webnovel

Book of You and I

She's an independent girl. Hindi niya alam kung sino ang totoong pamilya niya, may Nanay Ester nga siya pero hindi ito nagtagal sa kanya. Yes! She's alone since she was 12 years old. She's working so hard to keep her life. Until the day of her highschool life. There was someone, bothering her simple life. Taong bumago sa simpleng pamumuhay niya. Akala niya trip lang ito ng lalaki. Pero noon lang pala may lihim na pagtingin na ito sa kanya. There's a happy moments together with kilig factor, na akala niya friendly lang talaga ito. Pero hindi niya alam there's a reason na pala behind that all. May hint siya. Pero hindi niya pinansin ito kasi hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari, aside sa bata pa ito, hindi ito pwedeng mangyari dahil alam niya siya lang ang masasaktan kung pakikinggan niya ang puso niya. Until the day na, tulad ng napapanood natin sa pelikula o nababasa sa libro. Hindi mawawala ang kontra bida. There was a girl change her thought dahil umaalig-aligid ito sa lalaki. Then she realize. Mahal niya ito. Hindi niya kayang mabuhay na wala ito. Oo, mahal niya ang lalaking bigla na lang pumasok sa buhay niya. She do everything, para kausapin ang lalaki. But its too late. She's late. Someone get him from her. Mababalik pa ba niya ang dating masayang pagsasama nila kung alam niyang hindi na ito pwede?

perfectlydifferent · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
21 Chs

WALANG HIYANG KAIBIGAN

" Hoy, nagtatrabaho ka pala sa bakeshop?"tanong ng kausap ko dito sa line para sa flag ceremony. Sa totoo lang hindi kami naka linya ngayon, hindi pa kasi nagsisimula kaya nakikipag-usap muna kami dito sa mga kapwa classmates namin.

"Ahh Oo, since 12 years old ako nagtatrabaho na ako doon." Sagot ko.

"Ok"respond niya naman. Tumigil siya sandali. "Ouh ang bago nating katabi sa line!"mahinang sigaw niya sabay turo sa bagong dating. Ano?bagong katabi namin sa line? Kaya ba may bakanteng linya sa right side namin? Their face are not familiar to me until I see Tria. Tria? As in, SSC? OMG, ito ba ang tinutukoy ni Kasper kanina? Speaking of Kasper saan na ba ang kakambal niya? I mean si Jasper?. Gagawin ko sana siyang taguan, para hindi ako makita ng jerk na paparating. Ang taas niya rin kasi at ako hanggang shoulder lang yata niya. B where are you?. Nagpaalam ako sa kausap ko at nagsimulang hanapin si Jasper.

Bakit wala siya? Bahala na nga. Baka kung maghahanap pa ako sa kanya makita pa ako ng jerk na Kasper iyon. Pupunta nalang ako sa unahan, sigurado naman ako na hindi si Kasper mapunta sa unahan ang taas naman kasi ng jerk na yun. At saka malapit na magsisimula ang flag ceremony kaya safe na ako. I really hope so.

So, nandito na ako sa unahan nang may biglang humila sa kamay ko.

"Arrrayyyy" Who is this? Nakapikit kasi ako ngayon kaya hindi ko nakita kung sino to. Ayaw ko kasing makita ang jerk na iyon. Kaya sana wala akong mabunggo. Pero panigurado akong hindi ito lalaki, the way kasi humawak at ang haplos ng kamay niya sa wrist ko parang babae. Kung sino ka mang humila sa akin, panira ka lang sa plano ko at lagot ka talaga sa akin. Pumunta nga ako sa harapan para makatago pero ngayon, ahhhhhh!!!! wala na akong takas nito.

Tumigil siya sa paghila. Kaya binuksan ko ang mata ko. Wala naman na akong magawa kasi nandito na ako sa sitwasyon na ito, kaya wala na akong mapagpilian pa. Nandito kami sa pinakalikod, malayo masyado sa ibang estudyunte. Hindi naman kasi kami naka linya.

"Tria?" Oo si Tria ang humila sa akin. Nakuuu... Mabuti nalang kaibigan kita kundi magagalit na talaga ako.

"Hi May, kumusta?"pagbati niya.

"OK lang naman ako. Bakit mo ba ako hinila?"tinanong ko na siya kaagad para magkaalaman na.

"Eh kasi best friend kita, syempre gusto kitang makatabi sa line kahit medyo malayo. At you know mataas ako kaya sa likod ako."paliwanag niya. Oo nga naman. 5'3 ft yata siya, samantalang ako 5 ft lang. Matataas naman ang mga classmates ko kaya pwede akong pumwesto sa unahan.

" Aww ok!, by the way bakit ba kayo nalipat ng linya?"tanong ko sa kanya.

"Ahh kasi nilipat kami ng classroom, hindi mo ba alam? Magkatabi na kaya tayo ng classroom, so bale nasa left side kami sa inyo" Sagot niya. Kaya siguro nandoon si Kasper sa 3rd floor kanina.

"Huh? Talaga, so saan ang faculty room?" Tanong ko. Ehh sa left side kasi sa amin ang faculty room.

"Nag-exchange lang naman kami ng room." Sagot niya. Nag-exchange? Bakit hindi ako na-inform.

"Ahh.. Bakit daw?" tanong ko. Bakit nga ba? Ano naman kaya ang dahilan?

"Hindi ko rin alam, pero sabi nila dahil daw sa mga medyo matanda na nating mga guro, baka mahirapan silang umakyat at baka umaga palang pagod na pagod na sila. Kaya mas better."sagot niya. Owww... Oo nga naman. Sigurado ngang mahihirapan sila.

"Eh bakit kayo? pwede naman ang ibang section, diba?"tanong ko pa. Oo nga naman, pwede naman ang iba. Bakit sila pa?.

"Ewan ko wala namang sinabi, pero para sa akin, ok narin yun para maka-ehersisyo narin kami tuwing umaga, you know."sagot niya. Oo nga naman, pero kailangan naman ng lahat ng tao ang pag-eehersisyo. Hindi lang naman sa mga nag undertake ng sports, whatsoever.

"Oo nga naman. Pero bakit kailangan kayo ilipat ng line tuwing flag ceremony?pwede naman siguro manatili nalang kayo."tanong ko. OMG bakit ko ba siya tinanong ng ganoon?baka isipin niyang hindi ko gusto na makatabi siya sa line. Kumunot ang noo niya.

"Hindi mo ba ako gustong makatabi sa line?"tanong niya with sad face or some kind of disappointment. Yumuko siya. Patay! ayokong mawalan ng kaibigan. Ang bibig ko kasi, kahit ano-ano ng sinasabi. Nakasakit na ng feelings tuloy.

"No, no no no!!!"sabi ko sabay hawak sa balikat niya. Tumingin siya sa akin. "Sorry Tria, nadulas lang ang dila ko kaya nasabi ko yun. Promise wala akong intention na sabihin yun. At, syempre gusto kitang makatabi sa line kahit malayo." Yung asungot na Kasper lang naman ang hindi ko gusto makatabi sa linya. Speaking of asungot, sana hindi niya ako makita. Kung makita niya ako, eh! Ano naman. Act normal self. Tumingin siya sa akin saka ngumiti.

"Talaga?" Tanong niya.

"Oo naman. Best friend kaya kita."sabi ko at ngumiti. Hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi. That's my friend.

"I love you best friend"sabi niya sabay yakap ng matindi.

"I love you too."hindi parin nawala ang pagkayakap niya sa akin. Until I hear a voice of a boy in my back.

"Hi baby"ang boses niya hindi naman pamilyar. Sino kaya ito?baka BF ni Tria. Mmmmm... Bakit hindi niya sinabi?.

"Tria? Sino siya? May boyfriend ka na ba?"tanong ko sa kanya. Siya kasi ang kaharap, syempre magkayakap kami at nakatalikod ako, so siya ang kaharap nito.

"Wala"sagot niya.

"I'm talking to May"sabi pa ng boses ng lalaki. Who? Me? At sa likod ko pa talaga siya nagsalita, palagi naman. Wait, baby? So its means.

"Boyfriend mo pala si Kasper? Ehhh sabi ko na nga ba, diyan din kayo parating"sabi ni Tria at halatang ngumiti siya, sa boses niya kasi. As what I expected. Yung asungot talaga.

"Ano?"Umalis ako sa pagkayakap kay Tria. Anong pinagsasabi niya.

"I mean hindi, hindi ko siya boyfriend. Kung meron man hindi siya noh at hindi ko kailangan ng boyfriend."sagot ko sa kanya. Eh!!totoo naman. Humarap ako kay Kasper. Wala na talaga akong takas nito.

"Jerk! Anong kailangan mo?"sabi ko. Kumunot ang noo niya. Jerk naman talaga siya.

"At huwag mo nga tawaging jerk si Kasper. Halatang in love ka naman."sabi ni Tria na katabi ko ngayon. Ano daw in love ako sa kanya? Naku never. Ngumiti si Kasper. Eww asa siya.

"Anong in love ako sa kanya. Hindi nga siya ang ideal boyfriend ko noh!!!! Kaya never ko siya magugustohan."sabi ko. Ngumiti lang sila dalawa.

"Anong hindi ako ang ideal boyfriend mo? Gwapong-gwapo ka nga sa akin."sabi ni Kasper.

"Ano?"gwapong-gwapo ako sa kanya?

"Yan pala eh, huwag ka ng magkaila pa May."sabi ni Tria na nakangiti.

"Ano?bakit naman ako magkakaila. Ehhh totoo naman."nagulat silang dalawa. "Totoo na hindi siya ang ideal boyfriend ko." depensa ko sa sarili.

"Ehhh"sabi ni Tria.

"At saka ikaw pa nga ang nanligaw sa akin."dagdag ni Kasper.

"Ano? Ako ang nanligaw?!!!!"sigaw ko. Mabuti nalang walang nakarinig, you know medyo malayo kami sa iba at hindi naman masyadong malakas ang pagsigaw ko. Ano ba ang nakain ng jerk na toh? Sira ba siya? Oo nga pala sira na siya noon pa. Anong ako ang nanligaw.

" O MY GOSH, hindi ko akalaing magagawa mo yan May. Di bale, kinilig naman ako."sabi ni Tria sabay lagay ng dalawang palad niya sa makabilang dulo ng cheeks niya.

"Ano?kilala mo ako Tria hindi ko yan magagawa" Tumabi si Tria kay Kasper. Hindi ko akalaing mas kampi at mas naniniwala pa siya sa jerk na yan.

"Soossss.... Malay ko ba nagbago ka na. Huwag ka ng makaila May. Gwapo naman talaga siya."sabi ni Tria sabay kurot sa cheeks ni Kasper, ngumiti lang siya. Ehhh ano naman kung gwapo siya, pangit naman ang ugali.

"Ehh ikaw siguro may gusto sa kanya, may pakurot-kurot ka pa diyan."sabi ko sabay ngiti. Baka nga gusto niya si Kasper. Malay ko ba.

"Ano?."tanong ni Tria na nagtataka. Ngumiti lang ako. "Nagseselos!!!"sigaw niya sabay turo sa akin.

"Ano?"sigaw ko. Tumawa lang si Tria habang si Kasper ay ngumiti lang, siguradong masaya siya ngayon sa nangyari dahil mas kumampi pa si Tria sa kanya laban sa bestfriend niya. "Bakit naman ako nagseselos?"dagdag ko pa. Tumatawa parin si Tria at si Kasper nakangiti parin. Anong nakain nila?

"OK students form in-line now"nagsalita bigla ang isang guro sa harapan. Nabigla ako dun ah. Nabigla rin yata silang dalawa, napatigil rin kasi sila. Sa wakas.

"Sabay tayo mamaya May."sabi niya sabay hawak sa balikat ko.

"Ok"sabi ko. Akmang aalis na siya ng biglang napatigil siya bigla.

"Oopppss sabay pala kayo ni Kasper. Sasabay nalang ako nila beshyyy. At saka ok lang hindi tayo katabi sa line. Ok na ok!."dagdag pa niya. Saka nagform in-line na sa line nila.

" Ano?"naparami na yata ang pagsabi o pagtanong ko ng ANO?, anong nangyari?. At kasabay kami ni asungot?asa siya. "Tria!"tawag ko sa kanya.

"Bye May" sigaw niya. Mag form in-line narin siguro ako. Akmang aalis na ako nang biglang may humakawak sa balikat ko. Si asungot pala.

"Ano?" Tanong ko. ANO na naman. Hindi na yata mawawala sa bibig ko ang 3 letters word na ito. Duh... Whatever. Pansin ko lang, ngayong medyo closer na siya sa akin, may pasa pala siya sa kanyang labi?. Hindi naman malala. Anong nangyari?baka nakipag-away siya. Ewan, bahala na nga. Pake ko ba?. Masama ang tingin niya sa akin ngayon. Anong nangyari?. Kanina lang, may ngiti-ngiti pa siya.

"Mag-usap tayo mamaya. Lagot ka sa akin."sabi niya na parang galit, saka umalis na siya. Galit yata siya. Ano naman ang ikagagalit niya?. May pangiti-ngiti pa nga siya kanina. Problema niya? Duh whatever.