo na saakin ngayon.
Nagmamakaawa ako, wag mo ng pahirapan ang isip ko."
"Wala na, wala na," walang pagdadalawang isip na sagot ni han Ruchu.
Dali-dali siyang umiling at sinabi, "Totoo, wala na."
"Talaga, wala na?" Tanong ni Xu Jiamu.
Tumungo si Han Ruchu, "Nagsasabi ng totoo si Mama."
Hindi na sumagot si Xu Jiamu at tinitigan niya lang si Han Ruchu.
Medyo nailang si Han Ruchu sa titig ni Xu Jiamu kaya muli siyang nagsalita.
"Jiamu, maniwala ka kay mama. Wala na talaga. Pwede bang umuwi na
tayo? Wag mo ng gawin yung ginawa mo dati…"
Hindi pa rin umimik si Xu Jiamu, pero sa pagkakataong ito, bakas ang
pagkadismaya sa kanyang mga mata kaya biglang natigilan si Han Ruchu.
Pagkalipas ng ilang sandaling pananahimik, muli nanamnag nagsalita si han
Ruchu, "Jiamu, ano bang problema mo? Kausapin mo ako. Wag mo namang
takutin si mama, oh?"
Yumuko si Xu Jiamu at kumuha ng isang kumpol ng papel mula sakanyang
bag, na direkta niyang iniabot kay Han Ruchu.