webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · โรแมนซ์ทั่วไป
เรตติ้งไม่พอ
32 Chs

Chapter 2

**

C H A P T E R T W O

"Pirmahan mo nalang kaya!" utos ko kay Lian. "Ang dami pang arte."

"Uulitin ko na naman ba?" frustrated na sabi niya.

Well, parehas kaming frustrated dito sa loob ng limousine habang pinagdidiskusyunan ang tungkol sa 1hundred Days. Isa rin si Direk BS na malakas mag-trip eh. Months ago, sa isang show kung saan guest ang UNQS at Pentagon, tinanong si Lian kung sino ang gusto niyang maging partner if ever na mapipili siyang participant sa 1hundred Days, sinabi niyang kahit sino sa UNQS wag lang ako. Tapos ngayon kami ang pinagpa-partner? Hay nako.

"Kailangan mo muna akong suyuin at ligawan bago ko pirmahan ang contract. And within ten days, dapat napirmahan ko na yan."

Sinabayan ko na siya sa sinabi niya. Sa ilang beses ba naman niyang inulit kanina yan, kung di ko pa makabisado.

"Pirmahan mo na lang kasi. Wag na maraming arte," inulit ko na naman.

"No way! Sayang ang pagkakataon."

"Sayang ang pagkakataon na ma-bully mo ako nang makabawi ka?"

Ngumisi siya at tumango tango.

Kilalang kilala ko na siya. Alam kong gagamitin niya ang contract para mag-take advantage.

"Ako nga pinirmahan ko agad, eh. Ikaw din dapat."

"Eh hindi naman kita kailangan suyuin. Ang nasa instruction─"

"Ako ang dapat manliligaw," tinapos ko na ang sasabihin niya. Alam ko na eh.

"Alam mo naman pala."

"Ayoko. I back out. Iba nalang kamo ang piliin nilang female participant. Daming kaartehan. Ako pa manliligaw? Diba dapat ikaw kasi lalake ka? Besides, ayaw ko sa ka-partner ko. Mukhang unggoy eh."

"Unggoy, ha? Unggoy?" Nilapit niya ang mukha niya sa akin.

He has a white flawless skin, a beautiful chinito eyes, perfect nose and natural red lips that has a curve to die for. Aside from his eyes, his lips is my favorite. It is his second asset next to his eyes. Maganda ang kurba ng labi nya lalo na kapag nagsasalita siya. It makes me stare at it. Plus his two sexy dimples. Bakit pinagpala ng husto ang unggoy na ito?

Nilagay ko ang kamay ko sa gwapo niyang mukha at tinulak iyon.

"You can't back out. Napirmahan mo na yung contract as a female participant. Once you signed the contract, there's no turning back. So you have no choice but to follow their instructions. The very first one is... court your partner." Ngumiti siya na parang aso. "You can court me by entertaining me, Xiana."

*

"Yan, Xiana. Yan, sige, dyan pa."

Ang saya saya ng mokong habang minamasahe ko siya. Nasa mini park kami, sa lugar kung saan walang tao. Pumayag akong magpaalipin sa mokong basta walang ibang tao. Kilala ako ng marami as a strong woman, ang iba pa nga tinatawag akong "Sassy Girl", tapos makkita nila ako nagpapaalipin kay Lian?

"Parang gusto ko ng beef burger. Bili mo naman ako, Xiana."

"Ayoko nga! Ang layo layo ng cafeteria dito."

"OK. Di ko pipirmahan ang contract. Malapit ng matapos ang RemJi episode. Kapag di ko pinirmahan, walang next participants. Masisira ang show at ikaw ang may dahilan nun."

"Ilan ba gusto mo?" Pumayag na ako kahit nakakainis na.

Once I mess up the show, maraming maiinis sa akin. Everybody loves the show kaya sigurado yun. Posibleng madamay ang Big Hit Entertainment at ang UNQS. Ayaw ko naman na bumagsak sila dahil lang sa akin. Pinaghirapan naming lahat kung ano ang naaabot namin ngayon.

"Tatlo lang. Tapos samahan mo na rin ng milkshake. Large ah."

"Pera." Nilahad ko ang palad ko sa harap niya.

"Sagot mo na."

"Wala akong pera."

"Leader ng isang Best Female Group walang pera? Imposibleng mababa ang binabayad sainyo."

Sa inis ko, tumalikod na ako hindi pa man siya ganap na tapos magsalita. Ang daldal eh. Nakakairita. Kung hindi lang dahil sa contract na panakot niya, kanina ko pa nabigyan ng sakit sa katawan ang lalaking yun.

Mali rin naman ako. Pinirmahan ko agad ang kontrata without thinking twice. Hindi manlang ako nanghingi ng advice kay PD. Sana pala inalam ko muna kung sino ang magiging partner ko bago ko pinirmahan ang kontrata.

Nasa huli talaga palagi ang pagsisisi.

Hindi inabot ng cashier ang bayad ko sa biniling tatlong burger.

"Ako na po ang bahala. Pero pwede pa-picture?"

Ngumiti ako at tumango. After 4 shots, I excused myself to leave. Pag-ikot ko, natigilan ako dahil narinig ko ang isa sa mga kanta ng Sexy Beast. Tumingin ako sa screen na nasa center part ng cafeteria. Pini-play sa screen ang music video ng Sexy Beast na ang title ay "Faster".

I stood there while grinning like a fangirl. Well, I am a fan of the Sexy Beast. Lalo na si Gab. Crush na crush ko siya noon pa man.

Nung natapos na ang MV, saka ko lang naalala na may unggoy na naghihintay sa akin. Tumakbo na ako para mabilis na mapuntahan siya.

"What took you so long?" Magkasalubong ang kilay niya at halatang inip na inip.

Umupo ako sa tabi niya at nilagay sa gitna namin ang mga pinabili niya. "Tinapos ko pa kasi yung Faster MV ng Sexy Beast sa caferteria."

"Oh, ano ngayon? Wala namang binatbat sa'kin 'yang Sexy Beast na yan."

Napasinghap ako sa kayabangan niya. "Wow, ang hangin!"

Kinuha niya ang dalawang burger. Binigay niya sa akin ang isa kaya kahit papaano natuwa ako. "Kawawa ka naman eh," sabi pa niya. 

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bigay mo na rin kaya 'yang milk shake mo sa'kin?" 

"Sure." Nakangiti siya ng malapad nang ipinaubaya niya sa akin ang inumin niya. "Ayoko pala ng milk shake," aniya. 

Tinusok ko ang straw sa plastic top at sinimulan ng inumin. 

"Gusto ko ng fried ice cream. Bili mo nga ako." 

Naibuga ko ang iniinom ko. 

"Ang dugyot mo talaga," sabi niya. 

Sinapok ko nga sa ulo. "Gusto mo talagang nahihirapan ako, ano?" 

"Ganun na nga," ngiti-ngiting sabi niya. 

"Sige na, ibili mo na ako hangga't nakakapagtimpi pa ako." 

Tumayo ako at hinila ang kwelyo niya. "Talagang ikaw pa ang nagtitimpi ha! Humanda ka talaga sa akin! Lintik lang ang walang ganti!" gigil na sabi ko bago nag-walk out... para ibili siya ng fried ice cream.