webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · โรแมนซ์ทั่วไป
เรตติ้งไม่พอ
32 Chs

Chapter 13

C H A P T E R T H I R T E E N

~**~

"Ano bang magandang regalo sa babae?"

Naghugis heart ata ang mga mata ko nang marinig si Lian na nagtanong. Nasa pool siya kasama ni Baby Timo na nasa salbabidang Spider Man habang ako nasa table lang at kain ng kain. Pero nakasuot ako ng two piece swim suit sa ilalim ng loose white sando ko at shorts. Of course, the 1hundred Days team is here.

"Bag!" sagot ko agad sa kanya. Kumuha ako ng tinapay at nilagyan ng chocolate jam. Tapos lumapit ako kay Baby Timo para pakainin siya.

"Anong klaseng bag?" tanong ni Lian nang nakatingin sa akin.

"I-send ko sa email mo mamaya." Todo ngiti ako. May gusto kasing akong bag but it's rare and soooo hard to find. Sobrang mahal pa. Well, I have this feeling na ako ang reregaluhan ni Lian. Why? We are going to celebrate our 30 days the next day! Biruin niyo yun? Nakaabot kami ng 30 days ng hindi nagpapatayan? Kaya sabi ni Direk BS we should celebrate.

"Ako, wala?"

"Oh, ayan." Sinubo ko sa kanya ang tirang sandwich ni Baby Timo.

Ang sama ng tingin niya sa akin habang nginunguya ang pagkain.

"Tara, baby, kain ka muna." Inabot ko si Baby Timo tapos binuhat. Naiwan sa tubig ang salbabida.

Sumunod sa amin si Lian. Nagugutom na siguro. Nung iuupo ko na sa upuan si Baby Timo, bigla siyang tumakbo pabalik ng swimming pool. Mabuti at mabilis siyang nahawakan ni Lian dahil kung hindi baka nagdire-diretso siya sa tubig.

"Wag ganun, Baby Timo. Malulunod ka, sige. Kapag gusto mong pumunta sa pool magpasama, ok?"

Tumango ang bata at hinila sa kamay si Lian.

"Ako na muna ang magbabantay," prisinta ni Arcel para makakain na muna si Lian.

"Ang lamig," sabi ni Lian pagkaupo sa tapat ko. Nanginginig pa siya.

Kinuha ko ang isa sa mga tuwalyang nakapatong sa bakanteng upuan tapos pinatong ko sa balikat niya. Tiningnan niya lang ako.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko. Lalong kumunot ang noo niya dahil sa inasta ko. "Oh, lasagna. Masarap yan." Sinubuan ko siya ng lasagna ng nakangiti.

Kinuha ko ang pabilog na tinapay na kulay chocolate at inabot sa kanya. "Masarap yan," todo ngiting sabi ko na lalong lumawak nang kunin niya. Pinanood ko siyang kagatin ang tinapay at ganun nalang ang ngisi ko.

Lumingon ako sa 1hundred Days team. Maraming camera ang naka-focus sa amin ni Lian at mayroon din akong nakitang isang camera man na vini-video-han si Baby Timo na nag-eenjoy sa pool.

Sa lahat ng nakasaksi sa ginawa kong kalokohan kanina, tumatawa sila ngayon. Bakit? Kasi alam nilang nilagyan ko ng ampalaya ang tinapay bilang palaman. Rem loves sweet but hates bitter. Lalo na ang ampalaya.

Tumingin ulit ako kay Lian. Nakakunot ang noo niya habang ngumunguya na halatang may kakaiba siyang nalalasahan.

"Kumagat ka pa ng malaki para lalo mong ma-enjoy ang pagkain."

Ang mokong nagpauto naman. Kumagat siya ng malaki sa tinapay. Bandang gitna na so doon mas maraming palaman.

Halos magkanda hulog hulog ako sa upuan dahil sa kakatawa nung biglang lumukot ang mukha ni Lian na akala mo kumain ng lason. Nabitawan niya ang tinapay at napaluhod sa gilid, sa damuhan at doon sinuka lahat ng kinain niya.

Ang pilya ko, I know.

Naisip ko ang kapilyahang iyan nung na-bore ako habang mag-isang gumagawa ng pagkain namin.

Kakain pa sana ako ng baked mac and cheese nang pagtayo ni Lian eh galit niyang tinawag ang pangalan ko. Binitawan ko ang hawak na tinidor at tumakbo. Nag-give way naman ang mga staffs. Muntik pa akong mapatid sa matabang wire pero tinawanan ko nalang.

Impit akong napatili nung nahuli ako ni Lian. Nasa likuran ko siya. Niyakap niya ako sa bewang at binuhat tapos hinagis sa pool.

"Mommy!" sigaw ni Baby Timo ang huli kong narinig bago bumagsak sa ilalim ng tubig.

Pag-ahon ko, hinanap ko si Lian pero hindi ko siya nakita. Lumangoy ako papunta kay Baby Timo. Ngunit may humawak sa paa ko kaya napalubog ako sa tubig. Sa ilalim, nakita ko si Lian. Kumaway pa siya habang nakahawak ang isang kamay sa paa ko. Hinila niya ang paa ko ng malakas kaya napunta ako sa kanya. Nakahiga na ako sa tubig at ramdam kong lalo akong bumabagsak. Tingin ko kaunti nalang mararamdaman ko na ang tiles sa likod ko.

Tinulak ko si Lian na nasa ibabaw ko. Kakapusin na ako ng hininga! gusto kong isigaw sa kanya yan pero as if naman makakapagsalita ako sa tubig.

Hinawakan ako ni Lian sa balikat at hinila paangat. Hindi ko alam pero nung pag-ahon namin pareho, nakayakap ako sa batok niya. At hingal na hingal ako dahil matagal din akong nagpigil ng hininga sa ilalim ng tubig.

"Ano, buhay ka pa?" nang-aasar na tanong niya. Inihilamos niya ang palad niya sa mukha ko kaya nabawasan ang tubig dito.

"Bwisit ka talaga!" asik ko sa kanya.

Tumawa lang siya. Pumunta siya sa likuran ko tapos pumasan sa akin.

"Hoy, Lian! Ang kapal naman talaga ng mukha mo, umalis ka dyan!"

Imbis na gawin ang sinasabi ko, lalo pa siyang yumakap sa akin.

Hindi naman siya mabigat dahil nasa tubig kami. Pero kahit na! Ako dapat ang pinapasan niya.

Lumubog ako sa ilalim ng tubig saka tumambling ng pabaligtad. Inalis ko ang pagkakayap niya sa akin. There, nabitawan niya ako.

Pag-ahon ko, pinunasan ko ang mukha ko.

"Aalis na po ako. Susukatin ko na po ang damit para sa ball," paalam ko kay Direk BS.

Tumango lang siya.

"Anong costume mo?" tanong ng sumulpot na si Lian.

"Tinker bell," nakangiting sagot ko sa kanya. "Nabalitaan ko kasi na magpi-Peter Pan si Chander."

GSB network will celebrate its 100th year. At magkakaroon ng ball na isa sa mga sponsor ay Disney kaya required ang lahat na magsuot ng anumang Disney characters. All the celebrities were invited. This will gonna be a mega party.

I know na si Wendy ang partner ni Peter Pan. Pero duh? Para akong nagpangbahay lang kung siya ang gagayahin ko. OK na si Tinker Bell. Maganda na sexy pa. Lols.

"Magba-backless ka? Di ka kaya pulmonia-hin?"

Natawa ako sa sinabi niya. "Ikaw, anong costume mo?"

"Wala pa kong naiisip."

Napasinghap ako. "What? Ilang araw nalang ball na."

Pero kunsabagay, kahit the day after tomorrow siya magpaggawa ng costume pwede. Yun ang nagagawa ng money and fame.

"Sige na, mag-aayos na ako. Bantayan mo ng maigi si Baby Timo," bilin ko sa kanya.

Nilapitan ko si Baby Timo at hinalikan siya sa pisngi bago ako umalis ng pool.