webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · โรแมนซ์ทั่วไป
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 30

~**~

C H A P T E R T H I R T Y

Napanganga ako sa sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Lian at parehong nagtataka. Hindi siya nagalit? Inaasahan ko pa naman na magta-transform siya into beast.

"Unang beses palang na nakita ko kayong dalawa na magkasama kahit na nagsasapakan kayo, naramdaman ko ng may sisira ng huling rule ko." Pinatayo niya kaming dalawa ni Lian. Siya rin tumayo at humarap sa mga tao. Ngumiti siya tapos binalik ang tingin sa amin. "Matagal ko ng alam. Hinihintay ko lang na aminin ninyo sa akin."

"Pero nung award ceremony, galit po kayo sa amin," sabi ko. Di pa rin makapaniwala na nakangiti si PD despite na nilabag namin ang isang rule.

"It's because basta basta nalang kayo gumawa ng move without my consent. Nag-alala lang ako para sainyong dalawa."

"Hindi ka talaga galit, PD?" tanong ni Lian.

"Gusto mo ba magalit ako?"

"Baka naman nagbabait baitan ka lang dahil may mga media?"

Sumama ang aura ni PD dahil sa sinabi ni Lian. Siniko ko nga. Imbes na good mood, bina-badtrip niya eh.

"Is that it?" Napatingin ang lahat kay Sir Paul, ang big boss namin, ang co-founder ng Big Hint Entertainment. "They disobeyed one of our rules and you forgive them just like that? Paniguradong maraming artist natin ang maggagayahan sa dalawang iyan! Hindi naman pala big deal kung labagin nila ang rules, eh. Wala ng susunod sa atin!"

"Gaya ng sabi ni Lian, falling in love is not in the rules. And will never be a rule. We have to revise the last rule," mahinahong tugon ni PD.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Lian sa kamay ko. Kahit papaano, humihinahon ako dahil dun.

Waaah, nakaka-tense. Ngayon ko lang nakitang nagsasagutan si PD at si Sir Paul.

"Ang sabihin mo, may favoritism ka lang."

"Wala akong favoritism, Paul. Pantay pantay ang turing ko sa mga artist maging sa mga trainees natin."

"Eh anong tawag mo kay Jonald? Sige nga, bakit hindi mo winalang bahala ang paglabag niya sa rule gaya ng pagwawalang bahala mo sa ginawa ng dalawang 'yan?"

"Alam natin pareho ang totoo, Paul. He used illegal drugs. Binigyan ko siya ng chance pero sinayang niya lang. Mas mabigat ang nilabag ni Jonald. It deserves punishment."

"Mabigat? A rule is a rule─"

"I will take responsibilities."

Napatameme si Sir Paul.

"If they cause trouble because they break the rule, I will take responsibilities."

Tumawa ng pagak si Sir Paul. "Naririnig mo ba yang sinasabi mo?"

"Sigurado naman akong walang maidudulot na masama kung hahayaan natin silang dalawa. Mas magiging complicated at hassle pa nga kung hindi natin sila hahayaan dahil gagawin at gagawin nila ang lahat kahit na magkagulo. Because falling inlove means breaking the rules."

Nagkatinginan na naman kami ni Lian at sabay na napangiti. PD was right. Gagawin talaga namin ang lahat. At gusto ko ang huli niyang sinabi.

"Hindi talaga ako makapaniwala. Tayo ang dahilan kung bakit nila natupad ang pangarap nila tapos─"

"Hindi tayo ang may dahilan. Kaya nila naabot ang pangarap nila ngayon dahil iyon sa sariling pagsusumikap nila."

Bumuntong hininga si Sir Paul. "Bahala ka na nga. Basta kapag ito nagdulot ng pangit sa kompanya natin, humanda ka!"

"Chill ka lang kasi. Just trust me with this."

Sir Paul rolled his eyes. "May magagawa pa ba ako? Ayoko namang magmukhang kontrabida dito." Umupo siya at pilit na ngumiti, as a sign na ituloy na ang ceremony.

I giggled. Ang saya, saya ko! Tama si Jisoo. Puro ako conclusion. And that made me turn everything complicated. Pero ayos na rin. Atleast, napatunayan kong mahal talaga ako ni Lian. That he can do everything for me.

Minsan talaga dahil puro tayo conclusion, lalo nating napapalala ang problema. Why not set aside all the assumptions and take the risk?

And so, the wedding ceremony continued. For now, it's only for the show. But time will come, we will get married for real.

"Lian, gusto ko lang mag-reply sa sinabi mo sa stage nung awarding night," sabi ko kay Lian habang magkahawak kamay kaming naglalakad sa aisle. "Falling in love with you, my labelmate, was against the rule but it never felt wrong. I love you, too, L."

Jisoo was right. I was full of conclusions. Sometime it doesn't need to drown ourselves with the conclusions especially with the negative ones. Take the risk. Because love is worth fighting for... may you win or lose.

We break the rule, because we fall in love.