webnovel

BREAK THE WORLD(Living Is Dying) BOOK 2 of Hunting Kendra[ FILIPINO]

BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA Genre:Vampire/Werewolf SYPNOSIS NAGMULA sa angkan ng mga Bampira sina Halls, Oreo at Zain. Lumaki sila na busog sa pagmamahal sa kanilang ina na si Kendra, kalahating Bampira at mortal. Habang ang ama naman nilang si Timothy ay kalahating Lobo at Bampira. Naging matiwasay ang mga taon na nagdaan para sa pamilya nila sa mundo ng mga tao. Matapos na maganap ang pagkawasak sa tagong mundo--- ang Acerria. Kung saan nanirahan dati ang mga lahi ng Bampira, Lobo at mga naagnas na nilalang kung tawagin ng mga mortal ay Zombie. Ngunit sa pagdaan ng mga taon ay nagkaroon ng malaking digmaan sa kabilang mundo. Kaya upang sa ikalawang pagkakataon ay tuluyang mawasak ang Acerria. Nakaligtas sina Kendra at Timothy, ngunit sa kasawiang palad ang lahat ng nilalang sa Acceria'y tuluyang nakasama sa pagkaguho. Sa mga lumipas na taon ay muli silang bumangon, hindi nila hinayaan mabalewala ang sakripisyo ng ina ni Timothy; ang huling may purong dugo ng Bampira. Ngunit iyon ang inaakala nila... Dahil isang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Pangyayaring kasugpong ng nakaraan. Nakaraan na siyang hahabol sa kanila sa kasalukuyan. Muling dadanak ng dugo sa magkabilang lahi sa mundo ng mga mortal. Na magiging dahilan ng pagkasawi nina Kendra at Timothy. Paano kung sa pagkawala ng mga magulang ay ang siyang pagdating ng bagong nilalang na magbibigay sa kanila ng ibayong pag-asa. Ngunit paano kung ang natitirang pag-asa na iyon ay tuluyang mawala at mapalitan ng 'di matatawarang pighati. Pighati na siyang wawasak sa mundong kanilang ginagalawan. "Dugo at laman ng banal ang siyang papawi sa lahat ng sakit, hanggang wakas upang bigyang daan ang bagong sibol na mundo..."

Babz07_Aziole · แฟนตาซี
Not enough ratings
17 Chs

CHAPTER FIFTHEEN

ISANG haplos ang naramdaman ni Hailey sa kanyang pisngi. Nakita niya ang nakangiting mukha ni Halls.

Titig na titig ito sa kanya, hindi naman na bago sa kanya ang ganoong gawi nito sa kanya. Na kahit ilang dekada man at panahon ang maging pagitan niya sa edad ng binata'y hindi iyon naging hadlang para mahulog ang loob ni Halden sa kanya.

Bata pa lamang ay lihim na siyang sumubaybay sa pamilya nito.

Naalala niya ng minsan magtungo siya sa munting bahay ng mga ito kung saan unang beses siyang matagumpay na makalapit.

Kitang-kita pa ni Hailey ang pagpasok ng tatlong paslit sa loob ng pamamahay ng mga ito.

Nasa itaas siya ng isang matayog na puno, kung saan siya nakadapo. Gamit ang kapangyarihan ay nagbalat-kayo siya bilang paniki.

Sa mga sandaling iyon ay papalubog na ang araw. Ilang minuto na lamang ay kakalat na ang kadiliman sa buong paligid.

Gamit ang mga matang namumula'y nasusubaybayan niya ang mga galawan sa loob ng kabahayan. Maski ang mga ingay at pag-uusap ay naringgan niya sa mga sumunod na sandali.

Bigla'y isang napakalungkot na eksena ang nasaksihan niya sa mga sandaling iyon, kasabay ng pagdungaw ng maliwanag na Buwan. Kung saan tuluyan na itong binalot ng pulang liwanag.

Saksi siya sa mga naganap, sa murang edad ng batang si Zain ay nakita lang naman nito sa harapan kung paano mawalan ng buhay sina Timothy at Kendra.

Kung paano kitliin ng mga Galilea ang Ama't ina nito.

Sa huli'y naging isang matigas na kahoy ang dalawa, na kahit sa mga huling sandali ng mga buhay nina Kendra ay nakita niya mismo kung gaano kamahal nito sina Halls.

Awang-awa siya sa tatlo, ang balak niyang paglapit sa mga ito'y biglang naudlot ng makita niya mismo ang nilalang na hindi niya aakalaing makikita sa mga tagpong iyon...

"Hailey, okay ka lang ba?"Takang-tanong ni Halls.

Bigla namang napakurap ang dalaga, kasabay sa pagbabalik ng isip niya sa realidad ay kasabay ng pagtango. Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ni Hailey.

Napansin ng dalaga ang pagdampot ni Halls sa kanyang damit. Matapos nitong iabot sa kanya ang mga kasuutan ay agad na rin itong nag-ayos ng sarili.

Nang tuluyang maisuot ni Hailey ang damit ay malaya na munang pinaglakbay ng dalaga ang mga mata sa likuran ng binata.

Biglang nakaramdam ng pagkalungkot si Hailey sa mga oras na iyon, kaya hindi na niya napigilan na yakapin mula sa likuran nito si Halls.

Napaharap ang binata rito, isang masuyong haplos at puno ng tigib nang pagmamahal ang ipinaramdam ng dalaga sa kayakap.

Bigla-bigla'y naroon ang pagnanais niyang yakapin ang binata.

Pakiramdam ni Hailey ay may magaganap na hindi maganda.

"Oh napapano ka?"Tatawa-tawang tanong ni Halls sa dalaga.

Lalong humigpit naman ang yakap ni Hailey dito. Mabilis na hinayon ng binata ang kalangitan kung saan mabilis na ang pagkalat ng dilim.

Naramdaman din ng dalawa ang malalakas na pagyanig sa bawat sandali na lumipas.

Hanggang sa natunghayan ng dalawa ang mga sumunod na pangyayari. Kung saan sa isang iglap sinakop ng nakakakilabot na tanawin ang kapaligiran ng mga gumagapang na zombie palabas sa mga bitak.

Maski mga naglalakihang Lobo at mga bampira'y naglipana sa buong lugar.

Naging mabilis ang pangyayari, kasabay ng paghiwalay nila mula sa pagkakayakap ng bawat isa. Mabilis na nagpalit ng anyo ang binata, mula sa anyong tao'y naging malaki siyang Lobo.

Si Hailey naman ay dinuble ang bilis at liksi sa mga sumunod na sandali.

Isang matinis na pito ang ginawi ni Hailey upang kusang gumalaw ang mga puno sa paligid. Maski ang hangin ay kusang sumunod sa kanya, sa isang kumpas ng mga kamay ni Hailey ay nakabuo siya ng matayog at malakas na hangin. Halos higupin paloob sa hipo-hipo at ibato sa iba't ibang parte ng kagubatan ang ilang mga Zombie, bampira at Lobo na malapit sa kanila.

Dinig na dinig ng dalawa ang mga natirang kalaban, ang mababalasik na huni ng mga bampira at Lobo na sumasabay sa mga panaghoy ng mga mortal na walang awang pinagpapaslang ng mga ito.

Halos gusto nilang manlumo ngunit pinairal ng dalawa ang patuloy na lumaban.

Amoy na amoy na ang nakakaliyo at nakakasulasok na amoy sa buong kapaligiran dahil na rin sa mga napaslang at nagkalat na katawan ng mortal at iba pang nilalang.

Isang tili ang umalpas sa labi ni Hailey ng dambain at sagpangin ng isang malaking Lobo ang likuran niya.

Agad niyang dinakma ang balahibo nito sa may leeg at inihampas niya ang katawan nito sa lapag.

Agad ang pagtimbuwang ng dalaga sa lupa pagkatapos, mariin siyang napapikit ng maramdaman nito ang nakakaliyong pakiramdam na bumaybaybay sa kanyang buong katawan.

"Hailey!" Sigaw ni Halls, agad ang paglapit ng binata matapos na mapatumba nito ang kalaban.

Agad na niyang isinampa si Hailey mula sa kanyang likuran. Mabilis na siyang tumakbo papunta sa direksyon ng malaking mansyon.

"Hailey kapit ka lang, m-magiging okay ka ulit."pagbibigay ng assurance ni Halls.

Ngunit katulad ng nangyari noon ay nanatiling tahimik lamang ang dalaga sa mga sumunod na sandali.

Habang tahimik lang siyang nanakbo, muling naggitawan ang mga tagpong nasa balintataw ni Hailey kanina. Kung saan niya natunghayan kung ano talaga ang totoong naganap sa kanila noong mga umeedad lima pa lamang sila nina Zain at Oreo noon.

Akala niya nanaginip lamang ang kakambal niya noon.

Ang inakala rin niya'y namamalikmata lang siya dati, na mula sa inosenting kaisipan ay hindi totoong naganap ang nakita niya noon.

Na tanging ang malikot niyang isipan lamang nagmula iyon.

Dahil sa panahon na iyon ay nakita niya mismo si Hailey. Nakita niya mismo kung paano pinayapa nito si Zain at burahin ang mga alaalang may kaugnay sa dalaga...

Nang makarating sila sa malaking mansyon ay agad na niyang inihiga ang dalaga sa malambot na kama. Patuloy lang sa pagmamalabis sa kanyang pisngi ang masaganang luha. Mapait siyang ngumiti habang patuloy niyang hinahaplos ang mainit-init ng balat ng dalaga.

"Hailey stay with me please, k-kahit sa huling sandali lang."puno ng pagsusumamong pakikipag-usap ng binata sa dalaga.

Sa sobrang pagkahapo,kawalan ng tulog at pahinga sa mga nagdaang gabi'y tuluyang ginupo ng antok si Halls.

Biglang napamulat mula sa pagkakatulog si Halls, mabilis niyang kinapa si Hailey sa kama ngunit sa pagkagulat niya'y wala doon ang dalaga.

Mabilis niyang inilinga ang sarili para hanapin ito, isang marahan na pagbuntong-hininga ang ginawa niya. Kasabay ng masigla at maluwang na ngiti.

Agad ang ginawa niyang paglapit sa dalaga na nanatili lamang nakatayo sa bintana, habang malaya pa rin itong nakatunghay mula sa labas kung saan naroroon pa rin ang bilog na buwan.

Agad ang ginawang paglapit ni Halls, marahan niyang idinantay rito ang ulo sa balikat nito kasabay ng mahigpit niyang pagyakap sa dalaga.

"A-Akala ko'y iniwan mo na naman ako Hailey, akala ko mawawala ka na sa akin,"madamdaming pahayag ng binata sa dalaga.

Unti-unting iniharap ni Hailey ang sarili sa kanya.

Naramdaman ng binata ang pagdampi ng mga palad ni Hailey sa magkabila niyang pisngi.

Ramdam niya sa haplos nito ang pagmamahal, pagsuyo at init?

Nakaramdam ng kakaibang damdamin mula sa kaibuturan ng kanyang puso si Halls muling bumangon ang kaba sa dibdib niya. Ang muli niyang pagsasalita'y biglang naudlot dahil sa bigla paghaplos ng hinlalaking daliri ng dalaga. Kitang-kita niya ang pagkaasam nitong mahalikan siya.

Maski man siya'y ganoon din ang nadarama, ibaba na sana ng binata ang mukha sa dalaga para tuluyan nang magpang-abot ang kanilang mga labi.

Ngunit mabilis siyang pinigilan ni Hailey. Ang balak niyang pagtatanong ay agad na nawaglit dahil sa kasunod na sinabi ng dalaga.

"Bago ang lahat, gusto kung humingi ng patawad sa lahat Halls, sa ginawa ko. Lalong-lalo na sa ginawa ng aking Ama. D-dahil..."

Ngunit, mabilis na ang ginawang pagpigil ni Halls sa mga sasabihin pa ng dalaga. Agad ang ginawang pagdampi at paghalik ni Halls dito.

Naroon ang pagkasabik, pangungulila at pamamaalam. Sa pamamagitan ng isip sila'y nag-usap at nagkaintindihan.

Inihingi ni Hailey ng patawad ang ama nito sa ginawang pagpatay ng Ama niyang si Lerryust sa mga magulang nito at kay Oreo.

Dahil kung hindi sa kanya'y buhay pa sana ang mga magulang ng mga ito, na hindi sana dadating sa puntong mas lumala ang sitwasyon ng kanilang lahi sa Ama ng lumikha sa lahat.

"Naiintindihan ko,"sagot ng binata matapos nilang mapagsaluhan ang isang matamis na halik.

"I love you Hailey, nagpapasalamat ako at nakilala kita."anas ng binata habang patuloy na pinagsasawa ni Halls ang mga mata sa mukha ng dalaga.

Napatango-tango naman si Hailey, kasabay ng pagdaloy ng mga butil ng luha sa magkabilang pisngi ng dalaga.

Sa unti-unting pagtakip ng ulap sa Buwan ay ang tuluyang pagkagising sa katotohanan ng binata...

ISANG paghugot ng malalim na hininga ang ginawa ni Halls matapos siyang magising sa pagkakatulog.

Agad niyang hinagilap si Hailey ngunit sa pagkagulat niya'y tanging ang suot nitong damit ang naiwan sa kama lamang.

"Hailey, s-stop hiding. Hindi na nakakatuwa!"Sigaw ng binata. Ngunit nanatiling walang sagot ang dalaga.

Sa pagpihit niya'y nabungaran niya si Zain at Eleezhia.

"Oras na Halls,"deklara ni Eleezhia.

Hindi alam ni Halls kung ano ang tamang dapat sabihin dito. Nanatili lamang siyang nakatitig sa kaharap.

Isang sulyap muna ang ginawi ng binata sa kama kung saan naroon ang natirang kasuutan ni Hailey.

"Huwag kang mag-alala nasa mabuting kamay na si Hailey."

Napapikit si Halls saka nagpatango-tango.

Tuluyan na itong nahiga pagkatapos.

Itinaas na ni Eleezhia ang matalim na banal na punyal.

Malaya munang pinakatitigan ni Eleezhia ang payapang mukha ng kakambal ni Zain.

Agad ang pagtalikod ng binatang si Zain.

Mahigpit na niyang hawak ang patalim ng bigla'y nagsalita si Halls, kalakip ng tinig at mga salitang kahit na kailanman ay hindi malilimutan ng dalaga.

"Patawad Dyosa Herriena, siguro nga mali ang nagawa ng isa mga kalahi namin. Ngunit ang masasabi ko lang, kailanman ay hindi magiging mali ang magmahal. Lalo't parehas din ang nararamdaman namin sa isa't isa. Sana kung mapapangkinggan niya, balang-araw ay muli ko sanang makasama si Hailey. K-Kung ipapahintulot niya."

Paglaon nanatili lamang siyang nakatitig sa mukhang payapa ng binata. Habang tangan niya sa kabilang kamay ang tumitibok na puso ni Halls.

Mayamaya'y unti-unting lumambot at naging abo ang katawan ng binata. Hanggang sa tuluyang tangayin ng hangin ang abo nito mula sa labas.

Nanatili lamang na nakatunghay sa bilog na buwan si Eleezhia. Nasa maganda nitong mukha ang habag.

"Patawad Halls ngunit tanging ang Ama ng lahat lamang ang makakapagpasiya. Wala sa akin ang desisyon, patawad d-dahil heto na ang huling panahon na kayo'y mabubuhay pa..."