webnovel

Ang Katapusan (21)

Editor: LiberReverieGroup

Pagkalipas ng ilang segundo, hindi siya makapaniwalang nagtanong, "Paano

siya namatay?"

"Nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pagputol ng dila niya." Huminto ng

bahagya si Lu Jinnian para bigyan ng pagkakataon si Qiao Anhao na

maproseso ang balita, "Kahapon siya namatay at kagabi siya nilibing."

Sa totoo lang, noong isang araw pa ito namatay, noong mismong araw ng

kasal nila, pero pinili ni Xu Jiamu na iatras ng isang araw ang libing nito.

Hindi na nakapagsalita si Qiao Anhao.

Maraming nagawang kasalanan si Han Ruchu – pinatay nito ang anak nila,

sinaksak si Qiao Anxia, na ngayo'y hindi pwedeng magbuntis, at nagudyok kay

Lu Jinnian na magpakamatay… At habang iniisip niya ang mga ito, aminado

siyang gusto niya itong patayin… Pero ngayong nabalitaan niyang, patay na

talaga ito, maging siya ay nalungkot din.

Kahit gaano pa kasama ang mga naging kahapon nila, hinding hindi magiging

magandang balita ang kamatayan, at dahil dito, nawalan na ng gana si Qiao

Anhao na magshopping kaya nagyaya nalang siyang umuwi sa Mian Xiu

Garden.

Habang nasa byahe, hindi maalis sa isip niya ang malungkot na balita kaya

muli siyang nagsalita, "Kahit kailan, hindi ko inasam na mamatay siya ng

ganun kalala kahit na sobrang galit ako sakanya."

Hinayaan lang ni Lu Jinnian na maglabas ng sama ng loob si Qiao Anhao at

hindi na sumagot.

-

Pagkatapos ng kasal, isa lang ang tungkulin ni Qiao Anhao – ang alagaan ang

sarili nito para sa bata.

At Si Qiao Anxia naman ay ang magpagaling kaagad.

Hindi naman maselan ang pagbubuntis ni Lu Jinnian pero dahil sa kagustuhan

niyang mabantayan si Qiao Anhao ng bente kwatro oras, nagdesisyon siyang

iuwi nalang ang karamihan sa mga trabaho niya, at hanapin ulit si Madam

Chen para maging katuwang nila sa gawaing bahay.

Si Xu Jiamu naman, bumalik na rin sa trabaho tatlong araw pagkatapos

mamatay ng kanyang mama.

Sa loob lang ng ilang araw, tuluyan ng bumalik sa normal ang lahat – o ang

mas bagay na salita ay: masaya na ang lahat ngayon.

Sa ikapitong araw ng pagpanaw ni Han Ruchu, pumunta si Xu Jiamu sa

sementeryo na may dalang bulaklak para mag tirik ng insenso, kaya alas

nuebe na ng gabi noong nakauwi siya sa Su Yuan apartment.

Pagkabukas niya ng pintuan, sumalubong sakanya ang tunog ng TV. Nakita

niya si Song Xiangsi na nakahiga sa sofa at nakatalukbong ng manipis na

kumot. Para sakanya, sobrang nakakawala ng pagod ang imaheng ito kaya

pagkalapag niya ng susi ng kanyang sasakyan sa kabinet, kalmado siyang

naglakad palapit dito.

"Kumain ka na?" Pagkatapos niyang magtanong, napansin niyang nakatulog

na pala ito.

'Huh… maaga pa naman ah.. Bakit nakatulog na siya kaagad?'

Dahan-dahan siyang yumuko para titigan ang mukha nito.

Ilang segundo niya ring tinitigan ang napakaganda nitong mukha bago siya

tumayo para maingat na buhatin ito papunta sa kwarto. Nang maihiga niya na

ito sa kama, kinumutan niya na ito para hindi ginawin, pero noong sandali ring

iyon, bigla itong dumilat at antok na antok na nagtanong, "Nakauwi ka na?"

"Mmh."

Dahan-dahang umupo si Song Xiangsi. "Kumain ka na?"

Umiling si Xu Jiamu.

Tinirhan kita ng pagkain. Iniwan ko sa flask." Sagot ni Song Xiangsi habang

hinahawi ang kumot.

Pero bigla siyang hinawakan ni Xu Jiamu para pigilan, "Ako na, matulog ka

na."

"Okay lang, nakatulog na rin naman ako ng mahaba." Siguro dahil sa

pagbubuntis niya, lagi talaga siyang inaantok nitong mga nakaraang araw,

pagod man o hindi.

Sa totoo lang, gusto rin naman ni Xu Jiamu na makausap muna si Song

Xiangsi kaya hindi na siya tumanggi. Habang iniit nito ang pagkain, sumandal

siya sa pader, at hindi niya namalayang nakangiti na pala siya habang

pinagmamasdan ito.

Nakapag'gabihan na si Song Xiangsi, pero sinamahan niya pa rin si Xu Jiamu

sa dining table habang kumakain.