"Ayokong magbakasyon." Alam ni Qiao Anhao na hindi siya naiintindihan ni Lu
Jinnian kaya umiling siya at sinabi, "Gusto kong magmigrate."
"Bakit mo naman yan biglang naisip?" Biglang napakunot si Lu Jinnian ng
kanyang noo, at hindi nagtagal, nakarandam siya ng hindi maipaliwanag na
kurot sakanyang puso, "Dahil ba sa nangyari sa internet?"
Pagkatapos ng pangalawang tanong, bigla siyang yumuko at malungkot na
sinabi, "Qiao Qiao, patawarin mo ako kung hindi kita maprotektahan."
Hangga't maari, gusto niya sanang tumanda sila sa siyudad na kinalakhan ni
Qiao Anhao, dahil sa sobrang pagmamahal niya rito, gusto niyang makita itong
masaya kasama ang pamilya at mga kaibigan nito.
Kaya sobrang nalulungkot siya na dahil sa kasamaan ng ibang tao, naisip
nalang nitong magpakalayo…
Hindi naman intensyon ni Qiao Anhao na sisihin ni Lu Jinnian ang sarili nito
kaya para linawin ang lahat, niyakap niya ito ng mahigpit at malambing na
nagpatuloy, "Sa totoo lang, wala akong pakielam sa sinasabi ng iba. Iniisip ko
lang, paano kung magka anak tayo, ayoko namang kumabi ang magiging anak
natin sa ganitong klase ng paligid.
"Lu Jinnian, alam mo….. kung tayo lang, baka kaya pa nating depensahan ang
mga sarili natin, pero iba ang dating nun sa bata. Umalis na tayo dito. Kahit na
ibig sabihin nun ay kailangan nating magumpisa ulit, ayos lang yun. Makakakita
tayo ng mga bagong kaibigan, basta ang mahalaga magkasama tayo."
Tama….Ang mahalaga ay magkama sila. Kahit saang siyudad, bansa, o sulok
man yan ng mundo, basta magkasama sina Lu Jinnian at Qiao Anhao, wala ng
mas gaganda pa sa bagong bukas na naghihintay.
Ano nga yung kasabihan na 'yun?
Ah tama…'Home is where the heart is.'
Kung nasaan man si Qiao Anhao, dun ang tahanan ni Lu Jinnian.
At kahit saan pa siya magpunta, sisiguraduhin niyang magkasama sila.
Ngayong naiintindihan niya na ang lahat, walang tutol siyang tumungo at sinabi,
"Sige, magmaigrate tayo. Sundin natin ang naisip mo."
Napangiti nalang si Qioa Anhao sa sagot ni Lu Jinnian. Masyadong mabilis ang
mga nangyari at sa totoo lang, kahit kailan, hindi niya naisip na isang araw ay
kakailanganin niyang iwanan ang bansang kinaklhan niya ng mahigit
labindalawang taon… pero bilang isang ina, handa niyang gawin ang lahat para
sa magiging anak niya. Alam niyang may parte sa puso niya na Beijing lang
kukumpleto, pero masyado ng mapanakit ang lugar na ito at hindi niya hahayaan
na sa ganitong lugar lumaki ang mga magiging anak nila, kaya tama… hanggat
kasama niya si Lu Jinnian, handa siyang magumpisa ng panibagong buhay.
Para hindi maramdaman ni Lu Jinnian ang lungkot na nararamdaman niya,
sinubukan niyang wag magpahalata at kwnetuhan ito ng mga bagay na pwede
nilang gawin kapag nagmigrate na sila.
"Pwede tayong bumili ng magandang bahay tapos lagyan natin ng duyan sa
labas. Kapag summer at mainit sa loob, pwede tayong magkape dun pagsapit
ng gabi…
"Bibili tayo ng dalawang aso. Gusto ko parehong Labrador kasi sabi sa reaerch,
sila raw ang pinaka matalinong aso sa mundo, at pwede silang makipaglaro sa
baby natin…
"At Lu Jinnina… kapag makulit ang baby natin, kailangan mo siyang pagalitan
tapos papatahanin ko siya para sa isip niya, si mommy ang mabait…
"Kapag lumaki na siya, sabay-sabay nating lilibutin ang mundo…"
-
Noong nagising si Song Xiangsi sa kalagitnaan ng gabi, napansin niya na wala
si Xu Jiamu sa tabi niya.
Kinuha niya ang kanyang phone para icheck ang oras. Bukod sa nakita niyang
ala una palang ng madaling araw, mayroon din siyang unread message sa
WeChat mula kay Qiao Anhao na nareceive niya ng mga bandang alas onse ng
gabi: [Sister Xiangsi, nagusap na kami ni Mr. Lu….Aalis na kami ng bansa kaya
kung may oras ka, gusto ka sana iinvite na kumain.]
Aalis ng bansa? Dahil ba ito sa scandal? Oo nga naman, ngayon na buntis na si
Qiao Qiao, hindi na talaga madaling manirahan dito sa China dahil nakakaawa
ang bata kapag nadamay ito sa galit ng mga tao…
Dahil masyado ng malalim ang gabi, hindi na muna nagreply si Song Xiangsi
kay Qiao Anhao.