webnovel

Ang Katapusan (41)

Editor: LiberReverieGroup

Noong gabing naghiwalay sila, gusto niya sanang magpropose dahil desidido

na siyang maging asawa ito at habambuhay na hawakan ang malambot nitong

kamay… Pero anong nangyari sakanila?

Kamusta na nga ba ang taong 'yun?

Kanina, narinig niyang mukhang maayos naman na ang buhay nito.

Eh siya? Maayos din naman… Kahit hindi sila nagpakasal ni Lin Qianqian,

sobrang tayog pa rin ng pangalan ng Xu Enterprise, at sa totoo lang, parang

mas maswerte sila ngayon dahil tuloy-tuloy ang pasok ng malalaking proyekto

nitong mga nakaraang buwan.

Pareho silang maayos ang lagay… Pero malayo sa isa't-isa.

Hindi gumagalaw si Xu Jiamu sakanyang kinatatayuan, na para bang hindi

niya nararamdaman ang makapal na yelo na naipon na sa balikat niya sa

sobrang tagal niyang nakababad sa labas, hanggang sa may isang batang

babae na biglang tumakbo papalapit sakanya, at aksidenteng napatid sa binti

niya. Pagkadapa ng bata, nagiiyak ito, na siya ring gumising sa natutulog

niyang diwa, kaya dali-dali siyang lumuhod para tinulungan itong tumayo.

Dumating naman din kaagad ang nanay ng bata. Nagpasalamat lang ito

sakanya at agad ding umalis na buhat-buhat ang anak nito.

Ilang minuto pa ang lumipas na nanitiling nakaluhod si Xu Jiamu bago siya

walang pagmamkadaling tumayo at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa

parking lot.

Pagkaupong pagkaupo niya sa driver's seat, inapakan niya kaagad ang

gasolina at kumaripas ng takbo, nang walang ideya kung saan ba talaga siya

eksakto pupunta.

Bandang huli, naisipan niyang dumaan sa sa isang twentyfour hours na flower

shop para bumili ng isang magandang bouquet ng Baby's Breath, na maingat

niyang inilapag sa passenger seat, bago siya bumalik sa driver's seat para

muling magmaneho palabas ng siyudad.

Habang palayo siya ng palayo sa siyudad, palakas din ng palakas ang

pagbuhos ng yelo na may kasama pang hangin, kaya kinailangan ni Xu Jiamu

na magmenor sa pagmamaneho para hindi siya maaksidente, kaya ang

dalawang oras sanang byahe ay naging kulang kulang tatlong oras.

Huminto siya sa isang sementeryong kasalukuyang nababalot ng makapal na

yelo. Puno ng pagiingat, naglakad siya papunta sa isang partikular na puntod

at lumuhod sa harapan nito. Gamit ang kanyang kamay, maingat niya itong

pinunasan, pero dahil may mga parteng nanigas na ang yelo, hindi niya

namalayan na aksidente niyang nasugatan ang kanyang kamay.

Pagkatapos, dahan-dahan niyang inilapag ang binili niyang Baby's Breat sa

ibabaw ng puntod.

Walang nakalagay na picture, pero nakatitig lang siya sa lapida ng sobrang

tagal, bago niya ito dahan-dahang himasin.

"Hindi alam ni daddy kung anong gusto mong bulaklak kaya iba-iba nalang

yung dinadala ko sa tuwing bumibisita ako sayo. Alam mo ba? Sa dami ng

klase ng bulaklak sa flower shop na 'yun, nabili na ni daddy lahat, kaya sa

susunod, laruan nalang ang ibibili ko sayo, gusto mo ba 'yun?

"Pasko na… Kung nabubuhay ka pa, sigurado akong naipanganak ka na sana,

at kung sakali, ito ang pinaka una mong pasko. Siguro kung nandito ka, hindi

na magkanda'ugaga si daddy kakahanap ng ibibili para sayo…

"Baby, may kuya ka nga pala. Tinatawag naming siyang Little Rice Cake. Alam

mo ba? Sobrang cute niya, tapos sa tuwing hinahawakan niya yung daliri ko,

ramdam na ramdam ko kung gaano siya kalambot. Kung sakali bang

naipanganak ka at hinawakan mo rin ang daliri ko, ganun din kaya ang

mararamdaman ni daddy?

"At… sobrang miss na tin ni daddy ang mommy mo…pero ayaw niya na kay

daddy eh…"

Sobrang emosyunal ng boses ni Xu Jiamu, at habang nagpapatuloy, hindi niya

na napigilang maiyak. Marami pa siyang kinuwento… mga ginawa niya sa

buong araw, mga nakasalumuha niya…at mga pinanghihinyangan niya….

pagkalipas ng mahigit isang oras, malambing siyang ngumiti sa puntod at

sinabi, "Aalis na muna si daddy, wag ka magalala, bibisitahin ulit ka, ha?"

Muli, sa huling pagkakataon, tinitigan niya ang puntod bago siya tumalikod at

bumaba sa bundok.

Alas dos na ng umaga noong naka'upo siya sa driver's seat, at imbes na

magmadaling magmaneho pabalik sa siyudad, sumandal siya sa manibela.

Mula kanina, hindi na naalis sa isip niya ang lyrics ng kanta, at pakiramdam

niya ay paulit-ulit niya itong naririnig.

"If we had been stronger, there might be no need for regret..." 

"Kung mas naging matatag lang tayo, sana hindi tayo nagsisisi ngayon…"