webnovel

BREAK THE WORLD(Living Is Dying) BOOK 2 of Hunting Kendra[ FILIPINO]

BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA Genre:Vampire/Werewolf SYPNOSIS NAGMULA sa angkan ng mga Bampira sina Halls, Oreo at Zain. Lumaki sila na busog sa pagmamahal sa kanilang ina na si Kendra, kalahating Bampira at mortal. Habang ang ama naman nilang si Timothy ay kalahating Lobo at Bampira. Naging matiwasay ang mga taon na nagdaan para sa pamilya nila sa mundo ng mga tao. Matapos na maganap ang pagkawasak sa tagong mundo--- ang Acerria. Kung saan nanirahan dati ang mga lahi ng Bampira, Lobo at mga naagnas na nilalang kung tawagin ng mga mortal ay Zombie. Ngunit sa pagdaan ng mga taon ay nagkaroon ng malaking digmaan sa kabilang mundo. Kaya upang sa ikalawang pagkakataon ay tuluyang mawasak ang Acerria. Nakaligtas sina Kendra at Timothy, ngunit sa kasawiang palad ang lahat ng nilalang sa Acceria'y tuluyang nakasama sa pagkaguho. Sa mga lumipas na taon ay muli silang bumangon, hindi nila hinayaan mabalewala ang sakripisyo ng ina ni Timothy; ang huling may purong dugo ng Bampira. Ngunit iyon ang inaakala nila... Dahil isang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Pangyayaring kasugpong ng nakaraan. Nakaraan na siyang hahabol sa kanila sa kasalukuyan. Muling dadanak ng dugo sa magkabilang lahi sa mundo ng mga mortal. Na magiging dahilan ng pagkasawi nina Kendra at Timothy. Paano kung sa pagkawala ng mga magulang ay ang siyang pagdating ng bagong nilalang na magbibigay sa kanila ng ibayong pag-asa. Ngunit paano kung ang natitirang pag-asa na iyon ay tuluyang mawala at mapalitan ng 'di matatawarang pighati. Pighati na siyang wawasak sa mundong kanilang ginagalawan. "Dugo at laman ng banal ang siyang papawi sa lahat ng sakit, hanggang wakas upang bigyang daan ang bagong sibol na mundo..."

Babz07_Aziole · แฟนตาซี
Not enough ratings
17 Chs

CHAPTER FOURTEEN

NAG-UMPISANG magpulong ang nakakataas na mga Banal, hingil na rin sa mag nagaganap sa mundo ng mga tao. Alinsunod sa kanilang batas, nararapat na maparusahan ang mga may sala.

Tahimik lamang nakikinig si Grimmo, maski ang kabiyak nito'y nanatili lamang nakatungo.

Nasa harapan nila ngayon ang Amang lumikha sa lahat. Dalawampu't isa silang nakaupo. Hinihintay nalang nila ang  magiging desisyon.

Makaraan ang ilang sandali'y tuluyan nitong inianunsyo ang naging desisyon. Bagama't wala parin naman pagbabago sa naunang panukala.

Biglang napatayo si Cloefe mula sa kinauupuan nito.

"Ama,h-hindi maari... a-ang anak ko. Para mo ng awa kahit siya lang. Huwag mo ng isali si Herriena pakiusap."pagmamakaawa ng babae.

Ngunit unti-unti na ang paglalaho ng makislap nitong liwanag, tandang paalis na ito.

"Ipagpatawad mo Cloefe, ngunit ito lamang ang kaya kong gawin at ang nararapat. Mas mainam na iyon para wala ng mahirapan pa at para sa ikatatahimik ng lahat. Nagbigay na ako ng sapat na panahon, pero muli niyang inulit ang kasaysayan. Huwag kang mag-alala magiging maayos ang lahat pagkatapos..."kasabay ang paglalaho na nito ng tuluyan sa kanilang harapan.

Naiwan silang natahimik sa mga lumipas na sandali...

KASALUKUYANG pabalik na sina Oreo at Oleene sa malaking mansyon nang walang anu-ano'y nakaramdam ng kakaiba sa paligid ang dalawa.

Bigla-bigla ang pagdidilim ng paligid maski ang amoy ng kapaligiran ay nagmistulang amoy ng nabubulok na karne.

Walang anu-ano'y isang dumadagundong na kulog kasabay ng pagkidlat ang naghari sa malawak na kalangitan, bigla ang pag-iiba ng temperatura sa buong kapaligiran.

"Oreo! A-Anong nangyayari?"katal ng pangamba ang mariringgan sa tinig ni Oleene.

Bigla itong napayakap sa binata na nanatiling  nakaalalay sa kanya. Nasa mukha rin ng binata ang labis na pagtataka.

Isang tili ang namutawi sa labi ni Oleene ng biglang magsulputan pagapang ang mga nilalang na naagnas sa mga bitak mula sa ilalim ng lupa. Kung saan nagkaroon ng malalaking bitak dahil sa sunod-sunod na pagyanig.

Biglang napadako ang mga mapupulang mata ni Oreo sa direksyon papunta sa mansyon. Ginamit niya ang kakayahang makarinig buhat sa malayo, naringgan niya ang mabibilis na mga yabag paroon sa kanila.

Sigurado siyang papunta na sina Zain sa kinaroroonan nila.

Ngunit biglang nakaramdam ng kaba si Oreo, kasabay ng mabilis na pagbuhat niya kay Oleene. Mabuti nalang at maliksi siyang gumalaw, maang lang siyang nakatitig sa isang direksyun. Patuloy lamang ang paggapang at pagdami ng mga Zombie sa paligid, maski mula sa 'di kalayuan ay ramdam niya ang presensiya ng mga bampira at taong Lobo na  nagpiyepiyesta na sa mga mortal mula sa ibang panig na lugar.

Napakuyom ng kamao si Oreo, naisip niya na marahil ang lalaking kaharap nila ay ang nagpadala sa mga nilalang na kasalukuyang sumisira sa mundo ng mga tao!

"Oreo.."anas ni Oleene. Pinakatitigan niya lamang si Oleene. Hindi niya aakalain mapapaaga ang pagdating ng araw na iyon.

Halos gustong manlumo ni Oreo sa takot na nakalatag sa mukha ni Oleene, walang anu-ano'y masama lang tinitigan ng binata ang ama ni Hailey.

Alam niyang hindi naman siya ang talagang pakay nito... Kung 'di si Oleene!

Nag-umpisa itong maglakad patumbok sa kanila, maski ang mga zombie ay nagmadali ng gumalaw. Naikuyom niya ang kamao kasabay ng pagtatagisan ng ngipin niya.

Isang sulyap ang ginawa niya rito, bago niya dinala si Oleene sa matayog na puno. Kitang-kita niya ang paglandas ng luha sa mga mata nito ng mapagtanto nito marahil ang gagawin niya.

Isang mapait na ngiti ang pumunit sa labi ng binata... unti-unting pinagana ni Oreo ang kakayahan niyang burahin ang lahat ng alaala nila sa isip ni Oleene.

Ngunit kaakibat niyon ang hindi matatawarang pighati sa sistema niya. Isang mabini at maliksing halik at haplos na puno ng pagmamahal ang ginawa ni Oreo.

Kasabay niyon ang biglang pagkagupo ng dalaga sa kawalan.

"I'm sorry Oleene, mahal na mahal kita paalam... mahal ko."huling bigkas ni Oreo.

Tuluyang naglaho ang katawang lupa ng dalaga sa kanyang harapan, kasabay naman ng pagbuwelta niya pasugod kay Lerryust....

Isang suntok ang sumapol sa mukha ng binata upang tuluyan itong sumadsad sa basang lupa.

Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng ulan mula sa madilim na kalangitan, na maski ang buwan ay tuluyang nagtago.

Agad na tumayo si Oreo,muli isang sipa ang  pinakawalan ni Lerryust sa pagkakataong iyon ay nakailag ang binata.

Maigi niyang pinakatitigan ang kaharap sa pagkakataong iyon ay dumaan sa gunita nito ang senaryong matagal na niyang batid na magaganap.

"Handa ka na ba sa magiging kahinanatnan mo sakali sa aking mga kamay!"walang pagsidlan ng kagalakan ang mababakas sa tinig nito.

Mahigpit niya lang naikuyom ang sariling kamao. Alam niya na ito na ang hangganan ng lahat-lahat, kung saan ang magiging wakas at pag-usbong naman ng bagong sibol na daigdig.

"H-Hindi kita mapapayagan sa binabalak mo Lerryust. Dahil isa lamang ang siyang maaring kumitil sa akin. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko."Walang kaabog-abog na sabi niya bago umisang hakbang upang makaisa ito sa matandang Alpha.

Mabilis na humaba ang matutulis niyang kuko, maski ang mga pangil niya'y naglitawan. Lalong nangibabaw ang kislap ng mapupulang mata ng binata.

Ngunit sa pagkagulat niya'y agad siyang nanigas sa kinaroroonan. Ramdam niya ang pinong kirot,sakit at hapdi na nagmumula sa mga kuko ni Lerryust na tuluyang bumaon sa kanyang dib-dib.

Oo kalahating bampira at lobo siya, ngunit nasa dugo at laman niya pa rin ang pagiging mortal.

Napaigik siya ng tuluyang ibaon at butasin nito ang dib-dib niya at hilahin palabas ang puso niya.

Napayuko at napasadlak sa mga sandaling iyon si Oreo, unti-unti niyang nararamdaman ang paggapang ng init sa bawat himaymay ng katawan niya.

Ngunit bago magdilim ang lahat sa binata'y nakita pa niya ang pagsaksak ni Eleezhia kay Lerryust sa banal na punyal kung saan sa isang kisap mata'y tuluyang naging abo ang matandang Alpha.

Agad ang paggulong ng puso ng binata sa lupa, agad iyong pinulot ni Eleeziah.

Mabilis niyang pinagana ang kapanyarihan, sa isang kumpas sa hangin ay nawalang parang bula ang mga zombie at taong lobo maski ang mga bampira na pumapalibot sa kanila.

Unti-unti siyang lumapit kay Oreo na nanatili lamang hindi gumagalaw sa mga sandaling iyon.

Tuluyang inilabas ni Eleezhia ang banal na bato, dahan-dahan niya iyong inalis sa pagkasabit sa kanyang leeg. Agad niyang ikinabit sa mismong hawakan ang banal na bato sa punyal na may basbas ng Ama ng lahat.

Isang malungkot na paggawi muna ang ginawa ni Eleezhia sa bilog na Buwan na malayang nakatanglaw sa kanila.

Nanalangin siya sa nakatataas, na patnubayan siya nito at sa mga gaganapin pa niyang kinakailangang tapusin niya.

Dahan-dahan niyang itinaas ang punyal isasaksak na sana ng dalaga ang hawak ng isang bulong ang naulinigan niyang umalpas sa bibig ni Oreo.

"Huwag mong papabayaan si

Oleene, Eleezhia. Mawala man ako ng tuluyan ay mananatili pa rin ang pag-ibig na sa kanya ko lamang natagpuan."

Isang tango ang ginawa ni Eleezhia.

"Salamat..."mahinang usal ng binata.

Mayamaya'y tuluyang binalot ang kalahating bahagi ang buwan ng pulang liwanag.

Nanatili lamang nakatitig si Eleezhia sa naging abong binata matapos nga niyang itarak ang hawak na punyal.

Tanging ang puso ng binata na lamang na biglang tumibok ang naiwan.

Bigla siyang bumaling sa kanyang likod kung saan lumitaw doon si Zain, habang nasa bisig nito si Oleene.

Isang mabining simoy ng hangin ang dumampi sa kanila, ramdam pa rin nila ang presensiya ni Oreo.

Maski ang tunog ng hangin ay tila tinig ng binata na patuloy sa pagbulong sa ngalan ni Oleene...