webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · โรแมนซ์ทั่วไป
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 24

C H A P T E R  T W E N T Y F O U R

~**~

Nasa labas kami ng bahay at nag-iihaw ng bangus. May mga camera-ng nakatutok sa amin. We're filming. Kami ni Lian patay malisya as if hindi kami tumakas kagabi. Walang ibang nakakaalam kundi sa pinagkakatiwalaan naming si Arcel.

"Paano mag-ihaw ng bangus? Magpaypay-paypay ka lang parang ganito."

Nagtawanan ang crews sa kakornihan ni Lian. Actually kanina pa siya daldal ng daldal wala namang ka-kwenta kwenta yung sinasabi niya.

Ako naman medyo hindi mapakali. Kanina pa kasi ako may napapansing wirdong tao na nakasalamuha sa crews. Naka-hat ito at nakasuot ng shades. Kapag tumitingin ako sa kanya, bigla siyang yuyuko at mag-iiwas ng tingin in a way na tinatago niya ang mukha niya.

"Tips para malaman kung luto na ang bangus: Kumuha ka ng tinidor." Umalis siya saglit sa tabi ko at kumuha ng tinidor sa mahabang lamesa. Pagbalik niya, "Tapos tikman mo." Pumikit siya habang nginunguya ang laman ng isda na kinuha niya. "Hm, pwede na." Tumingin siya sa akin ang nginitian ako. Tapos, pinaypayan. "Pinagpapawisan ka na, Babe."

Namula ako nang tawagin niya akong babe. Pinaypayan ko rin siya. Yung tipong tumatama na ang pamaypay sa mukha niya. At aba ang mokong gumanti. Naglaban na kami. Natigilan lang kami ng may sumigaw.

"ISA! KAPAG KAYO NAPASO SA IHAWAN!"

Nagkatinginan kami ni Lian at sabay na humarap sa 1hundred Days team.

"Narinig ba natin ang boses ni PD?" tanong ni Lian.

"I guess so."

Sinama na  namin ang dalawang malalaking inihaw na bangus sa mga nakahaing pagkain sa mesa. Kumikinang ang mga mata ko at napapakagat labi habang pinagmamasdan ko ang masasarap na pagkaing nakahain. Nakalatag ang kanin sa dahon ng saging. Bukod sa inihaw naming bangus ni Lian, may inihaw rin na manok, pusit at liempo. May steamed shrimp, alimango at iba pang seafoods. May saging din. Waaah, I'm sooo excited nang magsimula ang boodle fight naming dalawa ni Lian. Naghihintay nalang kami ng cue.

Nagtinginan kami ni Lian in a way na para kaming magrarambulan. Tapos, pareho naming pinatunog ang buto namin sa kamao.

Nang magbigay ng cue si Sunny, nagsimula na kaming kumain na parang construction worker. Wala na akong pakialam sa poise ko. At ganun rin naman siya. Naririnig kong nagtatawanan ang mga tao sa paligid namin habang pinapanood kami.

"Xiana," tawag sa akin ni Lian kaya napatingin ako sa kanya. Punong puno ang bibig niya to the point na halos hindi niya clearly nabigkas ang pangalan ko.

Tinaasan ko siya ng kilay habang ngumunguya. Hawak ko ang isang alimango.

"Asdfghjklssadgyawdbasbjx."

"Ha? Yak yung kinakain mo tumatalsik! Wala kang manners!"

Uminom siya ng tubig bago nagsalita ulit. "Sa'yo pa talaga nanggaling yan ah." Pinakita niya sa akin yung braso niya na puro butil ng kanin.

Nanlaki ang mga mata ko. "Oy di sa'kin galing yan!" At sa nakakahiyang pangyayari, nasaksihan ko kung paano tumakas ang isang butil ng kanin sa bibig ko. Nagtakip ako ng bibig at nag-sorry.

Tumawa si Lian. "Sabi sa'yo eh. Mas dugyot ka."

"Ehh!" Pumadyak ako at pinalo siya sa braso.

"Ang sabi ko magdahan dahan ka sa pagkain mo ng alimango baka masugatan ka."

"Ang sweet mo naman." Mabilis akong dumakot ng maraming kanin at sinubo sa kanya. Kinuha ko rin ang binalatan kong hipon kanina at sinubo rin sa kanya. Pinagkasya ko sa bibig niya kahit punung-puno na.

Tawang tawa akong pinapanood siya. Nakahawak na siya sa bibig niya. Di niya malaman kung paanong nguya ang gagawin niya. Ha-ha!

Kumain na ulit ako.

"Xiana." Tinawag ulit ako ni Lian. Infairness, wala ng laman ang bibig niya.

Pagtingin ko sa kanya, pinakita niya sa akin kung paano niya dinidikit ang liempo sa bibig niya. Yung mantika tuloy nun naiwan sa bibig niya at halos maabot nga nito ang pisngi niya.

"Dugyot mo talaga!" sita ko sa kanya at inirapan siya.

Kukunin ko na sana ang pitsel para uminom ng tubig kaso bigla niya akong hinalikan sa pisngi kaya natigilan ako. Tapos hinawakan ko ang pisngi kong ramdam ko ang sebo ng mantika.

"YUCKKKK!" gigil na sigaw ko.

"Yuck ba?" Tapos hinalikan na naman niya ako sa kabilang pisngi!

"NAPAKADUGYOT MO TALAGA!" Dinikit ko ang palad ko sa pinaglalagyan ng liempo at pinahid ko ang mantika sa bibig at pisngi ko. Nilapitan ko si Lian, tumingkayad ako at kiniskis ko sa pisngi niya para malipat sa kanya ang mantika.

Tawa siya ng tawa na parang kinikiliti.

Nung nararamdaman kong wala na akong mailipat na mantika sa kanya, hinalikan ko siya sa noo dahil may mantika pa ako sa bibig.

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at tinitigan. Ganun din siya sa akin. Tapos.... sabay kaming tumawa ng malakas. Ang dungis namin pareho.

"XL. The most disgusting couple ever. Tsk, tsk, tsk."

"But sweet." Sunny giggled.

That's when we realized na hindi lang nga pala kami ang tao dito. There's the crews with the cameras. Pero hindi ayun ang main point nang paglingon namin ni Lian. Narinig na naman kasi namin ang boses ni PD.

"PD?" sabay na sabi namin ni Lian nang mapatunayang nandito ang pinakamamahal naming PD.

He then looked startle. Sinuot niya muli ang eyeglasses niya at akmang aalis pero nagsalita si Lian na ikinatigil niya.

"Naks naman, PD. Napaka-supportive mo talaga. We all know you're a busy person but look you're here giving us moral support."

Lumingon si PD at inalis ang sunglasses niya. Nakabusangot ang mukha.

"The main reason why I'm here dahil hindi ako mapalagay. Sa harot ninyong dalawa? Baka kung anong kalokohan ang gawin ninyo na ikasasama ng company." Tumikhim siya. "Pangalawa lang yung suportahan kayo."

"Ayeee! Kunyare ka pa, PD. Lagi mong binabanggit ang company pero ang totoo nag-aalala ka lang sa'min."

"Oo, nag-aalala nga. Sa kaharutan ninyo kayo din ang tatapos ng mga buhay ninyo. Kanina nga lang konting tulakan pa't tatama na kayo sa ihawan. Ang kukulit niyo talaga!"

Lian and I glanced at each other then grinned like we're thinking the same way. Tapos lumapit kami kay PD. Nag-give way ang ibang crews at inayos nila ang posisyon ng camera.

"We miss you, PD!" At pinahiran namin siya ni Lian ng mantika sa mukha. Lumayo at tumakbo lang kami nung nagwala siya.

***

"Xiana, samahan mo akong magkape," sabi sa akin ni PD.

Mula sa panonood sa 1hundred Days team na masayang naliligo sa dagat, nalipat ang tingin ko sa kanya. With the corner of my eye, nakita kong lumingon din si Lian sa kanya.

"Ako, hindi mo isasama?" tanong sa kanya ni Lian.

"Hindi ba kayo nagsasawa sa isa't-isa? Maghiwalay naman kayo paminsan minsan, aba. Tsaka walang maiiwan dyan sa bata."

Tiningnan ko si Baby Timo na naglalaro ng buhangin. Tapos tinawan ko si Lian.

"Edi umalis kayo. Wag na kayong babalik ah. Ay, ikaw lang pala PD. Ibalik mo si Xiana kahit ikaw hindi na."

"Aba't talagang..." Lalapitan na ni PD si Lian ngunit pinigilan ko.

Nagpaalam muna kami kay Direk BS bago umalis.

"Nasabi na ba ng manager mo?" PD said after he took a sip of his coffee.

"Ang alin po?"

"Yung tungkol sa commercial project niyo ni Chander."

"Sa KYT?" I'm talking about the Top 1 clothing line in Asia. Matagal na sa'min sinabi ang tungkol sa project na yun kaso palagi nalang napo-posphoned. Tandang tanda ko pa kung gaano ako ka-excited ng araw na sabihing makakatrabaho ko sa isang commercial project si Chander na super crush ko.

"Mukhang hindi pa nasasabi sa'yo ng manager mo. I can't blame her. Tumatanda na rin siya at maraming inaasikaso sa UNQS. Anyway, itutuloy na ang project na yun. Siguradong sigurado na. In fact, pupunta kayo ng Palawan for 2 days para mag-shoot. Si L naman, luluwas siya ng Maynila dahil sa launching ng relong ini-endorse nila. Tatlong araw ang itatagal ng event na yun."

"Ah, eh kailan po yun?"

"Siguro pabalik ka palang mula sa Palawan, nasa Maynila na siya. Nabanggit ko na ang lahat kay Direk BS kaya walang magiging problema sa 1hundred Days."

So... ilang araw din kaming hindi magkikita ng boyfriend ko. Napabuntong hininga ako sa lungkot.

"PD?"

"Yes?"

"Tanong ko lang po."

PD looked at me as he waited for me to continue. Sa ilalim ng mesa ay naisara ko ang palad ko.

"What if dalawa sa mga artists ninyo nilabag ang isa sa mga rules niyo? Ano po ang possibility na mangyari?"

Ang isa kong kamay ay humigpit ang hawak sa tinidor.

"Biglang layo naman ng tanong mo."

Napasubo ako ng cake nang wala sa oras pagkakita sa pagiging seryoso ni PD. Nakakatakot talaga siyang magseryoso.

"To answer your question, kilala mo ako, Xiana. Mabait ako sa mabait. Ngunit masama akong nagagalit. At kapag nagalit ako, wala akong sinasanto. Mas pipiliin ko nang ipahiya ako ng mga artists ko wag na wag lang nilang lalabagin ang rules ko. That's what I hated most. Kung sino man ang magtangkang suwayin ang rules ko, I will make sure he or she will suffer most. Gagawin kong miserable ang buhay niya. Kung nagawa ko siyang pasikatin at paangatin, magagawa kong madilim ang buhay niya at kayang kaya ko siyang pabagsakin."

Napalunok ako. "P-parang kay Jonald."

Nanlaki ang mata ko. Sa isip ko lang dapat sasabihin iyon eh.

Tumango si PD. Still, he's serious.

Bigla akong nanlumo. Agad na naisip ko si Lian. Kinakabahan ako para sa kanya. Yung ngiti niya habang nagpi-perform at nakikisalamuha sa mga fans... yung saya niya dahil naabot na niya ang pangarap niya... lahat yun maaaring mawawala na parang bula dahil sa relasyon namin. Because we broke the last rule.