webnovel

Ang Katapusan (23)

Editor: LiberReverieGroup

Dalawang araw ng humahanap ng tyempo si Xu Jiamu para makausap si Lin

Qianqian, at ngayong ito na mismo ang tumawag, sa tingin niya ito na ang

tamang pagkakataon para tapusin na ang mga kailangan niyang tapusin.

Pumayag siyang makipagkita ng bandang tanghalian kinabukasan, at bilang si

Lin Qianqian ang kausap niya, marami pa itong sinabi na wala naman siyang

pakielam. Kung pwede niya lang gawin, binabaan niya na ito, pero base sa

pagkakakilala niya rito, mangungulit lang ito ng mangungulit, kaya iritang irita

siyang humithit ng sigarilyo para mabawasan ang stress. Hindi nagtagal,

sumilip siya sa dining table, at nang makita niyang nakatitig sakanya si Song

Xiangsi, parang biglang huminto ang tibok ng kanyang puso, at dali-daling

nagpaalam. "May gagawin pa ako, bukas nalang tayo magusap."

At hindi pa man din nakakasagot ang kausap niya sa kabilang linya, bigla

niyang pinindot ang 'end call' at humithit ng dalawang mabilasan bago siya

atat na atat na bumalik sa sala.

Pagkapasok niya sa pintuan, sinilent niya ang kanyang phone, sa takot na

baka tumawag nanaman si Lin Qianqian, at naglakad siya pabalik kay Song

Xiangsi at masayang nagtanong, "Ano nga ulit yung gusto mong sabihin sa

akin?"

"Wag mong kalimutang maguwi ng prutas bukas," pagsisinungaling ni Song

Xiangsi.

"Oh." Yumuko si Xu Jiamu para magpatuloy sa pagkain, pero hindi pa man din

niya nalulunok ang sinubo niya ay tumingin siya kay Song Xiangsi at halos

hindi na maintindihang nagsalita, "Anong prutas ang gusto mo?"

"Kahit ano," Sagot ni Song Xiangsi habang nanunuod ng TV.

"Mmh."

-

Kinaumagahan, maagang gumising si Xu Jiamu para pumasok sa trabaho.

Gising na rin si Song Xiangsi noong naghahanda si Xu Jiamu, pero hindi

kagaya ng nakasanayan, pinaalis niya muna ito bago siya dumilat.

Taliwas sa Song Xiangsi, na palaging nagmamadali, ilang minuto rin siyang

nakaupo sa kama niya habang nakadungaw sa bintana, bago siya tuluyang

bumangon at maglakad papunta sa CR.

Pagkatapos niyang maligo, imbes na mag'umagahan ay dumiretso siya sa

study room para maghanap ng flight sakanyang laptop.

Nang masigurado niyang naayos niya na ang lahat, naglakad siya papunta

sakanyang vault para kunin ang passport niya. Isinisik niya ito sa kanyang

bag, at dala-dala ito, umalis siya ng kanyang apartment.

Dumaan muna siya sa Xu Enterprise, pero hindi siya bumaba at naghintay

lang sa loob ng kanyang sasakyan. Pagkalipas ng halos kalahating oras,

nakita niyang lumabas ang sasakyan ni Xu Jiamu mula sa underground

parking. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano eksakto ang ginagawa niya,

pero nang makita niyang medyo nakalayo na ito, dahan-dahan siyang

nagmaniobra, at sundan ang sasakyan nito, hanggang sa makarating sila sa

Jade Wave Garden.

Pagkababang pagkababa ni Xu Jiamu, kitang-kita niya mula sakanyang

posisyon na sinalubong ito ng isang babaeng, masayang yumakap sa braso

nito habang naglalakad papasok ng Jade Wave Garden.

Nakatitig lang siya sa dalawa hanggang sa tulayan ng makapasok ang mga

ito. Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin

maintindihan na hindi talaga sila para sa isa't-isa ni Xu Jiamu… Pero

kailangan niyang maging matapang… Para sa sarili niya… Pagkalipas ng ilang

sandali, kinuha niya ang kanyang phone, "Ako 'to, si Xiansi… Mmh. Oo, yung

tungkol sa surgery… Pwede ba ngayong tangali? Sige… Papunta na ako."

Pagkaputol ng tawag, hindi niya na napigilan ang kanyang mga luha na

tuluyan ng bumuhos kaya para pigilan ang mga ito, pinunasan niya ang

kanyang mukha, na para bang wala siyang pakielam sa balat niya, at buong

loob na inistart ang kanyang sasakyan.

Sa totoo lang, natatakot siya na baka dumating ang araw na pagsisihan niya

ang naging desisyon niya, pero sa kabila nito, tumuloy pa rin siya sa ospital,

at pagkarating na pagkarating niya, ginawa niya ng mabilisan ang mga dapat

niyang gawin – nagregister, nagbayad, nagpacheck up, at… pinirmahan ang

mga form.

Medyo maselan ang operasyon kaya sinigurado ng gynecologist na nabasa

muna nito ang lahat ng sinulat niya, bago ito muling tumingin sakanya para

magtanong, "Xiangsi, tatanungin kita sa huling pagkakataon, gusto mo ba

talagang ipalaglag ang bata?"